Thank you, Singapore! And Happy 50th Birthday!
Kaaliw ang regalo ng Singapore's Ministry of Education sa kabataan. Ang bongga!
Sana ma-enjoy and at the same time maalagaan ni Kenkoy ang Lego special edition na ito. Sana sa 100th birthday ng Singapore, maganda pa rin ang condition nitong Lego set. Ano naman kaya ang matatanggap ng anak/apo nina Kenkoy at Kenkoy II sa 75th & 100th birthday ng Singapore?
mga kwento sa buhay buhay na na nakapag-patawa, nakapag-pasaya, nakapag-paiyak at nakapag-paisip kay lit coo
Friday, August 07, 2015
Thursday, August 06, 2015
Jubilee Weekend
source: Twitter
40 mins na lang, free mobile data na until Monday. Free rin ang bus & train rides sa Aug 9. Daming free na tourist attractions. Woot! Ang saya. Ang daming freebies. Karamihan pa naka-sale ng $50. Sana may pambili. Haha!
Ready na kami.
SG50 shirts - check
SG tattoo - check
Jubilee weekend sked - check (good weather po sana, Lord! salamat po.)
Happy, happy birthday Singapore! Excited na kami maki-celebrate. :)
Saturday, July 18, 2015
My Dream Watch
Ang matagal nang pinapangarap *drooling*
Simula ngayon pag-iipunan ko ng $100/month sa loob ng tatlong taon. Yes, may $100 na... $3.5K na lang. Hahaha!!!
Simula ngayon pag-iipunan ko ng $100/month sa loob ng tatlong taon. Yes, may $100 na... $3.5K na lang. Hahaha!!!
Labels:
Delayed Gratification,
Pictures,
Plans and Dreams
Sunday, June 21, 2015
Father's Day 2015
Happy Father's Day, Labs! Alam ko matutuwa ka sa mga ito :)
Ang wireless earphones na gustong-gusto niya. Ang wireless earphones na mas mahal pa sa AppleTV, hahaha! *susme*
Dati nung fulltime homemaker pa ako dami kong gustong iregalo kay Labs pero wala akong pambili. :P Ngayong may trabaho na ako ang dali na pumili ng regalo. :)
Yun lang wala naman akong extra time ngayon. Kaya ang annual Father's Day album na tradition ay di ko nagawa. Hayyyy! Sana magawa ko rin balang-araw.

Monday, June 08, 2015
2nd Pandora Bracelet
Balik tanaw: Memorial Tournament Day 4
Walang biro, ang sakit sa dibdib ng 85 ni Tiger. Kailangan ko ng retail therapy. Eto ang result... my 2nd Pandora bracelet... my happy pill :)
Walang biro, ang sakit sa dibdib ng 85 ni Tiger. Kailangan ko ng retail therapy. Eto ang result... my 2nd Pandora bracelet... my happy pill :)
Sunday, June 07, 2015
Memorial Tournament Day 4
Ang positive side... Maaga natapos ang game ni Tiger. Di ako puyat. *LOL* Pero, Tiger, ok lang ako magpuyat para sa 'yo. Wag kang mag-alala sa akin, haha! Kaya sana naman sa US Open ay galingan mo. Kaya mo 'yan. Makakabalik ka pa sa #1.
Pero dahil sobrang affected ako sa 85 score kahapon, gusto ko mag-retail therapy. Gusto ko bumili ng Pandora bracelet at isang charm. *LOL* Seriously, gusto ko nga. Kailangan ko ng happy pills.
Magastos pag natatalo ka, Tiger. Kaya galingan mo na. *LOL*

Memorial Tournament Day 3
Tiger, anyare? Wahhhh! Ang sakit sa dibdib. Ganda-ganda ng araw ko natapos na ganito. Wahhhh! Tiger, balik ka. Kaya mo pa 'yan. Nandito lang kaming mga fans mo.
Affected ako sobra. :'( Sana bukas sobrang bumawi. Sana umulan naman ng birdies at eagles.
Affected ako sobra. :'( Sana bukas sobrang bumawi. Sana umulan naman ng birdies at eagles.
Saturday, June 06, 2015
Memorial Tournament Day 2
5 hrs talaga isang round ng golf? #PuyatNaNaman #PasikatNaAngAraw
Roller coaster na naman. Pero salamat pa rin po, Lord, at maglalaro pa rin si Tiger sa weekend. Woohoo! Kaunting push pa po, Lord. Malapit na bumalik sa dating galing si Tiger. Sana nga po makabalik pa siya. Gusto ko pa po ma-entertain, haha! Please? Salamat *mwah*

Friday, June 05, 2015
Memorial Tournament Day 1
Natapos din ang game after 5 hours. *lol* Emotional roller coaster na naman ang sumubaybay sa laban mo, Tiger. Buti na lang wala akong sakit sa puso, haha! Okay na rin ang 1 over. Sana bukas wala ng bogey, double bogey, etc. Sana laging birdie o magka-eagle. God bless you, Tiger!
#fanmode #PuyatNaNaman
#fanmode #PuyatNaNaman
Monday, June 01, 2015
Back to Work
Tapos na ang anim na araw na bakasyon. Balik na ulit sa trabaho bukas. Rat race na naman. Kakapagod. Di bale, kailangan magtrabaho para may pangbakasyon ulit. Hahaha!
Utang muna mga kwento. Ang dami. Wala lang oras para mag-blog. *sigh* Daan na lang po muna sa Instagram account ni Lit Coo para sa mga larawan.
Magandang gabi sa lahat! Hanggang sa muli. :)
Utang muna mga kwento. Ang dami. Wala lang oras para mag-blog. *sigh* Daan na lang po muna sa Instagram account ni Lit Coo para sa mga larawan.
Magandang gabi sa lahat! Hanggang sa muli. :)
Sunday, May 10, 2015
Jolas, Jerry & Alvin Fan Forever
Awwww! My fangirl heart.
Ang gagwapo pa rin nila. Forever kong iche-cherish ang fangirling days ko. Nakakatuwa ang isang recent interview nila. Natatandaan pa ni Jerry ang practices sa Ateneo. Dami raw fans. Jerry, isa ako dun sa mga nagpupunta sa Ateneo, haha! Masaya ako na naaalala mo pa yun gaya ng tandang-tanda pa rin namin ang mga araw na yun. At si Jolas ha... ang galing sumagot sa mga tanong. Si Alvin naman ay may photo sa phone niya. Same sa photo ko na may autograph nilang tatlo. Pero may humiram at di na binalik sa akin. Nawala daw. Naiiyak ako pag naalala ko. 25-yr old na sana ang autograph na yun.
Labels:
Alvin Patrimonio,
Fan Mode,
Jerry CodiƱera,
Jolas,
Pictures
Saturday, May 09, 2015
Usapang Mother's Day Gifts
Usapan naming habang nagdi-dinner nung isang gabi ata...
Kenkoy & Kenkoy II: What do you want for Mother's Day?
Lit Coo: Just be good boys. I want to see you in heaven someday. We will reunite in heaven. Please pray for me that God will accept me in heaven.
I know, morbid ang sagot ko, haha! Pero yun talaga dream ko... na makarating kami sa langit.

Mother's Day Gift from Kenkoy
Kenkoy: I will buy chocolates for you.
Lit Coo: I am refraining from eating sweets now. Just buy me Pandora.
Kenkoy: Ahmmmm... that's expensive.
Lit Coo: *natawa sa reaction ng anak* Okay, milk tea will do.
Madali naman akong kausap eh. Haha!

1st Pap Smear
Balik tanaw: Free Pap Smear
Share Ko Lang...
na 1st Pap Smear ko kanina. Nakakakaba pala. Sana negative sa cervical cancer ang result.
Share Ko Lang...
na 1st Pap Smear ko kanina. Nakakakaba pala. Sana negative sa cervical cancer ang result.
Friday, May 08, 2015
On Being Tired & Slow
Ginagawa ni Kenkoy II ang music theory homework niya. Mainit na ulo ko dahil every week na lang kailangang ulit-ulitin. Di matandaan ang pinag-aaralan. In fairness eh mahirap nga para sa 6 yr old. Ako nga ngayon ko lang siya natutunan.
Lit Coo: Will you please hurry? I am not feeling well. I want to sleep. I'm tired.
Kenkoy II: I am tired too.
Lit Coo: Then hurry so we can all sleep.
Kenkoy II: Do you know that you are slow when you are tired?
Mahirap manalo sa batang ito. Papasa sa debating team. LOL
EDIT: 09 May 2015
Ito ang homework...

Thursday, May 07, 2015
My Everyday Bag
May lumapit na naman sa akin kanina sa MRT station na stranger. Binati ang bag ko. Ganda raw. Anong sinabi ng mga designer bags sa bag ko? Haha! Pansinin. laging may nagagandahan. May character kasi. ;)
Jeans ang style niya na may design sa harap. Christmas gift ng sis-in-law ko.
Jeans ang style niya na may design sa harap. Christmas gift ng sis-in-law ko.
Tuesday, May 05, 2015
Honest Boy
Kwentuhan naming mag-ina habang naglalalakad papasok sa school niya...
Lit Coo: Do you like my new hair?
Kenkoy II: Yes. You are pretty now.
Lit Coo: Now? Am I not pretty before?
Kenkoy II: Yes. But now you are pretty. I like your hair.
Talagang pinanindigang ngayon lang ako maganda. Di ka naman gaanong honest, anak? Hahaha!

Eight Course Afternoon Tea at Ritz-Carlton Singapore
Oras naman namin ni Labs para gumawa ng masasayang alaala. Walang magandang movie kasi school exam week. Pansin ko lang ganun lagi pag exam week dito sa Singapore. Pag trip mo manood ay wala talagang mapiling magandang pelikula. Sabi ko kay Labs treat na lang niya ako tutal Mother's Day naman na sa Linggo. Mag try naman kami ng kakaiba. Mag-afternoon tea kako kami. Mabuti na lang nakapagpa-reserve pa kami kahit biglaan.
Ito yung eight course afternoon tea sa Ritz-Carlton Hotel. Kung paano ang bilang di ko matandaan, hehe! Yung beef lang ang medyo ok tapos sugar overload na. :P
Refillable ang drinks.
Ok din naman ma-experience ang buhay ng mayayaman paminsan-minsan, haha! Pero dahil naranasan na namin ay ok na 'yun. Di na siguro namin uulitin. Ang mahal eh. $100 para sa merienda lang. *kurips mode, haha!* Uulitin na lang siguro namin pag malalaki na mga kids para ma-experience din nila.
May the 4th Be With You!
Anak, saan tayo dadalhin ng ating mga paa?
Ah, dahil Star Wars Day ay dalawin natin si Master Yoda. :P
At eto ang Sandcrawler Building...
At dahil ayaw pa umuwi ng ka-date ko ay tumuloy kami sa Vivo City para bumili ng merienda (pizza + milk tea). Tapos ay tumuloy kami sa Marina Bay Sands para kainin ang baon namin. Pag kakain ay punta naman kami sa Gardens by the Bay.
"Ang saya ng aming date. Hindi pasaway si Kenkoy II.
"love you, Mama." banggit ni Kenkoy II pagtapos ng aming date.
#happiness
Monday, May 04, 2015
Tiger-Lindsey Breakup
Yung paggising mo ang unang post na mababasa mo ay post ni Lindsey na break na sila ni Tiger. Nalungkot ako. Nalungkot talaga ako. :( Mas affected pa ako sa balitang ito kesa sa divorce ni Tiger. Gusto ko sila para sa isa't-isa. Parang sana maging happy na ulit si Tiger.
May tournament pa naman si Tiger this weekend. Hayyyy! Anyway, God bless you, Tiger! Dalangin ko makabalik ka sa pagiging #1 at makasali sa Rio 2016. Nandito lang kaming mga fans mo.
Sunday, May 03, 2015
MayPac
Hindi ako gaanong excited sa laban. Hindi kasi ako fan ng boxing. First time kong nakanood ng live telecast ng laban ni Manny Pacquiao. Salamat naimbitahan kami ng isang mabuting kaibigan na may PPV.
At pwera biro, mas excited ako sa kita-kits at sa Boodle Fight.
At gaya nang inasahan ko, mas masaya pa nga ang Boodle Fight at ang chikahan sa mga kaibigan kesa sa takbuhan at yakapan na nangyari sa ring. Ang ikinatuwa ko talaga sa laban na ito ay ang paghahanda ng mga Filipino na para bang Noche Buena o may Fiesta. Aliw!
Saturday, May 02, 2015
Free Pap Smear
Pagkalipas ng isang dekada ng pagiging Singapore Permanent Resident ay ngayon ko lang nalaman na may free Pap Smear pala. Kamusta naman ako sa pagkahuli sa balita?
Friday, May 01, 2015
Istana Open House
Anak, saan ba tayo dadalhin ng ating mga paa?
Ah, sa Istana. Kung sa Pilipinas ay Malacanang, sa Singapore naman ay Istana. Dito ang office ng Prime Minister at dito rin naninirahan at nagtatrabaho ang Presidente ng Singapore. Open siya sa public ngayong Labor Day.
Pagtapos naming pumila ng halos isang oras at kalahati ay nakapasok din kami. Kakabilib ang security. Parang nasa airport. Dadaan sa x-ray machine. *wink*
Ayan, nakapasok na kami. Ito ang Kallang Wave ng Ministry of Design. Gawa siya sa seating planks ng dating National Stadium.
Ito naman ang The Coil ng LOOK Architects (sana tama ang pagkakatanda ko). Gawa rin siya sa wooden planks ng benches sa dating National Stadium.
Ang ganda ng hardin sa loob ng Istana grounds. Ilang hectares na ganito ang tanawin. Lakas maka-good vibes.
At eto ang paborito ko. Ang isa sa highlights ng araw namin. Ang libreng concert ng Singapore Symphony Orchestra. Nabuhay ang pangarap kong isa o pareho sa mga anak ko ay maging member ng orchestra. Actually, member na ng Chinese orchestra si Kenkoy ngayon. Pero gusto ko rin yung orchestra na piano ang instrument niya o kung anuman ang magiging 2nd instrument niya.
Playground. Kaya lang di namin kasama si Kenkoy II kaya tinanaw lang namin.
At biglang dumaan ang President ng Singapore. At dahil di naka-ready ang handphone ko ay likod na lang ang nakunan ko, hahaha!
Pumasok din kami sa loob ng Istana building. $2 ang entry fee. Kaya lang bawal ang pagkuha ng larawan.
Ito ang malayong lakarin papalabas ng Istana. Pero di pa kami umuwi agad. Nag-dinner kami sa Plaza Singapura. At nakita pa namin dun ang isa sa member ng Singapore Symphony Orchestra. Sabi namin na-enjoy namin ang performance nila. Ngumiti at nagpasalamat. Pagtapos namin mag-dinner ay pumunta kami sa Marina Bay Sands. Ang paborito namin ni Kenkoy na mall.
Sana na-enjoy niyo ang kwento at mga larawan. Sana parang nadalaw niyo na rin ang Istana. *wink*
Thursday, April 30, 2015
Work Affirmation #4
Message ng boss ko. I'll forever be grateful to her sa opportunity at tiwala na binigay niya sa akin. Kakatuwa na nagugustuhan niya kung paano ako mag-trabaho.
Ang saya talaga ng trabaho ko. Kanina panay kandong, yakap at halik sa akin ng mga students. Ang lalambing. 12 students sa class namin. Para akong may dagdag na isang dosenang anak. Yun lang pag end of school year may kasamang kalungkutan dahil mawawalay na sa kanila. Tapos next batch of students na naman. Mamahalin, aalagaan at tuturuan mo ulit na parang mga anak tapos mawawalay muli. Hayyyy, ganun talaga. Pero laking pasasalamat ko sa Diyos, nakakapagod man ay ito talaga ang masayang trabaho. Parang Mommy pa rin sa work at Mommy talaga pag-uwi sa bahay. 2 awesome & rewarding careers. Thank You po, Lord! *mwah*
#happiness #NakakawalaNgPagod

Sunday, April 26, 2015
Convo with Kenkoy II
Kenkoy II: We are not doing anything in school. We only play, play, play.
Lit Coo: (Dahil alam kong marami naman siyang natututunan sa school. Yung mga natutunan ko ng Grade Schoool ay alam na niya ngayong Kinder 2) That's okay. You are still a child. You may play & play & play. In Primary 1 you'll have more work. You aim for A*, ok? Try to be #1 in your class.
Kenkoy II: Why? Is it a race?
Lit Coo: No, it's not a competition. The teacher just want to know if you are listening, learning & thinking.
Kenkoy II: Ah, okay.
Sarap kausap netong bunso ko. :)

Saturday, April 25, 2015
ABRSM Grade 4 Piano Practical Exam Result
Dumating na ABRSM certificate ni Kenkoy. Distinction *woot* To God be the glory! Thank You po, Lord, sa talent at pagtulong kay Kenkoy. Parang kailan lang nagsimulang mag-piano si Kenkoy. Ngayon grade 5 na siya. Kakatuwa. :)
Atenista
Share Ko Lang...
Kasi sobrang tuwa ako sa results na ito dahil ipinagdasal ko talaga ito kay Lord. Matagal na itong results... isang October 2014 at isang January 2015.
Parehong nakapasa sina Kenkoy at Kenkoy II sa Ateneo de Manila. Grade 1 sana sa pasukan si Kenkoy II at Grade 7 naman si Kenkoy. Uuwi na sana kasi kami sa Pilipinas. Naka-plano na lahat kaya lang sa pagdi-discern namin ay mas maiging dito na muna kami manirahan.
Kakatuwa lang. Mga Atenista na sana ang dalawang Kenkoy. :)

Answered Prayer,
Kenkoy at Kenkoy II,
Pictures,
School,
SKL
Friday, April 24, 2015
Saturday, April 04, 2015
Swimming Lesson
First swimming lesson ni Kenkoy II kanina. Sobrang excited ang bata. Looking forward talaga siya sa araw na ito. Nakakatuwa.
Sumama rin si Kenkoy. At ang galing nandun din ang mga dati niyang kaklase sa Primary School. Nakakatuwa ang tatlong ito. Magkaka-klase sila mula preschool days hanggang Primary School. Nagkaiba-iba na lang sa Secondary School. Pero at least magkikita-kita na ulit sila tuwing Sabado. Sana magtagal pa ang pagkakaibigan nila. (At parang uniform pa ang swimming attire nila, hahaha!)

Friendship,
Kenkoy,
Kenkoy II,
Pictures,
Swimming
Friday, April 03, 2015
Date with Kenkoy II
Anak, saan ba tayo dadalhin ng ating mga paa? Hahaha!
Ah, sa National Museum of Singapore.
at sa Sentosa.
Ah, sa National Museum of Singapore.
at sa Sentosa.
Mamaya na lang po ang kwento. Gugunitain na po muna ni Lit Coo ang Biyernes Santo.
Labels:
Childhood,
Creating Memories,
Family Bonding,
Kenkoy II,
Parenting,
Pictures
Wednesday, April 01, 2015
iPhone 6 Advertisement
Yung sa araw-araw na byahe ito ang makikita mo...
Medyo effective ha? Pwede ma-print ng ganun kalaki ang photos pero maganda pa rin? High res. Ako na walang kaplano-planong mag-upgrade ng phone ay biglang nae-engganyo. Pero sorry, Apple, mataas pa rin ang EQ ko. Siguro sa January pwede pa. Pag renewal na ng phone contract.

Back in the Workforce Update
Grabe, sobrang outdated na ng blog posts ko.
Balik tanaw: Back in the Workforce
Sa ating pag balik tanaw ay retail industry pa ang kwento ko. Ahmmm, bale, hindi ko tinuloy yun. Feeling ko di ko kaya ang schedule na may pasok pag weekends. Mawawala ang family day namin. Pati pag-Simba hindi ko makakasama ang pamilya ko. Kaya naman bago ako mag-report sa unang company ay dali-dali akong naghanap ng trabahong magiging masaya ako. Salamat sa Diyos at sa pangalawang pagkakataon ay natanggap ulit ako.
Preschool na ang pinagta-trabahuhan ko bilang Assistant Teacher. Malayo pa rin sa kursong kinuha ko pero sobrang pareho naman sa career ko for the past 12 years... ang pagiging Mommy.
Masaya ako sa trabaho. Mabait ang mga boss. Sobrang understanding. May work-life balance. 8:30 am to 5:30 pm ang working hours sa contract ko pero naki-usap ako kung pwedeng hanggang 4:30 pm na lang para masundo ko si bunso sa childcare. Pumayag. Ang saya magkaroon ng ganung klaseng boss di ba? Tapos walang pasok pag weekends. Pag school holidays wala rin akong pasok. Nakakapagod lang physically kasi ilang bata ang aalagaan pero hindi naman nakaka-stress. Nawawala naman pagod ko pag nanlalambing mga kids. Pag kumakandong at yumayakap. Pag panay pasasalamat. Pag tinatawag ka nila pag kailangan ka nila. Awwwwww! Parang dumami bigla ang mga anak ko. Hahaha!
Ito pala ang araw ko nung 18 March 2015...

Tuesday, March 31, 2015
Utilities Bill
Utilities (electricity, water & gas) bill namin for this month...
Weeeee! Bumaba ng $165.29. Sana every month ganito na lagi. :)
Weeeee! Bumaba ng $165.29. Sana every month ganito na lagi. :)
Subscribe to:
Posts (Atom)