Sunday, August 31, 2008

Get well soon Ely!

Ely Buendia rushed to hospital; Eraserheads concert cut short
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=129751

Wahhhhh! Na-foresee ko na ito :( Naisip ko na before the concert na baka hindi makaya ni Ely kasi di ba inatake na sya sa puso last year. Pag napapanood ko videos nila mapapa-reminisce talaga sa good old days tapos maiisip mo kung paano nag-end ang band... nakakaiyak. Tapos ngayong reunion nakakatuwa na magkakasama ulit sila... ang saya naman. Yung emotions grabe. Tingin ko mahal na mahal ni Ely ang Eraserheads at sobrang na-overwhelm sya kagabi sa response ng fans nila. Dagdag pa na his mom passed away few days ago.

Napanood ko na sa YouTube ang ilang videos ng reunion concert nila. Nostalgic. Ang saya. Nakakatuwa din ang crowd.

Pagaling ka agad Ely!

Friday, August 29, 2008

Teachers' Day 2008

Ginawa namin ni Kenkoy para sa mga teachers nya. Hindi nga lang pulido kasi kagabi lang namin sinimulan at kagabi rin kinailangang matapos. Pero sana natuwa ang mga teachers nya. At sana magamit nila ;)

FRONT VIEW




At ito ang handwriting ni Kenkoy. Sya din ang nag-compose ng letter. Sabi ni Labs sana daw si Kenkoy ang pinasulat ko. Sabi ko eh sulat nga ni Kenkoy yun. Kala daw nya sulat ko. Mukha bang pang-6 yrs old ang sulat ko? Hehe! O mukha lang pang 34 yrs old ang sulat ni Kenkoy?

BACK VIEW



Thursday, August 28, 2008

Fetal Movement

Last week naramdaman ko na na gumalaw si Aaron/Andrea. Hindi nga lang ako sure kung sya na nga yun. Pero this week (19th week) ay sure na ako na si baby nga. Kagabi pinaramdam ko kay Kenkoy at kay Labs. Tuwang-tuwa si Kenkoy. Nagtampo sya dati kasi ayaw daw magparamdam sa kanya ni baby. Sabi ko hindi pa kasi ganun kalakas yung galaw. Pero kagabi naramdaman na nya. Tuwang-tuwang tinawag ni Kenkoy ang Papa nya. Nagparamdam na rin si baby kay Labs. Nakakatuwa talaga. Hindi na-experience ito ni Labs kay Kenkoy dahil sa Pinas ako nagbuntis dati samantalang nandito sya sa S'pore nagtatrabaho.

Ang likot din ni baby. Pareho sa kuya nya :)

Kung tama ang magiging posisyon during the scan, malapit na rin naming malaman kung boy or girl si baby :)

Wednesday, August 27, 2008

Appreciation

Nakakatuwa si Kenkoy. Halos araw-araw nya tinitingnan ang scrapbook albums lalu na ang Baby Book, Birthday albums, Toddler album at Pre-schooler album nya. Pag tinatanong ko sya kung ano ang favorite nyang album, lahat ang sagot nya :) Ginaganahan tuloy akong gumawa pa :)

Monday, August 25, 2008

Math

Every weekend ang homework nina Kenkoy. Aliw ako kasi marunong ng magbasa si Kenkoy kaya sya na lang mag-isa ang gagawa ng homework nya tapos iche-check ko na lang kung tama. Dati kasi ako pa ang nagbabasa para sa kanya. Pero kahit dati pa gusto nyang inuunang sagutan ang Math kesa sa English. Mas nae-enjoy nya kasi ang Math.

Kagabi napansin ko madali lang yung homework nya sa Math. Pero di ko sinabi ang short cut dahil gusto kong mag-isip sya.

Pagtapos nya gawin ang Math ay tinawag na nya ako. Pagka-check ko tama lahat. Mga 20 items din ata yun. Saglit nya lang ginawa. Tapos sabi nya na ang dali naman daw. Tinanong ko kung paanong naging madali. Tapos nag-explain sya. Tama yung logic sa pagkaka-explain nya. Yun nga yung short cut na hindi ko sinabi sa kanya. Na-discover nya ng mag-isa. Tuwang-tuwa ako :) Sabi ko sa kanya, yun ang short cut kako. Di ko lang sinabi sa kanya para mag-isip sya. Good boy kako sya.

Wala lang. Natuwa talaga ako, hehe! Sana namana nya ang hilig namin ni Labs sa Math. Sana nga maging analytical sya.

Chat

Noong Sabado ka-chat ko ang bunso kong kapatid. Noong medyo matagal tagal na kaming nakakapagkwentuhan ay sabi ko alis muna ko saglit dahil may kailangan na akong gawin. Kausapin na lang kako muna nya si Kenkoy. Nakakabasa na kako yun at nakaka-spell pero antayin nya lang ang reply. Matagal kako mag-reply dahil hindi pa kabisado ni Kenkoy ang keyboard.

Ayun na nga nag-chat ang kapatid ko at si Kenkoy. Paglipas ng ilang minuto ay nakita ko si Kenkoy na nakakunot ang noo. Tinanong ko kung bakit. Di nya raw mabasa ang sinulat ng Tita nya. Sabi ko eh kasi mali ang spelling. May typo error sa sinulat ng kapatid ko. Inis na inis si Kenkoy. Sinabihan ang Tita nya na wrong spelling daw. Asar na asar talaga si Kenkoy. Siguro kasi pinilit nya talagang basahin eh wrong spelling naman pala. Natawa ko sa pagmamaktol ni Kenkoy. Talagang napikon, hehe!

Kinuwento ko sa kapatid ko ang reaction ni Kenkoy. Tawa din ng tawa ang kapatid ko ;)

Friday, August 22, 2008

Kenkoy's 5th Birthday Album

Yayyy, nababawasan na ang backlog ko.

Makikita na po ang 5th Birthday album ni Kenkoy sa Friendster at Webshots accounts ni Lit Coo.

Thursday, August 14, 2008

1 Answered Prayer

Sa awa ng Diyos may school na rin si Kenkoy para sa Primary education nya. Tumawag kanina si Labs sa school, pasok na daw si Kenkoy :) 55 slots kasi ang available eh ang nag-register 78. Buti na lang within 1 km ang layo ng tinitirhan namin sa school kaya hindi na kami napasama sa balloting. Sa Nov 15 daw ang orientation day. Bibili na rin daw ng books & uniform. Ang aga dito ano eh sa Jan pa ang start ng school year.

Kahit hindi namin 1st choice ito ok na rin kasi malapit. Pwedeng lakarin pero kung magba-bus ay 2 bus stops away mula dito sa bahay. Ka-lane ng block namin yung school. Tuwang-tuwa din si Kenkoy dahil finally may big school na daw sya. Tututukan ko na lang talaga ang pagsu-supplement sa pag-aaral ni Kenkoy para madali na lang para sa kanya pag PSLE time na. Para gets na nya habang simula pa lang. Mahirap pag patagal ng patagal eh padagdag ng padagdag ang hindi nya makuha... mahirap mag-cramming. Hindi naman super advance ang ituturo ko sa kanya. Isasabay ko din sa curriculum ng Ministry of Education para sa age ni Kenkoy.

Noong last phase ng registration ay unsuccessful kami. 48 ang nagpa-register at 3 slots na lang pala ang available para sa mga nakatira within 1-2 km. Hindi kami napasama sa tatlong nabunot. Pero ok na din na nag-take ng chance kasi paano nga naman kung naging isa kami dun sa tatlo.

Iniisip din namin na mag-aral si Kenkoy sa Pinas lalu na gusto ng mommy ko at ng mga kapatid ko na dun na muna kami sa Pinas. Ang kaso lang mahihirapan sa umpisa si Kenkoy sa Filipino at Sibika. Dagdag pa ang Chinese subject. At saka ang mahal sa Xavier. Php100K per school year na daw. Eh dito mga S$10/month (Php330) lang ang school fees. Magandang curriculum na yun kasi isang curriculum lang naman ang sinusundan ng lahat ng local schools dito. May time na naghahanap ako ng school for Kenkoy sa Pinas, nakita ko ang S'pore IS (based daw sa Singapore curriculum)... mga Php300K per school year. Ang laki ng difference. Php330K dun eh dito Php3,300 lang. Eh parang IS na rin naman dito dahil multi-racial. Kaya sabi ko kay Labs sayang naman ang opportunity na makapag-aral dito ng mura.

Anyway, one answered prayer kaya masayang-masaya ako. Dalawa na lang. Unti-unti nago-ok na rin. Salamat sa Diyos :)

Tuesday, August 12, 2008

Preggy Pics

May ilang uploaded preggy pics po sa Friendster account ni Lit Coo. Kuha mula sa pamamasyal namin sa Sentosa noong Sabado.

16 weeks 4 days (mga 3 1/2 months) na si baby noong time na namasyal kami at nag-kodakan. Tapos na ang 1st trimester. Maayos na ang pakiramdam ko. Wala na masyadong discomforts. Hindi pa rin bumibigat ang timbang ko pero lumalaki ang tiyan ko. Almost half-way na ako sa pagbubuntis. Saglit na lang makakapiling na namin si baby :)


*****
Sa mga nakasilip ng pictures, hindi halatang problemado ako 'no? Hehe!

Thursday, August 07, 2008

Sana Maging Maayos Na Ang Lahat

Hindi pa rin tapos ang family crisis namin :( May 3 personal requests ako kay Lord. Yung dalawa, negative. O baka hindi pa lang ngayon ang tamang oras para matanggap namin ang positive reply. O siguro iba ang sagot/plans ni Lord para sa amin. Yung isa pang request, para kay Aaron/Andrea. Sa January pa namin malalaman ang sagot ni Lord. Sana lang dinggin Niya ang panalangin namin na healthy & normal baby si Aaron/Andrea.

Wala naman akong tampo kay Lord. Hindi ako nagdaramdam. Alam ko naman na marami akong naging kasalanan sa Kanya. Kaya lang minsan parang di ko na talaga kaya. Sabay sabay. Ang bigat sa dibdib. Minsan parang sasabog na ang utak ko.

Panay nga ang scrapbook ko ngayon... therapy ko... at para mabawasan na rin ang backlog ko dahil sigurado paglabas ni baby matatambakan ako ng layouts/albums na dapat gawin.

This year na siguro ang lowest point ng buhay ko. Sana lang malagpasan na rin namin ito. Sana. Sana. Looking forward ako sa panahon na maayos na ang lahat.

Aalalahanin ko lahat ng bagay na natutunan ko ngayon. Aalalahanin ko rin at pasasalamatan lahat ng dumamay sa amin.

Hindi pa rin ako nawawalan ng tiwala sa Diyos. Alam kong hindi Niya kami pababayaan.

Wednesday, August 06, 2008

Kenkoy's First Tooth

Yehey! Nagawa ko na rin ang layout tungkol sa unang beses ng pagka-bungi ni Kenkoy (hehe). Makikita po ang layout sa Friendster at Webshots accounts ni Lit Coo.

May isa pa akong balak gawin na layout. Sana matapos ko ngayon.

Yahoo! Salamat naman at kahit papaano ay nababawasan ko ang backlog.

Monday, August 04, 2008

Maging singer kaya?

Sabi ni Labs mahiyain daw si Kenkoy. Noong ka-age nya raw si Kenkoy pag sinabing kanta, kakanta daw sya. Pag sinabing sayaw, sasayaw daw sya.

Sabi ko hindi mahiyain yun.

Minsang nanoood kami ni Kenkoy ng Singing Bee. Celebrity players ay 6 na bata mula sa Goin' Bulilit. Nung humingi ng sample na sayaw o kanta si Cesar Montano ay game na game ang mga bata. Sabi ko kay Kenkoy "Look at the children. They are not shy. In the Philippines all children know how to sing or dance." (Actually hindi "all children" yun eh. "Most" lang dapat pero sinabi ko lang kay Kenkoy na lahat ng bata.)

Ayun, kahapon eh nung sinabi namin kay Kenkoy na kumanta sa harap ng mga kaibigan namin eh kumanta nga. Tapos yung isang kaibigan nyang batang Pinoy eh mahiyain. Ayaw kumanta. Sabi nya "Come on. Let's sing together. Ok?" Kumanta sya. Yung kaibigan nya ayaw pa rin. Sabi tuloy nya "Don't be shy. You sing so everybody will be happy." Hee hee!

Tanong ni Labs kay Kenkoy kung gusto nyang kumanta ng solo sa Simbahan sa Pasko. Oo, sagot naman ni Kenkoy. Sabi ko kay Kenkoy maririnig sa buong simbahan ang boses nya.

Sana nga namana ni Kenkoy ang boses ni Labs. Ganun din ang passion sa pagkanta/pagturo sa choir.

Na-excite ako. Stage mommy talaga, hehe!

Saturday, August 02, 2008

Thank You Papa & Mama

Lately panay ang pasasalamat ni Kenkoy sa amin ni Labs. May mga times na tatahimik sya, mag-iisip, mapapangiti at pagkatapos ay sasabihing -- "Thank you Mama. Thank you Papa. I'm happy I was born. I'm happy to be here on Earth."

Sobrang nakakatuwa. Dahil isa sa mga bagay na nais ko para kay Kenkoy ay ang maging masaya sya sa buhay. Nakakatuwang malaman na naa-appreciate nya ang buhay.

Fare Card

Natatandaan nyo pa ba yung past blog entries ko na...

Bad Trip
Confiscated Fare Card
Confiscated Fare Card Verdict

Alam nyo bang yung pagkakamali kong yun ngayon ay may fine na? $50 ang fine. Buti na lang pala at nung nagkamali ako noong March ay wala pang fine. Kung nagkataon ay $50 din yun kahit honest mistake.