Showing posts with label Family Values. Show all posts
Showing posts with label Family Values. Show all posts

Sunday, October 28, 2007

5S pa din at kung bakit hindi ako shopaholic

Whew! Salamat at nakapag-online din sa wakas. Kapagod mag-general house cleaning. Parang di na ko matatapos. At parang gusto kong itapon na lang lahat at mag-iwan lang ng mga kailangan talaga sa pang-araw araw na buhay, hehehe! At parang ayaw ko ng mamili kung hindi rin lang talaga kailangan ang bibilhin. Magiging kalat lang yun *LOL*

Nabanggit na rin ang pamimili. Maraming naaaliw sa pagsha-shopping pero ako wala talagang hilig sa shopping (except scrap-shopping, hee hee). Tingin ko kaya ganun dahil pinalaki akong basics lang ang gamit. At lagi kong naaalala ang kapatid ng mommy ko na pari. Minsan binigyan ni Mommy ang Tito ko ng shoes. Thank you na lang daw dahil may (1 or 2 pairs of) shoes pa naman daw sya. Di ko makalimutan ang incident na yun. Humanga talaga ako sa Tito ko. Kaya ngayon ganun din ako. Basics lang. Yung kailangan lang. Si Kenkoy ganun din. Sabi namin sa kanya ang bibilhin lang namin ay yung kailangan nya kaya hindi mahilig magpabili si Kenkoy. At kung meron man syang gustong-gusto, bibilhin namin yun pero prize nya yun kung maganda grades nya o/at kung good boy sya. Kahit kailan ay hindi ko naman naramdaman na deprived ako kahit na basics lang ang ibinigay ni Mommy, Daddy at ng step-dad ko. Feeling ko super-blessed pa nga ako sa buhay :) Sana ganun din ang nararamdaman ni Kenkoy.

O di ba... ang layo ng narating ng kwento ko, hahaha!