Monday, June 13, 2011

Singapore Botanic Garden Album

Balik tanaw: Singapore Botanic Garden blog entry


Nagawan ko na ng album ang educational family day out namin sa S'pore Botanic Gardens. Nahirapan ako sa album na 'to. Di ko gaanong nagustuhan ang output ko. Naumay ako sa kulay na napili ko para sa album -- green na green, haha! Pero ang gusto ko sa album na ito ay ang mga kwento at pictures.

Friday, June 10, 2011

FB Friends List

165 na pala nasa list ko. Nadadamihan na ako. Gusto ko sana less than 100 lang. Bihira lang ako mag-add. Ina-add ko lang yung mga comfortable akong i-share ang buhay ko.

Sa mga nasa friends list ko,
1. pag nagpa-add na kakilala pero di ko feel na i-share ang buhay ko sa kanya, tina-transfer ko sa hide group. Yung hide group ko walang access sa wall ko. Limited lang din ang visible albums ko sa kanila. Yung mga scrapbook layouts/albums ko naka-hide.
2. pag hindi active (hindi naman nagpo-post ng photo/videos/status), tag ko din sa hide group.
3. pag active sya pero walang interaction sa aming dalawa, meaning di naman sya nagco-comment sa updates ko at ganun din ako sa kanya, tag sa hide group na rin. Tutal parang invisible lang din naman kami sa isa't-isa :P

Sa ngayon, out of 165 na nasa list ko, 67 ang nasa hide group.

Pero ako, bihira ako mag-hide ng updates ng mga nasa FB list ko. Oks lang mag-post sila, wall nila yun eh. Pero yung may access sa wall/photos/videos ko, yun ang nililimitahan ko.


Thursday, June 09, 2011

Minor Accident

Makakatulog na rin sa wakas ;)

Alas-tres ng umaga kinailangan naming pumunta sa hospital. Nagka-minor accident si Labs. Di na raw nya kaya ang pain. Binigyan si Labs ng pain reliever. Tapos physical exam at x-ray. Ok naman, so far, ang findings. Wala namang fracture. Tatawag daw sila pag may nakita ang specialist na fracture sa x-ray result. Sana nga walang fracture.

Nag-McDo breakfast kami :) At nung papauwi pala kami may nakita kaming tatlong kabataang lalaki na tinatanong ng dalawang pulis. Siguro tinatanong sila kung ano ang ginagawa nila sa labas ng dis-oras ng gabi.

Ayun lang. Mabalik kay Labs, 4 days MC (sick leave) ang binigay sa kanya.


Wednesday, June 08, 2011

15th & 16th Layouts for 2011

Balik tanaw: Kenkoy's BFF blog entry.

Nagawa ko na sya. Ito na yung layout (my 16th layout for this year)...

Yung ika-15th layout naman ay ang Father's Day layout. Ika-7th Father's Day layout ko na. Nakaka-pitong taon na pala ako sa pagii-scrap ;)


Tuesday, June 07, 2011

13th & 14th Layouts for 2011 + Print Shop

Back to scrapbooking, woohoooo!

Nakapagpa-print na last Sunday. At naka-2 layouts na ako ;) Tungkol sa dalawang Kenkoy yung layouts. Marami pang naka-pending. 70+ photos yung na-print eh. At mas marami pa ang hindi pa napapa-print. Pero ok na rin kahit na paunti-unti ay may output naman na.

Sa mga nasa-S'pore, kung may plan kayong magpa-print, try nyo yung print shop sa Harvey Norman Suntec City. $19.95 ang membership fee. Sulit naman kasi 30% off valid for 1 year. May free 4 6R photos & 4 8R photos pa. Walang minimum # of photos to be printed di gaya sa ibang shop. At saka minutes lang ang waiting time, makukuha na agad ang photos. Subukan nyo kung gusto nyo yung quality. Sa akin, ok naman sya. Mura pa at mabilis.


Friday, June 03, 2011

I've Won Movie Tickets

Balik tanaw: Free Movie Tickets Contest blog entry.

Nanalo ako, yayyy! Thank You po, Lord! Akala ko di ako nabunot kasi 25 May yung raffle date. Sabi mage-sms daw sila sa mananalo. Wala naman akong natanggap na sms. Pero kanina nag-check ng mailbox si Labs. Eto ang natanggap namin...


Yahooo! May Father's Day gift na ako kay Labs ;) :P

Eto naman yung movie tickets from Labs' company. Bukas, manonood sila ni Kenkoy ng X-Men.


God... Faith... Paano ba i-explain sa bata?

Kagabi...

Kenkoy: How does God work? How does He heal us?
Lit Coo: He is powerful. He is the Greatest Healer. You have to have faith in Him.
Kenkoy: What is faith?
Lit Coo: Faith is believing even there's no proof. You don't question. You just believe.
Kenkoy: Faith is hard. I believe but... how does God heal us? How does God work? I'd like to know.

Paano ba sagutin ang mga ganitong tanong? Naghahanap ng logic & reasoning ang bata. Ayokong lumaki syang freethinker. Natatakot ako. Hindi ko dinaanan yan nung bata ako. Di ako nagtanong. Basta tinanggap ko ang itinuro sa akin at naniwala. Naisip ko baka may classmate na freethinker. Wala naman daw nagtatanong sa kanya nun. Naisip lang daw nya yung mga tanong.


Wednesday, June 01, 2011

Two Rest Days

Mabait din pala ang boss nina Labs. Siya na nagsabi na mag-leave si Labs kasi school holidays daw. Siguro nabasa nya ito, Survey: HK and Singapore bosses most demanding :P

Yayyy, makakapagpahinga kami :) Sobrang nakakakapagod yung apat na araw na pasyal last weekend.