Tuesday, January 31, 2012

Happy Birthday, Labs


Dalangin ko sa Diyos na pagpalain ka Niya nang maginhawang buhay at ng marami pang masasaya at malalakas na taon

para silbihan pa Siya sa pamamagitan nang pag-awit at pagtuturo sa choir,
para sabay pa nating magagabayan ang pagpapalaki sa mga anak natin,
para makalaro pa natin ang mga magiging apo natin,
para marami pa kayong pelikulang mae-enjoy panoorin ni Kenkoy,
para marami pa tayong lugar na sabay na bibisitahin,
para sabay pa tayo hanggang sa pagtanda natin,
para ma-celebrate pa natin ang golden wedding anniversary natin.

I love you. Ingatan mo ang sarili mo. Marami pa tayong pangarap. Huwag masyadong mamrublema. Sa tulong ng Diyos, matutupad din ang mga pangarap natin.

Happy birthday!


Monday, January 30, 2012

Basag

Nalaglag ko ang salamin ko. Ayun ang damage, binilugan ko. Gastos na naman 'to :(


Corelle Dinnerware Set

Nagkalamat na yung mga pinggan namin kaya kinailangan na itapon. At dahil kailangan na naming palitan eh gusto kong pumili ng simple & elegant. Gusto ko sana ng Corelle at ito ang mga designs na nagagandahan ako...



Tumingin kami kahapon sa Tangs. May mga naka-sale pero puro floral designs. Ok din naman pero mas gusto ko yung mga designs sa itaas. Napapa-isip tuloy ako kung magiging praktikal o kung pipiliin ko yung design na gusto ko pero higit na mas mahal. Nuninuninuni...


Still a Nokia Girl

Balik tanaw: 37th Layout in 2011 blog entry.

Bago kong laruan...


Nag-upgrade na ulit ako ng phone. Nokia Lumia 710. Touch screen na. Wow! Improving na ako, haha! Free lang 'yan mula sa aming service provider. Ang sarap maging suki ng M1 :)

Pinaglalaruan ko ngayon ang new toy ko. Pinag-aaralan ko pa paano gamitin. At dahil naa-attach ako sa mga things ko, mami-miss ko ang Nokia E71 ko :( Mami-miss ko talaga sya. Hayyyy! Kaya kadalasan ayoko naga-upgrade ng phone. Nalulungkot akong palitan ang old phones ko.

At kasabay ng pag-renew ng contract sa line ko, inapply na rin ni Labs ng phone line si Kenkoy. Hindi na prepaid ang line ni Kenkoy ngayon. Mas makakatipid kami kung post paid si Kenkoy. At mas mura ang calls dahil same service provider na kaming tatlo.

Masaya ako sa new toy ko. Thank you, Labs. Thank You din po, Lord!


Epektib

At dahil sa blog entry na 'to 10 Things Wives Want to Hear from their Husbands (By Mark Merill) kaya naman nung Sabado ay kusang nilinis ni Labs ang aming stove.


Oh di ba mukha na syang bago ulit? ;) Sayang walang photo ng before. Mas makikita nyo sana ang effort ni Labs. Dami ng stain na mahirap na matanggal. Pinagtyagaan lang talagang niyang linisin kaya ang kintab-kintab na ulit ngayon.

Shempre pa extra sweet na rin si Labs. Salita, gawa... ayos... effective ang article :)

Plus 1 million pogi points ka ulit, Labs :*
Thank you and I love you so much.


Saturday, January 28, 2012

Amazed, Flattered, Honored & Grateful

Balik tanaw: A sister for Kenkoy blog entry's comments.

May mga bago akong na-meet kamakailan. Shempre pa ang next step, add as friend sa FB. Tapos nag-private message sya sa akin kanina. Tinatanong kung ako si Lit Coo. Nagulat naman ako kung paano nya nakilala si Lit Coo eh hindi ko bino-broadcast ang blog ko. Binibigay ko lang ang URL sa mga kakilala.

Sabi nya...
kaw ba yung litcoo?
kase fave blog ko yun e,lagi ko binabasa..hahahahaha


Sabi ko, ako nga.

Tapos, sabi nya...
grabe nakatuwa...
weeee isa akong fan
anu ba feeling eto..starstruck...lol
buti nalaman ko tapos na eb, malamang hndi nako nakasalita, at napatitig na lang sayo...lol


Akalain nyo yun? Haha! Wala lang. Nakakatuwang may bumibisita at may naaaliw pala sa blog ko bukod sa mga kaibigan at kamag-anak ko (hehehe).

Pangalawang beses na itong may naka-realize na ako si Lit Coo at lagi raw bumibisita sa blog. Yung una ay si Sugar Rain. Hindi ko pala nai-blog yung kwento dun. Nasa comments section lang pala ng isang blog entry ko (nasa Balik Tanaw sa itaas po ang link). Ganun din ang sabi nya, fan din daw sya at laging bumibisita sa blog *blushing na si Lit Coo* Thru sms naman nya ako tinanong.

Nakakatuwa talaga.

Sobrang amazed, flattered, honored & grateful po si Lit Coo. Maraming salamat sa mga bumibisita lagi sa Kakulitan, Kasentihan, Atbp :)
(parang nanalo ng award eh 'no?? haha)


Friday, January 27, 2012

So Mats

Balik tanaw: 10 Things Wives Want to Hear from their Husbands (By Mark Merill) blog entry.

At dahil sa article, ito ang paalamanan namin ni Labs kanina nung ihahatid ko si Kenkoy II sa school...

Labs: Take care... so much.
Lit Coo: Babye... so much.

Ang kulit! LOL!


Thursday, January 26, 2012

Transformers Animated Series

... ang bagong kinagigiliwan ni Kenkoy ngayon :)

10 Things Wives Want to Hear from their Husbands (By Mark Merill)

Share ko lang itong blog post... 10 Things Wives Want to Hear from their Husbands.

Labs, paki-basa, hehe! Pero bago mo simulan yung 10 things na nakasulat dyan, simulan mo na muna sa paggu-goodnight bago matulog :P

Kailan kaya magiging romantiko ang mister ko? Naa-appreciate kaya nya ako? Kailan kaya sya magiging proud sa akin? *sigh*

Monday, January 23, 2012

Celebrating the Start of the Year of the Water Dragon

Dito sa Changi Terminal 3 kami nag-celebrate. Merong W@W/N@W-SG EB pagkatapos ay namasyal kaming pamilya sa world class airport na ito...










Gong Xi Fa Cai !!!


photo credit: galing sa Carrefour hong bao ;)

Chinese New Year Traditions

Bawal daw humawak ng matatalas na bagay gaya ng gunting at kutsilyo. Kaya naman hinanda na ni Labs ang lulutuin for the next 2 days. 11:56 pm lumapit ako sa kanya.

Lit Coo: 4 mins na lang.
Labs: Eto na. Tapos na.
Lit Coo: Eh ako pala ang aabutan nyan eh. Ako maghuhugas eh. Bwahaha!

Pero hindi naman dahil nahugasan ko bago mag-alas dose ;)


Nakapagpagupit din dapat ng buhok.

Nakapaglinis ng bahay bago mag-Bagong Taon at bawal maglinis sa unang dalawang araw ng taon. Ang hirap namang di maglinis sa dalawang araw. Lalagnatin ata ako. LOL


Sunday, January 22, 2012

Chinese Mama Mary & Baby Jesus

Kanina ito ang naka-display sa Parish namin...


First time ko makakita ng Chinese Mama Mary & Baby Jesus. Ang cute! *wink*


Labs' Bday & CNY Gifts for Himself (hehe)

At dahil New Year na bukas... bawal gumastos... kaya ngayon na lang nag-shopping ang aking impulsive buyer na kabiyak. Mautak din, haha! Eto ang birthday gifts & Chinese New Year gifts nya para sa sarili nya...
(Sensya naman Labs at wala pa akong sariling kita. Pag kumikita na ako, reregaluhan na ulit kita. Promise.)

Oto E-cuddle


Oto E-lux

Enjoy your gifts, Labs! Gamitin ha? Wag itambak :P


Saturday, January 21, 2012

Bottle Weaning

Tapos na sa toilet training. Bottle weaning naman. Sinimulan ko i-bottle wean si Kenkoy II ngayon.

1st glass. Expected na may resistance at iyakan. Uminom din naman.

2nd glass (dapat). Pero balik bottle. Si Labs kasi ang bantay. At sabi na nga ba bote ang ibibigay. Mas mabilis kasi ang bote. Mga 5 mins lang tapos na ni Kenkoy II. Kainis lang. Nasira diskarte ko.

3rd glass. Kinausap ko na ulit si Kenkoy II na sa glass na uminom gaya ng Coco nya. Pumayag naman. Nakangiti na uminom sa glass at nagpa-picture pa :) Pero may 1/3 or 1/4 na natira. Kauntian ko na lang siguro sa next feeding habang naga-adjust pa sya para hindi masayang ang gatas.

Sana tuloy-tuloy na. At mag-reasearch pa ako kung paano nga ba ang bottle weaning. Parang di kasi bagay kay Kenkoy II yung mga na-research ko. 12-24 months daw eh 36 months old na si Kenkoy II. Tapos bottle to sippy cup. Eh di na dumaan sa sippy cup si Kenkoy II. At umiinom na talaga sya ng ibang liguids sa glass. Milk lang ang iniinom nya sa bote.

Gusto ko sana maging successful sa bottle weaning para sa next travel namin ay wala na kaming dalang bottles. At para hindi na ako maghuhugas ng bottles sa hotel.


Friday, January 20, 2012

HBD Labs

Birthday pala ni Labs ngayon... sa Chinese Calendar. At 40 yrs old na ang Chinese age nya. Sakto naka-red ang mag-aama kasi Chinese New Year celebration sa schools & office nila ;)

Happy birthday, Labs :*
Kita-kits mamaya sa Orchard.
I love you :*
Same pa rin wish ko for you -- good health, prosperity & long life.



Thursday, January 19, 2012

Health Screening Results

Tapos na ang annual health screening test sa school nina Kenkoy. Kanina naibalik na ang health record book nya. Masaya ako at 20/20 pa rin ang vision ni Kenkoy. Normal din ang weight nya. Yun nga lang... same pa rin sa dati... short sya for his age :( Mana sa height ko :(

Sana this year ay bigla syang tumangkad. Yun ang isa sa goals ko for this year... maging malusog, tumaba at tumangkad ang dalawang Kenkoy. Sana matupad. Help me, Lord. Thank you po :)


Wednesday, January 18, 2012

New Haircut

Ayon sa Chinese tradition, kailangan magpagupit bago mag-Chinese New Year para daw swertihin. Nakapagpagupit na sina Labs at Kenkoy. Kami na lang ni Kenkoy II ang hindi pa.

Habang nasa school si Kenkoy II ay naisipan ko magpagupit. Ang kaso lang 11am ang bukas ng pagupitan. 1130am ang dismissal time. Malamang-lamang sa male-late ako sa pagsundo pero sumige na rin ako. Pangatlo ako sa queue. Iniisip ko mabilis lang kasi ito yung mga nasa malls na $10 for 10-min haircut. Kung pangatlo ako at dalawa yung hairstylist, mga 1120am tapos na ako. Pwede pa. Di pa ako late.

Ang kaso lang, mga 4 inches yung gusto kong ipabawas. Inabot ako ng mga 25 mins sa pagpapagupit plus yung 10 mins sa nauna sa akin. Magta-travel pa ako... eh di late! Swerte talaga ang inabot, haha! Spank na naman ako neto kay Kenkoy II.

Feel na feel kasi ng hairstylist na gupitan ako. Parang ayaw nya tumigil. Gusto kong sabihin, "Pwede na 'yan." Ayan eh kung maiintindihan nya ang Tagalog, haha!

Nakarating din ako sa school ng 1145am. Nagsisimula na ang afternoon class. Si Kenkoy II na lang ang natira sa morning class. Tahimik at mabait na nag-aantay sa akin. Buti hindi umiyak. Shempre si sorry na naman ako sa kanya. Tapos dinala nya ako kung saan sila nag-water play. Itinuro nya yung palaruan. Tuwang-tuwa. Nakakatuwa rin at kahit hindi ko na sya tanungin ay nagkukwento sya kung ano ang ginawa nila sa school.


Tuesday, January 17, 2012

Homework

Kanina habang nagdi-dinner kami,

Kenkoy: You should make more scrapbook layouts about yourself so your children would know more about you.
Lit Coo: So, are you giving me a homework?
Kenkoy: Yes. I will give you 1 week to do that.
Lit Coo: Give me questions so it would be easier.
Kenkoy: 1. How did you know your talent?
and 2. How do you make right decisions?

Lit Coo: Ok, I'll try to answer you.

Sus! Ang demanding ng boss ko. 7 days lang dapat tapos ko na :P

Pero natuwa ako sa conversation naming yun. Puro kami tawanan habang binibigyan nya ako ng new project. At nakakatuwa talaga dahil interesado syang malaman kung ano ang nasa isip ko. :)


Ikea friends to Ikea Family

Sulat na natanggap ni Labs kagabi...


Kapamilya na rin daw sila.

Dear Ikea,
Matagal na po kaming Kapamilya :)


Hwehehe!

Happy 17th Year

Balik tanaw: 17th Year on 17 January blog entry

Anniv pasalubong ni Labs...


Happy Lemon
Happy everyday
Happy 17th year, Labs!

17th year on 17 January

Ika-labing pitong taon sa ika-labing pitong araw ng Enero. Yipeee! Happy 17th bf-gf anniversary, Labs! Maraming maraming salamat sa pagmamahal.

Dati-rati lang ay sabay tayong nag-aaral. Ngayon may dalawang chikiting na tayong inaalagaan at tinuturuan. Nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal na ikaw ang ibinigay Niya sa aking makakasama at mamahalin habang buhay.

I love you :*


Monday, January 16, 2012

Galang Bata

Kung ang ibang bata ang hirap papasukin sa school at umiiyak. Eto namang bunso ko ay ang hirap pauwiin galing school... umiiyak. Araw-araw na lang kami nagtatalo :( May pagka-gala kasi itong si bunso. Yung 3 bus stops from school ay kulang sa kanya. Ayaw pa bumaba ng bus. Gusto pa magliwaliw. Hayayay!

Friday, January 13, 2012

Love Bite


... ni Kenkoy II. Ang sakit manggigil :(

Mga Natutunan ni Kenkoy II

Patulog na kami kagabi pero nangungulit pa si Kenkoy II. May hawak kasi syang ballpen. Pahingi daw ng paper. Ayoko na sanang bigyan kasi inaantok na ko. Maga-alas dose na ng hatinggabi. Pero binigyan ko rin ng papel.

Pagkasulat nya tinawag nya ako. "Look Mama... A."


"A" nga naman. Siya lang nagsulat nyan. Tapos sabi ko how about "1", sinulat naman nya. Tapos nag-drawing din sya ng circle, square & triangle.


Nakakatuwa. Sa loob ng isang linggo ay nakakapagsulat na si Kenkoy II. At dahil alam na nya isulat ang "A", 3 letters na lang ang ituturo ko at alam na nya isulat ang pangalan nya.

Galing lang. Tama ang desisyon naming ipasok na sya sa school. Ready na talaga sya. Sulit ang bayad mo sa school, Labs :)


Kenkoy's 1st Handphone


Free from M1 (our service provider). Tapos binilhan na lang ni Labs ng prepaid sim card. Kailangan na rin kasi ni Kenkoy since solo na nga siyang nagco-commute papunta at pauwi from school. Minsan hindi agad nakakauwi kaya kinakabahan ako. Mabuti na itong may handphone sya para madaling ma-contact kung nasaan at kung ano na nangyayari sa kanya.

Nakakatuwa rin naman at panay ang tawag ni Kenkoy. Ang sweet ng voice nya sa phone :) Kami lang ni Labs ang nasa phonebook nya. Kami rin lang ang nakakaalam ng number nya. Allowed naman sa school nila basta break/dismissal time gagamitin. Nung sinusundo ko pa sa school si Kenkoy, nakikita ko ang mga students may mga phone din. iPhone pa nga yung iba. Talo pa ako, hahaha!

Sabi ko kay Kenkoy ay alagaan nya ang phone nya. Afetr 2 years pag hindi nya nawala ang phone, pwede mag-upgrade sa M1. Tinanong nya ako kailan ako unang nagka-handphone. 26 years old kako. Sya 9 years old pa lang daw. Mahal kasi kako ang phone nung time na yun.


Thursday, January 12, 2012

Plants vs Zombies Screencap 6

Balik tanaw: Plants vs Zombies Screencap 5 blog entry

New personal record...

Tuesday, January 10, 2012

Happy 3rd Birthday, Kenkoy II

Balik tanaw: Happy 3rd Birthday, Kenkoy II blog entry.



Natutulog pa ang may kaarawan. Napagod sa school. Pag gising nya ito ang makakamulatan nya...



Kanina ko lang binili habang nasa school ang dalawang Kenkoy. Tinago ko muna at sinet-up ko habang tulog si Kenkoy II.

930am nasa mall na ako pero 11am pa raw ang opening nung party shop. Nakita ko yung saleslady. Naki-usap na lang ako kung pwedeng makabili. Buti pumayag naman. Cars 2 na lang ang theme kasi yun ang may available na candle. Binagayan ko na lang ng Cars 2 Banner & Cars 2 Balloons.

Nagmamadali akong umuwi kasi 1130am ang dismissal ni Kenkoy II. Nakabili nga agad ako pero na-late pa rin ako kasi ang tagal dumating ng bus. Kinakabahan na ako baka umiiyak na si Kenkoy II kasi wala pa ang sundo nya. Buti hindi naman sya umiyak. Behave lang syang naka-upo at inaantay ako. Sabi ko, "sorry". Spank daw dahil late ako. Bwahaha!

Side Kwento: Naalala ko lang Cars yung isa sa naging birthday themes ni Kenkoy. Cars 2 naman para kay Kenkoy II. Di kaya Cars 3 para sa magiging Kenkoy III (kung susundan pa). Haha!


Happy 3rd Birthday, Kenkoy II

Sa batang gusto sya ang gagawa ng lahat. Sobrang independent. Ayaw magpa-assist. Ang yabang-yabang, hehe...

Maligayang Kaarawan, anak! Mahal na mahal ka namin.
Dalangin kong lagi ka sanang masaya at malusog.
At ngayong pumapasok ka na sa school, enjoy mo lang ang pag-aaral.
Love you ulit, anak :*


Sunday, January 08, 2012

This is it!

January na. Start na ng simple scrapbook services ko. Kinakabahan ako. Mahirap pala gumawa para sa iba pag may bayad. Nakaka-tense. Sana magustuhan ng client ang finished product.

Pero sobrang saya ko at may nagbigay ng chance sa akin. This is it talaga. Sana maging suki ko :)


Friday, January 06, 2012

Plants vs Zombies Screencap 5

Balik tanaw: Plants vs Zombies Screencap 4 blog entry

New personal record...

Nawili

Nawili naman si Kenkoy II. Gabi na eh papasok daw sya sa school. Kinuha at sinuot pa ang school bag nya *LOL*


Kenkoy II's First Day in School

Tagumpay ang unang araw ni Kenkoy II sa school. Walang separation anxiety.

Galing-galing, anak! Pareho kayo ni Kuya mo. Hindi na ako nahirapan iwan sa school.

At nakakatuwa si Kenkoy II nung tinanong ko kung anong ginawa sa school. Ginawa nya yung "My toes, my knees, my shoulders, my head." Ayos! 1st day pa lang may natutunan na. Sana nga masulit ang bayad sa school.


Thursday, January 05, 2012

Psyching Kenkoy II

Kanina sa Principal's office...

Lit Coo: You are going to school tomorrow. It would be fun. You will sing.
Kenkoy II: Sing? Ok.
Lit Coo: You will dance.
Kenkoy II: Dance? Ok.
Lit Coo: Count 1,2,3 and learn alphabets a,b,c.
Kenkoy II: I don't want.

Hayyyy! Kinakabahan ako sa 'yo, anak ah. Hehe!


Pero alam na nya a-z and 1-10. Sana lang wag tamarin sa school.


School Boy Kenkoy II

Kanina bago kami magpa-register sa school...

Kenkoy II: Where are we going?
Lit Coo: School.
Kenkoy II: School again? (Nagpunta na kasi kami dun last Tuesday para magpa-register sana kaso nga full na ang spots.)
Lit Coo: Yes, school again. We are going to school everyday like Coco. (Coco = Kuya)
Kenkoy II: Oh my gosh!

Pambihira! Mukhang mahihirapan pa ata akong papasukin sa school itong bunso ko ah. Di pa nga nagsisimula ang klase eh parang tinatamad na.

At hanep sa expression, anak ah. Hahaha!
Yung isa pa nyang expression ngayon ay "Oh my goodness!"


Back-to-School (Update)

Balik tanaw: Back-to-School blog entry.

Answered prayer. May slot na for Kenkoy II. Yipeee! So happy for my son. Binlog ko lang kasi sobrang saya ko pero alis na rin ako para mag-register sa school. Panigurado. Baka maibigay pa sa iba ang slot, hehe!


Wednesday, January 04, 2012

Ilang Taon Ka Na?

Last year tinuruan ko si Kenkoy II kung ano ang isasagot sa tanong na "How old are you?" "2" kako. Pero sabi ni Labs sabihin ko daw "3" kasi malapit na raw namang mag-three years old. Para daw pag-3 na eh tama ang isasagot. At ngayong ilang araw na lang ay magta-tatlong taon na si kenkoy II kapag tinanong sya kung ilang taon na sya, "4" ang sagot nya. Hwehehe!

Patay kang bata ka! Di ko alam kung kanino nya nalaman ang concept ng +1 kada birthday.

Naku, Labs, kasalanan mo 'to :P Chinese age na tuloy nya ang sinasabi ni Kenkoy II. Hahaha!


Placemats

Wala akong mahanap na magandang plastic placemats sa Ikea. Ito lang ang medyo ok kaya makiki-Year of the Dragon na muna ako, haha!



Ikea Trofast (2nd Update)

Balik tanaw: Ikea Trofast blog entry.

Makalipas ang isang taon at apat na buwan, ito na ang hitsura nya ngayon. Padami nang padami ang mga laruan :P

Monitor Leader

Napili daw syang maging monitor leader for semester 1, balita ni Kenkoy pagka-uwi. Kung ano man yun ay hindi ko alam, hehe! Pero may "leader" sa title kaya ok dahil magkaka-leadership training si Kenkoy.

Congratulations, Kenkoy! Do your best, anak.


Tuesday, January 03, 2012

Back-to-School

Pasukan na ulit. Ibig sabihin maaga na naman kami gigising. At ibig sabihin wala na naman akong pahinga, hayayay! Sleep deprived ulit.

Primary 4 student na si Kenkoy. Nag-start na sya mag-commute mag-isa papasok sa school at pauwi sa bahay. Patnubayan nawa siya ni Lord araw-araw.

Si Kenkoy II naman ay di namin napa-register bago umuwi sa Pilipinas. Puno na tuloy ang slots :( Excited pa naman si Kenkoy II. Nakita nya mga bata sa school. Gusto na rin nya pumasok. Pero sabi ng Principal ay may 2 students pa raw na hindi pumapasok. Antay daw ng 2 days. Pag wala pa rin daw ay tatawagan nya ako sa Thursday. Sana magka-open slot for Kenkoy II.