Monday, February 28, 2011

Arte-artehan

Kahapon nag-iyak-iyakan ako. Tapos biglang lumapit si Kenkoy II. Sabi nya, "Why?" Awwww. Ang sweet. Sabi ko pagod na kasi ako.

Sunday, February 27, 2011

New Book & Toy

Ito naman ang requests ni Kenkoy. Book 2...at isa pang Beyblade...


Stroller, book & toy... nabili galing sa ang paos nila nung nakaraang Chinese New Year. Thank You Jesus! Thank You rin sa mga nagbigay ng ang paos :)

Umbroller

Bagong umbroller ni Kenkoy II...



Yayyyy! Mas madali na ang pamamasyal namin. Mas makakatipid na rin dahil pwede na mag-bus. Hindi na bulky. Ang sarap i-maneuver nitong bagong stroller. Smooth at mabilis ang pagliko ng gulong. Yung dating stroller ay sobrang effort sa pagtulak at pagliko-liko dahil ang hirap kontrolin ng mga gulong.

Pwede ring i-recline ang seat nito. May cup holder pa. Ang mami-miss ko lang na feature ng old stroller ay yung pwede ilipat sa harap ang handle para nakaharap sa baby pag tinutulak.

Maliban dun ay sobrang ok nitong bagong stroller. Galang-gala na ako. Hahaha!


Friday, February 25, 2011

Beyblade pa rin

Ngayon-ngayon lang, "Beyblade." sabi ni Kenkoy II habang natutulog.

Hanggang panaginip Beyblade pa rin ;)


Wednesday, February 23, 2011

Auto-sending

Nag-buzz ako sa YM ni Labs kanina.

Reply nya... "i luv u :*"
Sagot ko naman... "naka-program na ah. computer na ata ang kausap ko :)) "

Eh paano naman everyday 'yan. Si Labs ang unang-unang magse-send ng message at 'yan ang 1st message nya sa akin lagi :) Parang auto-send lang, hahaha!

Pero ayos na 'yan kesa sa wala :P


Monday, February 21, 2011

Flu

Kagagaling ko lang sa sakit. Cough, colds, headache, muscle pain & sore throat. No fever naman pero grabe yung headache. Uminom na ako ng pain reliever pero ang sakit pa rin. At first time kong mawalan ng boses. Grabe talaga. Hindi na nga ako nakapag-simba kasi di ko kaya. Kayanin ko man eh naisip ko baka may mahawa pang iba kaya di na rin ako sumama kina Labs sa pagsimba. Buti na lang weekend ako nagkasakit kaya nandito si Labs para maalagaan ang mga bata.

Thank You Lord for healing me :)


Friday, February 18, 2011

Sleep? Pray?

Sa afternoon nap time ni Kenkoy II kanina sabi ko sa kanya "sleep". Sagot nya "pray" sabay idinikit ang dalawang palad at magdadasal na nga sya. Sa gabi nga naman kasi prayer time muna bago matulog. Napangiti ako kay Kenkoy II. Sa murang edad nya ay natututo nang magdasal :) Kaya ayun, nag-pray muna kami bago sya nag-afternoon nap.

Thursday, February 17, 2011

Daydreaming

Pumirma na si Labs ng contract. Regular employee na sya ng company nila. Makaka-avail na sya ng company benefits, yayyy! 2 years syang contractual sa same company.

Ang sarap lang kanina after naming mag-dinner. Sabay kaming nangarap ni Labs. Ang sarap mangarap. Nakakatuwa lang talaga kasi may additional family income. Parang "Hayy, salamat." :) Matagal-tagal din na sakto sa family needs ang kita. Malaki-laki rin kasi ang ibinabawas para sa CPF. 20% ng monthly income ni Labs. Di bale savings din naman yun.

Ang sarap lang ng pakiramdam ngayon kasi may pang-luxury na. Parang it's about time na rin naman na ma-enjoy namin ang pinaghihirapan ni Labs. Regaluhan naman muna namin sarili namin, hee hee!

Thank You talaga Lord. Sobrang appreciate po namin ang blessings Nyo para sa aming pamilya. Thank You po talaga :)


Wednesday, February 16, 2011

Christmas Wishlist

Eto pala ang wishlist ko last Christmas. Na-remind akong balikan dahil sa V-day wishlist blog entry.

- Ikea dining set
- Aussino bed sheet sets
- more than 1 month bonus for hubby
- magandang weather pagpunta sa Batanes
- at sana pumunta lahat ng invited sa Dec 26 anniv party
- secret yung last... hindi material

Sabihin ko lang na answered prayers lahat, weeeeee! Thank You Lord. Medyo may delay nga lang yung iba. This year pa lang namin matatanggap... parating pa lang. Pero salamat pa rin po Panginoon.

Nakakatuwa pa yung bedsheet kasi Aussino brand talaga. At yung nagbigay ay hindi aware sa wishlist ko kaya tuwang-tuwa ako nung pag-open ko ng gift... sakto sa dalangin ko.

Yung secret ay iniisip ko pa kung ano ba yun. Sa sobrang secret nakalimutan ko, hahaha! 3rd baby ata yun. Ah, parang natatandaan ko na. At tama, secret na muna sya.

Sobrang nakakatuwa dahil nung nilista ko yan ay parang suntok sa buwan. Parang sobra-sobrang kahilingan naman kako sa sarili ko. Pero yun talaga ang mga nais ko. Walang ibang nakakaalam ng wishlist ko kundi si Lord, si Labs at sa isang forum na may anonymity. Hindi ko ipinost sa FB account ko at hindi ko rin nai-blog so walang nakakaalam sa mga kakilala ko. Kaya overwhelming malaman na answered prayers pala halos lahat. Thank You po talaga Lord. Kahit birthday Mo po ay kami pa rin ang nire-regaluhan Mo. Thank You, thank You po!


Pangaral ng Anak

Convo kanina...

Lit Coo: Wait. I'm setting the alarm.
Kenkoy: And make sure you charged your phone. I don't want to be late again.

Bwahaha!


Tuesday, February 15, 2011

Incomplete Prayer

Nang minsang mag-away ang magkapatid...

Lit Coo: Kenkoy, please do not fight. You are brothers. You must love each other. And remember your prayer? You prayed for a baby brother. You said you will play together. Now you are fighting.
Kenkoy: Yeah, I prayed for a baby brother... but a brother who is not irritating.
Lit Coo: (bwahaha! natatawa na ako sa isip ko) Well, your prayer is incomplete. Next time when you pray you tell Jesus all the details of your prayer request.


V-day Wishlist... ang resulta

Natupad ba ang wishlist ko? Ahmmm, natupad naman. Mga kalahati ;)

Na-grant ang wish kong makatulog. Nakatulog ako ng mahaba. 6 1/2 hrs na straight. Mahaba na yun as compared sa usual sleeping hours ko pero kulang pa rin para makabawi ng lakas. Ang siste pa ay kaya lang naman sya napahaba ay dahil nag-battery empty ang handphone ko :P Ayun, hindi nag-alarm. 6:30 am na ako nagising. 7 am ang pasok ni Kenkoy. Hayyyy... paspasan talaga ang kilos. Ang aga-aga stress agad.

Ang good news naman ay nag-dinner date kami ni Labs... kasama ang mga bata, hwehehe! Wala kaming choice. Walang yaya eh. Ok naman. Masaya naman kaming kasama ang mga bata. At saka improving si Labs ha. Nagpapa-reserve na ngayon sa restaurant, hee hee! Na-appreciate ko ang effort mo Labs *mwah* Nag-dinner kami sa Jack's Place, Anchorpoint. Grabe nga lang ang commercialization. Plus 50% ang dagdag sa price. Pero ok na rin. Minsanan lang naman namin gawin ito. Hindi naman every year dahil sa totoo lang eh nako-corny-han ako sa Valentine achuchuchu. Hahaha! Ayoko nang nakiki-sabay sa lahat. Gusto ko yung special. Yung kakaiba.


Monday, February 14, 2011

V-day Wishlist

Happy Hearts Day sa lahat!

Valentine na naman pala. Ito ang huli sa sunod-sunod na siyam na okasyon mula sa bday ni Mama (MIL) - 16 Dec, Pasko, Wedding Anniv - 29 Dec, New Year, Bday ni Kenkoy II - 10 Jan, bf-gf anniv - 17 Jan, Bday ni Labs - 31 Jan, Chinese New Year at eto ngang V-day.

Hindi namin halos sine-celebrate ang Araw ng mga Puso. Wala nga akong matandaan halos sa past 16 Valentines ko with Labs.

Memorable lang yung isang beses na binigyan nya ako ng 3 red carnations. Pero di ko na rin matandaan kung anong year nun. Nasa Bayantel pa ako nun kaya hindi pa kami kasal nun.

Yung isa pang memorable ay yung kauna-unahang V-day namin. Mga estudyante pa kami. Mga isang buwan pa lang kaming bf-gf. Nag-meryenda lang kami sa isa sa paborito naming kainan sa likod ng Mapua. Breaktime lang sa klase. Tapos ang order namin ay turon. Wala lang. Ang sweet na nun para sa akin. Siguro kasi matamis yung kinain namin (haha, ang corny ko!) o siguro kasi 1st V-day namin o siguro sadyang mas trip ko ang mga simple joys.

Ngayong taon na ito, hindi ko nais ang makatanggap ng bulaklak o kaya ng tsokolate o kaya ng date. Mas gugustuhin ko pang mabigyan ng pagkakataong makatulog ng mahimbing, makapagpahinga at sana lang sa pag gising ko ay walang tambak na gawaing bahay. Matupad kaya ang wishlist ko?


Saturday, February 12, 2011

New but Old Phone

Last Dec. kwentuhan namin sa kotse habang nagba-byahe mula Bulacan pauwi sa QC...

10-yr old niece: My cellphone is new but old.
all: Huh? New but old?
10-yr old niece: It's new but it doesn't look like a cellphone. It looks like more of a calculator.
all: nyahaha!

Bago nga naman kaso LCD yung screen, hwehehe!

Friday, February 11, 2011

Thank You Lord

We just received another blessing from God. Ang ganda talaga nang pasok ng bagong taon. Ang ganda nang pasok ng bagong dekada. Sabi ko na nga ba nararamdaman ko na very positive ang vibes ng taong ito. Good health, real joy & prosperity -- sana magtuloy-tuloy. Thank You Lord :)

Nga pala, congratulations Labs! Sobrang ganda ng pahabol na pa-birthday ni Lord para sa 'yo :) You deserve it Labs. Congrats!


Wednesday, February 09, 2011

3rd Baby

Napa-isip ako ngayon kung susundan pa ba namin si Kenkoy II.

Next year sana kasi Year of the Dragon. Isa pang factor ay ang edad ko. Turning 39 na ako next year.

Kaya lang hindi ko pa ata kaya ang dagdag na workload at ang mabigat na responsibilidad nang pag-aalaga at pagpapalaki sa tatlong bata. Siguro kung may helper kami na pwedeng gumawa ng mga gawaing bahay, kaya ko pa. Pero sa set-up namin ngayon malamang hindi namin kayanin ni Labs. Ngayon pa nga lang ay puro reklamo na ako kay Labs -- pagod na pagod na ako Labs... nakakapagod Labs... parang puro ganyan na lang ang nasasabi ko. Hwehehe!

Ang isa pang dahilan kaya hindi ako 100% na next year na sundan ay dahil gusto ko yung age gap nina Kenkoy at Kenkoy II. Gusto ko sana 7 yrs gap ulit. Napagtutuunan ko ng pansin ang bawat needs nila. Hanggat maaari ay ayoko nung naiipit ako at kailangang pumili kung sino ang dapat alagaan/tulungan. Independent na rin si Kenkoy kaya mas madali. Hindi ko maisip kung paano ba maaalagaan yung dalawang helpless na bata na sabay. Ewan ko. Siguro gusto ko lang talaga na may oras ako para sa bawat anak ko. Yung kami lang dalawa... one-on-one kumbaga. Bukod pa syempre yung oras na magkakasama naman kaming buong pamilya. Yun nga lang 40+ na ako kung 7 yrs gap ulit.

Parang gusto ko na rin namang magpahinga. Pag grade schooler na si Kenkoy II sigurado marami na akong oras para sa sarili ko. Yun nga lang pag naiisip ko na may 3rd baby pa... gusto ko rin. Hay, ang labo ko. Esep-esep. Kailangang magdasal sa kung ano nga ba ang nararapat.


Tuesday, February 08, 2011

The Two of Us

Di ko pa pala ito naba-blog. Usapan namin ni Kenkoy last month...

Kenkoy: Mama, let's watch The Two of Us.
Mama: Ok. So what are we going to watch?
Kenkoy: The Two of Us.
Mama. Yeah, the two of us. So what are we going to watch?
Kenkoy: *irita na* The Two of Us. You know... Audrey... JR?
Mama: Ah, Tayong Dalawa. Ok ok.

Sus! The Two of Us kasi ang title dito sa S'pore ng Tayong Dalawa. Pinapalabas sa primetime bida ng Mediacorp Channel 5. Hehe!


Monday, February 07, 2011

Commute

Kung dati-rati ang ikinakaba ko ay baka madapa si Kenkoy sa pagtakbo nya o kaya naman baka ma-aksidente sa slides, kanina ay level-up na ang ikinababahala ko. Kanina ang unang beses na nag-commute si Kenkoy na mag-isa. May kasamang takot pero kailangan dahil sa tingin namin ay panahon na rin naman.

Inisip ko, dalawang bus stops lang naman. Mga kinse minutos lang kung lalakarin. Hindi na rin tatawid si Kenkoy kasi ka-lane namin yung school nya. At saka nung huling hatid ko kay Kenkoy ay napansin ko sa bus na wala ng kasamang magulang ang mga ka-batch ni Kenkoy. Itinuro ko nga kay Kenkoy na sya na lang ang may kasamang magulang. Kaya na ng ibang bata... kaya na rin kako nya. Ok daw. Sya na lang daw papasok mag-isa.

Ang dami kong payo at bilin kay Kenkoy. Na bilanging mabuti ang bus stops. Na wag agad agad maniniwala sa sinasabi lalu na pag stranger. Na kailangang mag-isip sya lagi... suriin kung niloloko ba sya ng isang tao. Na wag maniniwala pag may nagsabi sa kanya na sabi ko "daw" o sabi "daw" ng Papa nya... tawagan nya kako muna ako o ang Papa nya para i-verify kung sinabi nga ba namin yun.

Nakakatakot pa lang simulang i-let go ang isang anak at hayaan sya sa tunay na mundo. Nakakatakot dahil baka pagsisihan ko ang pag-let go ngunit paano namang matututo ang isang bata kundi hahayaan? Hindi ko naramdaman ito nung nag-school si Kenkoy. Wala naman kasing separation anxiety na nangyari. Hindi naman umiyak dati si Kenkoy sa first day of school sa nursery.

Ok naman ang 1st try ni Kenkoy sa pagsakay sa public bus na mag-isa. Naibsan ang kaba ko. Bukas panibagong araw na naman. Pero tuloy pa rin ang dalanging sana laging gagabayan ni Lord ang aking baby... na bata na ngayon... at 4 yrs na lang ay teenager na.

Saturday, February 05, 2011

Beyblade

Addicted to Beyblade ang 2 boys ko. Phoenix ang kay Kenkoy. Aquila naman ang kay Kenkoy II. Nakakatuwa lang din si Kenkoy II kasi 2 yrs old pa lang ay marunong na mag-Beyblade. Kung makakasa ay kala mo hustler sa Beyblade, bwahaha!

Tatlong Beyblades ang natanggap ni Kenkoy last Christmas. Isa naman ang kay Kenkoy II. Iniwan nga lang ni Kenkoy sa Pinas ang Beyblades nya. Wala naman daw syang makakalaro dito sa S'pore (patingin-tingin pa lang kasi sa kanya si Kenkoy II nung Dec). Pagdating dito ay nilaro naman ang Beyblade ng kapatid nya. L-drago yun. Away na naman tuloy sila dahil pinag-aagawan ang nag-iisang Beyblade. Sabi namin kay Kenkoy ay bibilhan na lang namin sya. May birthday party si Labs sa East Coast Park. Dinala ni Kenkoy ang l-drago. Ayun, nawala. Dalawa pa tuloy ang kailangan naming bilhin. $20 pala yung l-drago. Mga $12+ naman bawat isa ang Phoenix at Aquila. Kamahal naman pala ng mga trumpong ito. Dati rati ay de-pako lang ang mga trumpo, haha!

Pero mas gusto ko na laruin ito kesa sa Bakugan. Di ko gets ang objective ng Bakugan. Buti natigil na si Kenkoy dun. Di ko maintindihan ang laban namin dati. Hehe!

Chinese New Year

Sunod-sunod ang party.

Feb 2 - Chinese New Year's eve. Naki-celebrate kami sa 1st birthday ng inaanak naming si Trish.

Feb 3 - Steamboat party dito sa bahay. Kasama na rin ang videoke party. 12 mn na kami natapos. Buti hindi kami nireklamo sa pulis ng kapitbahay namin. Sana nag-enjoy sila sa kantahan. Magaganda naman ang boses ng mga kumanta eh ;)

Feb 4 - BBQ party sa Pasir Ris Park. Naki-celebrate kami sa birthday ng choirmate ni Labs.

Nakakapagod pero ayos din pang-tanggal ng stress :)

Friday, February 04, 2011

Cleaning Up

Nag-celebrate kami ng Chinese New Year. May munting salu-salo dito sa bahay. 10 adults plus 3 children. Steamboat at may dagdag na chili crab. Sarap!

Kwento ko lang na after the party ay kusang nilinis ni Kenkoy ang mga laruan. Nagkasiyahan kasi sila sa room at kalat kalat ang mga laruan sa buong bedroom. Hindi naman ako nagalit. Party time naman. Hindi ko lang akalain na kusang maglilinis si Kenkoy. Sa mga ganitong pagkakataon ay nawawala ang pagod ko. Parang award sa akin na makita kung paano namin napalaki ang mga bata. Sulit na sulit ang hirap at pagod ko sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanila.

Sobrang pasasalamat ko kay Kenkoy. Di matapos-tapos ang pagsabi ko ng appreciation sa ginawa nya.

Galing galing Kenkoy! Proud ako sa 'yo anak.

*****
Sabi pala nya pagkatapos nyang maglinis -- "Mama, now I know how you feel. It's hard to clean up. Whew"

Hehe!