Monday, November 22, 2010

Special People

Tuwa ako sa conversation namin ni Kenkoy ngayon ngayon lang...

Kenkoy: I'm special!
Lit Coo
: You are special?
(Gusto ko malaman ang isasagot nya kasi hindi pa naman namin ine-explain ng malalim yung condition nya.)
Kenkoy: I'm special. I can not run, remember? (Hindi sya allowed mapagod advised ng pedia-cardiologist.)
Lit Coo: Ah, yeah.
Kenkoy: I am special. Everybody is special coz everybody is different.
Lit Coo: Yes, correct. Always remember that.

Wednesday, November 10, 2010

Award

Sabi ni Labs may papabasa daw syang email sa akin.

Lit Coo: Ano yan? Tungkol saan?
Labs: Basta basahin mo.

Eh kaso nagloloko ang connection. Hindi nag-upload ang email. Sinabi na rin nya.

Labs: Award.
Lit Coo: Award? Award as in sermon? Sa gay lingo award=sermon.
Labs: Hindi sermon. Award nga.

Finally nag-appear na yung email. Award nga. Quality excellence ata ang tawag. Parang ganun, haha!

Lit Coo: Congratulations! Anong prize? Baka certificate o plaque ha.
Labs: Baka nga ganun.
Lit Coo: Sabihin mo marami ka na nun. I-cash na lang nila. 1 month bonus, haha!

Tapos kinwento ko kay Kenkoy na may award ang Papa nya. Tuwang-tuwa at proud sa Papa nya. Sabay tanong kung may bonus daw ba Papa nya, haha... manang-mana sa nanay. Sabi ko same kami ng tanong, haha!

Pagkatapos ni Kenkoy ay si Labs naman... Congratulations Labs!

Tuesday, November 09, 2010

Exam Results

Lumabas na results ng final exams ni Kenkoy...

76.5/85 sa English
89/100 sa Math

Whew! Nagbunga rin ang pagsisikap ni Kenkoy. Masaya na ako sa scores nya dahil mahirap ma-achieve yung ganyang score. Alam kong pinaghirapan ni Kenkoy yun.

Salamat anak sa pag-aaral. Naway magamit mo sa buhay lahat nang napag-aralan mo. Congrats! We love you!

Friday, November 05, 2010

Family Day

Umuulan pag gising ko sa umaga. Ito pa naman ang araw na ipinangako namin kay Kenkoy na iti-treat namin sya. Pero tumila rin naman ang ulan. Deepavali ngayon. Public Holiday dito sa S'pore kaso may pasok pa si Labs hanggang ala-una ng hapon.

Mga bandang 3pm na kami nakarating sa Wild Wild Wet sa may Pasir Ris. First time namin. $10.80 ang entrance fee para sa adults at $6.40 naman sa bata. Si Kenkoy II ay libre pa.




Mabuti na lang at saktong pupunta din sa Wild Wild Wet ang family friend namin. Mas naging enjoyable ang outing. May ka-buddy buddy si Kenkoy sa paglalaro. Pati si Kenkoy II ay tuwang-tuwa.


Mga 7pm na kami umalis. Tapos kumain muna kami sa Burger King bago umuwi. Nag-MRT kami... sama-sama pa rin lahat kasi halos kapit-block lang namin yung family friend namin. Ang ingay sa MRT... 4 na bata kasi. Pinagtitinginan na kami :P

Nagyaya yung kaibigan namin na dumaan muna kami sa kanila kaya ayun dinner ulit, haha! Mga 11pm naka-uwi din kami.

Masaya. Salamat po Lord sa treat :)

Morning Greetings

For two days now ito ang bungad ni Kenkoy II sa umaga...
Hello!!! Happy?

:)

Thursday, November 04, 2010

Uh-Oh

Alam na ni Kenkoy II pag kalokohan ang ginagawa nya. Gagawin nya kasi tapos sasabihing "Uh-oh!" o kaya magha-hand sign ng "Hala!" Pilyo talaga. Tamang nang-aasar lang.

Wednesday, November 03, 2010

Discounted Airfare

May nag-aalok sa akin ng 2 round trip tickets papunta sa honeymoon destination namin ni Labs. Cheaper ng Php10K. Pambihira kung kelan nakapagpa-book na. On the other hand, kinakabahan naman ako baka may hocus-pocus. Di ko naman kasi kilala personally. Sa forum ko lang nakilala. Napanalunan nya raw yung tickets. Alam ko na... tawagan ko ang Seair to confirm kung valid yung tickets. Baka lang mayaya ko ang mga kapatid ko or sisters-in-law. Pwede naman sila sumama. Basta nakahiwalay sila ng hotel room, nyahaha!

Monday, November 01, 2010

Deep Sleep

Ang sarap ng tulog ni Kenkoy II kagabi. Natulog ng 6pm. Nagising 8am kinabukasan. 14 hrs straight sleep. Sana ganun ang everyday schedule nya para mahaba rin ang tulog ko, hahaha!

At ang ganda ng panahon kanina. Maaraw pero malamig ang simoy ng hangin. Sana sa Friday maganda rin ang panahon dahil Family Day, weeeee!