Friday, December 31, 2004

Year End Report

I'll post my Year End Report next week. Utang muna 'to. It's hard to recall everything that happened in 2004 :P

Thursday, December 30, 2004

Anniv Kwento

4th Wdg Anniv Cake


Ang bilis talaga ng panahon. Naalala ko nung first night namin ni Labs -- pagtapos ng reception sa QC tuloy agad kami sa Ortigas para mag-videoke gimmick kasama ang college tropa (kala nyo kung ano na ikukuwento ko 'no? hehe). Hanggang 4am ata kami sa Ortigas. Pagbalik namin sa hotel tulog agad kami sa sobrang pagod. Kinabukasan tanghali na kami nagising at balak naming umuwi muna sa bahay. Aba at walang gustong mag-sakay sa amin na taxi. Finally, may nagsakay rin sa amin. Ayun at binalita ni Manong na may simultaneous bombings pala sa Metro Manila (yung LRT bombings). Wala kaming kaalam-alam sa mga pangyayari *ngeks* Napaka-memorable ng aming 1st day 'no?

Anyway, we celebrated our 4th wedding anniv yesterday. It was a very simple celeb and yet very meaningful. For the past three years it's been our anniv tradition to have our dinner at Crystal Jade. In 2002 & 2003 we had it at Crystal Jade Suntec City. For this year we had it at the Takashimaya branch. Si Kenkoy, sensing the occasion (we guess), panay ang offer ng toast... panay toast naming tatlo... kaaliw!


Wdg Anniv Gift

On our way out of the mall I couldn't miss the calendar stall. The Calligraphy & Letter Art 2005 Calendar caught my eye and Labs "gladly" (??) bought it for me *big grin* The calendar present four fonts to practice & learn. It's pretty exciting to become skilled at calligraphy. It would be perfect for my scrapbooking :)


Orchard Rd Dec 2004

Then we strolled along Orchard Road. And we just let ourselves be mesmerized by the blinking lights, Christmas decors & Christmas trees that move in synch with Christmas music. It was relaxing. Everything was just right for us & this might sound a little cliché-ish but true enough –- Together is simply the best place to be!

Last of all, we had our traditional blowing out candles on our anniv cake.

That's it, pancit! I told you nothing spectacular happened. It was a simple celeb and yet meaningful -- just like what we wanted it to be :)

Wednesday, December 29, 2004

Apat na taon na po kami

First Anniv Greeting that we received (posted on NAW-SG Forum at 12:17am)...

HAPPY ANNIVERSARY, LABS & LITCOO!!!
Uuuy! 4 years na! Pwede nang sundan si Kenkoy! he he he he ......


(Lit Coo: Nyahaha! Hwag po muna... di pa kami ready *wink*)

Wish you another year filled with more love and joy to share with each other.


(Lit Coo: Thanks a lot for the nice wish normanengina.)


More Anniv greetings...

* Happy Anniversary!!! wishing you more happy years to come. -steph & family

* Happy, happy wedding anniversary! Wishing you more years ahead! May you keep the passion and commitment alive! Have a wonderful celebration! Best Regards, TESSA

* Happy Anniv! -She & Chris

* Happy Anniversary! God bless you! -Soox

* Happy Anniversary! 4 wonderful years na! Ang bilis ano? Wishing you more years together. Regards, Alex, Bea, Diego & Lia

* Happy Anniversary!!! cheers,Vanj & Dan

* happy anniversary, more happiness and god bless you and ur family always. hugs,shirley

* Happy Anniversary -Kiko

* Happy 4th Year Anniversary!!!! from Mike & Ai

* Happy Anniversary... May your marriage and family be blessed with love and care always. God Speed. Ellen

* hapi anniv sa inyo! -Ronnie

* Happy New Year and Belated Happy Anniversary. I wish you all the best this new year. -Rose


Thanks a lot to everyone who greeted us on our special day (esp to Cata, hee hee)!

Anniv Kwento to follow...

Monday, December 27, 2004

A Moment of Silence for Asia Quake's Victims

A very disheartening news this festive season. Our prayers are with their families.

http://story.news.yahoo.com/news?tmpl=story2&u=/ap/20041226/ap_on_re_as/indonesia_earthquake

Sunday, December 26, 2004

Christmas Kwento

Merry Christmas

Dec 23. Sa wakas nakabili rin ako ng gift para kay Labs, yipeeeee! Salamat sa Diyos at hindi naman instant coffee ang nabili ko, hehe! Buti naalala ko may Php savings account pa nga pala ko sa Pinas. Ngayon na lang ata ulit ako makakapag-regalo kay Labs ah. Sarap din ng feeling. Napa-isip tuloy ako kung ilang Pasko pa ang pwedeng abutin ng savings account ko, hahaha! Dapat na ko maka-diskarte ng pagkakakitaan, hee hee!

Dec 24. Nagawa ko rin Christmas card para sa boss ni Labs. Ngayon lang din kami nakapag-kodakan para sa traditional family pic na pinapadala namin sa mga kapamilya at kaibigan kasabay ng aming Christmas greeting.

11pm nasa simbahan na kami. May mga batang nag-perform bago magsimula ang Misa. At si Kenkoy eh gusto pang maki-perform kasama ng mga bata. Masaya ang Misa... at maganda ang songs ng choir. 130am natapos ang midnight Mass kaya 2am na kami nakapag-Noche Buena at kasunod na rin nun ang pagbubukas ng gifts.

Simple lang ang niluto ko –- salmon teriyaki. Gumawa rin ako ng chocolate coated flakes. Dapat sana may stir fried veggies pa pero di na kami nakapag-groceries eh. Sayang bagay na bagay sana sa salmon teriyaki. Di bale, next time na lang. Tapos bumili na lang kami ng honey glazed pork ribs, cake, ice cream, peach tea & apple juice... ok na ok na ang simpleng Noche Buena namin. Kanta kami saglit ng birthday song for Kuya Jesus tapos kainan na :)

Masaya ko nagustuhan ni Labs ang gift kong Hush Puppies brown leather slippers. Hula nya raw ay shoes ang gift ko pero slippers pala... mas gusto nya raw yung slippers :)

Si Kenkoy fave nyang natanggap na gift ay
Barney in Outer Space VCD from Meg. Higit kumulang eh nakaka-20 times na nyang paulit-ulit na napanood ang video. Grabe, umiiyak pag tinigil ang video. Nasasabayan na nya agad yung mga bagong kanta. Na-memorize agad dahil walang humpay nga ang video. Nakalimutan nya bigla ang Sound of Music.

Side Kwento: Sumasabay na rin si Kenkoy sa pagkanta sa Misa. Kakatuwa at nakisabay sya sa Glory to God at sa Alleluia kanina. Kaunting panahon na lang at matutupad na pangarap ni Labs na maisali sa choir si Kenkoy :)

Gift naman ni Labs sa akin ay
sizzix (nasa wishlist ko) & The 8th Habit by Stephen Covey (surprise gift). Actually, di ko pa nga nababasa yung The 7 Habits of Highly Effective People pero 8th Habit na itong pinapabasa ni Labs, hwehehe! Pero maganda yung book... interesting... mukhang marami akong matututunan. Sana matapos ko agad basahin.

4am na kami natulog at 11am naman kami nagising. Christmas Day sa bahay lang kami. Sarap magpahinga. Tawag muna kami kina Labs... tagal namin kausap sina Mama, Kuya at Ate... lagpas 1 hour. Pag tapos tawag naman kami sa bahay... tagal ko rin naka-usap sisters ko at si Mommy... lagpas 1 hour din. I was expecting na reunion sa bahay namin kasi nga umuwi si Tito N. Naku at Christmas Eve pala sila nag-reunion. Di man lang ako tinext *kainis* Di naman ako tumawag ng Christmas Eve at nasa simbahan pa kami hanggang 130am. Hayyy! Na-miss ko tuloy. Sana narinig ko man lang ang ingay at saya nila sa bahay. Di bale, tawag na lang ulit ako sa New Year’s Eve.


Sa kabuuan ay masaya ang Pasko namin. Mas masaya at mas meaningful ang Pasko namin ngayon kesa nung 2002 & 2003. Dec 2002 kasi na-operahan si Labs. Last year naman eh mas naging busy ako sa pagpi-prepare ng birthday party ni Kenkoy kesa sa Kapaskuhan. Ngayong taon ay masaya... masaya talaga!

Happy Birthday ulit Kuya Jesus!

Friday, December 24, 2004

Si Kenkoy at si Labs

Kwentong Kenkoy. Nang mapadaan kami kanina sa isang Lingerie Store sa Ngee Ann City sabi ni Kenkoy “O look! Niiiiiiceeee!”

Susmio! Maaga pa ata ako magkaka-apo *wink*

Kakulitan with Labs. May pinapanood kaming Japanese animé kanina ni Labs. Nang mag-commercial eh tinugtog ang “Don’t Worry, Be Happy”...

Lit Coo: Ayoko yang kantang yan. Nasuya ako dyan ng mauso yan dati.
Labs: LSS ba?
Lit Coo: Oo. Pati yung isang kanta... yung... yung...
Labs: Yung Wind Beneath My Wings?
Lit Coo: Yeah. How’d you know?
Labs: Eh 10 yrs mo na yang kinukwento sa akin eh.

Nyahaha! Malapit na nga pala kaming mag-celebrate ng 10th bf-gf anniv namin, weeeeeeeee! At 10 yrs na rin palang paulit-ulit ang mga kwento ko, hahaha!

Thursday, December 23, 2004

Pagkanta, Pagdasal at Paglalaro ni Kenkoy

Nagsimula nang makisabay sa pag-kanta si Kenkoy, yehey! Dati rati kasi kami lang ang paulit-ulit nyang pinapakanta at nakikisabay lang sya sa actions. Pero nagulat kami kagabi at nasasabayan na nya kami sa pagkanta. Malamang epekto na rin ng Sound of Music (ang favorite nyang panoorin ngayon). Minsan nakaka-dalawa o tatlong ulit sya ng Sound of Music sa isang araw. Kaya ayun memorize na nya ang mga eksena. Sana nga magtuloy-tuloy ang pagkahilig ni Kenkoy sa musika :)

(pahabol: tinanong ko nga pala agad si Labs kung nasa tono ba si Kenkoy, hehe! Ako po kasi ay tumutula lang... kaya nanalangin talaga ko na sana kay Labs magmana si Kenkoy pag dating sa kantahan. Sabi naman ni Labs eh nasa tono raw si Kenkoy. Sana nga.)


Kagabi rin bago naman matulog... prayer time. Sabi ko “Okay, it’s time to pray.” Tapos sinimulan na naming mag-sign of the cross. Eh hawak hawak ni Kenkoy yung Mickey Mouse stuffed toy nya, sinabihan ba naman yung toy nya “O Mickey Mouse, you pray.” Sabay pinapa-sign of the cross si Mickey Mouse. Eh labu-labo naman yung pag sign of the cross nila ni Mickey kasi hindi pa kabisado ni Kenkoy, hahaha! Kakatuwa din pag nag-thank you si Kenkoy kay Kuya Jesus tapos kasunod ang pag-greet ng Happy Birthday, hee hee!

Nung Linggo naman sinamahan ulit namin si Labs sa Turf City. May problem kasi sa client nila kaya nag-debug si Labs. Hayun habang nagta-trabaho si Labs eh punta muna kami ni Kenkoy sa playground. Pansin ko lang ako lang ang magulang na sunod ng sunod kay Kenkoy. Yung ibang magulang naka-upo lang sa malayo at pinapanood ang kanilang mga anak sa paglalaro. Eh yung ibang bata nga mas matanda pa si Kenkoy pero mag-isa nang naglalaro. Ba’t ganun? Bakit ako di ko kayang iwan si Kenkoy? Paano kaya mae-explore ni Kenkoy ang mundo nya? Kaya naman ng umakyat-akyat ni Kenkoy. Kaya na rin nyang mag-slide. Pero natatakot pa rin akong iwan syang mag-isa. Feeling ko ang liit-liit pa nya. Baka di sya mapansin ng mga bigger kids eh kaunting kabig lang eh matutumba agad si Kenkoy. At mataas-taas din ang babagsakan nya kung mangyari man yun. Ayokong i-ignore ang fears ko. Kasi the last time I did that nahulog si Kenkoy sa carousel. Moving carousel ha! Ayoko sanang iwan mag-isa si Kenkoy nun pero sabi ng friend ko iwan ko na raw. Isip ko naman baka nga kaya na ni Kenkoy. Baka over protective lang ako. So hinayaan ko na. Kaso nangyari ang kinatatakutan ko. Nahulog nga :( Di ko naman masisi yung kaibigan ko dahil nasa akin naman yung huling desisyon kung iiwan ko nga si Kenkoy o hindi. Wala namang nangyaring masama kay Kenkoy. Bukol lang na nawala rin agad. Sa behavior eh normal naman si Kenkoy. Kaso nga lang ngayon eh di ko pa rin kayang iwan si Kenkoy. Darating din kaya yung panahon na kaya ko ng hayaan ang anak ko? Sana naman. Lalaki pa naman. Sana matutong dumiskarte sa buhay.

Wednesday, December 22, 2004

Torete

Wala pang final menu for Christmas... gagawin pa gift for Labs.

Mamamalantsa pa... linis pa ng cr & bathroom.

Gusto ring laging magbilang, magsulat, magkipagkantahan, makipagsayawan at magbasa ng libro kasama si Kenkoy.

Gusto ring mag-Smallville at CSI marathons kasama si Labs.

Dami ring gustong isulat at ikwento... dami pang pics na gustong i-layout... at shempre pa, gusto ring matulog ng matagal.

Hayyyyy... daming dapat gawin... daming gustong gawin... sana sana magawa ko lahat :)

Tuesday, December 21, 2004

Pagmumuni-muni

Sa panahon ngayon mahirap maging isang maybahay “lang”. Pero pilit ko pa ring binibigyan ng pagpapahalaga ang aking sarili. Pilit ko pa ring tinitingnan ang buhay sa mas masayang anggulo. Ngunit sadyang may mga pagkakataon nga ata talaga na ipaparamdam ng mundo na ganito “lang” ako. Napapa-isip na naman tuloy ako... Ganito nga lang kaya talaga ko? Ginawa ko nga kayang walang saysay ang buhay ko? Wala na nga kaya akong ginawang tama? At kung saka-sakaling kayang mawala na ko sa mundo masasabi kaya ng mga mahal ko sa buhay na minahal ko nga sila? Ang daming katanungan pero hindi ko alam ang kasagutan. Subalit eto pa rin ako... tuloy ang buhay... pinahahalagahan ang sarili... mas pinipiling maging masaya... at umaasang sana mapahalagahan din ako ng iba.

Sunday, December 19, 2004

N@W-SG Christmas Party

NAW-SG Family

Yesterday, our NAW-SG family had a Christmas party at Thomson 800 Multi-Purpose Hall.

We had lumpiang sariwa, lechong paksiw, morcon, rellenong bangus, chopsuey & rice plus braso de mercedes for our dessert *yummy*


EXCHANGE GIFTS. Shempre pa we had our traditional agawan exchange gift. The mechanics of the game (as explained by Tessa):
1) First person gets to choose a gift (wrapped). She opens it and shows it to everybody.

2) Second person could opt to get the 1st person's gift or open another gift.
3) The same thing happens to the third person.

Supposing person x steals the gift of person y, person y has an option to steal a gift from anybody (except the one snatched away from her) or open a new gift. One more thing, the gift can only move around for 3 times.

We didn’t end up with the gift that we like. We snatched the fleece blankets from Chie but Alex snatched it from us *hmmmp, hehe* Pero ok lang... we took pleasure naman in watching how the gifts moved. And sarap din ng feeling na yung gift namin eh isa sa napag-agawan :)

GAME. I also enjoyed the game wherein hubby & wifey must have similar answers. As expected Labs & I lost! But we got 5 correct answers out of 9... pretty good result compared to what I imagined, hee hee!


We got points on these Qs...
1. Who is hubby’s fave cartoon character?

Labs & Lit Coo: Superman

2. What is the color of hubby’s toothbrush?
Labs & Lit Coo: Blue

3. How long did hubby court wifey?
Labs & Lit Coo: 10 months
(NOTE: but it was on-off... Labs had second thoughts ata eh, haha)

4. What is hubby’s dream car?
Labs & Lit Coo: None

5. Who is wifey's Singapore Idol?
Labs & Lit Coo: Sylvester Sim

And we didn’t get these...
1. What was the initial impression of wifey’s parents on hubby?

Labs: Mabait
Lit Coo: Ok (read: not bad but I forgot the exact impression... tagal na kasi... early '90s pa)

2. What is hubby’s fave food?
Labs: Kare-kare
Lit Coo: Adobo

3. What is the birthdate of wifey’s mom?
Labs: May 14
Lit Coo: May 22

4. When was the last time hubby said "I love you"?

Labs: Last night
Lit Coo: Kanina

(NOTE: Magka-iba ng sagot, haha! Sabi ni Labs kala nya raw gabi pa kasi madilim pa... eh 6am na kaya yun, hehe)


Lastly, we had the usual photo shoots.

Sayang lang Kenkoy didn’t enjoy the party that much. He was cranky because he has mouth sores and it bleeds from time to time. But he’s fairly ok now compared to his condition for the past two days. We hope he gets totally healed soon.


Thursday, December 16, 2004

Happy Birthday Mama

Did general house cleaning today. I’m exhausted but I just have to write this...

I am particularly happy to have been blessed with a superb mother-in-law. She always makes me feel I’m a princess. She doesn’t meddle in our family affairs thus we never had an argument. She’s also sweet in her own way. I’ll always treasure those nights that we spent together exchanging stories until the wee hours of the morning... hanggang sa antukin na kami pareho... at ang topic “lang” namin --- who else but Labs :) And today is Mama’s special day... it’s her 70th birthday. Happy birthday Mama!

In relation to being a princess, soon I’d be lone princess no more. Labs’ eldest brother will get married in June. I don’t know why I feel this way. Tipong ang tagal kong bunso tapos malapit na ko magkaron ng kapatid... parang ganun. A friend of mine told me that I’m selfish. Am I? Hmmmm... maybe... but only in this instance.

This day is certainly special. Kenkoy, surprisingly, counted off to 14. Pansin ko lang di talaga dumadaan sa paunti-unti si Kenkoy... madalas swift transitions. Gugulatin na lang nya kami na alam na pala nya. And he times it perfectly like he had his first steps a day before my 30th birthday then today he started counting on Mama’s 70th birthday :)

Tuesday, December 14, 2004

Samu't saring Kwento

DP. Kaka-text lang ni Labs. Thank God at approved na raw DPs namin ni Kenkoy. Answered prayer ulit. Salamat po Lord!

Ring Bearer. Last week nag-text naman Kuya ni Labs. Kukunin daw nyang ring bearer si Kenkoy sa kasal nya in June. Dalawa na ang naka-sked na pag-aabayan ni Kenkoy... on June 12 at San Agustin Church & on June 19 at San Sebastian Church. Dalawa agad Barong ni Kenkoy ;) Kaka-excite kasi first formal gathering ito na pupuntahan namin as a family. Scrapbook moments 'to, hehe! Sana lang maglakad mag-isa si Kenkoy. Iniisip ko baka kasi magulat sa laki ng mga simbahan sa Pinas tapos madami pang tao kaya baka biglang mahiya (na wag naman sana). At saka ano kaya isusuot ko? Di ata ako sanay maghabol ng bata na naka-dress ako, hwehehe!

Gift-giving dilemma. Nagtanong ako dati kung ano kaya maganda i-regalo kay Labs sa nalalapit na Pasko at sa mga special occasions namin hanggang V-day. Eto sagot ng isang kaibigan...

7x occasions.... teka lang ha at nag-iisip ako....eto na, may naisip akong solution sa problema mo.......subukan mo kayang magbigay ng 2x 3-1 coffee sachet at 1x plain sachet nacoffee lang....wag na wag mong gagawing 3x 3-1 kasi para na sa 9x occasions yun....magiging masyado ka ng galante nyan.....at sana natulungan kita sa iyong problem......

(Lit Coo: wala lang.. kakulitan lang, hehe)


Kakulitan with Labs. Kaninang umaga...
Lit Coo: Ang lamig na ng simoy ng hangin 'no?
Labs: At kay saya ng bawat damdamin.

(Kakulitan lang ulit :P)

Monday, December 13, 2004

Unang Hirit

Iba’t ibang kwento…

SANTA CLAUS. Few weeks ago pinag-iisipan ko kung i-introduce ba namin ang Santa Claus concept kay Kenkoy. Ngayon may sagot na ang aking katanungan. Nung Sabado nagpunta kami sa Turf City. May life size dancing Santa Claus na naka-display. Since naka-costume si Santa at ang laki nya pa eh natakot tuloy si Kenkoy. Kanina binigyan kami ni Fr R ng Santa Claus figurine. Naku! Ayaw lapitan ni Kenkoy, hahaha! Di na ko pinahirapan ni Kenkoy... ayaw nya kay Santa... matipid talagang bata, hwehehe!

WEDDING RING. Kanina sa tagal namin sa queue ng taxi sa Ngee Ann City eh napansin ko yung wedding ring nung local na nasa harap namin...

Lit Coo: Ang ganda nung wedding ring nya 'no? Isang bato lang... ang simple.
Labs: Eh di mas maganda yang wedding ring mo. Mas simple kasi walang bato.

Nyahaha! Iba talaga humirit 'tong mister ko. Hindi ko inexpect yung sagot na yun. Shempre love na love ko naman yung wedding rings namin pero nagandahan lang talaga ko sa wedding ring nung babae. Eto namang si Labs eh kala nainggit ako *asus*! Pero napatawa nya ko dun, hehe! Naalala ko tuloy yung sagot nya sa tanong ko na "Pano ba nalalaman ng guys na fake ang boobs ng isang babae?" Grabe, tawa ko ng tawa sa sagot nya. Literally, I was rolling on our floor laughing. Di ko na ikukwento at isa sa inside jokes namin yun (Pero nakwento ko na kay Cata... CATA, tahimik ka lang dyan ha? hehe)

SI TITO N. Tinawagan ko mom ko nung Saturday. Sabi nya umuwi daw yung Tito kong Pari from Africa (nakalimutan ko kung anong country… basta sa Africa :P). Kakatuwa talaga si Lord. Eto may bagong reason na naman S'yang binigay sa akin para ma-excite ako sa nalalapit na bakasyon namin sa Pinas. SVD Missionary si Tito N. Dati sa Argentina sya then Brazil tapos ngayon sa Angola (Angola nga ata itong huli… di ko talaga maalala, hehe). Bihira syang maka-uwi ng Pinas. Minsan 4 yrs… minsan 5 yrs bago sya magbakasyon sa Pinas. Pero lagi nyang tinataon ang uwi sa Kapaskuhan. Masaya lagi ang Pasko namin pag nasa Pinas si Tito N. Naalala ko mga bata pa kami tapos sumunod na uwi nya teenagers na kami… tapos pagbalik nya ulit nag-asawa na yung ibang pinsan ko… at yung huling uwi nya in Dec 2001 may-asawa na rin ako at preggy na ko. Tuwang-tuwa ako kasi tuwing may Misa sya sa bahay namin eh may special prayer para sa baby ko sa Prayers of the Faithful part ng Misa. Touched talaga ko kasi lagi nyang naaalala ang baby ko (at ako na rin siguro, hee hee). This year walang nakakaalam na uuwi sya ulit. Nag-email daw sya sa kin pero wala naman akong natanggap :( Anyway, masaya talaga ako at nasa Pinas sya ngayon. Sabi ko kay Mommy na sabihin kay Tito N na antayin kami at uuwi kami sa Feb. Sana nga maka-uwi kami at sana maantay kami ni Tito N.

CHRISTMAS PROJECT. Tatlo na lang ang kailangan kong gawin at tapos na ko, yayyyyyyyy! May apat na na nagsabing na-receive na nila yung card. Happy naman ako at na-appreciate nila ang simple pero pinagpuyatan kong gawin na Christmas cards ;)

GENERAL HOUSE CLEANING. Hayyy, ang daming dapat linisin dito sa bahay. Nagpunta tuloy kami sa Ikea kanina at kailangan talaga namin ng solutions sa aming storage problems (o di ba para kong PR officer ng Ikea, hahaha). Buti naman at nasimulan ko na ang paglilinis at sana matapos ko bago mag-Pasko. Pero nasermunan na naman ako ni Labs. Gabi na kasi nung nilabas ko ang basura --- nilabas ko daw ang swerte (eh nagdasal naman ako bago ko nilabas yung basura... sabi ko "Lord, wag po sana kaming malasin" hehehe... pero totoo yun... nagdasal talaga ko! *wink*)

BABY BOOK. Pagtapos ng Christmas cards at general cleaning Baby Book naman ni Kenkoy ang dapat kong matapos. More or less I have 7 weeks to finish the whole album *yikessssss* The whole album will have at least 15 layouts & with my rate of 1 layout per week... yikessss talaga. My last order will arrive on Dec 20 (I think)... and super excited na ko. I'm waiting for that order before I start Kenkoy's Baby Book para kumpleto materials :D

Sya, tama na 'tong kwento ko. Matutulog na ko at ilang oras na lang eh sisikat na ang araw. Hanggang sa muling pagkukuwento ni Lit Coo. Nyt nyt!