Wednesday, May 30, 2007

Father's Day 2007 Layout

Masyado akong nase-senti pag nakikita ko ang aking mag-ama na magkasama. Sa totoo lang mas gusto ko titigan ang mga pictures nila kesa sa pictures naming mag-ina. Aliw na aliw ako... tuwang tuwa ako pag nakikita ko silang dalawa. Parang natutunaw ako pag nakikita ko sila... parang hayyyyyyyyyyyy (ok tama na... OA na ko, hehe).

Kaya naman Father's Day tradition ko na ang gumawa ng layout. Hanggat maaari ay sinisiguro ko na may Father-Son themed layout ako every Father's Day... para sa aking mag-ama... and to celebrate na rin my anniv in scrapbooking. Ang first layout ever ko ay nung Father's Day 2004 :)

For this year napaaga ang gawa ko kasi hindi ko masabi kung may extra time pa ako bago mag 17 June. Kaya ginawa ko na kahapon habang may oras ako.

Makikita po ang layout sa http://community.webshots.com/user/*insert lit coo's yahoo id here* under Father & Son Album. Salamat :)

At para kay Labs,
Maraming maraming salamat sa pagiging isang Ama kay Kenkoy *mwahhhh*

Tuesday, May 29, 2007

Usapang Labada ulit

At dahil nga may sakit si Kenkoy ay di nya ma-control ang pag-poop. Ayun, parang baby ulit. Ang daming labahin na briefs & shorts. Nung una hina-handwash ko pa. Eh napagod na rin ako sa paulit-ulit na paghugas kay Kenkoy (kada dumi) at sa paglaba ng damit nya. Kaya ayun nilagay ko na lang lahat ng puti sa washing machine. Pag tapos ng cycle, ng isasampay ko na... andun pala ang blouse ko na hindi pwedeng machine wash. Di ko napansin na naisama ko pala. Natanggal yung ibang beads. Wahhhh, isang beses ko pa lang nagamit yun.

TFC

Nung Sunday inaabangan ko ang replay ng ASAP '07. Matagal na kong di nakakapanood sa TFC kaya di ko na alam ang program schedule. And besides ang TFC naman paiba-iba talaga ng program schedule. Eh biglang feel ko manood ng ASAP. Inabangan ko. Aba, naka-dalawang nood na ako ng The Buzz, ng PBB at ng iba pang shows eh wala pa ring ASAP. Ng sa wakas mag-ASAP na eh tiningnan ko ang oras... alas-kwatro na ng umaga *asus* Nagii-scrap din kasi ako habang nag-aabang kaya ayun inumaga na pala ako.

Sunday, May 27, 2007

Stomach Flu

School holiday na nina Kenkoy mula kahapon hanggang 24 June. Pero pag ganitong school holiday lagi na lang may sakit si Kenkoy. Kung hindi sipon, ubo at ang malala ang stomach flu. Nakakainis kasi bukod sa hirap ang bata ay papayat pa. Sayang napataba ko na si Kenkoy mukhang papayat ata ulit (wag naman sana).

Pag last day ng school term ay may picnic sila sa park. Ngayon di ko alam kung ano ang talagang nangyayari sa activity na ito. Lagi na lang nagkaka-stomach flu si Kenkoy. Akala ko nung una ay nagkakataon lang. Pero ngayon kumbinsido na ako na hindi. Kaya sa susunod di ko na lang pasasamahin sa picnic.

Dami dami ko na tuloy naiisip. Di ko alam kung anong hitsura ng park na yun. Feeling ko nauusog si Kenkoy sa park na yun. Lumalabas na naman sa aking isip ang mga kwentong Pilipino... mga lamang-lupa at kung anu-ano, hehe! Alam ko bilang Katoliko hindi dapat naniniwala sa ganito. Pero paminsan-minsan naiisip ko din na ano nga kaya totoo yun. Pero baka sa weather lang din kasi baka nabilad sila sa araw tapos pasok sa classroom na naka-aircon. O baka sa pinapakain/pinapa-inom sa kanila. Di ko talaga alam. Kaya sa pasukan, tatanungin ko na nga ang teacher nya kung ano ba ang nangyayari sa picnic activity nila at lagi na lang nagkakasakit si Kenkoy.

Inanticipate ko na na magkakasakit si Kenkoy dahil nga sa pattern. At kaya rin hindi ko binook ang flight namin sa 1st week ng school holiday. Naisip ko na na baka magkasakit ulit ang bata. Hopefully, gumaling na agad si Kenkoy.

Thursday, May 24, 2007

Minsan, hindi ako naka-maskara

March this year, nag-privy email sa akin ang isang ka-member sa isa sa mga Yahoo Groups na kasali ako. Hindi kami same batch. Batch 2000 ako. Sya naman ay Batch 2004 ata. Nakakatuwa ang email nya. Ang sabi nya...
"alam mo kakatawa/tuwa ka the way you talk about your experiences, basta lagi ako napapangiti. think it's because of your disposition -- yun bang para sa yo lahat ng problema madaling lutasin, and i really like that attitude!"

Mga two hours ago, eto naman ang natanggap ko sa YM mula sa isang kaibigan...
"feeling ko ang jolly jolly ng buhay mo.. bakit ka depressed?"

Ang sagot ko...
Yun kasi ang way ko sa pag-handle ng problema. Di ko masyado sineseryoso. Carry lang.

Eto ilang bahagi ng sinulat ni blue kid sa Peyups. Di ko malimutan itong article nya dahil malaki ang pagkakahawig namin sa kung paano dalhin ang problema. Sabi ni blue kid...
"Lagi akong masaya, nakangiti na lang sa kung sinong anino ang dumaan... iyan ay kung may nakakakita nga sa akin. Magaling nga siguro akong umarte. Isipin mo, sa tagal ng pagpapanggap ko, walang ni isa man lang ang naghinalang marahil sa mga sandali ng aking pag-iisa ay umiiyak din ako.

Kaya nga tuwing gabi na lamang, kung kelan mga munting hinga na lang ang naririnig ko, kung kelan wala ng makakapansin sa akin, doon ko hinuhubad ang maskara ko at umiiyak.

Pero marahil, sa mga sandaling nag-iisa na lamang ako, kailangan ko lang talagang hubarin ang maskara, lumuha, at sumulat ng mga linyang tulad nito..."

At idagdag ko na rin sa blog na ito...
May mga nag-aakalang perfect ang buhay ko. Hindi po perfect ang buhay ko. May mga iniisip din ako... may dinaramdam. Pero mas pinipili kong maging masaya. Mas maraming dahilan para maging masaya kesa maging malungkot. Sa dami ng biyaya ni Lord sa akin... sa amin... dapat lang na maging masaya ako. Sa pag-iyak po gumagaan ang loob ko... at tuwing makikita kung gaano ako kapalad sa pagkakaroon ng asawa at anak na tulad nina Labs at Kenkoy... by counting my blessings... sa pagii-scrap na rin... at pag-travel (hahaha... ang dami pala 'no?).

*****
Ang title po pala ng blog entry na ito ay hinango ko sa article ni blue kid.

Tuesday, May 22, 2007

How Much Do You Love Me

Nangyari pa lang...

Kenkoy: Bread please.
Lit Coo: Hug me first.
*hug naman sya sabay sabi ng I love you... awwww, may bonus na I love you pa*
Lit Coo: How much do you love me?
Kenkoy: $50

Ah hehehe!

Monday, May 21, 2007

Webshots

May way po ba para ma-trace sino ang nag-download from your Webshots account? Kasi may mga nagda-download eh hindi man lang magpaalam sa akin. Ok lang kung i-scraplift nila (pero malabo ata ito dahil hindi naman kahanga-hanga ang layouts ko, hehehe). Ok lang kung kaibigan, kamag-anak o sige kahit acquaintance pa lang. Medyo worried lang ako kung stranger yung nag-download. Yung layouts & albums sa webshots ko, yun na kasi ang pinaka-kwento ng aming pamilya... kwento ng buhay namin.

Sabi ni Labs wag ko na lang daw i-post. Gusto ko pa rin naman yung may online album kasi pag may nangamusta na kaibigan at kapamilya, ang dali-dali lang... ibigay ko lang ang link at pronto! may pictures na may kwento pa ;) Hindi na yung paulit-ulit na pag-kwento at pag-send ng pictures (hehehe, katamaran lang pala).

Dapat ba i-set ko na lang as private album? Pag naka-private setting, paano ang pagshe-share naman nun sa family & friends... paano nila maa-access? Ilalagay ko ba kung sino lang ang allowed mag-view ng album? Parang nakakatamad kasi ang daming email adds nun, hehe! Pero kung ito lang ang way sige gawin ko na rin. Help naman. Suggestions po.

Selosa??

Last week kasama namin ni Labs ang college friend namin. Napag-usapan na may business trip ulit si Labs. Sabi ng kaibigan namin ay totoo daw pala yung pinost ko sa Yahoo Group ng tropa (nagulat ako at naalala nya pa ang post ko eh mga 18 months ago na yun). Nakakalamang na nga daw ang kabit ni Labs. Pabiro ko kasing pinost dati na nakakalamang na yung kabit ni Labs... joke na mas madalas pa na nandun sa other girl/family sa ibang bansa kesa kapiling namin sya dito sa S'pore. At saka baka magulat na lang daw ako may anak pala si Labs sa BKK, sa Malaysia, sa Taiwan, sa Brunei dahil dun daw madalas nade-destino si Labs ng ilang araw na kadalasan umaabot ng ilang linggo at kung minsan umaabot pa ng isang buwan. Yung sa Malaysia, malaki na raw yung bata. Yung sa Brunei, yun daw ang youngest. Pero shempre biru-biruan lang yun kaya tawanan lang kami. Kulitan lang. Ang pangalan nga pala ng college tropa namin ay Tropang Praning... sa pangalan pa lang may idea na kayo na pawang mga makukulit ang buong tropa, hehe!

Tapos tinanong ako bigla ng wife nung college friend namin kung selosa raw ba ako. Sabi ko "Hindi ako selosa. Secure naman ako. Tingin ko sa mga selosa mga insecure." Tapos sabi nya "Buti naman." Humirit naman si Labs ng "Pumipili talaga ako ng hindi selosa para hindi sila magkagulo." *LOL* Loko 'tong asawa ko ah, hehe. Tawanan na lang ulit kaming lahat.

Ayan, pinapasaya ko lang ang sarili ko sa mga kulitan namin ni Labs at ng mga kaibigan namin :) Pag ganito kasing mag-isa lang ako eh naiiyak na naman ako. Wahhhh, sana June 03 na para nandito na si Labs.

Missing Labs

4 nights ang work ko last week. Then 3 weeks off from work ulit. Tamang emote lang ako kasi may pasok ako tuloy-tuloy from Friday night to Sunday night. Kaunti lang time namin magkita ni Labs kasi pag-uwi ko tulog lang then pasok na ulit. So for 3 straight nights ganun tapos kanina flight na nya. 2 weeks business trip. Hayyyyy, nakaka-iyak. I know ganito na talaga set-up namin... madalas na business trip for him... pero hindi pa rin ako sanay. Naiiyak talaga ako. Kaya parang gusto ko mag-scrap ng mag-scrap. Ito kasi ang therapy ko pag nalulungkot ako.

Anyway, pagbalik ni Labs, 1 week holiday kami. Kaya medyo looking forward na rin ako sa bakasyon na ito. Medyo depressed kaming dalawa sa mga bagay bagay sa buhay buhay (hehe). Timing na rin siguro ang bakasyon na ito para mag-unwind at mag-R&R :) Hopefully matuloy ang trip. Hindi pa rin kasi masabi dahil sa condition ni Amah.

Wahhh, nalulungkot talaga ako ngayon. Nakakaiyak :(

Wednesday, May 16, 2007

Kenkoy's 5th Birthday Celebration

5th birthday cake

Nung Linggo, birthday ni Kenkoy & Mother's Day. Simba muna kami. Pagkatapos nag-lunch sa Pizza Hut sa may LP kasama ang flatmate namin, college friend at yung wife nya.

Tapos kanya-kanya na ng uwi. Pero kami nina Labs at Kenkoy ay tumuloy sa Sentosa. Matagal na kasi akong inaawitan ni Kenkoy na mag-cable car ulit. Ang promise ko sa b-day nya. May saysay pala talaga kung paminsan-minsan ay hindi agad binibigay ang hiling ng bata. Ayun after ilang months ng pangungulit eh tuwang-tuwa si Kenkoy na sa wakas ay nag-cable car ulit kami. Sa sobrang tuwa nga nya eh pag-uwi namin sa bahay ay panay kwento nya sa flatmate namin. Wednesday na panay kwento pa rin. At lagi pang dala-dala ang mapa ng Sentosa. Everytime na pumasok sa room nya ang flatmate namin at pag lumabas ulit papunta sa living room, kukwento na naman ni Kenkoy ang cable car experience nya. Parang sirang plaka *LOL*

Pero nakakatuwa kasi na-enjoy nya talaga ang birthday celebration nya. Sumakay pa silang mag-ama sa skyride & luge. Sabi ko nung una wag na sumakay dahil may sakit sa puso si Kenkoy. Naku, di nakatiis ang mag-ama ko. Inggit na inggit sa mga sumasakay. Pagkasabi ko ng "Sige." Aba, diretso agad sa cashier para bumili ng ticket. Nakakatuwa naman at nag-enjoy sila. Dami nga nilang pictures na mag-ama. Parang naging Father's Day bigla imbes na Mother's Day.

Pag-uwi sa bahay ay may gift pala ang flatmate namin para sa amin ni Kenkoy. Isang masarap na Tiramisu cake :)

Eto nga pala ang napili ni Kenkoy sa Divi Mall na goodies for his classmates --- mug & face towel...

mug & towels

A 360 degree view of the mug...

mug front

mug middle

mug back

Sa Thurs, celebration naman ni Kenkoy sa school. Naka-order na ako ng cake. Sana maganda at sana masarap. Di ko pa nasisimulan ang nametag para sa goodies na ibibigay ni Kenkoy. Sana matapos ko mamaya. (EDIT 17 May 2007... eto na po ang output ng goodies na may nametags)

goodies

Depression

Lately, nasa difficult times kami ni Labs. Gaya nga ng sabi ko sa previous blog entry ko wala akong ibang best friend maliban kay Labs. So kung ano man ang problema ko... kung ano man ang problema namin... sa akin/amin na lang yun.

Tapos maririnig ko si Labs nagkukwento sa common friends namin na depressed daw sya. Sabi ko sa kanya "Depressed ka pala eh ba't kung kani-kanino mo pa sinasabi? Sa akin ka na lang mag-kwento." Outlet nya lang daw at baka mabaliw na sya. Medyo tampo ako (pero di ko na ginawang malaking issue). Kasi ako kahit na mahirap wala akong pinagkukwentuhang iba. Anyway, sabi ko na lang sa kanya eh wag na magpaka-depressed. Happy dapat sa buhay.

Ayun para mawala ang depression, kanina nagluto si Labs ng spaghetti. Tapos nag-timpla ako ng calamansi juice. Ang sarap ng lunch namin. Tapos nag ice cream pa kami. Oh di ba ang sarap ng buhay :)

Contact Info

Sensya na po pero paki-update na lang ulit ng phonebook nila. Gamit ko na ulit ang old hp# ko. Balik na ako sa dati kong #, yipeeeeeeeeeeee!!!!

PBB

Foreign shows ang kadalasang pinanood ni Labs. Ako naman PBB lang ang sinusubaybayan ko sa TFC. Pag oras na ng PBB turn ko na manood.

Labs: Di ka ba manonood?
Lit Coo: Hindi na. Nabwisit na ko. Bahala na sila (Big Brother & housemates) sa buhay nila.
Labs: Buti naman.

Yun lang. Ah hehehe! Walang kwenta ang blog entry na 'to, hehe!

Monday, May 14, 2007

Kenkoy's B-day/Mother's Day/PBB

Perfect na sana ang celebration namin ng Mother's Day at ng birthday ni Kenkoy. Ang saya-saya. Mula sa pag-simba, sa pagsakay ng cable car, sa pagpunta sa Sentosa. Naka-usap ko rin mommy ko at mom-in-law ko. Ok talaga ang araw ko.

Kung bakit kasi nanood pa ako ng Pinoy Big Brother. Bwiset! Nasira ang araw ko. Oo, ayaw man ng iba si Dionne pero ako si Dionne ang housemate na gusto ko. Tanggap na nga naming mga maka-Dionne na na-evict sya nung Sabado eh kung bakit naman binalik lahat ng mga napatalsik nya. Kamusta naman yun? Ako na hindi naman gumastos sa pagboto eh asar na asar paano na kaya yung mga gumastos? Bad trip talaga *grrrrrrrrrrrrrrr* Bwiset! Nasira talaga ang araw ko.

Sunday, May 13, 2007

Araw Natin 'to

May pasok ako nung Friday kaya tulog ako nung umaga/hapon. Mga 3 pm... pagkagaling ni Kenkoy sa school tumatakbong pumunta sya sa room dala-dala yung card na gawa nya. Nagising ako kasi sumisigaw ng "MAMA... MAMA" habang tumatakbo. Tuwang-tuwa sya at excited na ginising ako para ibigay sa akin ang card sabay bati ng Happy Mother's Day *awwww*

Tanong ko kay Labs kung ano ang gift nya sa akin. Card din daw, hehe! Wala atang ka-romance romance sa katawan itong mister ko, hehe! Ang sabi ko naman sa kanya "Ok lang. Basta acid-free ha." Sagot naman nya "Acid-free ka dyan." hehehe!

At gaya ng summer ID ng ABS-CBN, para sa mga nanay --- araw natin 'to *wooohooooo* Happy Mother's Day sa lahat ng mga nanay!

At para kay Kenkoy -- Maligayang Bati anak! Hangad ko ang iyong kaligayahan sa tuwina. Añanu!

Friday, May 11, 2007

Friendship

Ngayon ang birthday ng best friend ni Labs. Natutuwa ako sa friendship nila at may halong inggit na rin. Magkaibigan sila mula ng pre-schoolers pa lang sila. Na-witness nila ang bawat stage ng buhay ng isa't-isa (maglaro, mag-aral, manligaw, maging professionals, magka-pamilya). Nang ikasal kami ni Labs sya ang best man ni Labs. Ganundin ng kinasal sya, si Labs naman ang best man nya. Lately lang nung nasa ICU si Amah (lola ni Labs), isa sya sa naga-update kay Labs ng lagay ni Amah. Medical doctor sya at talagang kinausap nya yung doctor ni Amah kung ano ang condition ni Amah. Tapos nag-email sya kay Labs. Nakakatuwa. Eh sa totoo lang hindi naman sinabi sa kanya ni Labs na nasa hospital si Amah. Sya na lang ang biglang nag-email at may update pa... at wag na nga daw mag-worry kasi medyo ok na si Amah.

Naisip ko lang ako wala akong maituturing na best friend (bukod kay Labs). Marami akong kaibigan pero hindi ganun kalalim ang samahan. Hindi tulad ng sa samahan na meron si Labs at ang best friend nya.

Si Labs ang best friend ko. Sya lang ang nakakakilala ng kung sino ako ng buong-buo. Pero pag may tampo ako sa kanya... o may iba akong hinanakit sa buhay, wala na akong ibang nasasabihan. Mag-isa ko na lang dadalhin kung ano man yun... at mag-isa na lang din na iiyak.

Minsan iniisip ko sana may best friend din ako bukod kay Labs. Yung gigimik kami. Manunuod ng sine. Magsho-shopping. Pupunta sa parlor. Chika-chika. Pero teka hindi nga pala ako shopaholic. Hindi rin ako kikay. Paano na kaya ang magiging bonding moments namin? Wala ata, hehe!

Si Labs at si Kenkoy ang mundo ko. Nakakatakot aminin pero kahit kaming tatlo lang masaya na ako. Dapat ko na atang lawakan ang mundo ko.

Tuesday, May 08, 2007

Diarrhea at ang Pagbubuntis

Missing in action ako for a week ata ah. Nagkasakit kasi ako last week. For 12 hours wala akong ginawa kundi magbalik-balik sa toilet. Hapong-hapo ako. Sa wakas natapos din ang hirap nung nag-throw up ako ng dalawang beses. Effective yung gamot. Kada inom ko ng gamot... suka agad. Grabe parang hinukay yung sikmura ko. Talagang nilabas kung ano man yung nakain ko na hindi maganda. Buti na lang si Labs at si Kenkoy hindi naman nagka-diarrhea.

Nakapanghina talaga. At para akong nabugbog. Ang sakit ng buong katawan ko. At yung pagduwal... parang nung buntis ako. Ganun na ganun. Ang difference lang may pagkain akong nilabas ngayon. Nung buntis kasi ako kay Kenkoy wala akong mailabas... dahil wala rin akong gustong kainin. Nung first tri lang naman yun. Buti yung last 6 months eh madali dali na ang pagbubuntis ko.

Ayun at ng dahil sa pagduduwal eh naalala ko tuloy ang pagbubuntis, hehe! Ang ganda ng flow ng pag-iisip ko di ba? *LOL*

At mula sa pagbubuntis ay panganganak naman. Sa Sunday nga pala 5 yrs na mula ng manganak ako. At sa Sunday din ang Mother's Day --- sakto :) Advance Happy Mother's Day sa lahat ng mommies!