Showing posts with label Senti Mood. Show all posts
Showing posts with label Senti Mood. Show all posts

Sunday, March 29, 2015

Paalam, MM Lee Kuan Yew

March 2001 nabigyan ng pagkakataon si Labs na makapagtrabaho dito sa Singapore.

Hindi pa ito ang Singapore na naabutan namin. Sa loob ng labing apat na taon ang laki na ng ipinagbago. Maganda na siya dati pa. Pero mas gumanda pa ngayon.


Bukas... bukas na ang huling sulyap namin sa isang mahusay at ginagalang na pinuno na nangarap at bumuo sa kung ano ang Singapore sa ngayon.

Paalam po, Mr. Lee Kuan Yew. Maraming marami pong salamat sa pagkakataong bumuo ng pamilya at manirahan sa Singapore.

#14thAnniversaryInSingapore
#ThankYouLKY
#RIPLKY

(Ang larawan ay na-download mula sa Facebook. Paumanhin at hindi po alam ni Lit Coo sino ang tunay na nagmamay-ari ng larawan.)

Thursday, August 21, 2014

Tandaan...

Kaugnay pa rin ng Depression, tandaan...



Thursday, December 26, 2013

Miss na Kita, Blog Ko

Pasensiya na, sobrang busy talaga ang season na 'to. Dami ko pa namang kwento kaya lang wala na talagang oras at lakas. Babawi na lang ako sa 'yo ha? Miss na kita, blog ko. Miss na talaga kita. Siya, paalam na muna. Naiiyak na ako. Basta, babawi ako sa 'yo. Good night!

Wednesday, June 26, 2013

Super Advance 40th Birthday Gift from Labs

Ang ganda ng new toy ko. Napuyat akong pag-aralan sya, haha! Na-senti lang ako kasi ngayon lang ako nagka-phone na hindi Nokia. Kailangan ko lang kasi ng magandang phone camera for my layouts kaya nag-shift to Samsung.



At na-inspire ako sa kaibigan kong scrapbooker nung makita ko ang Starbucks Planner nya. Kaya eto inartehan ko rin ang aking phone cover. Aliw... personalized na sya :)



Thank you, Labs.
Thank You din po, Lord!


Wednesday, April 24, 2013

Remembering Daddy

Daddy,

40 years na. 40 years na mula nang mangyari ang aksidente. Sana ok na po kayo. Sana masaya po kayo ngayon. Nandito pa rin po ang panghihinayang na hindi man lang tayo nagkita. Nandito pa rin ang mga katanungan na ano kaya ang pakiramdam ng pagmamahal ng isang ama. Daddy's girl kaya ako? Hmmmmm.

Di bale po, balang araw magkikita rin po tayo. Dad, lagi mo po ako ipagdadasal kay Jesus ha. Salamat, maraming salamat po sa pag-alaga nyo sa akin. Ramdam ko po na hindi nyo ako pinabayaan.

Still longing for you. I love you, Daddy!

Lit Coo


Thursday, May 24, 2012

House M.D.


Huhuhu! We'll miss you, Dr. House.

Saturday, March 10, 2012

Monday, April 18, 2011

Favorite HS Teachers

Birthday ng class adviser ko nung HS. Binati ko sya sa FB wall nya. Sabi nya di pa rin daw nya nakakalimutan ang nickname ko (na nagsimula nung HS days). Sabi ko sya rin di ko pa nakakalimutan. Favorite HS teacher ko kako sya. Twice namin syang naging class adviser... 2nd & 4th year HS. Tapos tinag ko yung isa ko pang favorite HS teacher.

Ito ang reply ng isa ko pang fave HS teacher:
that's very touching considering it's been more than twenty years since you were our students. it's only you, our students, who really appreciate what we have tried to do while you were under our care. thanks so much.

Awwwww! Naiyak ako. Naging mahalagang parte sila ng buhay ko. At tama, 21 years after HS graduation ay naaalala ko pa rin sila at lubos akong nagpapasalamat sa kanila.


Friday, March 04, 2011

Isang Dekada

March na pala. 10 years ka na pala sa Singapore Labs.

Wala pa ang Esplanade, Singapore Flyer, Marina Bay Sands, Resorts World, Universal Studios, Vivo City, Ion.

Wala pa rin ang train to/from Changi airport. Wala pa ang Nort-East Line at ang Circle line.

Mas kaunti pa ang Pinoy dito dati.

Parang na-miss ko bigla yung Singapore na inabutan natin dati. Oh well!


Wednesday, April 28, 2010

Violinist

Umattend ng isang kasalan yung HS classmate ko. Pagka-post nya ng mga pictures sa FB napansin kong yung violinist ay pareho sa violinist sa kasal namin ni Labs. Sabi nung violinist sa dami raw ng natugtugan nyang kasalan ay di na nya ako matandaan. Naiintindihan ko kako kasi halos isang dekada na ang nakaraan. Sabi ko mag-post ako ng wedding pics namin. Pinost ko yung wedding scrapbook album namin. Tapos sabi nung violinist ay sya nga daw yung tumugtog din sa amin. Grabe! Tuwang-tuwa ako. After almost 10 years sa FB pala kami magtatagpong muli. Nagpasalamat ako sa musika nila sa aming kasal. Natuwa naman syang na-appreciate pala namin ang musika nila. Grabe lang talaga. Naiyak ako. Nagbalik lahat ng alaala ng araw ng kasal namin ni Labs :)

Saturday, April 24, 2010

Wala Na :(

5th wedding anniv gift ni Labs (http://litcoo.blogspot.com/2005/12/limang-taon-na-po-kami.html)...




Nabagsak ni Kenkoy II kanina. Wahhhhh!

Scary kasi nabiyak yung isa. Nag-pray na lang ako na wala naman sanang mangyaring masama. Pero wala na yung figurine. Gandang-ganda pa naman ako dito. Almost 5 years din sya sa amin. Hayyyyyyyyyyyyy!

Wednesday, March 10, 2010

Happy 46th Birthday Jolas

Kada-March 10 naalala ko na birthday ni Jolas. 46 yrs old na pala sya. Ang bilis talaga ng panahon. 1988 nung magsimula akong maging fan nya... nila... ni Jerry Codinera at Alvin Patrimonio.


Nahagilap ko itong picture sa Friendster ni Alvin Patrimonio. Naiyak ako pagkakita ko. Meron akong copy nitong picture na 'to. Pinapirmahan ko sa kanilang tatlo. Dati kasi sumasadya pa kami sa Ateneo para manood ng practices ng Purefoods. Kaya lang hiniram ng classmate ko sa Mapua yung picture ko. Di na bumalik. Nawala daw :(

Naiyak ako pagkakitang pagkakita ko sa pic. Kasi parang sa dami-dami ng pics ni Alvin sa professional life nya ito ang naka-post sa Friendster nya. Nostalgic. At parang yun talaga ang chine-cherish nya sa lahat. Yung silang tatlo team mates.

Nanghinayang tuloy ako bigla sa picture ko. Hayyy!

Anyway, happy birthday Jolas! Sana masaya ka lagi.


ps
Si Jolas ang ginoogle ko. Ewan kung ba't ako napadpad sa Friendster ni Alvin, haha!

Wednesday, November 11, 2009

Bye PC!

Kami lang ni Kenkoy II ang nasa bahay ngayon. Nag-bonding ang mag-ama kong sina Labs at Kenkoy. Nanood sila ng Astroboy sa GV Vivo City.

At ngayon ko nalamang ayaw na mag-start ng pc ko, wahhhhh! Nagamit ko pa sya kaninang hapon. Shinutdown ko lang kasi matagal akong di makakapag-internet. Pag-on ko ngayong gabi... ayaw na, wahhhh! Malamang na virus-an. Pero 8 yrs old na rin naman yun kaya pinag-retire ko na rin. Matagal na pinapa-retire ni Labs yun. Ayoko lang for senti reasons. Yun kasi ang gamit ko mula ng dumating ako dito sa S'pore. 8 years din kaming nagkasama. Gamit ko ngayon ang pc ni Kenkoy. Ang laking difference. Mabilis itong kay Kenkoy. Yung pc ko mabagal siguro nga dahil may virus.

Nakaka-miss ang monitor ko... ang keyboard... ang mouse ko. Pagpalitin ko na lang ang CPUs para magamit ko dati kong monitor, keyboard & mouse.

Pero mami-miss ko pa rin ang pc ko. Bye my PC! Salamat sa lahat ng ating pinagsamahan.

Monday, October 13, 2008

Ika-tatlumpu't limang Kaarawan

Ipinagluto ako ni Labs ng spaghetti kahapon :) Tapos may chicken din, ice cream, juices & lemon tea. Dumating ang pinsan ni Labs na may dalang birthday cake. At pina-blow ko ang candle kay Kenkoy ;)

Maraming maraming salamat nga pala sa lahat ng nakaalala at bumati.

Salamat din sa Diyos sa nakalipas na 35 years. Salamat Panginoon...
sa buhay.
sa trials & blessings.
sa kalusugan.
sa masayang pamilya.
sa masayang childhood memories.
sa kinalakihan kong bahay.
sa mga pinasukan kong eskewalahan.
sa experiences at mga natutunan sa buhay.
sa mga kamag-anak, in-laws at kaibigan.
sa aming Kasal ni Labs.
sa buhay may asawa.
sa pagiging homemaker.
sa mabuti, mabait at gwapong asawa.
sa malambing, mabuti kahit makulit (hehe) na panganay.
sa aming bunso.

Masaya ang buhay. Salamat Panginoon sa lahat lahat :)

Friday, August 24, 2007

I Offer My Life

Ang ganda ng kantang ito... natutunaw na naman ang puso ko (hehe)

-----------------------------------------------------------------------

All that I am, all that I have
I lay them down before You O Lord
All my regrets, all my acclaim
The joy and the pain, I'm making them Yours

Chorus:
Lord I offer my life to You
Everything I've been through
Use it for Your glory
Lord I offer my days to You
Lifting my praise to You
As a pleasing sacrifice
Lord I offer You my life

Things in the past, things yet unseen
Wishes and dreams that are yet to come true
All of my hopes, all of my plans
My heart and my hands are lifted to You.



2nd Anniv...

ng pagiging S'pore Permanent Residents namin ngayon.

Muli, maraming maraming salamat Lord :)


Saturday, August 04, 2007

Despedida

Kanina despedida party para sa kaibigan namin. Sayang wala si Labs.

Unti-unti ng nagma-migrate from S'pore ang mga close friends namin. Yung isang family nagpunta sa Australia. Sa Monday, may isang family ulit papunta naman sa US. Itong dalawang pamilya na ito pa naman ang mga una naming kaibigan nung dumating kami dito ni Labs noong 2001.

1st quarter of next year may isang pamilya ulit papunta sa Australia.

At yung family na papunta sa US, isa sila sa mga couples na na-meet namin sa 1st W@W EB na napuntahan namin ni Labs. Same kami ng florist. At tanda ko nung bumili kami ni Labs ng wedding ring sa Glorietta, nagkita kami ng di inaasahan. Talagang kasabay sa wedding preparations since Nov 2000 sila kinasal and kami naman ay Dec 2000.

Hayyyyyyyyy, isa-isa na silang umaalis. Nakaka-senti.

Thursday, May 24, 2007

Minsan, hindi ako naka-maskara

March this year, nag-privy email sa akin ang isang ka-member sa isa sa mga Yahoo Groups na kasali ako. Hindi kami same batch. Batch 2000 ako. Sya naman ay Batch 2004 ata. Nakakatuwa ang email nya. Ang sabi nya...
"alam mo kakatawa/tuwa ka the way you talk about your experiences, basta lagi ako napapangiti. think it's because of your disposition -- yun bang para sa yo lahat ng problema madaling lutasin, and i really like that attitude!"

Mga two hours ago, eto naman ang natanggap ko sa YM mula sa isang kaibigan...
"feeling ko ang jolly jolly ng buhay mo.. bakit ka depressed?"

Ang sagot ko...
Yun kasi ang way ko sa pag-handle ng problema. Di ko masyado sineseryoso. Carry lang.

Eto ilang bahagi ng sinulat ni blue kid sa Peyups. Di ko malimutan itong article nya dahil malaki ang pagkakahawig namin sa kung paano dalhin ang problema. Sabi ni blue kid...
"Lagi akong masaya, nakangiti na lang sa kung sinong anino ang dumaan... iyan ay kung may nakakakita nga sa akin. Magaling nga siguro akong umarte. Isipin mo, sa tagal ng pagpapanggap ko, walang ni isa man lang ang naghinalang marahil sa mga sandali ng aking pag-iisa ay umiiyak din ako.

Kaya nga tuwing gabi na lamang, kung kelan mga munting hinga na lang ang naririnig ko, kung kelan wala ng makakapansin sa akin, doon ko hinuhubad ang maskara ko at umiiyak.

Pero marahil, sa mga sandaling nag-iisa na lamang ako, kailangan ko lang talagang hubarin ang maskara, lumuha, at sumulat ng mga linyang tulad nito..."

At idagdag ko na rin sa blog na ito...
May mga nag-aakalang perfect ang buhay ko. Hindi po perfect ang buhay ko. May mga iniisip din ako... may dinaramdam. Pero mas pinipili kong maging masaya. Mas maraming dahilan para maging masaya kesa maging malungkot. Sa dami ng biyaya ni Lord sa akin... sa amin... dapat lang na maging masaya ako. Sa pag-iyak po gumagaan ang loob ko... at tuwing makikita kung gaano ako kapalad sa pagkakaroon ng asawa at anak na tulad nina Labs at Kenkoy... by counting my blessings... sa pagii-scrap na rin... at pag-travel (hahaha... ang dami pala 'no?).

*****
Ang title po pala ng blog entry na ito ay hinango ko sa article ni blue kid.

Friday, May 11, 2007

Friendship

Ngayon ang birthday ng best friend ni Labs. Natutuwa ako sa friendship nila at may halong inggit na rin. Magkaibigan sila mula ng pre-schoolers pa lang sila. Na-witness nila ang bawat stage ng buhay ng isa't-isa (maglaro, mag-aral, manligaw, maging professionals, magka-pamilya). Nang ikasal kami ni Labs sya ang best man ni Labs. Ganundin ng kinasal sya, si Labs naman ang best man nya. Lately lang nung nasa ICU si Amah (lola ni Labs), isa sya sa naga-update kay Labs ng lagay ni Amah. Medical doctor sya at talagang kinausap nya yung doctor ni Amah kung ano ang condition ni Amah. Tapos nag-email sya kay Labs. Nakakatuwa. Eh sa totoo lang hindi naman sinabi sa kanya ni Labs na nasa hospital si Amah. Sya na lang ang biglang nag-email at may update pa... at wag na nga daw mag-worry kasi medyo ok na si Amah.

Naisip ko lang ako wala akong maituturing na best friend (bukod kay Labs). Marami akong kaibigan pero hindi ganun kalalim ang samahan. Hindi tulad ng sa samahan na meron si Labs at ang best friend nya.

Si Labs ang best friend ko. Sya lang ang nakakakilala ng kung sino ako ng buong-buo. Pero pag may tampo ako sa kanya... o may iba akong hinanakit sa buhay, wala na akong ibang nasasabihan. Mag-isa ko na lang dadalhin kung ano man yun... at mag-isa na lang din na iiyak.

Minsan iniisip ko sana may best friend din ako bukod kay Labs. Yung gigimik kami. Manunuod ng sine. Magsho-shopping. Pupunta sa parlor. Chika-chika. Pero teka hindi nga pala ako shopaholic. Hindi rin ako kikay. Paano na kaya ang magiging bonding moments namin? Wala ata, hehe!

Si Labs at si Kenkoy ang mundo ko. Nakakatakot aminin pero kahit kaming tatlo lang masaya na ako. Dapat ko na atang lawakan ang mundo ko.