Last 24 Oct pa yung graduation nina Kenkoy. Pero utang muna ang kwento. Saka ko na lang i-post ang kwento pag may pictures na. High resolution yung pictures. 12MB per picture. Ayun, di ko tuloy ma-open sa high-tech kong pc, hahaha! Nasa camera pa rin hanggang ngayon.
Last Saturday, 15 Nov, naman ang school orientation sa Primary School na papasukan ni Kenkoy. Na-meet ni Kenkoy ang new teacher & new classmates nya. Dinala sila sa classroom nila at inilibot sa campus. Dalawa sa dating classmates ni Kenkoy sa preschool ay classmates nya ulit ngayon. Masaya ako at kahit papaano ay may kakilala na sya sa klase.
Ang mga magulang naman ay naiwan sa gym. May presentation from the principal, Math, English & Chinese teachers. Nagbigay ng mga tips kung paano makaka-adjust ang mga bata sa big school. Pagkatapos ay nag fill-up na ng maraming forms. Habang nagsusulat ako sa mga forms ay di ko mapigilang maramdaman kung gaano kapalad si Kenkoy na makapag-aral dito. Oo nga at public school pero ang ganda naman ng facilities. Parang pang-private school na rin sa Pinas. Tapos libre na rin ang boosters sa mga bakuna. Salamat talaga sa Diyos at sa murang halaga ay makakapag-aral si Kenkoy.
Babalik na lang kami sa school sa 13 Dec para bumili ng books & uniforms. Mahaba kasi ang pila at isa pa ay hindi ko kasama si Labs.
At 02 Jan ay start na ng 2009 school year.
mga kwento sa buhay buhay na na nakapag-patawa, nakapag-pasaya, nakapag-paiyak at nakapag-paisip kay lit coo
Wednesday, November 19, 2008
Ugly Duckling
Naalala ko ang kwento ng Mommy ko noong bata pa ako. Nung ipinanganak ako at sa unang beses nya raw akong nakita ay negative ang dating. Tipong "Anak ko ba 'to?"... "Bakit ganito?" Kaya hindi ako naniniwalang sa mata ng magulang ay maganda/gwapo ang kanyang anak (hehehe). Maganda kasi talaga ang Mommy ko. Mestiza. Kaya siguro parang nadismaya sya nung nakita ako, hwehehe!
Ugly duckling ako. Buti na lang nagustuhan pa rin ako ni Labs kahit ang chaka pa ng hitsura ko dati (hahaha). Mid-20s ko saka lang ako medyo nag-ayos ayos ng sarili. Magaling mag make-over si Labs, hehe! Kaya yung mga kakilala ko dati ay nagugulat pag nakikita ako ngayon.
Pero ewan ko din kung bakit wala namang negative impact sa akin ang incident na yun nung baby pa ko. Wala namang resentments sa part ko. Hindi rin ako lumaking insecure. Siguro kasi hindi talaga ko particular sa physical looks. Para sa akin skin deep lang yun. May mga iba pang bagay na mas mahalaga.

Monday, November 17, 2008
Aaron at 31 weeks
Salamat sa Diyos at normal daw kalagayan namin pareho ni Aaron :) Sa ultrasound ko 2 months ago ay transverse ang position ni baby. Ngayon cephalic na. Sana cephalic na hanggang sa manganak ako para normal delivery ulit.
May go signal na rin ako to travel by plane. Muntik pa akong di mabigyan ng letter kasi 32nd week ko sa flight namin next week at 33rd week ko na raw sa pagbalik namin dito. Sabi ko sabi sa airline pwede daw hanggang 35th week. Buti binigyan din ako ng medical certificate.
2 months na lang makakapiling na namin si Aaron. Excited na ako.
Token
At ang token kay Labs ay...
$100 para sa dalawang kanta :)
Ayos! Kadalasan kasi eh kawang-gawa ang pagkanta ni Labs. Hindi naman talaga sya nagpapabayad except pag choir nila ang kakanta. Pandagdag din kasi sa choir funds.
Last Saturday sabi ni Labs kahit wala na raw token. Eh pinilit pa ring ibinigay sa kanya. Ok na rin. Nakabili sya ng book na gusto nya. At nanood na din kami ng Madagascar 2 :)
Ang Gospel pa kahapon ay tungkol sa gifts & talents. Marahil ay tuwang-tuwa si Lord kay Labs kasi ginagamit talaga ni Labs ang talents nya. Isa na rito ang pagturo ni Labs sa choir at ang pagkanta sa Simbahan for almost 17 years now.

Friday, November 14, 2008
Kakulitan with Labs at Kenkoy
Kakulitan with Labs. Ka-chat ko kanina si Labs. Kakanta sila bukas sa Kasal. Sa church, buong choir. May bayad ito. Sagot ng couple. Tight daw ang budget ng couple sabi ng kakilala namin na close sa ikakasal. Pinaki-usapan si Labs na kumanta din sa reception pero token. Regalo na raw nila yun sa ikakasal.
Labs: token lang ibibigay
Lit Coo: ok na yun... sana cash... baka plaque ibibigay eh
Labs: marami na ko plaque sa ngipin. di ko na kailangan yun
Lit Coo: nyahaha
Labs: pero token daw e... baka 1 kanta isang token... parang jukebox
Lit Coo: nyahaha
Nao-obvious itong mister ko. At talagang jukebox pa eh. Di man lang videoke machine, hehe!
Kakulitan with Kenkoy. Dalawa lang kami kanina ni Kenkoy... tapos may nag-fart... eh hindi ako... eh di sya yun.
Lit Coo: Kenkoy, did you fart?
Kenkoy: No. Maybe it was you.
Lit Coo: It wasn't me.
Kenkoy: Maybe it was Aaron.
Hwehehe! Naku, di pa man din lumalabas si Aaron eh sinisimulan na ni Kenkoy na pasahan ng sisi.

Wednesday, November 12, 2008
Sexy?!
Kahapon patawid ako para sunduin si Kenkoy sa school ng mapansin kong parang nagbubulungan yung isang grupo ng mga babae. Di rin ata nakatiis kaya tinanong din ako.
Girl stranger: Girl ah? (patungkol kay baby)
Lit Coo: Boy
Girl stranger: Oh, boy! 1st?
Lit Coo: 2nd
Girl stranger: *shocked*
Lit Coo: My 1st child is 6 years old now.
Girl stranger: *Mas lalung shocked (hehe)* You maintained your body well.
Sabi ni Labs sana daw sinabi ko na wala lang makain kaya ganun *LOL*
Madaming nagsasabi na ang sexy ko daw magbuntis. Buti pa pala pag buntis ako, nasasabihan akong sexy. Buntis na lang kaya ako lagi, nyahaha!

Subscribe to:
Posts (Atom)