Sunday, October 31, 2010

Missing My Dad

Sa Pilipinas, panahon na naman ngayon para dumalaw sa mga pumanaw na mahal sa buhay. Sa mga ganitong panahon ay naaalala ko ang Daddy ko. Sayang talaga hindi kami nabigyan nang pagkakataong makita ang isa't-isa :( Nami-miss ko ang Daddy ko. Hayyyy! Mga 10 years na rin pala akong hindi nakakadalaw sa kanya. Pero ipinagdasal ko naman na sya ngayong araw.

I miss you Dad!

Mga Pangitain ni Jethro

Nakakatuwa na sa cyberworld ay may koneksyon ang istorya ng Imortal. Habang binabasa ko ang blog ni Jethro ay nagiging bahagi na rin ako ng mundo ng Imortal. Marahil si Jethro ay anak ni Tikboy (si Nash Aguas ang gumanap na Tikboy sa Lobo). High-tech na ang seer ngayon, haha! Blogger na. Dati rati sa Lobo ay dinadayo pa ni Lady Elle si Nana Sela para malaman ang mga pangitain. Ngayon sa Imortal ay sa blog na lang binabasa ni Lia ang mga pangitain.

Friday, October 29, 2010

Kenkoy's Final Exams

Finals ni Kenkoy. Ang daming dapat pag-aralan. 2am na sya natapos mag-aral ng English nung isang araw. Kagabi naman 1am na kami natapos.

Mga ilang minuto pagkahiga nya biglang nagsalita. Nakapikit. Tulog na. May sinasabi sya tapos basa ng pawis ang ulo. Tinanong ko kung ok ba sya. Di sumagot pero tumigil na sa pagsasalita. Mahimbing na ang tulog. Pinunasan ko ang pawis nya.

Kinaumagahan kinwento ni Labs na ang sinasabi pala ni Kenkoy kagabi ay "I need to rest. I need to rest. I still have to study." Nadurog ang puso ko. Nakaka-guilty. Pressured pala ang anak ko sa pag-aaral. Hindi ko alam. Masaya naman kasi sya pag nag-aaral kami pero yun nga sobrang dami talaga ng pinag-aaralan nila at mahirap na yung lessons para sa age nila.

Sabi ko kay Labs i-treat namin si Kenkoy pagtapos ng Finals. Pumayag naman si Labs. Deepavali next Friday. Public Holiday dito. Iti-treat namin si Kenkoy :)

Ibinungad ko kay Kenkoy ang magandang balita pagmulat niya ng mata nya. Ang saya-saya nya. Sabi ko pasasalamat namin sa kanya yun dahil masipag syang mag-aral.

Tuesday, October 19, 2010

Revision Days for Kenkoy

Sample math problem nina Kenkoy:
The total mass of a cat, a rabbit & a tortoise is 16kg.
The total mass of the cat & the tortoise is 13kg.
The total mass of the rabbit & the cat is 8kg.
What is the mass of the cat?

Pang-primary 2 students dito. Parang highschool ko na ata na-encounter yung ganyang klaseng math problems, haha! Anyway, finals na nina Kenkoy. Salamat sa Diyos dahil bakasyon sila ngayon ng apat na araw. Makakapag-review si Kenkoy. Ang daming dapat pag-aralan dahil lessons from January upto October ang coverage sa exam. Buti na lang nagpa-uwi ang teacher ng test papers from previous school years. Mapa-practice ko si Kenkoy at maoorasan.

Yung English nya na for 50 mins ay nasagutan nya in 35 mins.
Kaso yung Math na pang-1 hr exam ay nasagutan nya in 1 hr & 4 mins.

Di bale kako kasi mapa-practice sya kaya pagdating sa actual exam mas madali na at mas bibilis na sya. Sabi naman nya eh nage-extend din naman daw ang teacher nya ng few minutes. Pero shempre mas ok kung kaya nyang sagutan ng tama ang exam sa itinakdang oras.

Salamat lang talaga sa Diyos sa mahabang araw na binigay Niya para makapag-review si Kenkoy. Salamat din sa reviewers from Kenkoy's teacher dahil dun nakikita kong kaya ni Kenkoy. Less stress for me :)

Sana nga maging ok ang results ng exams ni Kenkoy.

Monday, October 18, 2010

Life before social media

Kailangan ko na gumising kanina kasi gising na si Kenkoy II. May hinahanap ako. Biglang kinuha ni Kenkoy II ang handphone ko at inabot sa akin. Napangiti ako. Kilala ako ng anak ko. Alam nya kung ano ang hinahanap ko.

Naisip ko lang din bigla yung isang thread sa isang forum. Yung life before social media thread. Ito ang share ko sa thread,

noon: pag mulat ng mata, magdadasal at magpapasalamat sa Diyos sa panibagong araw
ngayon: kukunin ang handphone to check my Facebook account at yung forum na madalas kong bisitahin

Oh well! Ka-guilty naman. Sorry po Lord. Magbabago na po.

Tuesday, October 12, 2010

My 37th Birthday

2nd part ng celebration ko kanina sa Ikea... sa mismong kaarawan ko :) Ito ang order ni Labs:


1st part ng celebration sa Pizza Hut Harbourfront last Sunday. Wala nga lang kodakan.

3rd part ng celebration ay sa Sabado. Hindi ko pa alam kung saan ako dadalhin ni Labs, hee hee!

19 ang nakaalalang bumati. Kaunti lang pero mas gusto ko yun kasi alam kong nakaalala talaga sila. Hindi ako naglalagay ng birthday reminder sa accounts ko sa social networking sites para alam ko kung sinu-sino ang makakaalala. At para mas special kasi sincere ang greetings :)

Tinanong ako ni Labs kung masaya ako. Masaya naman kaya lang may isang taong nagpa-bad trip sa akin. Sira tuloy ang birthday ko. Negative vibes tuloy. Kainis! Asar talaga ako sa mga taong malakas mamulitika.

Pero may pambawi din naman. Nakapagpa-book ako kanina ng family photo shoot namin sa Dec. Naabutan ko yung promo, yayyy! Excited na ako. Almost 2 yrs ago na yung last photo shoot namin. Nung newborn pictorial pa ni Kenkoy II. Ngayon sakto naman para sa Pasko at sa 10th wedding anniv namin ang picture-an ;) Sana maraming magandang shots. Sana nasa good mood si Kenkoy II para ok ang maging resulta.

Isa pang pambawi ay ang napaka-sweet na pagbati nina Labs at Kenkoy. Naiyak pa ako sa sobrang lambing ng pag-greet ni Kenkoy. Si Kenkoy II naman ay di pa nakakasabi ng Happy Birthday kaya hugs & kisses na lang ang binigay sa akin. Ayos din naman. Nakakatuwa.

Maraming salamat muli sa mga nakaalala at bumati. Maraming salamat din po Lord sa aking pamilya... ang aking tanging yaman :)

Thursday, October 07, 2010

Imortal

At shempre pa, bilang isang fan ng Lobo, tuwang-tuwa ako at may sequel. Kalungkot lang na namatay na si Noah. Pero nakakatuwang nagbalik muli ang paborito kong palabas. Grabe lang. Buntis pa ako kay Kenkoy II nung sinubaybayan ko ang Lobo. Ngayon Imortal naman ang sinusubaybayan ko. Nice :)

"Hindi sa tala sa langit kundi sa buwang nakasilip, ibigay ang hiling ng matang nakapikit."

Awwwwwoooooooooooooo!!!

Our Star Speller

Kenkoy's English spelling & dictation test for the week (Primary 2 Term 4)


Kenkoy's Chinese spelling & dictation test for the week (Primary 2 Term 4)


Star Speller Badges

Kenkoy has a weekly spelling test and he is a consistent Star Speller since his first grade :) Congrats Kenkoy! I'm so proud of you :)