Thursday, August 31, 2006

Teachers' Day

Share ko lang gifts ni Kenkoy for his teachers. Sept 01 is Teachers' Day here in S'pore. No classes tom. Today ang celebration nila.

Fave ni Kenkoy 'to...

clipboard 01


Eto wala lang... walang maisip, hahaha...
clipboard 01


Eto naman naisip ko lang piliin lahat ng papers na may hearts. Sakto pala sa journaling ;)
clipboard 01

Tuesday, August 29, 2006

Sa bahay na ulit, weeeeeeeeeee

Simula kahapon balik na ulit ako sa dating buhay, wooohoooo! Tagal ko rin inantay 'to. Ilang linggong na-postpone kasi, hehe! Ang sarap pala ng schedule ng anak ko. Pag hatid ko sa school bus after 4 hours ang balik nya. Dumede lang pag dating tapos nag-afternoon nap na ng 3 hrs. Aba kung ganyan lagi marami akong magagawa sa 7 hours :) Ewan ko lang din. Baka pagod lang sya kahapon. Saka ko pa malalaman kung ano ang pattern sa sked nya. Pero kung 7 hours medyo pabor sa akin yun, hehe! Matatapos ko agad ang paglilinis sa bahay... at makakagawa ng layouts, hahaha! At saka malaking bagay para sa kanya yung 3 hrs nap.

At dahil balik na ko sa bahay. Balik na rin si Labs sa pag-focus sa work nya. May business trip sila ngayon (gusto ko sana sumama, hehe). Last sms nya kakadating lang nila sa airport. Dalangin ko ang tagumpay ng pagpunta nila dun :)

(off-topic)
At ang CX orders ko naman ay wala pa. Ang tagal din pala nun. Kala ko di aabot ng 7 days. Pero natanggap ko na ang FedEx tracking #. Baka bukas o sa 31st nandito na rin :)

Thursday, August 24, 2006

A year ago

Trivia:
Sakto one year ago tanggap namin positive result ng Permanent Residency application namin :)

Hanggang ngayon masayang-masaya pa rin kami sa result. Salamat muli sa Diyos :)

Bagoong

SMS ko kay Labs bago ako umuwi from work: Punta muna ko Lucky Plaza bibili akong bagoong.
Labs: Ok
Lit Coo: May papabili ka pa?
Labs: Chippy, V-Cut, Tortillos, Happy Peanuts
Lit Coo: LOL, ang dami.

Bagoong lang ang bibilhin ko naka-$22 ako :P

iPAQ

Labs: Ang pangit lang dito sa iPAQ ang bilis maubos ng battery. Araw-araw kailangan i-charge.

Kenkoy: Mama, Papa playing fireball again.

Walastik! Kaya naman pala mabilis maubos ang battery eh panay laro ng fireball. Peter Pan syndrome strikes again.

Monday, August 21, 2006

Prayer Requests

Kala ko part timer na ko sa work starting this week. Yun pala magiging 5 nights pa ang duty ko, wahhhh! Sana next week na. Iba talaga ang pagod pag gising sa gabi. Gusto ko na magpahinga at makabawi ng lakas. Gusto ko na maalagaan ng husto si Kenkoy. Gusto ko na maglinis ng bahay. Gusto ko na tapusin ang albums namin.

Kagabi pala tumingin-tingin ako online. Meron na kong USD150 sa cart. Buti na lang credit card ni Labs ang gagamitin ko kaya naka-pending pa muna. Gusto ko yung mga scrap items kaso esep-esep pa ko. Kailangan kong mag-ipon kasi nag-promise ako kay Kenkoy para sa 5th birthday nya. Magiging sobrang excited pala ang bata. Maya't-maya tuloy ay kinukulit ako. Eh 9 months pa bago ang birthday nya. Yari ako... 9 months na kulitan 'to :P

Pero mamaya 1st night ko, wahhhh! Sana talaga next week na. Dahil next week bukod sa makakapahinga na ako eh sweldo na, hahaha! At dahil sweldo mapapaisip na naman kung scrap items o bday present for Kenkoy. Ang hirap naman. Sana manalo kami sa Toto :)

Ay pahabol. Speaking of prayer requests/wishes. Grabe yung isang request ko natupad. Parang suntok sa buwan lang yun. Nag-request kasi ako sa boss ko. Kung pwede sana taasan ang hourly rate ko. Pag part timer kasi mawawala na ang shifting allowance. Malabo daw. Mga next year pa daw siguro. Tapos last week nag-email sa akin. Tinaasan ang hourly rate ko tapos may shifting allowance pa rin. Naalala ko tuloy bigla yung request ko. Grabe! Salamat sa Diyos talaga. Kaya ngayon panay hiling ko pa rin. Malay natin ibigay ulit ni Lord di ba? Hee hee! Sana... sana... mahaba pa listahan ng prayer requests ko eh. Pero di ko na iisa-isahin dito sa blog ;)

Thursday, August 17, 2006

139th bf-gf Monthsarry

Labs & I are celebrating our 139th bf-gf monthsarry today. I'm looking forward to celebrating our 12th anniv & more.

Song of the Moment: (For you Labs *naks... LOL* )
Grow Old With You
Performed by Adam Sandler

I wanna make you smile whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grow old with you

I'll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you

I'll miss you
I'll kiss you
Give you my coat when you are cold

I'll need you
I'll feed you
Even let ya hold the remote control

So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed if you've had too much to drink
I could be the (wo)man who grows old with you
I wanna grow old with you

Wednesday, August 16, 2006

Christmas, Wedding Anniv, BF-GF Anniv, Labs' B-day & V-day gifts

Sunod-sunod kasi okasyon from Christmas to V-day kaya kadalasan nahihirapan akong mag-isip ng gifts para kay Labs. The last time ang gift ko yung Wedding Scrapbook Album namin :)

Sa next one, may naisip na kong Christmas to V-day gift(s) for Labs. Naisip ko kanina sa office. Kwento ko lang kasi sobrang na-excite ako. Gusto ko ng bilhin ngayon pa lang, hehe! At sana Kapaskuhan na para maibigay ko na sa kanya. Gusto ko talaga sya. Hayyyy, kaka-in love :)

Kulitan with Labs...
Lit Coo: May naisip na kong Christmas gift for you :) Ikaw may naisip na rin?
Labs: Meron na.
Lit Coo: Ano?
Labs: Kiss.
Lit Coo: Nyahaha! Ayoko nun. Sawa na ko dun, hwehehe!

Friday, August 11, 2006

New Blessing

Stat ko sa YM ng ilang araw na -- it's a beautiful day!

Ngayon talagang it's a beautiful day. May new blessing sa work ni Labs, weeeeee! Thank you Lord. Thank you po!

Fighter Planes

Kanina pag labas ko sa office ang daming fighter planes. Natakot ako. Unusual kasing may ganun. Pag National Day ko lang nakikita yun. Parang sumabay pa sa mga usapan tungkol sa UK. Pero maari ring mag-hang over lang yung mga pilots sa National Day celebration, hwehehe!

Thursday, August 10, 2006

Latest Layout: Cousins

Habang gumagawa ako ng layout kanina tinanong ni Labs kung Baby Album ba ni Kenkoy ang ginagawa ko. Shocks! Pressured ako bigla dun ah. Inaantay nya pala yung Baby Book. Siguro kasi ilang buwan na lang eh 5 yrs old na si Kenkoy kaya sobrang delayed na naman ako sa output. O siguro marahil kasi kada punta ko sa craft store eh may nabibili ako para sa Baby Book, hahaha! Kinakatakot ko tuloy di kaya mag-mukhang chopsuey na ang Baby Book... at iba't-ibang embellishments na ang nabili ko :P Kasi naman na-ready ko na yung journaling dati eh nag-crash yung pc ko. Ulit na naman tuloy. Pero pag ready na journaling, sisimulan ko na talaga ng mabawasan ang backlog.

Ang latest layout ko pala nasa Friends & Relatives Album sa http://community.webshots.com/user/*type lit coo's yahoo id here* Aliw ako sa pag-picture namin sa mag-pinsan. Click lang kami ng click. Iba't-ibang facial expressions ang nakunan namin :)

Wednesday, August 09, 2006

Happy Birthday Singapore

To follow na lang ang National Day Kwento (kung meron man, hehe).

Spoiled Part II

Oras na para malaman ang resulta ng request ng ka-opisina ko. No reply pa daw. Ok. Tahimik lang ako.

Eto na at nag-open ako ng email software sa office. May request din kasi ako. At approved ang latest request ko :P Pero shempre di ko na pinaalam sa ibang kasamahan ko at baka magka-intrigahan pa. Tayo-tayo na lang ang nakaka-alam... sshhhhh!

Monday, August 07, 2006

Spoiled

Kahapon nagpagawa ng letter sa akin yung officemate ko. Malakas daw kasi ako sa boss namin. Wala daw tinanggihan sa requests ko. Totoo naman. Spoiled nga ako. Pero pa-simple lang ako humirit. Kala ko nga di nila mapapansin, hahaha! Pero nakahanap naman ako ng lusot at ayoko lumabas na favorite. Sabi ko sa kanya eh "Paano mo naman nalaman na di ka malakas? Di mo naman sinasabi ang gusto mo." Nahihiya daw sya. Asus!

Ayun at ginawan ko ng letter. Malalaman ang aking kakayahan sa pagri-request, hahaha!

Wedding & Travel Plans

Mukhang mapupurnada pa ata ang plano kong bday gift namin kay Kenkoy. Wala kaming kaplano-planong umuwi sa Pinas eh biglang dapat kami umuwi. Feb'07 pa naman ang uwi namin. Kinuha kasing bearer si Kenkoy. Last year umuwi kami dahil sa kasal. This year uuwi si Labs dahil sa kasal. Next year uuwi kami dahil na naman sa kasal. Suki ng pagiging abay itong mag-ama ko :P Every year na lang may inaabayan. Pangatlong beses na ni Kenkoy mag-aabay :) Paglaki-laki pa nya, escort sa Santacruzan naman 'to magiging suki. At pagtapos escort sa debut, hahaha! Manang-mana sa ama. Tandang-tanda ko kanda puyat ako sa paggawa ng laboratory report ni Labs nung College kami at aba ang loko... nasa debut party pala at escort ng kung sino, hahaha! Actually, sister ng ka-org namin yung nag-debut. Eto si Labs suki sa page-escort at feel na feel namang mag-escort, hahaha.

Okidoki balik ang kwento sa pag-uwi sa Pinas. Hayyy, nasira ang plano ko. Limited kasi ang budget sa pagta-travel. Eh di pa naman kami tinatamaan ng homesickness bug kaya wala pa sana sa plano ang pag-uwi. May ibang plano sana ko. Nasira *sigh* Di bale, may 9 months pa bago ang 5th bday ni Kenkoy. Pwede ko pang magawan ng paraan. Malamang di ako magii-scrap shopping for 9 months, wahhhhhh!

Tuesday, August 01, 2006

Buhay sa Office

Wala akong maisip na title kaya yan na lang :P

Unang Kwento
Yung isang Chinese S'porean kong officemate ang bait-bait sa akin. Pag may mga freebies na perfume, shampoo, moisturizer at kung anu-ano pa eh sa akin nya binibigay. Tinatanggap ko naman. Masamang tumanggi sa grasya, hwehehe! Pero minsan naiisip ko akala ata wala akong pambili kaya binibigyan na lang ako, hahaha!

Yung huling bigay nya sa akin ay Ascience Shampoo & Conditioner. Kanina nilapitan nya ko. Nasubukan ko na raw ba yung bigay nya sa akin. Sabi ko, oo. Tapos sabi nya "It's nice, is it?" Sagot naman ako ng "Yeah, it's nice. I even asked my husband if I look like Zhang Ziyi now." Tawa sya ng tawa. Si Zhang Ziyi kasi ang model nung brand na yun, hwehehe! At least mabenta rin pala ang humour ko kahit sa locals, hehe!

Minsan naman yung boss ko tinatawagan at tine-text ako kung pwede raw ba kong mag-duty from 3pm to 830am the following day. Shempre ayoko kaya esep ako ng esep ng maidadahilan. Nung finally may nahanap syang magdu-duty, sms ako sa kanya kung confirm na na may papasok ng 3pm. Meron na daw. Thank you daw. Sms ulit ako, sabi ko "So can I sleep now?" Nag-reply... tawa ng tawa sa akin. Hahaha!

Medyo iba humour ng mga yan eh kaya natutuwa ako pag napapatawa ko sila :)


Pangalawang Kwento
Eto naman sa toilet ng mga girls sa office. Sobrang dumi talaga nya pag dating ng gabi. Kawawa naman kaming mga night shift ang duty. Nagkalat ang tissue paper sa sahig. Ang dumi-dumi ng floor. Kadiri talaga. Pero every morning naman yun nililinis ni Auntie... as in ang linis linis kasi naabutan ko pa si Auntie sa umaga. Pero pagdating sa gabi.... hayyyy, di ko maisip talaga kung paano ba sila gumagamit ng CR. Mga babae pa naman.