Assignment ni Kenkoy...
Kanina pagkahatid ko kay Kenkoy sa school ay pina-abot ko kay Kenkoy ang assignment nya sa Chinese class. Nilapitan ako ng Chinese teacher at tinanong kung sinong nagsulat nung assignment. Sabi ko si Kenkoy. Hawak daw ba namin ang kamay... kung may guide sa pagsusulat. Sabi ko wala. Si Kenkoy lang kako ang nagsulat. Amazed na amazed sya. Ang ganda daw ng pagkakasulat. At nag-improve daw si Kenkoy this year as compared to last year.Nakakatuwang makarinig ng magandang feedback ;)*****At tama pala si Labs. Sabi kasi ni Labs ay maganda magsulat ng Chinese characters si Kenkoy.
Recently ko lang nalaman na buntis pala si Jessica Alba. Si Angelina Jolie buntis din. Si Jennifer Lopez naman kapapanganak lang ng twins.Sabi ko tuloy kay Labs...Kailangan ko na ngang mabuntis this year. Buntis pala lahat ng mga ka-level ko (sa kagandahan).Nyahaha! Nangangarap at nagpapatawa lang po :P
Tagged by Simply Me.
The Rules:1. Post your photo wearing red, may it be a red top, bottom, the least would be red accessories if you hate wearing red. If you can’t find one, you still have an option. Either post your Significant Other’s photo or your child’s photo, if you have one. Of course, they should be wearing red.
2. Let us know the reason why you were wearing red that particular day. Was it your birthday? Is red your fave color or was it the shirt that you first saw in your closet that day?First birthday party ni Kenkoy. Naka-red ang buong pamilya dahil para sa mga Fil-Chi, mahalagang naka-red during happy occasions. Auspicious color daw. Kaya naman namumula na ang aming family photo/scrabook albums, hee hee!3. Tag 3 people close to your heart. By the way, they have to be in your blogroll. No cheating heart please.Honey Bear,
Leirs and Maan.
Natutunan ko kay Kenkoy...1, 2, 3 Jesus loves me1, 2 Jesus loves you3 & 4 He loves you morethan you ever know beforeVery nice action song. Paborito nyang kantahin ngayon... ang ganda rin ng actions :)
Noon nga palang pabalik kami dito galing Pinas eh pina-practice ko si Kenkoy sa spelling nya. Di ko matandaan kung nasa airport kami o nasa eroplano ng mangyari ito.Nakalimutan nya kasi ang spelling. Kenkoy: Mama, help me.Lit Coo: Ok. Close your eyes and think. Remember the letters.Kenkoy: Ok, let's close our eyes.Kenkoy: Are your eyes closed now?Lit Coo: Yes.Kenkoy: What can you see?Lit Coo: Darkness.Kenkoy: Can you see the letters now?Lit Coo: Yes.Kenkoy: Tell me. What are the letters?Lit Coo: Hey, you should be the one thinking.Kenkoy: Okay.Nyahaha! Ang bilis magtanong. Tuloy tuloy. Muntik na akong maisahan nitong si Kenkoy.
On the way na si Labs papuntang HK. Di ko na sya naihatid kasi 2:45 pm kailangan kong sunduin si Kenkoy sa school. Sa Terminal 3 si Labs (ang pinaka-bagong airport terminal dito sa S'pore). Di pa ako nakakapasyal dun. Di bale, may next time pa naman.Hayyyy, alis na naman si Labs. Pero buti na lang hanggang sa Sabado lang. Wag sana ma-extend. Kung ma-extend man eh sana pasunurin kami ni Kenkoy sa HK, hehe!Labs, ingat ka lagi dyan.
Kahapon sinabi na ni Labs... gusto na nya sundan si Kenkoy. Kailangan ko na matapos ang Baby Book ni Kenkoy dahil bawal mag-puyat pag buntis na ako.Maraming pagbabago. Maraming dapat paghandaan.At ang tanong... GAME NA BA AKO?Ang sagot... Teka! Hinga muna ako ng malalim. Kailangan ko talaga i-kundisyon at ihanda ang sarili ko (hehe)... Ok, para sa 'yo Labs, GAME NA! :) Valentine's gift ko na yan ha. Hwehehe!At sa 'yo Kenkoy II or Kikay,Mahal na mahal ka namin. Gaya ng sa Kuya mo, lubos kaming maligaya sa nalalapit na pagdating mo sa buhay namin. Inaantay ka na din ng Kuya mo. Excited na syang makita ka.
Natapos ko rin ang journaling para sa cover page, pregnancy test result, 3 ultrasounds, at kwento ng panganganak ko.Sisimulan ko pa lang ang para sa Name ni Kenkoy. At hahanap pa ako ng appropriate & creative titles para sa ibang pages ng Baby Book album.Pagkatapos ng journaling ay ang pagpili naman ng materials.Kaunti pa at masisimulan ko na ang actual na paggawa ng album.Hayyyy, nakakatuwang nakakaiyak balikan ang mga pangyayari. Bumalik lahat ng ala-ala mula sa pagbubuntis ko hanggang sa 1st year ni Kenkoy :)
Akala ko pa naman makakapag-scrapbook ako. Biglang last minute eh ang daming Chinese New Year (CNY) parties kaya pinagpaliban ko muna ang pagii-scrapbook.Noong CNY Eve kasama naming nag-celebrate ang families ng 2 college org mates namin.Kanina naman ang CNY party ng NAW-SG. Tradition na ito ng SG NAWies. Nakakatuwa din. Magbibigay ng oranges ang bata sa mga adults tapos ang pao naman ang bigay ng adults sa bawat bata. Tapos may Lo Hei din. At shempre dagdag sa saya ng party ang masasarap na food at masayang usapan.Masaya talaga makasama ang mga kaibigan. Nakakapag-recharge at nakakakuha ng positive energies :)
Wala pong typo error sa title. Chinese New Year's Eve kasi bukas kaya ang sabi sa Simbahan magiging Ash Tuesday this year dito sa S'pore. Kakaiba ano? Dati nga Ash Friday naman. Hehe!Kanina nga pala papunta sa Simbahan ay tinanong ng cab driver si Kenkoy kung ano ang way papunta sa Simbahan. Panimula lang ni Uncle para makapag-converse sila ni Kenkoy. Sumagot naman itong si Kenkoy --- "Uncle, next time you buy a map." Natawa si Uncle. Buti na lang hindi pikon si Uncle.
Dahil Chinese New Year... bawal ang maglinis ng bahay... wala ring pasok si Kenkoy sa school... kaya naisipan kong magii-scrapbook ako sa CNY, yahoooooo!Hinanap ko na ang materials ko kagabi. Ilang oras akong naghanap. Nahanap ko naman halos lahat except for Kenkoy's 1st passport & footprints.Ang mga old passports namin ay magkakasama kung bakit naman ang kay Kenkoy ay nawawala, wahhhh! Pilit kong iniisip ngayon kung nasaan na. Huling natatandaan ko ay pinayagan kong ipahawak kay Kenkoy yun kasi gustong-gusto makita ni Kenkoy ang baby picture nya dun. Di ko matandaan kung naisauli nya ba sa akin... at kung saan ko nilagay, wahhhh! Tagal ko pa naman bago pinagawa yung passport na yun dahil pumili pa ako ng gwapong picture (hehe) dahil balak ko ngang itago dahil 1st passport. Tapos ngayon nawawala sya, wahhhh!Yung sa footprints naman. Dalawa kasi yun. Yung isa nasa Baby Book na binili ko. Yung isa balak ko ilagay sa Baby Book na gagawin ko. Nawawala yung isa. Ayoko naman gupitin yung nasa Baby Book na isa. Sana makita ko ang passport at footprints.(EDIT: Nakita ko na ang footprints, yayyyyy! Thank You Lord :) Passport na lang. Nandito lang din yun sa bahay. 04 Feb 2008 09:35pm)
Ang journaling naman ico-collate ko mamaya. Iisa-isahin ko ang mga Yahoo Groups ko. Hahanapin ko ang mga postings ko related sa pagbubuntis ko. Wala pa kasi akong blog nung 2001-2002. Puyatan nga lang ito. Saka ko lang magagawa 'to pag tulog na si Kenkoy dahil nga kailangan ko pa syang turuan sa English spelling test.Saka na ko pipili ng photos pag ok na ang journaling. Naka-album naman na lahat ang baby pictures ni Kenkoy. Printed na kaya pipili na lang talaga ako.And then ang papers, bibili ako baka bukas.Exciting itong Baby Book. Tagal ko ng gustong gawin ito. Ngayon nasa mood ako kaya yeheyyyy... matatapos ko na din sya :)
Every Wednesday ang Chinese spelling test ni Kenkoy at tuwing Thursday naman ang para sa English. At dahil nga Chinese New Year (CNY) sa 07-08 Feb kaya school holiday. Last Friday tinanong ko ang English teacher na ano mangyayari sa exam... magiging kailan na since wala ngang pasok this Thursday. Sabi nya wala daw exam for this week. Magiging after the CNY na daw.Kayo ko naman natanong kasi mga 3 days before the exam sinisimulan ko na turuan si Kenkoy. Eh sabi nya wala daw this week... next week pa... kaya di ko muna tinuruan si Kenkoy. Pinahinga ko muna sya sa English tutal next week pa daw at baka kako malito pa sa dami ng aaralin dahil ang Chinese exam nya tuloy this Tuesday.Tapos kanina pag hatid ko kay Kenkoy sa school saka sinabi sa akin ng English teacher na bukas din daw ang English exam... sabay sa Chinese. Pambihira! Grrrr. Bale wala yung pagtatanong ko nung Friday.Mamaya, ewan ko kung paano mangyayari. Cramming pa tuloy ngayon. Kaasar. Kawawa naman ang bata.
Labs,Happy birthday ulit.Alam ko ang mga pangarap mo. Pasensya ka na hindi ko kayang ibigay sa 'yo ang lahat ng yun sa ngayon. Pero dalangin ko sa Diyos na ibigay Nya sa 'yo ang iyong mga pangarap dahil sa ikaw ay isang mabuting tao... mapagmahal na asawa at ama.Labs, mahal na mahal ka namin ni Kenkoy. Maligayang Kaarawan!Lit Coo*****Ngayon ang birthday ni Labs kung based sa Chinese lunar calendar. Pag Fil-Chi pala dalawa halos lahat... 2 names, 2 birthdates, 2 new year celebrations, 2 annivs, 2 cultures.
Inisip kong mag-concentrate sa pagtuturo kay Kenkoy ngayon. Kailangang madisiplina sya sa pag-aaral. Hindi na pwede ang palaro-laro lang dahil baka hindi sya makasabay sa sistema ng edukasyon dito.Every week may exams sila Kenkoy both in English & Chinese. Wala akong idea kung ganun na talaga kahihirap ang spelling ngayon kahit sa ibang schools. Pinapa-spell sa kanila... baseball, leopard, anteater, because, rectangle, hexagon, pentagon, honeycomb, cylinder. Walastik! Ang hahaba eh Kinder 2 pa lang si Kenkoy.Sa Chinese naman, mahirap din daw sabi ni Labs. Yung mga tinuro daw sa kanila nung Grade School eh yun na ang pinapa-spell kina Kenkoy ngayon. Ang dami daw strokes.Nag-iisip ako ng medyo ok na teaching style. Alam ko pressured na si Kenkoy. Sabi nya kasi minsan masakit daw sa ulo yung pinag-aaralan namin. Sana naninibago lang sya. Sana ma-enjoy nya rin ang pag-aaral. Ok naman ang results ng exams nya... nape-perfect naman nya. Kaya thank you ako ng thank you sa kanya kasi nage-effort talaga sya na matuto.May isang pangyayari pala habang tinuturuan ko si Kenkoy. Mahilig kasi mag-kwento yun kaya tumatagal kami sa pag-aaral. Si Labs naaasar tuloy dahil kwentuhan daw kami ng kwentuhan na mag-ina. Alisin ko daw ang kwentuhan para maka-focus sa pag-aaral... para mas mabilis ma-gets ni Kenkoy... at para mas mabilis kami matapos. Anyway, ang kwento ko --- habang nag-aaral kami bigla na lang tinanong ni Kenkoy kung pinagdasal ko daw ba na magka-anak na lalaki. Hayyyy, muntik na ko mapaluha sa harap nya. Nasa gilid na ng mata ko ang luha ko. Ang lambing lambing kasi ng pagkakatanong nya. At dahil, oo, ipinagdasal ko sya. Hiling ko sya sa Diyos. Boy specifically ang hiniling ko. Kaya mangiyak ngiyak ako sa pagsagot kay Kenkoy na answered prayer nga sya. Tapos nakita ko sumaya sya at sabi nya "Thank you." Awwwwww! :)
Nag-Lobo marathon ako kanina. Etong si Labs lakas mang-asar. Habang nanonood ako eh inabutan ako ng tissue, nyahaha! Paulit-ulit pa nyang kinakanta sa akin ang theme song ng palabas. Hangkulet talaga.Kakaiyak naman kasi yung palabas. Ang gagaling nilang umarte. Pinaka-naiyak ata ako sa character ni Kier Legaspi. Ang galing ng facial expressions nya... ang galing pa ng mga sinabi nya. Wahhhhhh... tissue pa nga :PBakit walang Addicted to Lobo sa Friendster? Hwehehe!