Sunday, March 30, 2008

Zombie

Balik na naman ang sleeping problem ko :(
Gusto kong matulog... di naman makatulog... wahhhhh!
Zombie na naman :(

Be Careful

Kahapon naimbitahan akong samahan si Kenkoy sa Catechism class nya. Celebration ng Light of Liturgy daw. May part dun na isa-isa kaming binigyan ng candle. Tahimik. Biglang nagsalita si Kenkoy na rinig ng lahat --- "Mama, be careful."

Napangiti ako. Ang sweet ng anak ko. Ang thoughtful :)

Thursday, March 27, 2008

Weddings

Kakabanggit ko lang na noong Sunday ay may nagpa-book kina Labs. Kanina may nagpa-book ulit. Bale, limang Kasalan na. 2 in May, 2 in July & 1 in Aug.

Karamihan dito ay Chinese couples. Isang Indian couple. At itong huling nagpa-book ay Filipino ata yung groom.

Yung iba sabi nila gusto daw kasi nila Filipino choir ang kakanta sa Kasal nila. Pero ang karamihan ay naririnig kasi sina Labs sa 12:30 pm Sunday Mass. Gusto raw nila ang pagkakakanta nina Labs.

Yung huling Kasalan na kinantahan nina Labs ay panay papuri ang narinig mula sa mga guests. Galing daw ng pagkaka-awit. Angelic daw :)

Nakakatuwa. Galing talaga ng Pinoy sa kantahan (wag lang nila akong pakakantahin at baka mawala ang paghanga nila sa mga Pinoy, hehe).

Bata nga naman

Kaninang pag-sundo ko kay Kenkoy sa school ay inalok ulit ako ng kakilala kong S'porean na sumabay na sa kanya. Magta-taxi daw sila ng apo nya. Pag malakas ang ulan at pag nagta-taxi sila ay sinasabay nya kami lagi sa taxi. On the way naman daw ang block namin pauwi sa kanila kaya sumabay na daw kami. Ang bait nya ano? :)

Kanina nagku-kwentuhan kami habang naglalakad. Habang sina Kenkoy at ang apo nya naman ay magka-hawak kamay na naglalakad. Bigla ba namang tumakbo yung apo nya. Takbo rin si Kenkoy para habulin ang bata. Pero buti si Kenkoy marunong na kasi kaya tumigil nung nasa street na. Pero yung bata tuloy tuloy sa pagtakbo. Kahit anong sigaw ng lola nya di tumigil. Tumakbo rin ako para habulin ang bata kasi nga mas mahihirapang tumakbo yung lola. Ang bilis ng bata. Di ko naabutan.

First time kong makakita ng ganun. Hindi kasi ganun si Kenkoy dati (o baka hawak lang kasi namin ang kamay nya nung time na mahilig pa sa biglaang pagtatakbo). Buti na lang stop yung mga sasakyan sa kabilang lane. Sa isang lane naman ay walang paparating na sasakyan. Kung nagkataon nakaka-trauma ang pangyayari.

Grabe talaga yung nangyari. Nakaka-shock. Parang lahat ay tumigil. Mga ibang bata at matatanda from school tumigil. Mga drivers sa mga sasakyan nagulat din. Lahat walang magawa at napatingin na lang sa bata.

Buti na lang walang nangyaring masama sa bata. Kung hindi sobrang mako-konsensiya ako dahil hindi ko nahabol ang bata. Grabe talaga yun. Sa mga may anak na toddler, gabayan ang mga anak dahil hindi pa nila alam ang danger na mangyayari.

*****
3 yrs old palang yung bata. Schoolmate ni Kenkoy.

Tuesday, March 25, 2008

Confiscated Fare Card... the Verdict

Kakatanggap ko lang ng email from Transit Link. Masusing pagre-review daw ang ginawa nila sa request ko.

Ang verdict: Pwede ko na raw makuha ang fare card ni Kenkoy.

Yahooo! Dininig ng Diyos ang panalangin ko :) Salamat sa Diyos :) Kung nagkataon $16 din yun para sa isang pagkakamali. Di pa sinasadyang pagkakamali. Salamat talaga sa Diyos. Magandang Easter gift ito :)

*****
Sa sobrang tuwa ko na mai-share ang blessing na ito ay binalik ko sa public setting ang blog :)

Next project: Christmas Album

Exciting ito. May concept na ako. Madali lang kasi one picture lang per year (2001-2007). At ito ang magiging first 8" x 8" album na gagawin ko. Sa ngayon kailangan kong pa-print ang mga pictures. At kailangan ko ring gawin ang journaling. Sana maalala ko pa dahil ang tagal na ng backlog na ito. Ok pa ang 2004-2007 kasi may blog na ako. Ang iniisip ko ay yung year 2001-2003. Pero sana maalala ko pa ang dapat maalala, hehe! Kailangan ko ring bumili ng Christmas themed acid-free papers. Excited na ulit ako gumawa. Sana magawa ko habang nasa mood ako.

Sunday, March 23, 2008

Easter Greeting

Happy Easter sa lahat :)

Payat

Kanina sa Simbahan may 3 instances na sinabihan ako na pumayat daw ako. Siguro nga pumayat ako kasi hindi lang isang tao ang nakapansin. Ano daw ginawa ko? Ang sagot... ewan ko! Ni hindi nga ako aware na pumayat pala ako, hehe! Pero siguro dahil sa 1 week na puyatan sa paggawa ng Baby Book ni Kenkoy.

Di ko alam kung compliment ba yung sinabi nila na pumayat ako. Na-kwento ko lang :P

Sapatos

Nagtataka ako sa iba dahil ang hilig nilang mag-suot ng matataas na sapatos. Ako naman kahit maliit ay hilig kong mag-suot ng flat shoes kasi masarap sa paa. Pero last week binilhan ako ni Labs ng bagong sapatos. Mga 2 inches siguro ang taas nun. Kanina sinuot ko na. Naaliw ako kasi komportable. Depende lang pala sa sapatos yun kaya pala yung iba feel na feel magsuot ng stilettos. Masarap din pala sa paa. Ngayon may bagong favorite shoes na ako. Feel na feel ko na rin suotin. Ang sexy ng feeling eh (wag lang akong matatapilok o matitisod, hwehehe).

Weddings

Kanina may lumapit na couple sa choir. Nagpapa-book para sa wedding nila in May. Pang-apat na itong Kasal na kakantahan nina Labs for this year. Dalawa sa May. Isa sa July. At isa sa Aug. Natutuwa ako para kina Labs :)

Good Friday

First time kong umalis ng bahay na Good Friday. Ang kinalakihan ko ay sa bahay lang kami at aabangan ang live tv coverage ng Siete Palabras. Ang pinapanood at pinakikinggan namin ay yung sa Dominicans... yung coverage mula sa Sto. Domingo Church.

Last Good Friday pumunta kami sa Church. Stations of the Cross tapos may Misa. Benedictus Choir ang kumanta. Nakaka-iyak ang mga kanta ganundin ang pagkaka-awit. Parang musical play. Inawit ang passion & death ni Jesus Christ.

Pagkatapos ng Misa ay tinulungan ko si Labs na tapusin ang miniature Empty Tomb. Gagamitin ito ng mga bata para sa Catechism class. Ito yung Friday class na ina-attend-an ni Kenkoy na parang montessori style ng catechism. Inabot din kami ng 9:30 ng gabi sa Church compound.

May break-in nga palang nangyari sa music room at CGS room ng Simbahan. Sinira ang mga pintuan. Nakuha ang isang music keyboard. Daming pulis ang dumating para mag-imbestiga. 3 police cars ang nandun. Red alert ang kapulisan dahil di pa rin nahahanap ang #1 sa wanted list ng Singapore.

*****
Offline si Lit Coo ng Good Friday hanggang Black Saturday kaya ngayon na lang ang kwento.

Wednesday, March 19, 2008

Save The Earth

May concert last year. Nalimutan ko nga lang ang title. Save the Earth ata, hehe! Di ko trip yung music. At nakakarindi dahil panay Save the Earth... Save the Earth. Wala lang akong choice dahil nasa bus ako. May mobile tv kaya naririnig ko. Pero effective naman dahil naiparating nila ang pinaka-message --- to save the earth.

Ngayon pag walang gumagamit ng ilaw, ino-off ko na.

Pag hindi ginagamit ang appliances, ino-off ko na rin sa switch.

Nagso-sort na rin kami ng trash. Provided naman dito sa Singapore ang recycling bags. At kinokolekta every alternate Fridays.

Pag pumupunta kami ni Labs sa grocery store, may dala na kaming bag. Iniiwasan na naming gumamit ng plastic bags. May 10 cents pa kaming off sa Fair Price pag may dalang bag :)

May saysay naman yung concert :)

Tuesday, March 18, 2008

Eye Screening Test

May free annual eye screening test dito sa S'pore para sa mga bata. At kakalabas lang ng result for this year. Normal vision si Kenkoy, yehey! Sana nga maalagaan nya ang mga mata nya. At sana hindi magmana sa akin dahil mahirap talaga ang nakasalamin.

Monday, March 17, 2008

Confiscated Fare Card

Nag-follow up ako noong Friday tungkol sa fare card ni Kenkoy. Tatawagan na lang daw ako. Monday na wala pa ring tawag kaya si Labs na ang tumawag kanina para mag-follow up. Ang sabi, kailangan daw naming bumili ng bagong fare card worth $16 dahil hindi na raw pwede ibalik ang dating fare card. Misuse daw ang report ng bus captain.

Nakakapang-init ng ulo. Kala ko pa naman kaya may 5-day investigation para makita kung nandaya nga o hindi. Makikita naman sa records na first offense pa lang. Honest mistake pa. May pattern naman ang transactions ni Kenkoy dahil gamit lang yun kadalasan papunta sa school, pauwi from school, pagpunta sa Church at pauwi from Church. Mon-Fri yung school, same time pa... kaya madaling ma-trace kung may misuse man na naganap.

Mukhang hindi naman kasi nag-imbestiga. Pinakinggan lang yung side ng bus captain. Ang ikinaba-bad trip ko pa talaga ay yung bus captain na yun dahil kung maka-asta eh akala naman ay mandurugas nga ako. Ni hindi ko nga alam na namali ako ng tap eh. Di naman sinadya na manloko sa pamasahe. Nakakainis talaga.

Sabi ng iba, i-let go ko na lang daw. Eh di kako para ko na ring inamin na gawain ko nga ang mandaya sa pamasahe.

Ayun, nag-email ako ngayon sa Transit Link. Sana lang mapakinggan ang side ko.

Sunday, March 16, 2008

Private Setting

Set ko po muna saglit sa private setting ang Kakulitan, Kasentihan, Atbp. Pasensya na po sa abala. Nai-broadcast ko kasi. Balik ko po ulit sa dating setting after a week siguro.

Saturday, March 15, 2008

Negative

Negative. Try na lang ulit. Sana this month meron na para Dec baby :)

Boo-Boo

Pambihira! Nai-broadcast ko ang blog ko at Baby Book ni Kenkoy sa isang Yahoo Group ko. Privy email dapat yun eh. Kaso di ko pala napalitan ang e-add. Hayyyy, engotski! :(

Friday, March 14, 2008

Rico Yan (+)

33rd birthday ni Rico Yan ngayon.

May kakaibang lungkot pa rin pag naaalala ko sya. Nung buntis ako araw araw ko syang inaabangan sa MTB. Tapos bigla syang pumanaw noong Good Friday. Iyak ako ng iyak. Tanong nga ni Labs bakit ko daw ba iniiyakan eh di ko naman daw kaanu-ano. Hayyyy! 6 yrs ago na yun. Nakakaiyak pa rin. Nakaka-miss si Rico.

Sana masaya sya kung nasaan man sya ngayon.

Wednesday, March 12, 2008

Baby Book (tapos na rin)

Tapos ko na rin sa wakas. Eto po ang ilan sa mga layouts na makikita sa Baby Book ni Kenkoy...

Eto yung iniyakan ni Kenkoy...


Saturday, March 08, 2008

Baby Book

Naka-9 layouts na ako para sa Baby Book ni Kenkoy. Yayyyy!

May isang layout pala ko na nagkamali ako. Hindi ko na pwede maulit/remedyuhan :( And for the first time, napansin ni Kenkoy ang pagkakamali ko sa layout. Dati rati sasabihin nun na maganda pa rin. Pero ngayon, sabi nya ang pangit daw :( Kaya lang di ko na mauulit. Di ko na mare-remedyuhan. Favorite pa naman nya yun kasi yun ang first ultrasound nya. Iyak sya ng iyak... kaya lang hindi ko na maibabalik ang nagawa ko. Sabi ko na lang pag may baby na ulit kami ipapa-print ko na lang ng dalawa. Isa sa kanya at isa para sa new baby namin. Pero nilinaw ko na hindi na sya yun. Oo daw. Ganun na lang daw.

O sya, gawa na muna ulit ako. 8 layouts at 3 nights na puyatan pa. Kaunti na lang. Malapit na ako matapos.

Thursday, March 06, 2008

Bad Trip

Late na ako kanina sa pagsundo kay Kenkoy. Ang tanging nasa-isip ko ay sana makahabol ako... sana hindi ako ma-late... sana ok si Kenkoy. Ayun, ang na-tap kong fare card sa bus ay yung fare card pala ni Kenkoy. Magka-iba kasi ang child fare kesa sa adult fare. Na-confiscate tuloy ng bus driver ang fare card ni Kenkoy. Sabi ko susunduin ko ang anak ko at nagkamali lang ako ng tap. Akala ko kako ang na-tap ko ay fare card ko. I-imbestigahan pa daw for 5 working days.

Wala kasi akong bag. Hindi ko naman iniiwan kay Kenkoy ang fare card nya at baka mawala nya. Di ko nilagay sa pocket ko kasi baka maupuan ko na naman. Hawak hawak ko pareho ang fare cards namin. Ang na-tap ko tuloy yung card ni Kenkoy.

Bad trip.

Sunday, March 02, 2008

6,000th Visitor

Kaka-hit lang ng counter ng 6,000th visitor. Sino kaya sya? Hehe!

Naalala ko tuloy ang backlog ko. Balak ko gawan ng layout yung 5,000th mark ng blog ko. Mukhang aabot na ng 10,000th mark eh di ko pa rin nagagawa ang layout :(

Anyway, maraming maraming salamat ulit sa lahat ng mga bumibisita sa Kakulitan, Kasentihan, Atbp. :)