Sunday, September 30, 2012

New Washing Machine

Balik tanaw: Sunud-sunod

Salamat sa Diyos at na-deliver na ang aming bagong washing machine. Ang ganda nya. At ang tahimik mag-operate. May silent mode pa sya pero kahit hindi naka-silent mode ay halos wala na rin namang maririnig. Ang galing! Pwede maglaba kahit gabing-gabi na. Siguradong hindi makaka-istorbo sa kapitbahay ;)

LG 6.5kg nabili namin na naka-sale sa Courts Online Store. $309 na lang. $80 off and free delivery.






Sana naman ay wala ng masira pa sa mga gamit namin. Ang daming bumigay this year. Una, microwave oven pero tumagal ito sa amin ng mga 1 decade. Pangalawa, aircon. Tumagal din ng mga 1 decade. Pangatlo, washing machine. Itong washing machine ang nakakagulat kasi mga 5 yrs pa lang ito. Ang bilis nasira :( Sana wala ng masira pa. Ang gastos eh.


1st Trip to Legoland Malaysia

Balik tanaw: Legoland Themepark

Ang isa sa pinaka-aabangang araw. Ang pagpunta namin sa kabubukas pa lang na Legoland Malaysia. Mahigit isang taon din naming inabangan ang opening ng themepark.

6am gising na ako. 8am ang target naming oras na aalis ng bahay. Medyo na-late ng kaunti kaya 8.30am na kami nakaalis ng bahay. Hindi kami nakapagpa-reserve ng coach na straight from S'pore flyer to Legoland. Fully booked na. Ang ending medyo maga-Amazing Race kami, haha! First time namin kaya aalamin pa namin kung saan ang sakayan. Pero na-search na ni Labs online yung instructions kung paano mag-commute papunta sa Legoland.


Ang sikat ng araw sa S'pore pagdating namin sa boundary ng S'pore & Malaysia umuulan na. Pagdating namin sa Legoland ay umaambon na lang.




Tapos kailangan namin papalitan ang tickets namin to annual pass cards. Ang haba ng pila pero tama lang din dahil kailangan mag-fill up ng forms. Apat kami kaya apat din ang forms. Sakto lang yung pag-move ng pila sa pagtapos mag-fill up ng forms. Picture isa-isa, verify ng names tapos inabot na rin agad ang annual pass cards namin. Ang ganda ng cards :) May bar code na dun sa card tapos yun ang ii-scan para maka-enter sa theme park.

Pinaka-naaliw ako sa Miniland. Ang ganda ng gawa para sa Malaysia, Singapore & India. Di ko masyadong napansin yung sa ibang bansa. Tingnan ko na lang ulit sa susunod na balik namin dun.
 

Hinanap ko yung sa Philippines. Bakit kako wala. Tapos tinuro ni Labs yun daw ang Philippines dahil may jeep. Naku, promise, di ko sya nakilala. Binasa ko ang signage... Bolinao, Philippines. Pilipinas nga. Kaso bakit ako na Filipino ay di ko alam kung ano yung naka-showcase dun. Di katulad nung sa Malaysia, Singapore, China & India na alam agad kahit di na basahin ang signage.

Ito pala yung Philippine jeepney. Ang cute 'no?





Ito ang sa Singapore...

 

at ang sa India...




Ang pinaka-nagustuhan ng dalawang Kenkoy ay ang playground. Itong Pharaoh's Revenge ang biggest hit. Ang tagal nila dito naglaro. Ok na din. Oras naming dalawa ni Labs habang naglalaro ang dalawang bata sa loob. Relax lang kami sa labas. Pahinga, kain, inom at kaunting kwentuhan. Nakapagpatuyo na rin ng mga basang t-shirts. Sa tagal nilang naglaro natuyo na ang sampay ko, hahaha! Sobrang init. 6 extra shirts ang dala ko. Tig-3 shirts sila. Plus 4 face towels na pampunas ng pawis at pang-sapin sa likod nila. Ayun, basa lahat ng pawis. Ganun kainit, ganun ka-active ang mga anak ko at ganun sila kapawisin.




Ito naman ang The Forestmen's Hideout...



Playground na naman. Pang-3rd playground na nila ito. Yung isa pang playground ay The Shipyard. Kesa sa mga rides, itong tatlong playground ang na-enjoy nila. Dito kami nagtagal talaga.

Para sa kabuuan ng aming Legoland rides & activities, makikita po ang photos sa FB account ni Lit Coo.


Cutie Lego keychains...



Ano pa ba? Sa food, masarap yung Udon nila sa may Market Restaurant. Dahil mainit naka-$15.40 kami sa drinks. $2.40 ang isang small bottle of iced tea. $1 naman ang bottled water.

Naka-$23.80 naman kami sa food. At $48 sa dalawang souvenir shirts.


Tips:

1. Kung gusto mag-coach para less hassle sa byahe, magpa-reserve ng maaga.
2. Kung magco-commute, alamin ang sked ng buses.
3. Magsuot ng komportableng damit at sapatos.
4. Humanda sa tindi ng sikat ng araw... mag-sunblock, payong o cap.
5. Kung pawisin, magdala ng maraming extra shirts at face towels.
6. Uminom lagi. Iwasang ma-dehydrate.
7. Travel light.
8. Bring travel documents.


Rough Budget:
entrance fee - SGD 354 (promo price of annual pass for 2 adults & 2 kids) 
fare - SGD 38 (SG-Legoland-SG; para sa aming apat na)
food - SGD 24
drinks SGD 15.40 ($2.40 ang small bottle of iced tea, $1 ang water)
souvenir shirts - SGD 48

clothes & cap - SGD 60 (optional ito. namili lang kasi ako ng caps ng mga bata at ng comfortable t-shirts. yung maninipis lang kasi nga mainit ang panahon at pawisin sila)

Ano pa ba? Tumatanggap ng S$ sa Legoland pero ang sukli ay Malaysian Ringgit.

Kung ang hanap nyo ay mga thrilling rides, mas mae-enjoy nyo ang Universal Studios dahil wala halos adult rides sa Legoland. Pambatang theme park ang Legoland.

Sa kabuuan, nakakapagod man ang byahe ay masaya naman sa Legoland. Nag-enjoy ang dalawang Kenkoy lalu na hilig nila ang playgrounds. Babalik at babalik pa kami ;) Sana matapos na ang water park section. Isa rin ito sa hilig ng dalawang Kenkoy... ang waterparks. At sana matapos na rin ang construction ng Legoland Hotel para kung sakaling gusto naming mag-overnight sa Malaysia ay pwede. Nakakapagod din kasi ang maghapon sa theme park tapos magba-byahe pa pabalik sa S'pore.

Okidoki, eto na lang muna at inaantok na ako (hehe). Kung may katanungan pa ay iwan na lang ang tanong sa comment section. Maraming Salamat.

Ito naman ang ang mala-Amazing Race na experience namin. Para sa mga gustong mag-commute din...

Mula sa amin, bus papuntang Commonwealth Station. Transfer kami from bus to MRT. Baba kami sa Boon Lay Station. Transfer naman from MRT to Causeway Link bus (CW6). Hindi namin alam saan sakto ang bus terminal kaya hinanap pa namin. Mabuti na lang mabilis ang interval ng pagdating ng bus. Straight na itong bus na 'to hanggang Malaysia immigration. Yun nga lang kailangan pa bumaba sa S'pore immigration tapos sakay ulit sa same bus tapos baba na sa Malaysia immigration. Mabuti na lang wala nang paperworks. Wala ng embarkation/disembarkation cards. Passports lang, ok na. Sa Malaysia immigration sakay naman ulit ng bus (JPO2). Straight na 'to hanggang Legoland. More or less $20.50 ang fare naming apat mula sa bahay hanggang Legoland.


Mga 7.30pm na kami lumabas ng park. Na-miss namin ang JPO2 bus. 7pm pala ang dating tapos ang next sked ay 9.30pm na. Nag-decide si Labs na longer route na lang. Grabe 'to, 30 mins kami nakatayo. Punuan ang bus. Buti na lang may isang mommy rin na naawa kaya siniksik na lang nya yung anak nya para magka-space pa at pinaupo nya ang dalawang Kenkoy. Sa pagod ni Kenkoy II ay nakatulog na. Nabibigatan si Kenkoy kasi sa kanya nakasandal kaya binuhat ko na lang si Kenkoy II. Tapos after mga 10-15 mins, si Labs naman ang nagbuhat. Nung may bumaba ng pasahero naka-upo rin kami. Pagdating sa Malaysia immigration, ang layong lakarin at ang haba ng queue sa immigration. May nakasabay pa kaming Filipino family rin. Ang dami na naming napagkwentuhan pero nandun pa rin kami sa pila. Paglabas ng Malaysia immigration sakay ulit ng bus tapos baba ulit sa S'pore immigration then sakay ulit ng bus hanggang Kranji station. From Kranji station baba kami sa Commonwealth station tapos transfer ulit sa bus. Tapos sa wakas... 10.30pm nasa bahay na kami. Grabe, 3 hrs ang binyahe namin. Parang commute lang sa Pinas. Panay reklamo nga ni Kenkoy. Troublesome daw. Sabi ko naman eh dapat matuto rin sya sa ganung pagkakataon dahil di naman lahat ay sarap lang sa buhay. Pero parusa nga itong pauwi namin. Mas madali-dali yung papunta. Sa susunod alam na namin na dun kami sa mas madaling way at dapat alam na namin ang sked ng JPO2 bus.

Kapagod ano? Haha! Anyway, ito po ang aking travel blog entry sa ngayon. Sana makatulong sa mga gustong mamasyal sa Legoland Malaysia.

Friday, September 28, 2012

Legoland Malaysia, Here We Come!

passports - check
re-entry permits - check
tickets - check
extra clothes - check
cap - check
camera - check

Ready na kami. Woohooo! Hindi po kami mamasyal sa malayong lugar. Mangangapit-bansa lang, hehe, kaya kailangan pa ng passports. At shempre pa kanina lang kami tumawag para magpa-reserve sa coach. Ayun, fully booked. Magaling. Magco-commute tuloy kami ngayon ng maraming bus/mrt transfers.

Lord, sana po maganda ang panahon bukas. Sana po hindi kami maligaw. At sana sobrang mag-enjoy ang buong pamilya. Maraming maraming salamat po :)

Wednesday, September 26, 2012

Pasa

May pasa na naman ako :( Kanina ko lang napansin habang nagsho-shower. Di ko alam kung kailan sya nagsimula. Di rin masakit. Madalas akong magkapasa sa iba't-ibang parte ng katawan. Kadalasan sa arms & legs. Di naman masakit. Pero bakit kaya ako nagkakapasa? :(



It's Mooncake Season Again

Yayyyy! First mooncake for this year. Yummy!
 


Tuesday, September 25, 2012

Birthday Present

Pipili na ako ng gift from Labs. Alin kaya dito ang bagay sa akin...

Ito ang smaller version ng current watch ko. Mas gusto ko 'to. Sana nakita ko ito nung bumili kami dati...

Eto naman parang bagay sa blue jeans tutal madalas naman akong naka-maong...

Same style pero white naman...

Etong sunod na 4 pictures ay same style different colors lang.

Ito ang nagandahan talaga ako. Pearlized. Bagay sana sa akin...

Alin kaya? Ang gaganda lahat :)

Monday, September 24, 2012

Sunud-sunod

Pagtapos ng aircon, washing machine naman ang nasira. Sunud-sunod ang gastos :(

Saturday, September 22, 2012

Depression

Balik tanaw: Depression

Nakita ko kanina sa bus stop...

 

Lungkut-lungkutan na naman :(

Saturday, September 15, 2012

HK Trip Dilemma

Balik tanaw: A Spoiled Surprise

Good news: Kenkoy passed his audition. Makakasali sya sa choral competition in HK. 1st overseas competition/performance/field trip nya. Sobrang excited ako for him. And very proud as well sa achievement nya (kahit di pa nananalo, achievement na for me). Sabi ko nga sa kanya 10 yrs old ang 1st overseas trip nya alone. Ako, 22 na ata ako nung naka-travel ako mag-isa sa Japan.

Bad news: Di na tuloy ang HK family trip namin :( We gave up our trip to support Kenkoy. Ang laki ng damage eh. Walang subsidy kasi hindi kami S'pore citizens. Pero kung S'pore citizen, 40% lang ang babayaran. Oh well. Anyway, wineigh namin yung experience, knowledge & confidence na mage-gain ni Kenkoy kaya go na rin sya kahit ang mahal. Yun lang sayang yung HK air tickets namin. Non-refundable eh :(

Ang hirap pag desisyunan nito :(


Wednesday, September 12, 2012

New Shoes


Dumating na ang shoes na inorder ko online. Ang bilis ng delivery. 2 days after payment dumating na ang order ko. At tama ang sukat, yipeee!

May napansin lang ako. Puro pala red & black na ang colors ng shoes ng dalawang Kenkoy. May part 2 pa pala ang blog entry na 'to...

Balik tanaw: Black is In


One More Month

At dahil malapit na ang birthday ko, si Kenkoy halos araw-araw akong binabati. Hindi ako masyadong excited for this year. Pero excited na ako for my next year's birthday :)

At si Kenkoy II naman last week ay kinantahan na ako ng birthday song. Kanta nya,

Happy birthday to you. Happy birthday to you.
Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you.
May the good boy bless you. May the good boy bless you.
May the good boy, may the good boy, may the good boy bless you.

God bless you, Mama. God bless you, Papa. God bless you, Coco.


Haha! Talagang good boy eh 'no instead of good Lord. At binless nga nya kami sabay hawak pa sa ulo... parang pari lang na nagbe-bless. #cutie


Saturday, September 08, 2012

Impression

Naka-kwentuhan ko sister ko kagabi. Nabanggit nya na sabi daw ng mga pinsan ko na hindi na raw ata ako umaalis sa computer.

Nakakainis ang mga ganung impression. Hindi na nga ako makahabol sa usapan sa Yahoo! Groups & FB groups na kinabibilangan ko. Di na rin ako nakakapag-blog sa dami ng trabaho.

Kaya nga na-appreciate ko ang FB Ticker. Pag masdan kaya nila ang Ticker nila kung madalas nila akong makita dun.

Online talaga ako 24/7 dahil on lang ang pc kaya kita ko pag may notifications. May data service din ang mobile phone ko kaya 24/7 talaga ang internet access ko. Pero sa dami ng trabaho ko hindi ako 24/7 babad sa pc/phone. Pasilip-silip lang ako.

Kakainis lang talaga. Basahin kaya nila ang postings & replies ng iba kong kakilala. Pati na rin FB status nang malaman nila kung ano ang kahulugan ng hindi na umaalis sa pc.

Friday, September 07, 2012

Day 4 of My Sister's SG Trip

Day 4 - Universal Studios Singapore (USS)

Kakapili namin ng araw na hindi uulan at hindi matao natapat kami sa araw na umulan at maraming tao, hahaha! Pero sa kabuuan ay enjoy pa rin dahil nasakyan naman namin lahat ng gusto naming masakyan kahit na hindi kami naka-express pass.






Lights! Camera! Action! Isa ito sa paborito ko sa USS. Ewan ko ba pero kinilabutan ako habang nagsasalita si Steven Spielberg. Parang buhay na buhay. At parang ayan lang sya sa harap ko at kinakausap talaga ako ng isang genius. Wow talaga!



Ito naman ang Street Boys. Tama, yung dance group mula sa Pilipinas. Big hit ito sa mga tao. Ang daming nanood. Kung nakanood na kayo sa mga comedy bars, parang ganito rin ito. Sayawan nga lang hindi kantahan. Pero "medyo" ino-okray din nila yung mga audience na sasayaw. Ang kwela. Sobrang laugh trip. Bukod pa sa magaling talaga sila sumayaw. Iba talaga mag-entertain ang mga Filipinos.




Isa pang street show. Yung nag-iisang Asian sa group ay Filipino din ;) Kantahan naman ito (obvious naman sa picture, haha).



At ang $6 naming merienda, haha!



At ang $24-dinner namin :)



Sobrang saya. Sister bonding talaga :) Ang daming napagkwentuhan sa dami ng pila na pinilahan namin, hahaha! Naka-dalawang beses kami sa Transformers Ride. Pinaka-paborito ko talagang USS Ride yun. Naging pinaka-paborito din ng sister ko. At buti na lang itong kapatid kong ito ay pareho kong mahilig sa rides. Ayos, walang inuurungang rides.

At kahit nakailang punta na ako sa USS, gustong-gusto ko pa rin syang balikan. Hindi nakakasawa. Ang mahal nga lang ng entrance fee.

At maraming salamat pala sa sister ko dahil ang dami kong photos. Pero sabi nya mas mgaganda daw ang shots ko sa kanya pero masaya na rin ako. Dati kasi lagi akong walang photo sa mga family gimiks.


Thursday, September 06, 2012

Day 3 of My Sister's SG Trip

Makulimlim ulit. Parang ilang araw na nga atang may haze. Di na naman mawari kung uulan o hindi. Pero sayang yung panahon kahapon. Di umulan. Sayang perfect sana para mamasyal kasi hindi rin maaraw. Kaya naisip namin na baka ganun ulit ngayon. Fight na kung fight. Umulan kung uulan man. Pero gaya kahapon makulimlim lang din buong araw.

Mga 3pm na kami nakarating sa Vivo City. Nag-lunch pa kasi kami sa bahay at inantay si Labs from his office. Iwan na si Kenkoy II kay Labs. Kami lang ng sister ko at ni Kenkoy ang namasyal. Pinapili ko si Kenkoy kung saan nya gusto sumama, Sentosa o Universal Studios. Isa lang ang pwede nya samahan dahil kailangan nya pa magpahinga. May swimming & piano lessons pa sya sa Sabado. Sentosa ang pinili nya dahil kaka-Universal Studios lang naman namin.

Pagdating sa Vivo City, may night pass silang offer. Mga $27 tapos out of 13 attractions ata yun ay pipili ka ng 3. Sa night pass lang kasama ang Songs of the Sea kaya kahit 6pm pa ang start ng night pass ay yun pa rin ang kinuha namin.

Akala namin ay matagal ang 3 hrs bago pa kami pwedeng sumakay since 6pm pa nga ang start pero tama lang pala ang 3 hrs para makapamasyal. Unang stop namin sa Merlion. Photo op lang ulit tapos lakad na. Nadaanan namin ang Images of S'pore. Picture picture ulit. Tapos sakay na ng shuttle papunta sa Palawan Beach.



Dito sa Palawan Beach ay pinuntahan namin ang southern most point of continental asia. Photo op ulit. 3 hrs na agad lahat yun.


At dahil malapit na mag-6pm ay pumunta na kami sa Skyride. Pinasakay naman na kami.


Then Luge naman pababa.



After ng Luge, pahinga ng kaunti tapos Songs of the Sea na.


Tapos na. Haha! Kapagod. Nag-dinner muna kami sa Food Republic, Vivo City bago kami umuwi. Di lang pala na-picture-an ang food.


Haircut

Ayaw magpagupit sa pagupitan. Ginupitan na lang ang sarili nya. Ang bunso ko talaga, hayyyyy!



Wednesday, September 05, 2012

Day 2 of My Sister's SG Trip

Makulimlim. Mukhang uulan kaya naisipan naming sa Ikea na lang muna magpunta.



Eto ang lunch namin...














Pagkatapos kumain ay naka-isang round kami sa Ikea. Namili ng pampasalubong. At tapos tumuloy kami sa Orchard. This time shopping time na dahil kaming dalawa lang ng sister ko. Iwan ang mga kids kay Labs.


Tuesday, September 04, 2012

Day 1 of My Sister's SG Trip

Nandito na ang bunso kong kapatid, yipeeee!

Unang pasyal - ORCHARD



At ang lunch namin... Indonesian food sa Food Opera, ION





Pagkagaling sa Orchard ay dumiretso kami sa MARINA BAY AREA. MRT kami from Somerset station to Esplanade station. Lakad na from Esplanade station papuntang Esplanade tapos lakad pa rin hanggang marating ang S'pore Flyer.

Eto nga pala ang bago dito sa S'pore, ang GARDENS BY THE BAY. Pero dahil pagod na kami kakalakad ay tinanaw na lang namin sya, hahaha!


Ito naman ang S'PORE FLYER. 165m from the ground daw ang taas nyan. Hindi naman nakakatakot kasi mabagal ang ikot. Yung 360 degrees na ikot ay tumagal ng 30 mins. Nothing spectacular siguro kasi dito naman kami nakatira. Yun na ang mga nakikita namin. Photo op lang sya. Picture picture. At sa mga kids, ok na rin dahil top view naman ang nakita nila. At bahay na bahay lang ang dalawang Kenkoy. Naupo sa lapag, dumapa, tumayo, lakad dito, lakad duon at eto pa... biglang wiwi daw sya sabi ni Kenkoy II. Eh kaka-start pa lang ng ikot. Pinawiwi ko na lang sa baon kong plastic. Talaga naman. At tapos pupu naman daw. Ay, sabi ko hindi na pwede. I-hold na muna nya ang pupu nya dahil nakakahiya sa mga kasama namin sa capsule. Nga pala 7 lang kami sa capsule, sister ko, ako, Kenkoy, Kenkoy II, isang couple na mukhang honeymooners at isang solo rider.


At parang gusto ko ma-experience mag-date dito kaso 8 pax per capsule. Siguro dun na lang sa Cable Car, pang-couple lang talaga ang dining dun.



After ng S'pore Flyer ay dumiretso kami sa CHINATOWN. Tapos na ang office hours ni Labs kaya kasama na namin sya dito.



At eto ang dinayo namin sa Chinatown, ang Stingray.