Fur Elise ang recital piece ni Kenkoy. Sobrang saya ko na isa siya sa may magandang performance kanina. Madaming lumapit sa amin at nagsabing nagustuhan nila ang performance ni Kenkoy. Nakakatuwa nakapag-perform si Kenkoy sa big crowd (mga 100 na katao). Salamat sa Diyos walang stage fright. Sa ngayon, Fur Elise ang paborito ko sa lahat ng piyesa ni Kenkoy. Bago matulog pinapanood ko ang video ng recital niya. Parang sasabog ang puso ko. Hahaha! Ang galing nang pagkakatugtog at maganda talaga ang pagkaka-compose. Genius talaga si Beethoven.
mga kwento sa buhay buhay na na nakapag-patawa, nakapag-pasaya, nakapag-paiyak at nakapag-paisip kay lit coo
Sunday, August 31, 2014
Friday, August 29, 2014
Craft Area
For the first time in forever may craft area na ako. 11 years na akong scrapbooker ngayon lang ako nagka-table. Dati sa floor lang ako nagii-scrapbooking. :P
#happiness
Thursday, August 28, 2014
Wednesday, August 27, 2014
Tuesday, August 26, 2014
Recent Phone Bill
Kamusta naman na makatanggap ka ng ganitong sms...
Hala! Paanong umabot ng $889 (mga Php30K) ang bill namin?
Pag check ng details, na-on pala ni Kenkoy ang GPRS phone setting niya. Pero salamat sa Diyos dahil very considerate naman ang aming service provider nung makiusap kami. Dahil 13 years na raw nila kaming customer eh naging considerate sila sa nagawa ng bata. Bata eh hindi pa naman nila gaanong alam ang mga dapat na settings. Pinatanggal na lang namin ang data plan (na akala namin sa simula pa lang ng contract ay wala na talagang data plan yun pala depende pa sa setting ng phone). May kailangan pa ring bayaran pero at least hindi naman $889.
Thank You pa rin po, Lord.
And thank you, service provider.

Back in the Workforce
Year 2001 nung mag-resign ako sa work, nabuntis at nag-decide na maging full time homemaker.
Year 2006, 4yo si Kenkoy nang mabigyan ako ng pagkakataon na mag-trabaho muli.
Year 2007, nag-resign ulit ako.
Year 2008, nagplanong magka-baby ulit.
Ngayong 2014, 5yo na si bunso at 12yo na si Kenkoy. Mga independent na bata. Pwede na siguro akong bumalik sa workforce. At kanina, sa 1st application/interview, natanggap ako. Woot! Thank You po, Lord! Sobrang saya na kahit ang tagal kong naging full time homemaker ay nabigyan muli ako ng chance na kumita muli.
Retail industry. Malayo sa pinag-aralan ko. Sabagay ang homemaker naman malayo rin sa pinag-aralan ko. :P Masaya pa rin ako. Sobrang saya na nabigyan ng chance. At the same time ay kinakabahan. Balik na ulit ako sa rat race. 6 days ang work sked kasama pa ang weekends. Yun ang malungkot na part. Sana lang ma-manage ko ng tama ang oras ko. At sana may energy pa akong maki-bonding sa aking pamilya.
Salamat po talaga, Lord! Masayang-masaya po ako. Sana kaya ko po ito. Sana kaya ko po sa customer service/retail industry. Thank You po ulit.

Monday, August 25, 2014
Sunday, August 24, 2014
Deactivated FB Account
Nabawasan na ng isang social media account si Lit Coo.
Liberating. :P
Para sa mga kaibigan ni Lit Coo na nais pa ring makibalita...
- blog (dating FB status balik sa blog #happiness)
- Instagram (shempre pa mga photos #MyHappyPills #GoodVibes)
- Viber (kapalit ng FB messenger)
- WhatsApp (kapalit din ng FB messenger pero mas Viber ang gamit ni Lit Coo)
Maraming salamat. :)
Thursday, August 21, 2014
Tuesday, August 19, 2014
Reward Stamps
May bagong deal kami ng mga anak ko. Bawal na kasi silang gumamit ng iPad/iPhone sa kadahilanang naa-addict sa games (Minecraft, etc). Lagi rin silang nag-aaway magkapatid dahil sa games. At marami pang negative effects. Matagal-tagal na rin silang hindi gumagamit ng gadgets. Mga ilang buwan na. Pero itong si bunso ko talaga ang makulit. Nag-aaway talaga kami. Ang hirap disiplinahin. Sumasagot at nananakit pag hindi namin binibigay ang iPhone niya. Power struggle talaga. Hayyyyyy!
Sabi ng kaibigan ko let my child earn points na lang daw bago mapayagang makagamit ng gadget. Kaya eto ang new deal namin ng mga kiddos... zero bad deed + 30 good deeds = 1 hour of iPhone/iPad games.
Hirap magpalaki ng anak. :P
Wednesday, August 13, 2014
Inner Monsters
Kahapon may nabasa akong comment sa isa mga tributes para kay Mr. Robin Williams. Di ko masyadong matandaan yung buong message. Natandaan ko lang na ang depression ay sadness plus inner monster. Parang ganun. Tapos sa Didache para sa araw na ito ay...
Grabe ano? Literal palang may inner monsters. Sorry naman pero ngayon ko lang talaga nalaman. I mean yung literal na mag-stay siya sa body/mind/soul (kung ano man) tapos pwede siya i-cast out. Kala ko dati sa mga possessed lang yun. Shocks! Kailangan kong ma-cast out ang demons mula sa sarili ko. Masyado ng matagal niya akong sinira. Masyado ng matagal niyang kinukuha ang kaligayahan ko. Okay naman ako sa ngayon pero kasi recurring itong depression. Ayaw ko na bumalik sa ganung state. Kailangan totally ma-cast out ko ang demons at hindi na mapabalik sa katawan ko.
Dami kong natututunan dahil sa nangyari kay Mr. Robin Williams. Unti-unti naiintindihan ko na rin kung ano ba talaga ang pinagdadaanan ko at kung paano lalabanan.
Araw-araw dumadaan ako sa adoration chapel for my prayer time. Happy place ko 'yun. Araw-araw nagdadasal ako for healing. Unknowingly, siguro 'yun na rin ang way ko to cast out demons kaya medyo ok ok na ang pakiramdam ko ngayon. At siguro one way na rin to heal/help me at iba pang may depression ang death ni Mr. Robin Williams.
Thank You, Lord!
Thank you, Mr. Robin Williams. Dalangin kong masaya ka na ngayon. Sana tapos na rin ang paghihirap mo.

Tuesday, August 12, 2014
Depression
Rest in peace, Robin Williams. Sana masaya ka na ngayon. Para sa isang nakaranas ng depression sa loob ng ilang taon, alam ko at nararamdaman ko ang pinagdaanan mo. Nakakalungkot na hindi mo kinaya. :( Hindi kita hinuhusgahan. Hindi kita sinisisi. Bagkus, naiintindihan kita at patuloy kitang ipagdarasal.
At para sa mga patuloy na lumalaban pa sa buhay, naway mawala na lahat ng sakit at paghihirap. Naway makita muli natin ang saya at mga biyaya sa buhay. May God continue to heal our mind, body and soul.
Ako? Masaya naman ako ngayon. Malaking bagay na kaka-birthday lang ng Singapore. Ang saya-saya ng pakiramdam. At biglang na-realize ko kung gaano kami kapalad na mamuhay dito.
Tapos kanina may nabalitaan ulit akong isang sampung taong gulang na bata na pumanaw dahil sa heart failure. May congenital heart defect ang bata. May her soul rest in peace. Bigla ko tuloy niyakap ang anak ko pagkagising niya. Thank You, Lord, sa bawat araw na binibigay Niyo po kay Kenkoy. 12 years old na siya. Ipinanganak rin siyang may heart defect. At kahit na ang dami-dami naming pinagdadaanan dahil sa condition niya, at least "healthy" pa rin naman siyang matatawag.
Maraming blessings. Maraming dapat ikatuwa. Maraming dapat ipagpasalamat sa Diyos.
Sana lang huwag na bumalik ang depression. Sa loob ng nakaraang tatlong taon, pabalik-balik 'yan. :( Mahirap. Bawat segundo lalaban ka para mabuhay. Pero salamat talaga sa Diyos at kay Labs. Maraming salamat, Labs. Ikaw talaga ang isang taong hindi bumitaw sa akin kahit na sa mga panahon na ang lakas-lakas ng topak ko. Salamat sa pag-iintindi at pagmamahal. I love you, too. Mapalad ako na ikaw ang aking napangasawa. :)

Saturday, August 09, 2014
NDP 2014
Happy 49th Birthday, Singapore!
Salamat, salamat. Maraming salamat at ikaw ang aming tahanan sa nakalipas na labing tatlong taon. Natutuwa ako sa narating mo. Dalangin ko ang patuloy pang biyaya at paggabay ng Panginoon.
*****
#iPhoneOnly #NoFilter
Ang ganda-ganda ng Singapore ano? Love, love, love. :)
Friday, August 08, 2014
Sunday, August 03, 2014
Praying with Kenkoy II
Sinama ko si Kenkoy II sa adoration chapel. Pagtapos naming magdasal...
Kenkoy II: Do you know what I prayed for?
Lit Coo: Would you like to tell me?
Kenkoy II: I asked Jesus to give me back my phone... to tell my Mama & Papa to give it back to me.
Awwww!!! Pero bawal na talaga ang gadgets sa kanila. Ang hirap naman. Pag bata nag-pray kay Jesus, parang ang hirap tanggihan. Paano ko kaya ito sasagutin? *sigh*

Wednesday, July 30, 2014
School Shoes
Ang nakita kong suot ni Kenkoy kaninang umaga...
Kamusta naman ang sapatos mo, anak? Kalunos-lunos. *LOL* Anong nangyari?
Ayan, binilhan ka na ni Papa mo. Hindi ka na mukhang kawawa. :P

Tuesday, July 29, 2014
Ulan
Pagkahatid ko kay Kenkoy II sa school at pag tapak na pag tapak ko sa may silong ay biglang bumuhos ang ulan. Napangiti ako. Nakakatuwa naman si Lord. Pinauwi muna ako bago bumuhos ang ulan. Alam Niyang wala akong payong, hehe! ;)
At nakakagulat din pala na biglang umulan kasi hindi naman madilim.
At isa pang at... dahil hindi na ako active sa Facebook, siguro naman magiging active na ulit ako sa pag-blog. Hayyyy, na-miss kita blog ko.

Monday, April 07, 2014
Bedtime Conversation
Awwwww! Na-miss ko mag-blog. Sa tagal hindi ko na tuloy alam kung paano sisimulan. Maraming kwento pero di ko na alam paano isusulat.
Ok, game.
Saya ng kwentuhan namin ng dalawang Kenkoy kagabi bago matulog. Ito talaga ang isa sa paborito kong bonding moments namin. Hindi ako mahilig magbasa eh. Kaya wala kaming bedtime stories. Pero meron kaming bedtime conversations. :)
Ang topic namin kagabi ay kung anong maaalala nila sa akin pag wala na ako. Morbid man pero gusto ko lang talaga malaman kung anong memories ko sa kanila. Baka puro galit, palo at sermon lang pala ang matatandaan nila sa akin. :P
Pareho silang sagot ay ang dates namin. Gustong-gusto pala nila yun. Nakakatuwa kasi sobrang gusto ko rin 'yun. Dates ang isa pa sa paborito kong bonding moments namin. Gusto din ni Kenkoy II ang surprises.
Tapos we ended our conversation na sinabi nila kung ano ang gusto nila sa akin at ganun din sinabi ko kung anong gusto ko sa bawat isa sa kanila. Nakakatuwa sobra.
Asan si Labs? Humihilik na. Hahaha! Iba naman ang bonding moments nila. Ang boys ko play time & movie time ang pinagkakasunduan nilang tatlo.

Saturday, April 05, 2014
Kenkoy II's 1st Piano Lesson
Di pa namin nae-enroll si Kenkoy II sa music school. Naisipan kong turuan. Check ko na rin kung kaya nga niya. Tinuro ko ang C & basic notes. Whole note is 4 counts, half note is 2 counts & quarter note is 1 count. Tinanong ko siya paulit-ulit at pinatugtog sa piano. Gets niya. Weeeee!!! At isang turuan lang, hindi paulit-ulit. Kakatuwa.
Mga 10 mins lang yun. Di ko na tinuloy kasi baka may mas magandang approach pag sa music school. Di ko pa alam paano i-handle ang 5 yrs old eh. Baka masyadong technical o yung theory kung paano ba tamang approach. Baka mas creative pag teacher talaga. Naisip ko lang 10 mins lang yun pero parang ang dami na naituro kay Kenkoy II. At baka mainip naman pag mga 30 mins. Pero sana magtuloy-tuloy si Kenkoy II. Sana wag mawala ang interest. Sana hindi mag-quit.
Nostalgic din pala dahil 2 years & 8 months ago si Kenkoy ang tinuturuan ko. Ganyan na ganyan din siya nagsimula. Ngayon si Kenkoy II na ang tinuturuan ko. At ngayon grade 4 na sa piano si Kenkoy. Less than 3 yrs ang layo na ng narating niya. Nakakatuwa sobra. :)

Thursday, April 03, 2014
Interest in Piano
Kumakanta si Kenkoy II at nagpa-piano sa pillow. Sa wakas nakakitaan ko rin ng hilig sa piano. Sinabi ko ulit na pasok na siya sa music school. Matutugtog niya ang mga paborito niyang kanta. "Like Twinkle, Twinkle Little Star?" tanong niya. Oo kako at marami pang iba. Sige daw. Yahoooo!!!
Tapos nag-message ako thru WhatsApp sa piano teacher ni Kenkoy. Tinanong ko kung anong age sila naga-accept pag piano. 7 yrs old kasi pag violin. Yun ang unang choice ni Kenkoy II kaso 5 years old pa lang siya. Nag-reply ang teacher... 5 yrs old daw pag piano. Double yahoooo!!!

Tuesday, April 01, 2014
Ikea's Free Ice Cream
Ilang araw nang nangungulit si Kenkoy II ng Ikea ice cream. Madadaanan kasi ang Ikea pag pauwi kami from his school. 50 cents lang naman 'yun pero kung araw-araw mahal din 'yun ha. At ayaw namin sanayin ang mga bata na lahat ng hingin ay ibibigay. Kaya laking tuwa ko nang makita ko ito sa Facebook page ng Ikea...
Alam ko matutuwa si Kenkoy II. Ang ilang araw niyang hiling ay matutupad na. Kaya pagsundo ko sabi ko may surprise ako sa kanya. At tumuloy kami sa Ikea. Tuwang-tuwa ang bata. :)
Thank you, Ikea!
Thank You din po, Lord!
Simpleng bagay pero laking kasiyahan :)

Thursday, March 27, 2014
1st Family Dream Board
Natapos ko rin ang family dream board namin. Lagi naman kaming may pangarap at goals for the year pero ngayon lang kami gumawa ng may pictures talaga. Nilagay ko siya sa lugar na kung saan madalas naming makikita. May prayer na rin na naka-post.
Lakas maka-good vibes ng dream board. Ikaw... kayo... may dream board din? Sarap mangarap 'no? Sana matupad lahat ang mga pangarap natin.

Labels:
Faith,
Late Post,
Plans and Dreams,
Prayer Requests
Saturday, January 11, 2014
Spring Cleaning
Maraming salamat sa Chinese New Year. Napapalahanan at napipilitan akong dapat maglinis ng bahay. *LOL*
Subscribe to:
Posts (Atom)