Saturday, December 31, 2011

Spring Cleaning Q1 of 2012 (3rd Update)

Balik tanaw: Spring Cleaning Q1 of 2012 (2nd Update) blog entry.

Bedroom - check
Living room - check
Stock room - check

T&B - mamaya

Dining room & Kitchen - ihahabol before Chinese New Year


Sa mga nakarating na sa bahay namin, malaking improvement na di ba? *wink*

Ang saya-saya ko lang. Mukha ng bahay ang bahay namin. Sa dami ng spring cleaning na nagawa ko/namin, ngayon lang yung mukha talagang nalinis after maglinis. Dati rati mukha pa ring magulo ang bahay kahit anong linis ang gawin. Ngayon umaliwalas at malinis-linis na. Yipeeee!

At 1 million pogi points nga pala para kay Labs para sa paglinis ng things nya. Weeeee. Thank you, Labs! *mwah*


Thursday, December 29, 2011

RIP, Tito!

Nag-send ng message thru YM ang sister ko. Pumanaw na raw ang Tito namin. Liver cancer ang naging karamdaman ni Tito. Stage 4 na nung na-diagnose. Pumanaw sya mga 2 months mula nang malaman ang sakit.

Rest in peace, Tito. Tapos na ang po ang pain. At ika nga ni St. Francis of Assisi... it's in dying that we are born to eternal life. Masaya naman po yun di ba? Happy eternal birthday po, Tito.


Another Christmas/Wedding Anniversary Gift

Balik tanaw: Christmas/Wedding Anniversary Gifts blog entry.

Dagdag na regalo ni Labs...



Ganda... ganda. Sobrang gusto ko, Labs. Thank you.
Thank You din po, Lord :)

Post ko lang din para maalala ko pag lipas ng panahon. Sale itong dining set sa Ikea from 26-30 Dec 2011. $199 na lang. Ang usual price nya ay $369. Kaya super duper happy kami. May crush akong Ikea dining set. Ilang taon ko na inaabangang mag-sale. Ayaw bumaba ang price :( $495 pa rin. Nung na-post itong sale item sa FB news feed ko nung isang araw, tiningnan namin sa Ikea kahapon at nagustuhan naman namin. Ang ganda at ang mura pa. Great buy. Thank You po ulit, Lord :)


11th Wedding Anniversary Celebration


13 Dec 2011, nag-advance anniversary celebration kami ni Labs. Shempre pa hindi mawawala ang anniversary tradition na dadalaw kami sa Simbahan kung saan kami kinasal.


Twin Hearts, Dec 2011

At pagkatapos naming magpasalamat sa Diyos sa lahat ng blessings Niya sa amin, sa lahat nang pag-gabay Niya sa amin, at sa paghingi nang patuloy na patnubay sa hinaharap, tumuloy na kami sa Discovery Suites sa Origas Centre.

Ito yung one-bedroom suite nila.

Dining Area


Living Room


Kitchen


T&B


Bedroom

Ang ganda kaso ang bagal ng wi-fi (wi-fi pa rin eh 'no? LOL). After mag check-in, pahinga kaunti, shower then nag-dinner kami sa Rack's. Tapos from Rack's nilakad na namin papuntang Megamall. Namili kami ng ilang gifts para sa inaanak at ng washing machine as Christmas gift para sa Mommy ko. Inabot din yata kami ng past 10pm sa Megamall. Tapos lakad na ulit kami pabalik sa hotel.

2nd day ng celebration, may appointment kami sa The Spa. At manonood dapat kami ng sine. Kaso lang may date spoiler. Na-food poisoning si Labs. Bad trip talaga. Annual na nga lang kami kung makakapag-date na walang chikiting, nagkasakit naman si Labs :( Kaso wala namang magagawa. Buti gumaling din sya agad kaso wala ng time para makapag-date pa kami. Pabalik na kami dito sa S'pore.

Anyway, mamaya may anniv date ulit kami. Yun nga lang kasama na ang mga chikitings ;)

14 years na lang, silver wedding anniversary na namin. Lapit na. Saglit na lang yun. Kaka-excite.

Thank You kay Lord sa patuloy na pag-bless Niya sa aming pamilya at sa samahan namin ni Labs. Naway patuloy Niya pa kaming patnubayan. :)



Wednesday, December 28, 2011

Legoland Malaysia

Nag-post ng photos sa FB ang isang kaibigan namin. Legoland Florida. Naalala ko bigla na magkaka-Legoland Malaysia nga pala sa end of 2012. Saglit na lang yun. Yehey!

#exciting


Torete Na Naman

4am ako nagising para mamalantsa. Gusto ko pa matulog pero pinilit ko lang bumangon kasi ang daming trabaho. Mga 7am ako natapos. Natapos ko rin 3/4 ng backlog ko sa plantsahin. Kaunti na lang din sa laundry. Tapos spring cleaning pa. Whew! Unti-unti, matatapos ko rin ito ;)

Sunod-sunod pa ang okasyon -- 11th wedding anniv, New Year, Kenkoy II's 3rd bday, 17th bf-gf anniv, Chinese New Year, Labs' 39th bday, valentine's day. Tambak na naman ang backlog ko sa scrapbooking. Hayyyy!

Sana nga matapos na ang spring cleaning para makapag-scrapbooking muli :)


Tuesday, December 27, 2011

Cleaning in preparation for the New Year

Share ko lang itong article from Muji... cleaning in preparation for the new year.

Sakto sa pagii-spring cleaning ko. Hmmmm, kaya siguro feel na feel ko maglinis pag magpapalit ng taon. Tama yung nabanggit sa article... refreshed nga ang pakiramdam after maglinis. At parang ang ganda ng pasok ng Bagong Taon.

Last year naglinis din ako ng mga bandang January. At ang ganda ng Year 2011. Sana ang Year 2012 ay maging kasing ganda ng 2011 o kaya better pa. Sana po Lord. Thank You po :)


Stomach Flu

Salamat sa Diyos at magaling na si Kenkoy II :) Hindi na loose ang poop nya. Mga ilang araw na syang hindi sumusuka at mga ilang araw na rin bumalik ang magandang appetite nya. Mga 1 to 2 times naman ang pag-poop nya pero loose pa rin. Kanina lang nag-normal ang lahat. 12 days din ang inabot. Ang laki agad nang ipinayat nya :( Pero salamat sa Diyos at gumaling na si Kenkoy II. Medyo bumabawi na rin ng timbang. Nagkakalaman na ulit ang pisngi :)

Sunday, December 25, 2011

Noche Buena

Kakatapos ko lang maghugas ng pinggan at mga kaldero. Natapos ko na rin i-mop ang buong unit. Kakapagod. Pero masaya naman ang Noche Buena namin. Kami lang pamilya at ang dalawa naming flatmates.

Kwento ko lang na ang saya-saya ko dahil nabili ko ang Beyblade na gusto ni Kenkoy. Nag-promise din ako kay Kenkoy II na bibilhan ko sya ng Beyblade. Ngayon ko lang nalaman na at his age now na almost 3 yrs old ay natatandaan nya na pala ang promises sa kanya. Sabi ni Labs kanina pa raw inaantay ni Kenkoy II ang Beyblade kasi nag-promise daw ako.

Si Kenkoy lang ang kasama ko mag last minute shopping. Hirap na hirap ako maka-diskarte kung paano bibilhin yung Beyblade na hindi nya makikita. Panay pa naman ang titig nya dun sa Beyblade. Buti naka-diskarte ako hanggang sa makabayad at mabalot ko. Kaya surprise na surprise sya pag-open nya ng wrapper. Kaaliw!

Sya, paalam na muna. Maaga pa kami gigising para makapag-Simba :)


Seems Like Only Yesterday

Kagabi habang tinu-toothbrush-an ko si Kenkoy II...

Lit Coo: Kenkoy II, you're turning three. It seems like only yesterday when you were inside me... moving & kicking.
Kenkoy: Yeah. Seems like only yesterday when you were still a sperm.

Bwahaha!

At tumuloy na ang usapan namin ni Kenkoy tungkol sa reproduction. May idea na sya kasi naging topic na nila yun sa Science. Ok lang naman yung usapan namin. Walang malisya. Educational lang talaga ang usapan.


Saturday, December 24, 2011

Spring Cleaning Q1 of 2012 (2nd Update)

Balik tanaw: Spring Cleaning Q1 of 2012 blog entry.

Blog ko lang na natapos ko na rin ang Living Room namin. Yayyyy! Dining Room at ang madugong Kitchen na lang. Yipeee!













2nd batch na itatapon... old books & CDs/VCDs.
1st batch yung old toys.


Kakaiba ang panahon ko ano? Christmas pa lang sa karamihan, ako naman ay pang-Back-to-School at pang-Chinese New Year na ang activities. Hahaha!

Maaga kasi ang bakasyon namin sa Pilipinas kaya napaaga ang lahat -- mas maagang Christmas shopping, Christmas parties, reunions, exchange gifts. Pagbalik namin dito ay tapos na halos ang Christmas activities. Relax mode na. Prepare mamaya ng Noche Buena. Opening ng gifts (kaunti na lang kasi na-open na sa Pilipinas), Simba bukas at kung maganda ang panahon ay malling na din after the Mass.

Punta sana kami kahapon sa Orchard para mag-last minute shopping. May 6 gifts pa kaming dapat bilhin at para mag-grocery na rin for Noche Buena. Kaso lang malakas ang ulan at tuloy-tuloy. Ayun, binaha na naman ang Orchard. Kakalungkot. Binabaha na rin ang Orchard ngayon :(

Sya, mag-nap muna ako bago magising ang aking pamilya. Sana maganda ang panahon ngayon at bukas.

Maligayang Pasko sa inyong lahat mula sa amin nina Labs, Kenkoy at Kenkoy II :)

Thursday, December 22, 2011

Spring Cleaning Q1 of 2012

Kahapon natapos ko ang pag-rearrange ng bedroom namin. Masaya ako sa naging outcome :)

At eto naman ang accomplishment ko for today...


Natapos ko na lagyang ng plastic covers ang lahat ng books ni Kenkoy. Ready na for school year 2012 :)

Target ko namang mag-spring cleaning sa living room namin ngayon hanggang bukas. Tapos dining room sa 24 Dec. Next week na siguro ang kitchen.

Tapos may 4 loads of laundry pa ako at tambak na plantsahin. Sana maganda ang panahon para mabilis matuyo ang sampay.

Magso-sort pa pala ako ng old clothes for Typhoon Sendong victims. Nakapag-uwi na kami sa Pilipinas ng mga clothes na kinaliitan ng dalawang Kenkoy nung nakaraang uwi namin. Pero maghahanap ulit ako sa closet. Panigurado marami pang magagandang damit ang pwedeng maibahagi sa mga nasalanta ng bagyo.

Hmmm, hirap talaga ng nagbabakasyon ng isang buwan. Tambak na trabaho ang sumasalubong, hahaha!


Tuesday, December 20, 2011

Christmas Gifts 2011

Maraming maraming salamat sa mga nakaalala ngayong Kapaskuhan :) Hindi na namin inantay ang Christmas Eve. Kinailangan naming buksan ang mga regalo para mapagkasya sa maleta pabalik dito.


for Kenkoy II
Enjoy na enjoy ang dalawang Kenkoy sa Junior Marble Race. Nakakatuwa rin yung mic-o-mic toys. Naaliw kami ni Kenkoy sa pag-assemble. Para tuloy gusto kong ma-kumpleto yung mic-o-mic toy collections, haha!



for Kenkoy
Beyblade Tornado Stadium naman ang paborito ni Kenkoy sa mga regalong natanggap nya. May bike pa pala pero di pa namin nabibili. Yung gitara, si Kenkoy II ang enjoy gumamit. Nakakatuwa kasi marunong syang humawak ng gitara dahil nakikita nya sa choir. Sana may oido skill si Kenkoy II. Sana mahawa sa mga musicians sa choir.


for Labs
Galing. Magagamit ni Labs lahat 'to sa new hobby/exercise nya. Very useful :)


for Lit Coo
Yayyy, dami kong red clothes for special occasions. May pillow na rin pag magta-travel. At ang shoes, sobrang comfortable. Sakto magagamit ko sya sa paghatid-sundo kay Kenkoy II sa school.


for Lit Coo pa rin
May reading assignments ako mula sa Tita ko (haha).


para sa buong pamilya
Ang ganda nito. Ang smooth. Ang lambot. Ganda pa ng style & color. Perfect!

Ang gaganda lahat. Thank you sa mga nakaalala. Thank You din po, Lord! :)


Monday, December 19, 2011

Sendong

Nakaka-trauma naman. 2009, a day or two before our flight nagka-Ondoy. This year, a day before our flight, Sendong naman. Parehong matinding bagyo. Parehong grabe ang dami nang pumanaw at nasalanta.

Sana maging ok na ang lahat. Patnubayan nawa ni Lord ang mga nasalanta at sumalangit nawa ang mga pumanaw.

Panay din ang ulan dito. Mula nang dumating kami ay hindi pa ata tumitila ang ulan. 2 days na tuloy-tuloy ang ulan. Medyo kakaiba dahil kadalasan oras lang ang tinatagal ng ulan dito. Hindi umaabot ng isang araw. Sana tumila na ang ulan.


Sunday, December 18, 2011

S'pore na Ulit

Miss ko na mag-blog. Daming kwento. Sana maalala ko pa lahat at maisulat.

Christmas/Wedding Anniversary Gifts

Pagbalik sa Singapore ito ang nadatnan ko...


42" TV/monitor


wireless keyboard & mouse


Christmas and 11th Wedding Anniversary gifts ni Labs para sa aming dalawa (hehe). Mas lalung enjoy mag-surf. Ang laki ng monitor (para akong nasa Network Operations Centre, haha) at wireless ang keyboard & mouse.... nice!

Thank you, Labs!
Thank You din po, Lord!


Saturday, December 17, 2011

42" LED TV Update

Balik tanaw: 42" LED TV blog entry.

Dumating na ang TV. Yahoo!!! Nakakatuwa dahil nasa Pilipinas pa kami nang dumating kaya na-install at na-program pa ni Labs ang settings. Si Labs lang ang techie sa kanila kaya maigi talagang naabutan pa namin ang pag-deliver ng TV from S'pore. Ang bilis lang din ng pag-ship. Mga 2 weeks lang ata.


Friday, November 25, 2011

Bakasyon

Dito na kami sa Pilipinas. Mga isang linggo na. Utang po muna mga kwento. Mag-blog din agad ako pag may free time.

Tuesday, November 15, 2011

Plants vs Zombies Screencap 4

Balik tanaw: Plants vs Zombies Screencap 3 blog entry

Yayyyy, new personal record...

Monday, November 14, 2011

Christmas Card 2011... Done :)

Tapos na ang Christmas card for this year. Ii-scan na lang bukas ni Labs then pa-print ng few copies at shempre for emailing & posting sa FB/Yahoo Groups pag malapit na ang Pasko.

Next... gift tags naman. Ready na mga gifts. Iwra-wrap na lang sa Pinas. Yung para sa S'pore-based friends, pagbalik namin dito saka na lang mamimili. May idea na ako kung ano ang mga bibilhin. Madali na yun. Aabot pa sa Pasko ;)

Ano pa ba? Na-empake ko na ang mga pasalubong. Mga damit na lang. Mag-pack ako sa Thurs... dalawa... isa para sa Pinas at isa para sa camping ni Kenkoy. 1st camping nya from Friday night to Sunday. Sakto makakasama pa sya. Sunday night ang flight namin. Excited na ako for my 1st baby... young adult na sya ;)


Jurong Bird Park

Ang bagong-bagong bird-themed water play area. Ang pinaka-fave activity ng 2 boys ko. Ang maglaro at mag-tampisaw ;)

Birdz of Play


Isa pang enjoy... ang Kings of the Skies bird show...

vultures


owl


eagle


Isa pang enjoy... food trip naman. At ang isa sa aking guilty-pleasures -- Banana Split ;)

Ben & Jerry's Banana Split


Sunday, November 13, 2011

Labs' 1st Fun Run

First Fun Run ni Labs kanina. 7km (maigsi lang para sa mga professional runners). Pero dahil hindi naman talaga sporty si Labs eh sobrang happy ako sa new achievement/new hobby nya. Sana magtuloy-tuloy ang pag-jogging nya at pagsali sa fun runs para may exercise sya.

At sana ako rin makasali next time. Kahit dun lang sa 1.5km para kasali buong pamilya. Sabay kami nina Kenkoy at Kenkoy II na tatakbo. Ang ganda lang kanina, ang daming batang sumali. Family bonding activity.

Nainggit nga si Kenkoy kanina. Bawal sya tumakbo eh dahil sa heart condition nya. Sana dumating ang panahon na maging 100% ok na ang heart nya at magka-go signal na from his pedia-cardiologists na pwede na sya tumakbo.


Saturday, November 12, 2011

Christmas Photo Shoot 2011

Balik tanaw: Christmas Photo Shoot 2011 blog entry

Nakapagpa-picture na rin kami, yayyy! One down sa To-Do list. Ngayon, kailangan naman magawa ang annual Christmas e-card & gift tags. Whew! Dapat kong matapos bago kami umuwi sa Linggo.

Friday, November 11, 2011

No, thanks.


Lit Coo: Do you want milk?
Kenkoy II: I don't want.
Lit Coo: Do you want milk?
Kenkoy II: No, thanks.

Naks, anak, improving ang mga replies mo ah. Hehe!


Plants vs Zombies Screencap 3

Balik tanaw: Plants vs Zombies Screencap 2 blog entry

My daily dosage of PVZ *lol*


Di ko pa rin ma-beat ang record ko na 29 flags :(


Wednesday, November 09, 2011

Kiasu


First time ko maglaro ng Unblock Me. Para sa mga hindi nakakaalam, isa syang series of puzzle games. Laru-laro lang. Katuwaan. Naglaro na rin si Kenkoy. Nauna ako sa kanya tapos hinabol nya ako hanggang sa malampasan na nya ako. Eh kahiya naman, natatalo pa ako ng bata. Nakipag-compete na rin ako. Lumamang na ako. Naku po, ang magaling kong anak, nagsimula nang umiyak. Ang kiasu. Sabi ko para na syang Singaporean. Ayaw magpatalo. Singaporean naman daw sya. Dito raw sya nakatira kaya Filipino-Singaporean daw sya. Self-proclaimed Filipino-Singaporean, hehe! (Kung sabagay malapit na sya mag-10 yrs old and 4 months young pa lang sya nung nag-migrate kami dito kaya yung culture dito eh nakuha na nga nya.)

Sabi naman ni Labs, eh pagbigyan ko na ang bata. Kung gusto ko raw makipag-compete eh sya ang kalabanin ko. Ngeks! Eh di talo na ko. Ang talino kaya nya. Hehe!

Ang ending napansin ni Kenkoy na magka-iba yung puzzles na sino-solve namin. Magkaibang level. Mas mahirap pala yung sino-solve nya. Sige na nga, anak, ikaw na ang mas matalino. Hwehehe!

*****
KIASU (kee-ah-soo) Hokkien adjective literally meaning "afraid of losing".


Malling with Kenkoy & Kenkoy II


Walang pasok sina Kenkoy. Special day daw para sa mga teachers... magche-check ng test papers at siguro ifa-finalize ang report cards. Kaya naman bonding time ulit naming magi-ina. Punta kami sa Orchard. May Christmas decors na. May Christmas spirit na sa Orchard :)

Shempre pa, mawawala ba ang Happy Lemon? Hindi di ba? Hehe! Nakahiligan na rin pala ni Kenkoy ang Green Tea with Oreo Cookies & Cream ;)

Nakabili na rin pala ako ng polo shirts na isusuot ng dalawang Kenkoy para sa Christmas photo shoot namin sa Sabado :)

At ang last stop namin... sa Paragon Mall's playground. Last ito sa itinerary dahil once na dalhin ko dyan si Kenkoy II ay paiyakan na bago maiuwi. Ayun, from 6pm to 9pm kami sa playground. (Dapat talagang umabot sa closing time, anak? Hehe!) Ang maganda lang sa age ni Kenkoy II ngayon ay di ko na kailangang sumunod-sunod sa kanya. Kaya na nya ang sarili nya. Wala na ngang thrill ang slide para sa kanya. Andun, ang magii-slide na una ang ulo... nakahiga man o patalikod. Ang dali na rin para sa kanya i-sort ang colors. Panis na! Dapat na sya mag-level up ng playground. Hehe! Pero ganunpaman, super enjoy pa rin sya dun. Siguro dahil sa mga bata. Maraming kalaro.

Ang saya. 8 hrs kami sa Orchard. 8 hrs na bonding-bonding ;)


60 Degrees

Kaninang lunch time. Binigyan ko ng 2 slices of orange si Kenkoy. Ang ginawa ba naman ng bata ay pinagdugtong ang 2 slices.

Kenkoy: Papa, did you cut the orange into 6 slices?
Labs: Yes, why?
Kenkoy: I figured it out when I put these 2 slices together. So 360 degrees divided by 6... is 60 degrees. This angle is 60 degrees. (sabay turo sa angle sa isang slice ng orange)
Labs: Yes, that's correct.

Ah, hehe! Nakakatuwa itong anak ko. Naggeo-Geometry kahit kumakain ;)


Tuesday, November 08, 2011

Semestral Assessment 2

Lumabas na test results nina Kenkoy.

89.5% siya sa Math
89.23% sa English

Wala pang result sa Science.
Never mind ulit ang Chinese (hayyyy, hehe).

So happy with the results. Mababaw lang naman ako. Masaya na ako sa 89% (hehe). Seriously, masaya talaga ako dahil alam ko ang hirap para maka-89%. Kung ako siguro ang estudyante ngayon, baka hindi pa ako maka-89. Hehe!

9/10 nga pala ang score nya sa English oral exam. (Wow, anak! Ang galing mo sa Inglisan. Buti ka pa, haha! Seriously, I'm happy for you. Malaking bagay na fluent ka sa English. Malaking tulong ang nae-express mo ang sarili mo sa universal language.)

Thank You, Lord, sa tulong nyo po kay Kenkoy. Maraming maraming salamat po. Naway magamit nya sa buhay ang mga napag-aralan nya sa school.


Monday, November 07, 2011

Christmas Photo Shoot 2011

For the past 9 years, nagpapadala kami ng Christmas e-card with our current family photo. Kaya rin kadalasan ang family photo shoot namin ay pag malapit na mag-Pasko.

Today, nakapagpa-book na si Labs for our annual Christmas photo shoot, yayyyy! Nakita ko yung offer sa Groupon. Sa Sabado ako nakapagpa-set ng appointment. Sana maganda ang output.

At hindi pa pala ako nakakapili ng photos sa last photo shoot namin. Dapat bago mag-December ay na-order ko na dahil 1 year lang pwede. Procrastination na naman ako. Hayyyness!


13 days to go

... flight na namin para sa one month vacation sa Philippines.

Dami kong gustong i-blog (Labs-Kenkoy II story, Christmas shopping, ano pa ba? Ayan nalilimutan ko na tuloy agad. Hayyy!) pero ang dami ko ring dapat gawin (household chores, mag-scrap, mag-empake, prepare for Kenkoy's 1st camping).

Torete mode.


Sunday, November 06, 2011

The Art of Shopping

Twin Puma kiddie shoes for my 2 boys for $47 only :)

Natututunan ko na rin ang Art of Shopping. Late bloomer talaga ako *LOL* Madami pa akong dapat matututunan pero natutuwa ako at nakakabili na ako/kami ng good buys ngayon. Nama-maximize ko na kahit papaano ang value ng pera. Kung dati hindi ako bumibili ng branded kasi ang mahal. $50 para sa sapatos? Ang mahal nun 'no! Haha! Eto nakahanap ako ng 2 pairs of branded shoes for $47. Happy, happy, happy! Buti na lang saktong may size for Kenkoy & Kenkoy II. Aantay lang pala talaga ng sale items ;) Di kasi ako nagwi-window shopping man lang dati kaya di ko nakikita mga sale, hehe!


Saturday, November 05, 2011

Changi Terminal 3

At dahil nasa Expo na kami... kagagaling lang sa Sale... pumunta ako at ang mga bata sa Changi Terminal 3 para mamasyal. Sayang hindi namin kasama si Labs. Kailangan kasi nyang pumunta sa choir practice.

Ang ganda pala dun sa viewing mall. Parang museum. Daming matututunan tungkol sa Changi airport. Kaaliw!

At nag-dinner kami sa McDonald's gamit ang food vouchers ;) Sakto umabot pa ang vouchers namin. Deadline pala today.


42" LED TV

Nakabili na kami ng Christmas gift for my in-laws. A 42" Philips LED TV. Sale namin nabili. $699 (around Php24K). Sana matuwa ang in-laws ko. Ngayon, paano sya ipapadala sa Pinas? Hehe!

Friday, November 04, 2011

Plants vs Zombies Screencap 2

Balik tanaw: Plants vs Zombies Screencap 1 blog entry

Plants vs Zombies Screencap 1

Screencap ng latest game ko...


Pero hindi yan ang personal record ko, hehe! Naka-29 flags na ako kaso di ko na ma-beat. Kailangan makahanap ng new strategy.


Wednesday, November 02, 2011

1,000th Blog Post

Today marks my 1,000th blog post!

I love you, Blogger! Sabi ko nga sa FB stat ng isa kong cyber-friend -- "Mawala na ang Facebook, huwag lang ang Blogger." :P Natutunaw ako pag nagbabasa ako ng previous blog posts. Nagiging fresh ulit ang lahat. Para ring scrapbooking.

Sobrang love ko itong blog na 'to. Kaunti lang ang nakakaalam nitong Kakulitan, Kasentihan, Atbp... na yun din naman ang gusto kong mangyari (hehe). At kahit parang ako lang din naman ang nagbabasa ng mga kwento ko (haha) eh ok lang. Sobrang love ko pa rin ang blog na 'to.

Napapadalas din ang pag-post ko dito lately. Parang dito ko na nilipat ang tanong ni Facebook na "What's on your mind?". Dito na ako mas unang nagpo-post kesa sa FB. Unang-una, ang dami ng nasa FB list ko. 207 na. Hindi na ako comfortable mag-post nang mag-post ng trivial things. Pangalawa, ita-transfer ko rin ang FB stats ko dito. Minsan di ko na nata-transfer sa dami. Kaya naisip ko i-blog ko na lang. Tutal dito ko gusto naka-archive lahat ng kwento. Mas prefer ko rito kesa sa FB. Ok din naman ang FB kasi may interaction with friends. Nakakabalita sa kanila. Pero kung love at love rin lang naman, mas lamang talaga si Blogger ;)


Pasalubong ni Labs Part 2

Balik tanaw: Pasalubong ni Labs blog entry

Nagpasalubong ulit si Labs ng jumbo size Happy Lemon, weeeeeeeeeee! Kilig talaga ako. Happy pa kasi kusa lang nya this time. Yung una kasi request ko yun eh. Pero sobrang kilig din ako sa unang pasalubong kasi mega-effort pa sya na i-timing ang pag-order at paglakad nya sa oras ng pagdating ng bus para di matunaw ang ice. (Buti na lang may iPhone app na pwede malaman ang arrival time ng buses dito sa S'pore, hehe) At dahil nag-work nung una, meron ulit akong pasalubong ngayon. Balak ko pa naman sanang maglakwatsa sa Orchard kanina, makapag-Happy Lemon lang, haha!

Plus 1,000 pogi points ka, Labs :*


New Budget Airline

Magkaka-budget airline na para sa medium-to-long-haul flights, yayyy! Sana ito na ang magdadala sa amin sa Europe, America, Africa, Japan, Australia at New Zealand. Sana nga hindi na masyadong magastos mag-travel. Pangarap kong makita ng aking pamilya ang mundo ;)

Mababasa ang news dito -- Scoot!


Tuesday, November 01, 2011

40th Layout in 2011

Yayyyy, naka-1 layout today :) Family-themed layout sya.

I Miss You, Daddy

Ilang taon na akong hindi nakakadalaw sa Daddy ko :( May dumadalaw pa kaya sa kanya? Di bale, pag bakasyon ko sa Pinas, bibisitahin ko sya.

I miss you, Daddy. Hanggang ngayon nagwi-wish pa rin ako na sana nagkasama tayo bago ka pumanaw. Di bale, masaya ka naman siguro ngayon. Salamat at hindi mo kami pinabayaan. Salamat sa pagdarasal mo sa amin kay Lord. Siguro kaya marami akong dalangin sa Kanya na binibigay Niya kasi kinukulit mo rin Siya. Hehe! Love you po, Dad!


Hirit naman ni Kenkoy II

Kagabi din...

May inuutos ako kay Kenkoy II. Nakalimutan ko na kung ano. Basta may inutos ako sa kanya. Sumagot ng "I study." (I am studying daw.) Natawa naman ako. Marunong na mag-reason out. Nag-aaral nga naman sya. Nag-aaral syang mag-trace ng letters sa iPad2 nung inutusan ko ;)

Kulit na Hirit ni Kenkoy

May naughty talks kami kagabi ni Labs. Di naman masyadong naiintindihan ng mga bata kasi nag-aaral pa lang silang mag-Tagalog. Tini-tease ko si Labs. Natawa lang ako nang biglang humirit si Kenkoy ng "Anong problema mo, Nanay?"

Bwahaha!


Monday, October 31, 2011

38th & 39th Layouts in 2011

Sobrang saya! Naka-dalawang layouts ako ngayon. 2 months din pala akong natigil sa pagii-scrap. Sa wakas, nakagawa ulit. Five photos yung pina-print ko kahapon kaya 3 layouts pa ang pending ko for this week. At mukhang last na ngayong linggo. Next year na ulit ako hahataw. Tingnan ko rin kung makakapagpa-print ulit sa Sunday then makaka-scrap pa ako next week.

Pag natapos ko ang 3 layouts pa this week ay 42 layouts ang total ko for this year. Not bad. Pero kulang ng 10 layouts sa target kong 1 layout per week. Pero pwede na rin. Ang hirap talaga kumuha ng free time eh. Daming mga bagay na dapat asikasuhin.


Birthday Gift

Balik tanaw: Shoes blog entry

Yayyy, natanggap ko na ang nasa birthday wishlist ko...


Thank you, Labs.
Thank You din po, Lord.


Saturday, October 29, 2011

Spring Cleaning & Morbid Thoughts

Oras na namang maglinis. Kakapagod lang at medyo nakaka-dismaya. Parang kahit anong linis ko eh ang dami pa ring kalat :( Kailan kaya magmu-mukhang bahay ang bahay namin at hindi mukhang bodega? Hehe!

Pero ok na rin at naayos ko na ang important documents. Nalagyan ko na rin ng labels kung nasaan ang birth certificate ng bawat isa sa amin, ang baptismal certificate, marriage certificate, diplomas, professional certificates, awards, etc. Naka-label na rin ang health records & school records ng bawat family member. Nakaayos na rin ang insurance policies.

Mga 1 or 2 months ago, ang morbid ng topic sa forum na kinabibilangan ko. Tapos ang dami pang mga biglang pumanaw. Daming na-byuda. Fear ko pa naman ito kasi ang Mommy ko maaga na-byuda. Si Mama (mom-in-law) ay byuda rin. Kaya ayun, bigla ko tuloy inasikaso ang filing system namin. Ang gulo-gulo talaga ng papers namin kasi kinakatamaran kong linisin yun. Pero ngayon ok na. Naayos ko na sa wakas.

Ngunit hindi lang naman sa usaping pinansyal ang dagok saka-sakaling pumanaw ang kabiyak. Higit pa dun ay ang hirap sa pagpapalaki sa mga anak. Ang hirap sa pagdi-disiplina at pagde-desisyon para sa mga bata.

Pero ayoko matakot. Bahala na. Bahala na si Lord sa amin. Sana wag Niya kaming pababayaan. Sana may magandang bukas para sa aming pamilya at sa mga mahal namin sa buhay.

Sana po, Lord, sana po.


Answered Prayers

Ang weird ng panahon lately. Ang hirap pa namang sumundo ng bata pag umuulan. Pero salamat sa Diyos at dinidinig Niya ang panalangin ko. Buti na lang tumitila ang ulan tuwing dismissal time ni Kenkoy. Salamat talaga sa Diyos :)

Weird Weather

Ang gulo lang ng panahon ngayong araw na 'to. Di malaman kung uulan ba o aaraw. Ang sikat-sikat ng araw biglang uulan. Pagtapos tumila ng ulan sisikat na naman ang araw tapos uulan na naman. Ang labo!

Nitong mga nakaraang araw/linggo ay umulan naman sa kasikatan ng araw. Minsan naman maaraw pero may kulog at kidlat. Ang weird talaga.


Wednesday, October 26, 2011

Pasalubong ni Labs

I'm so, so, so happy
I've got my Happy Lemon...

Tea Latte with Oreo Cookies & Cream plus pudding.


Thank you, Labs, sa pasalubong. You're so sweet. I love you :*


Peyups.com is back, yipeeee!

2 weeks atang maintenance mode. Nakakapanibago ang new layout. Di bale, masasanay din ako ;)

Christmas cum Anniversary Wishlist

2 months na lang, 11th wedding anniversary na namin ni Labs. Ano kayang magandang gift para sa amin? Gusto ko sana ng his & hers watch set. Ayaw naman ni Labs. Parang mas gusto nya ang 32" LED TV. LED TV na lang kaya sa kanya tapos watch sa akin, haha!

4 days after Christmas ang anniv namin kaya Christmas wishlist na rin. Isahang gift na lang ;)

Wala lang. Nangangarap lang ako ng gising ngayon, hehe!


Deepavali

Deepavali ngayon. Public Holiday dito sa S'pore kaya naman nakatulog ako ng mahaba. Grabe, di na ako sanay matulog ng 8 hrs straight. Ang sakit ng likod ko. Hahaha!

*****
Ayon sa isang site sa internet...


Deepavali or Diwali, popularly known as the "festival of lights," is a festival celebrated between mid-October and mid-November for different reasons.

While the story behind Deepavali and the manner of celebration varies from region to region (festive fireworks, worship, lights, sharing of sweets), the essence is the same – to rejoice in the Inner Light (Atman) or the underlying Reality of all things (Brahman).


Tuesday, October 25, 2011

Plants vs Zombies Update 4

Balik tanaw: Plants vs Zombies Update 3 blog entry

Na-beat ko ulit ang record ko. PVZ Survival: Endless... 29 flags na ako ;)

Plants vs Zombies Update 3

Balik tanaw: Plants vs Zombies Update 2 blog entry

PVZ Survival: Endless... 27 flags na ako ;)

Saturday, October 22, 2011

Girl Bonding

Nandito sa S'pore ang tatlong ka-barkada ko nung HS. Tapos dalawa kaming based dito. Whole day kami sa Universal Studios S'pore (USS). Girl bonding talaga. Ang saya-saya. Sayang nga lang lima lang kami. 12 dapat kami para kumpleto. Kaso ang hirap na namin mabuo kasi 1 nasa US, 2 sa UK, 1 sa South Korea, 3 kami dito sa S'pore, 5 sa Phils. sa sobrang hirap naming ma-kumpleto, kaya yung 5 kami sa mini-reunion ay success na na matatawag, haha!

Cheers sa 23 yrs na pagkakaibigan namin *woot* Dapat na paghandaan ang grand reunion ng tropa sa silver anniversary. 2 yrs na lang pala. Sabay pa sa 40th birthday ko, haha! Dapat may performance ang lahat ng mga chikiting namin... 22 na pala silang lahat ;)

Side Kwento: 3rd time ko na sa USS. Sa wakas, nakasakay din ako dito...


Ang Battlestar Galactica. Pinaka-malupit na roller coaster na nasakyan ko. Yung Human nga lang (red). Kumukuha pa ako ng dagdag na lakas ng loob para sakyan yung Cylon (blue). Hehe!

At ang aabangan sa USS...


Thursday, October 20, 2011

Shoes

Sana November 01 na. Gusto ko na mabili yung crush kong Puma ladies shoes. Yun ang birthday request ko kay Labs eh. Pero sabi nya sa November na lang kaya sana November na ;)

At gusto ko ring bilhan ng ternong Puma kiddie shoes sina Kenkoy at Kenkoy II. Sana mabilhan din ;)


Wednesday, October 19, 2011

Update kay Kenkoy II

Balik tanaw: Kenkoy II's Haircut blog entry

Nagpagupit ulit si Kenkoy II kanina. Third time na nyang nagpagupit na hindi sya umiyak. Yayyyy, na-outgrow nya rin ang fear ng pagpapagupit ;) At nakahanap kami ng murang pagupitan for babies/toddlers :) $10 lang plus $0.50 para umandar yung kiddie train. Yung kiddie train kasi ang ginawang upuan sa barber shop para maaliw ang mga kids habang ginugupitan.

Diaper-free na rin si Kenkoy II sa daytime. One nappy per night na lang ang nagagamit nya. Nakatipid ng 3 nappies per day :) Unti-unti na rin syang nagwi-wiwi sa toilet pero yung poop sa potty pa rin sya.

Yun nga lang sa milk, sa bottle pa rin sya. Sana nga matuto na rin sya sa glass para sa next family trip namin in June 2012 ay mas kaunti ang luggage namin. Wala ng nappies at sana wala na ring bottles.

Nakaka-identify na si Kenkoy II ng:
letters - check
numbers 1 to 10 - check
colors - check
shapes - check
body parts - check

Nakaka-follow ng instructions. Nakakapag-converse. Diaper-free na sa umaga.
Check lahat. Ready na sya for school. Excited na ako. Mag-school na sya sa January ;)


Sunday, October 16, 2011

How old are you when you were born?

Kahapon habang nagla-lunch kasama ang choir mates ni Labs. Si Kenkoy lang ang bata.

choir mate: How old are you when you were born? (tine-test nya si Kenkoy)
kenkoy: Huh?
choir mate: How old are you when you were born?
kenkoy: 1 second old (young?).

LOL! Tawanan lahat ng nasa table.

Another smart answer, Kenkoy *thumbs up*


Friday, October 14, 2011

Geometry

Nauna na akong natulog kay Kenkoy kagabi. Pagod na kasi ako at tapos na ako sa trabaho ko. Inaantay ko na lang sya matapos sa homework.

5am ako nagising kanina para i-check yung homework at pa-plantsahin ko pa rin kasi ang uniform nya. 4 sets lang kasi ang uniform nya kaya yung pang-Friday naka-bukod ang pag-plantsa.

Laking gulat ko na pages 81-104 pala ang iche-check ko. Susme! Kaya pala di pa tapos si Kenkoy kagabi. Nung mga nakaraang araw kasi ay mga 6-10 pages lang yung chine-check ko kaya kako safe na gumising ako ng 5am. Ayun pala, ang dami. Late tuloy sya.

Pero satisfied naman ako sa results ng gawa nya. Minimal lang ang mali (although mali pa rin, hehe). Estimate ko, mga less than 10% lang naman yung errors nya. Nakakalimutan nya kasi maglagay ng units (m or cm, square m or square cm). Yun lang halos ang mali nya... sa units lang. At ilang items lang. Anyway, homework lang naman. I'm praying na natuto sya sa mistakes nya para di na maulit.

Ini-introduce na ang Geometry sa kanila. Area, perimeter, parallel lines, perpendicular lines & angles na ang topic nila. Gets naman ni Kenkoy. Namana nya ang interest namin ni Labs sa Math. At buti na lang favorite ko ang Math kaya madali lang ituro at madali lang mag-check ng homework. Pero nagulat lang talaga ako sa dami eh kasi magpi-prepare pa ako ng breakfast nya. Kaya ayun, late... hehe!


Thursday, October 13, 2011

My 38th Birthday


Nag-Ikea kami kahapon to celebrate my 38th birthday. Nag-dinner lang kami pero ang celebration talaga ay this Saturday. Buffet lunch kami sa Sakura. Kaso lang nakita ko ang sarili ko kahapon sa salamin. Lumobo na talaga ako :( Bigla tuloy akong nawalan ng gana kumain :P Hayyy, kailangan ko na talaga mag-exercise. Bumabagal na ang metabolism ko. Sa madaling sabi... tumatanda na nga ako.

At dahil nag-Ikea kami, napadaan kami sa playground. Sinukat ko si Kenkoy II. Aba, pwede na sya maglaro sa playground. Pasado na sya sa minimum height requirement! Yahooo! Ibig sabihin pwede na namin sila iwang magkapatid dun for 1 hour. Maso-solo ko rin si Labs, hahaha! O kaya magkaka-1 hour "me time" ako ;) Thank You, Lord! :)


Wednesday, October 12, 2011

PMP Certificate

Balik tanaw: PMP Certified blog entry

Ang pinaka-aabang na certificate ni Labs ay dumating na. Sakto pa sa aking kaarawan :)
Ang resulta ng panalangin, pangarap, tiyaga at talino...



At ang ibig sabihin nito ay makaka-claim na si Labs ng subsidy mula sa gobyerno ng S'pore. Pag naipasa kasi ang exam ay subsidized ang gastos sa pag-aral at pag-take ng exam. Kaya ble$$ing$, hehe! (DISCLAIMER: Hindi ko sure kung subsidy nga ang tamang term.)

Thank You, Lord, sa lahat ng talino, tulong at suporta :)
Thank you rin, S'pore :)


Birthday Wishes

Thank You, Lord, for another year.
And thank You for all your blessings.

Pwede po ba mag-request?

Sana po wag umulan mamayang 12.30pm-1.15pm.
Sana po gumaling na kaming tatlo nina Kenkoy at Kenkoy II.
Sana po half-way pa lang kami ni Labs sa buhay namin. Gusto ko pa pong makita, maalagaan at makalaro ang mga magiging apo ko.
Sana po long, healthy, happy & meaningful life po para sa akin, sa aking pamilya at mga mahal sa buhay.
Sana po matupad po ang plans namin ni Labs.
Sana po ay may magandang bukas para kina Kenkoy at Kenkoy II.

Ay, ang haba na po pala ng aking birthday wishes, hehe! Sana po dinggin Nyo ang aking panalangin. Maraming maraming salamat po :)


Saturday, October 08, 2011

Kenkoy's School Bag

5 school weeks na lang ay end na ng school year kaya lang medyo bibigay na ang school bag ni Kenkoy kaya binilhan na rin namin. Ito ang napili ko...



Ako ang excited na magamit nya ang bag, haha! Ito na rin ang gagamitin nyang hand carry bag pag-uwi namin sa Pinas in November ;)


Jogging

Ito ang nagagawa nang tumatanda...

nagiging health conscious ;) Simula sa Tuesday magjo-jogging na kami ni Labs. Actually, nauna na si Labs. Mga ilang linggo na syang nagjo-jogging. Niyayaya nya ako. Sabay daw kami. Pumayag na rin ako tutal ilang taon na nya akong kinukulit na magkaroon kami ng same activity/hobby. At saka tumataba na talaga ako. Kaya sige na nga, makiki-exercise na rin ako.

Good luck sa amin. Sana maging part na ito ng lifestyle namin.



At ang aking sports attire
(na magkaiba ang brand, hehe).




Thursday, October 06, 2011

RIP, Steve Jobs

Naiyak naman ako sa balita.

Thank you for the Apple products. And may your soul rest in peace. RIP, Steve Jobs :'(


Wednesday, October 05, 2011

Getting Ready for My Special Day

Excited na ako :) May reservation na kami sa restaurant, yayyy! Kakapa-reserve pa lang ni Labs. Thank you, Labs :*

Tuesday, October 04, 2011

Fingers

Last week tinuruan ko si Kenkoy sa tawag sa mga daliri. Pinky, ring finger, middle finger, pointer & thumb. Pero hindi raw thumb yun sabi nya. Approve daw.

Hahaha!

Plants vs Zombies Update 2

Balik tanaw: Plants vs Zombies Update 1 blog entry

Last week, umabot na ako sa 14 flags ;) Nahanap ko rin ang strategy. Kaso hanggang dun na lang ata ako, haha! Di ko ma-imagine kung paano pa ako aabot ng 100 flags man lang.

Peak Level of Communication

Mga 10 mins ago, pinapangarap ko kung paano kami magce-celebrate ng 40th birthday namin ni Labs sa 2013. Tapos biglang nag-pop out yung message ni Labs sa YM. Sabi nya, "Malapit na tayo mag-40."

Nakakatuwa. Pareho ang nasa isip namin. Nasa peak level na talaga ang communication namin. ;)

Monday, October 03, 2011

Tropang Scooter

Tumatanda na ang panganay ko. May tropa na. Padilim na wala pa sa bahay :( Ang usapan ay isang oras lang maglalaro. Magdadalawang oras na, hindi pa umuuwi.

Tinawag ko silang Tropang Scooter dahil lahat sila naka-scooter. Ang cute lang din tingnan. Sana ma-picture-an ko sila one time para mai-scrap.

Ok na din at may physical activity si Kenkoy. Hindi yung puro computer games ang nilalaro. At least dito larong pambata talaga at may kalarong kapwa-bata :) Naalala ko tuloy ang kabataan ko. Batang kalye ako eh, haha! Paborito ko ang mga laro gaya ng piko, agawan base, patintero, taguan, atbp. Dito naman may playground talaga. Mas safe kasi walang sasakyan. Isa pang naalala ko nun eh muntik na ako masagasaan. Ang lutong ng mura sa akin ni Manong Driver :( Pero buti na lang parang may angel na humatak sa akin paatras kaya di ako nabundol.

Sana pag naalala ni Kenkoy ang kanyang kabataan ay masaya rin sya. Sana nga masaya ang childhood memories nya.

EDIT: 04 Oct 10:15am
Di daw nya alam ang oras kasi wala syang suot na relo. Sabi daw ng mga kaibigan nya ay maaga pa.


Friday, September 30, 2011

E-learning Program


E-learning and Home-based Learning Day nina Kenkoy ngayon. Buti na lang kasi malakas ang ulan at hangin kanina. Bad side lang ay umikli ang sleeping time ko :( Kailangan ko kasi i-assist si Kenkoy dahil shempre naninibago pa siya sa online lessons/exams. Katuwa lang kasi thru games ang exams kaya enjoy si Kenkoy.

Thursday, September 29, 2011

Sweet/Funny Convo

Ngayon-ngayon lang, may message ako sa YM...

Labs: I love you.
Lit Coo: Sus! May kasalanan ka 'no?

Hahaha!

Ang saya lang. Nakakatanggal ng pagod. Pero tamang duda muna, haha! Everyday kasi sa umaga yung YM message ni Labs na ganun. Kagulat lang dahil ngayon ay umaga at gabi :)

Di naman napikon si Labs sa reply ko dahil matagal na kaming ganun magkulitan.


Haze

May haze na naman ngayon :(

Wednesday, September 28, 2011

Coach Bag

$119 yung Coach bag (worth up to $609) sa Groupon S'pore. Sayang lang di ko naabutan. Sold out agad. Maganda sanang pang-regalo sa Pasko.

Plants vs Zombies Update 1

Balik tanaw: Plants vs Zombies blog entry

Umabot na ako sa Survival: Endless. Medyo literal na endless pala yun. Ginoogle ko may naka-halos 2000 flags. Eh nakaka-6 flags pa lang ako. May 1994 flags pa akong bubunuin. Susme!

Hindi productive itong bago kong kinaa-adikan. Mabuti pa ang scrapbooking. Kailangan ko na mag-scrap, wahhhhh!

Friday, September 16, 2011

Potty Training

Balik tanaw: Potty Training, Hexagon, Blue blog entry



Last Saturday nagsimula na mag-poop si Kenkoy II sa potty. Ngayon naman ang pag-wiwi. 3x sya nagsabi today at nawi-wiwi nga sya. Nag-wiwi sya sa potty 3x. Yahoo! Grabe, pwede palang stress-free ang potty training. Parang ayoko na kasing daanan yung potty training gaya nung kay Kenkoy dati. May mga accidents kasi bago na-perfect. Laba ng briefs, linis ng bata, linis ng floor... kapagod at nakaka-frustrate pag di agad na-gets. Kaya pino-postpone ko ang potty training kay Kenkoy II. Nagsimula na sya mag-briefs dati kaso bigla namang nag-LBM (kasi nagngi-ngipin ata) kaya binalik ko ulit sa diapers. Tapos di ko pa sinusubukang pasuutin ng brief ulit. Kusa na lang nagsasabi si Kenkoy II na mag-wiwi at mag-pupu sya. Ang sarap. Stress-free! Sana lang magtuloy-tuloy. Mga 10 weeks na lang pauwi na kami sa Pilipinas para magbakasyon. Sana diaper-free na si Kenkoy II bago ang flight namin.