Saturday, December 29, 2012

12th Wedding Anniversary Celebration

Di mawawala sa anniv tradition ang cake...



at ang pagbisita sa Simbahan kung saan kami ikinasal...



2D/1N kami sa Tagaytay (kasama nga lang mga bata *LOL* ). Simpleng bakasyon pero na-enjoy ko sobra. Kain at tulog lang. Stress-free :)



Sa actual anniversary, nag-bowling kami. Sobrang enjoy. Sana maulit muli.



Hulaan kung alin ang score ko...



Thursday, December 27, 2012

Torete Mode Pa Rin Update

Balik tanaw: Torete Mode Pa Rin

At dahil halos tapos na ang naunang To-Do list. Eto ang updated version.

1. Upload photos -- done 19 Dec
2. Blog (medyo updated na)
3. Laba (medyo current na *whew*)
4. Plantsa (current ako dito)
5. Pag-decorate sa Christmas tree -- done 19 Dec
6. Wrap 3rd set of gifts -- done 19 Dec
7. Label & cover Kenkoy's books -- done 27 Dec
8. Spring cleaning (clothes, toys, paper/docs)


Wednesday, December 19, 2012

Utang po muna ang mga kwento. Pictures na lang muna i-post para pag nagka-oras si Lit Coo ay maalala nya ang mga dapat i-blog.

Baong Sakit

Ang ayaw ko pag nagbabakasyon ay ang tambak na labada, tambak na trabaho pag-uwi sa bahay at ang baong sakit :(

Nung nakaraang taon nagka-stomach flu si Kenkoy II at food poisoning si Labs. Ngayon naman may red spots sa katawan si Kenkoy. Pang-4th day na bukas. Wala naman syang lagnat. Walang masakit sa kanya. Active pa rin. Everything is normal except sa on-off na rashes. Di ko alam kung ano ang nagti-trigger kasi wala naman syang allergy dati.

Sana gumaling na agad si Kenkoy. At sana hindi ito nakakahawang sakit para hindi na kumalat pa.


Tuesday, December 18, 2012

Torete Mode Pa Rin

At dahil halos tapos na ang naunang To-Do list. Eto ang updated version.

1. Upload photos -- done 19 Dec
2. Blog
3. Laba
4. Plantsa
5. Pag-decorate sa Christmas tree
6. Wrap 3rd set of gifts
7. Label & cover Kenkoy's books
8. Spring cleaning (clothes, toys, paper/docs)


Torete Mode Update

Balik tanaw: Torete Mode

30 Nov - Buy Kenkoy's books for 2013, Christmas Photo Shoot, Family Movie Date
01 Dec - Christmas party
03 to 07 Dec - Kenkoy's HK Trip
08 to 18 Dec - trip to Manila (reunions, visit the Church where we got married, movie date with hubby, comedy bar, Timezone, Museo Pambata, MIL's bday party, shopping, 12th wedding anniv celebration)

Things-to-do:
1. Set up our Christmas tree -- halfway done 01 Dec
2. Download Webshots photos -- done 29 Nov
3. Wrap Christmas presents -- done 30 Nov
4. Pack Kenkoy's things for HK trip -- done 02 Dec
5. Make our Christmas card -- done 05 Dec
6. Wrap Kenkoy's books
7. Clean T&B -- done 05 Dec
8. Pack our things for Manila trip -- done 08 Dec
9. Spring cleaning


Monday, December 17, 2012

Sunday, December 16, 2012

The Hobbit: An Unexpected Journey

photo credit: http://www.imdb.com/title/tt0903624/


Saturday, December 15, 2012

Tuesday, December 11, 2012

Thursday, December 06, 2012

LDR

For the first time sa aming pamilya na nasa tatlong bansa at magkakalayo kami.

Si Labs nasa Pilipinas.
Si Kenkoy nasa Hongkong.
Kami ni Kenkoy II nasa Singapore.


Wednesday, December 05, 2012

December Daily

Dahil na-inspire ako kay Ms. Ali Edwards kaya sisimulan ko ang tradition na ito. Sana magtagumpay ako, hahaha!

Ito ang guide ko for this year. Imo-modify ko na lang since wala namang winter season dito.




05 Dec: Today I'm Thankful For

a $10 voucher from Toys 'R Us :)

Thank You po, Lord!


Madaliang Kwento

Utang muna ang mahaba-habang kwento. Humahataw lang dahil malapit na ang uwi sa Pilipinas. Marami pang kailangang tapusin.

Share Ko Lang...

1) Nanalo sina Kenkoy ng silver sa Winter Choral Festival 2012 sa Hong Kong *woot* (Thank You po, Lord!)

2) Nagawa ko na ang Christmas card namin. Woohooo! Umabot ako sa deadline.

3) Ginagawa ko ngayon ang December Daily for the first time. Sana maging annual tradition.


Sunday, December 02, 2012

02 Dec: Today I'm Thankful For

low utilities bill :)

From last month's $277 it went down to $110. Sobrang nakakatuwa di ba? Hindi pa namin masiguro ang cause kung bakit bumaba. Sana $110 na ang maging bagong average utilities bill namin.

Thank You po, Lord!


Saturday, December 01, 2012

Christmas Tree is Up

Naitayo rin. Wala pang ornaments pero at least naitayo na. Mahirap na at baka magkatamaran na namang itayo. Last year, 1 month bakasyon namin sa Manila. 17 Dec kami bumalik dito sa S'pore... ayun, tinamad na kami itayo dahil 1 week na lang naman Pasko na. At ililigpit rin naman agad :P Ngayon, dapat maitayo na sya bago pa kami magbakasyon sa Manila dahil nakakatakot... baka maging tradisyon na naming tamarin sa pagtayo ng Christmas tree :P



Friday, November 30, 2012

Rise of the Guardians

Family Movie Date kanina...



photo credit: http://www.imdb.com/title/tt1446192/

Naaaliw ako sa movie na 'to. Although sa real life ang family ko (ako, si Labs at ang dalawang Kenkoy), kami 'yung walang "light" dun sa globe. Hindi kami pinalaking naniniwala sa mga "guardians"... guardian angel, oo... pero hindi kina Santa Claus, Easter Bunny, Tooth Fairy, Jack Frost. Bakit? More on sa faith na pinaniniwalaan kasi namin kaya naging ganun. Pero na-enjoy namin ang movie. Maganda. Kahit papaano naman sa movie, may kaunting fantasy rin naman kami *LOL*


Kenkoy's School Supplies for 2013

Nakabili na, weeeeee!



Next step... pag-label at pag-cover ng books ;)


1st Batch of Christmas Gifts

Natapos din ang pag-wrap ng 1st batch :)



Thursday, November 29, 2012

Torete Mode

At dahil magpa-Pasko na, torete na naman sa dami ng dapat gawin.

Post ko lang para matandaan ko mga gagawin ko...

30 Nov - Buy Kenkoy's books for 2013, Christmas Photo Shoot, Family Movie Date
01 Dec - Christmas party
03 to 07 Dec - Kenkoy's HK Trip
08 to 18 Dec - trip to Manila (reunions, visit the Church where we got married, movie date with hubby, comedy bar, Timezone, Museo Pambata, MIL's bday party, shopping, 12th wedding anniv celebration)

Things-to-do:
1. Set up our Christmas tree
2. Download Webshots photo
3. Wrap Christmas presents
4. Pack Kenkoy's things for HK trip
5. Make our Christmas card
6. Wrap Kenkoy's books
7. Clean T&B
8. Pack our things for Manila trip
9. Spring cleaning


Friday, November 23, 2012

Annual Christmas Photo Shoot

Nag-avail kami ng photo shoot sa Groupon for $18. Nagpa-sked ako for next week. Eto na ang catch ng promo... ang sabi, additional $30 para ma-edit ang files within 7 days. Kung hindi, 4 to 6 weeks pa ang aantayin ng editing. Pambihira, tapos na ang Pasko! Eh di bale wala rin. Kaya nga kami magpapa-picture para sa Christmas card/gift tags na every year namin ginagawa.

Buti na lang nadaan sa paki-usap. Kako kahit 1 raw photo lang. Tapos yung other 4 kahit abutin pa ng 2-3 months (5 photos kasi ang kasama sa package). Isa lang kako ang kailangan namin for Christmas. Buti pumayag. Nakatipid ng $30. Thank You po, Lord!


23 Nov: Today I'm Thankful For

Free Jurong Bird Park Tickets!

Naka-avail ng tickets si Labs sa company nila. Weeeee!!!

Thank You po, Lord. Sana po maganda ang weather bukas. Thank You po ulit :)


Thursday, November 22, 2012

Thanksgiving Day

Happy Thanksgiving, everyone!

Wednesday, November 21, 2012

Sad News

Ngayon Ko Lang Nalaman na...

Hiwalay na pala si Ali Edwards at ang asawa nya :( Nalungkot naman ako dun. Nabasa ko kasi ang Ten Things I'm Thankful For Right Now na post nya. At dun ko nalaman ang balita. Nalungkot talaga ako. Ayaw na ayaw kong nakakabalita na naghihiwalay.


Tuesday, November 20, 2012

Album vs Rubber Shoes

Kanina, bago pumasok sa office si Labs. Papa-scan ko kasi ang layout na gawa ko kaya dala nya ang album at magjo-jogging sya after office hours kaya may dala ring rubber shoes...

Lit Coo: Iwala mo na ang rubber shoes, wag lang ang album.
Labs: Oo, mas mahal pa ang album mo sa rubber shoes eh.

Hahaha! Tama din. Bukod sa mas importante talaga yung album, hehe!


Monday, November 19, 2012

Ice Age 4 and Cowgirls n' Angels

Movie time ulit...

photo credit: http://www.imdb.com/title/tt1667889/


photo credit: http://www.imdb.com/title/tt1894561/


Saturday, November 17, 2012

17 Nov: Today I'm Thankful For

My One-on-One Date with Kenkoy :)

Unplanned date ito. Dapat buong family kami mamasyal pagtapos ng swimming lesson ni Kenkoy kaso umulan. Ang lakas ng ulan. Tapos nakatulog si Kenkoy II. Pero kailangan ko pa ring pumunta ng mall para magpa-print ng photos. Tinanong ko si Kenkoy kung gusto nya sumama, oo daw. Ayaw naman na umalis ni Labs plus tulog nga si Kenkoy II kaya ang ending ay may date kami ni Kenkoy. Yipeeee!

Gustong-gusto ko talaga ng one-on-one dates. Ang saya-saya ng pakiramdam.

Punta kami sa Suntec City. Nagpa-print muna. 10 mins lang, nakuha ko na. Tapos bili kami ng McDo Happy Meal ni Kenkoy tapos tumuloy kami sa SOUPilicious para sa aking salad. May kasama itong spaghetti with meatballs at iced lemon tea for $10.90. Pwede na 'no? Hati kami ni Kenkoy sa spaghetti.



Pagkatapos ay tumuloy kami sa Toys 'R Us. Ang nakakatuwa kay Kenkoy ay pareho kaming mataas ang EQ. Kaya nyang pumasok ng toy store at lumabas na walang napamili :) Sabi ko window shopping lang kami. Nag-enjoy naman syang tumingin-tingin ng mga toys. At may napili na sya for his Christmas Wishlist. Ayun, at naka-post na sa Facebook account nya. Hahaha!

At dahil bandang alas-nuebe na ay sabi ko bili na kami ng paborito namin pretzel... ang Auntie Anne's. Magsasara na kasi yun kaya hinabol namin. Pagtapos naming kumain, uwian na. Tapos sa bus, kwentuhan... tawanan. Ang saya lang talaga :)

Thank You po, Lord!


Friday, November 16, 2012

Comedy Bar

Lit Coo: Date tayo sa comedy bar.
Labs: Tagal ko na ngang gustong gawin 'yan eh.
Lit Coo: Ok. Pero wag ka nang kumanta ha?
Labs: At bakit naman?

Bwahaha! Ang mister ko talaga sobrang mahiyain :P

Thursday, November 15, 2012

15 Nov: Today I'm Thankful For

Kenkoy's grades :)

Natanggap ko na ang report card nya. Na-meet nya ang target namin na Band 1 for Math, Science & English.

Ang saya-saya :) Thank you, Kenkoy! Thank You din po, Lord!


Wednesday, November 14, 2012

14 Nov: Today I'm Thankful For

My boys' achievements :)

End of school year na. Bigayan na ng report cards. Bukas pa makukuha ang kay Kenkoy pero may letter na from his teacher na 1st section sya ulit *woohooo*

At eto naman ang kay Kenkoy II...


Halos C sa Mother Tongue. Di kasi kami nagcha-Chinese sa bahay. Pero C naman is Average daw sabi sa report card :P


"A" din dapat yung "Can recognize own name". Naii-spell, nababasa at nasusulat na ni Kenkoy II ang name nya.


Ang saya-saya ng araw ko. Both boys did well in school :) Nakakatuwa pa nung inabot sa akin ni Kenkoy ang letter from his teacher, kinuha naman ni Kenkoy II ang envelope nya na may laman na art projects, worksheets & report card nya. Ayaw patalo! Nakikisingit sa usapan namin ni Kenkoy at naghahanap din ng recognition. Samantalang nabati ko naman na sya nung nakita ko ang laman ng envelope nya.

Kakatuwa lang talaga. Ang daming good news today. Thank You po, Lord!


Monday, November 12, 2012

12 Nov: Today I'm Thankful For


I finally started my First Gratitude Album :)

At may pasalubong pang glue sticks from Labs. Woohooo! First gratitude album. First 6"x6" album. Ang saya. Ang sarap gawin kasi ang simple lang pero sobrang meaningful kaya ang saya :) Sana maging tradition ko na ito every Thanksgiving Day :)

Lahat ng parangal, papuri at pasasalamat sa inyo po, Lord! Thank You for all Your blessings :)

And big thanks to Ms Cathy Zielske for ideas & inspiration.

Dito ko pinattern ang gratitude album na ginagawa ko ngayon 30 Days of Thankful Album by Cathy Zielske


Sunday, November 11, 2012

Skyfall

Pinanood namin kanina...


photo credit: http://www.imdb.com/title/tt1074638/


11 Nov: Today I'm Thankful For

it was our family's first time to laugh out loud all together last night :)

Co-sleeping kami with our kids. Walang permanent sleeping position kaya halos gabi-gabi na lang may awayan kung saan pupwesto. Kadalasan gusto ng dalawang Kenkoy katabi ako. Kaya dapat nasa gitna nila ako.

Kagabi kagulo na naman. Mega-iyak si Kenkoy II habang nakasalubsob ang ulo nya sa unan. Sabi ni Labs magpalit daw kami ng pwesto. Bale, hindi alam ni Kenkoy II na si Labs na ang katabi nya. Pag-angat nya ng ulo at pagmulat ng mata, si Labs ang nakita nya. Tigil sa pag-iyak at hagalpak sa tawa. Ang lakas. First time ko marinig na tumawa sya ng ganung kalakas at ganun katagal. Nakakatuwa. Tapos lahat na kami... buong pamilya... tumawa ng malakas na malakas. Nakakatuwa. Ang saya-saya :)

At thankful din pala ako dahil nagpa-practice na si Kenkoy ng solo part nya para sa Simbang Gabi. Matagal ng pangarap ni Labs ito... ang makakanta sa Simbahan ang anak nya. Sana gabayan ni Lord si Kenkoy. Sana maayos ang pagkanta.


Saturday, November 10, 2012

Medical Check-up

Share Ko Lang...

na nagpa-medical check-up nga pala ako kanina. Sana healthy ako.


Adventure Cove Waterpark

Ngayon Ko Lang Nalaman...

na magkakaroon ng panibagong water park dito sa S'pore. At dahil mahilig sa water park ang kids ko, super duper good news ito. Aabangan namin ito. Pero siguro next year na kami makakapunta. Pricey nga lang. Sana mag-sponsor ulit ang company nina Labs. (Sana po, Lord! Thank You po!)


Photo from dejiki.com

Photo from outoftownblog.com


10 Nov: Today I'm Thankful For

a perfect weather for Kenkoy. Maulap kaya perfect para di sya masyadong mangitim si Kenkoy dahil every Saturday ang swimming lesson nya.

Thank You po, Lord!


Friday, November 09, 2012

09 Nov: Today I'm Thankful For

good people who returned Labs' iPhone.

Naiwan ni Labs ang phone sa taxi. Mabuti na lang mabait ang nakapulot. Tinawagan ako para sabihin kung paano makukuha ang phone.

Thank You po, Lord! Pagpalain Nyo po ang mabait na Uncles na nagsauli ng phone ni Labs. Amen.


Independence

Kanina habang nag-aantay kami ng lift,

Kenkoy II: Mama, you go home now.
Lit Coo: Huh?
Kenkoy II: You go home. I'll go to school by myself.

Anak, 3 yrs old ka pa lang. Pambihira talaga ang pagka-independent nitong batang 'to. Buti kung maglalakad lang eh sasakay pa ng bus eh.

Tuesday, November 06, 2012

Christmas Tree

Sa laki ng unit namin di ko alam kung saan ilalagay ang Christmas tree (sa mga nakarating na sa unit namin alam nila ang totoo, haha). Pambihira! Malapit na mag-Pasko nasa box pa rin ang Christmas tree namin. Excited pa naman na ako mag-wrap ng Christmas presents.

Sunday, November 04, 2012

New Swimming Coach


Nag-resume na swimming lessons ni Kenkoy. Naka-12 sessions din sya sa 1st swimming instructor nya. Pero kailangan namin syang i-transfer kasi ang layo nung unang pool. Kawawa naman si Kenkoy masyadong napapagod. Same day rin kasi ang piano lesson nya.

Pero ayun, buti naayos ang sked. 11am na ang piano lesson nya tapos 3pm naman ang swimming. Masaya lang ako kasi mas ok ang progress ni Kenkoy sa new coach & new pool. Siguro kasi ang aga ng dati nyang swimming sked at ang layo. At parang mas ok rapport nila ng new coach. Sana nga mag tuloy tuloy :)


Lit Coo's New Toys

Thanks, Labs, for my new toys :)



Kaso puro pang-Christmas na ang nasa craft store. Di ba pwedeng Thanksgiving muna? Yun pa naman ang kailangan ko. *haist*


Friday, November 02, 2012

Made with Love

Ngayon Ko Lang Nalaman...

na closed na pala ang craft store na binibilhan ko sa Plaza Singapura. Nagsara na halos lahat ng binibilhan ko :( Sana naman yung isa pang craft store sa Plaza Singapura ay open pa. May gagawin akong project. Kailangan ko ng new materials.


1st Birthday Layout for Kenkoy II

Ang hirap talaga tumigil sa pagii-scrap. 5 months ata akong hindi nag-scrap. Hirap na hirap tuloy ako. Isang araw bago ko natapos :( Excited pa naman si Kenkoy II kasi ipapakita nya raw sa teacher nya eh hindi ko natapos kagabi.

Pero masaya ako nakagawa ng layout ulit. At mas lalong masaya dahil 1st birthday layout for Kenkoy II. Malapit na kasi ang birthday nya kaya madadagdagan na naman ang backlog ko. At least ngayon minus 1 kaya 2 birthdays na lang ang backlog ko.


Thursday, November 01, 2012

Math SA2 Result

Up by 6% ang score ni Kenkoy sa Maths. From 87 nung 1st sem ay 93 na ngayon. Sobrang tuwa ko. Nagbunga ang mental math practices. Nagbunga ang pagtitiyaga ni Kenkoy na mag-aral. Partida pa dahil may sakit si Kenkoy nung exam day. Stomach flu na naman :( Masama pakiramdam nya, panay poop at may slight fever. Mabuti naman at nakuha nya pa ring maka-93.

Thank you talaga sa lahat ng tulong at talino na bigay ni Lord.

Thank you rin, Kenkoy, sa pag-aaral mo ng mabuti. Naway magamit mo sa buhay lahat ng natutunan mo sa school.


New Scrapbook Project

May kino-conceptualize akong scrapbook project. Overwhelming. Full of emotions itong album na 'to. May 3 weeks ako para matapos. Good luck sa akin. Pipili pa lang ako ng photos. Gagawin pa ang journaling bago pa makapagsimula talaga sa pag-layout. Pero sana... sana po, Lord, matapos ko. Sobrang excited ako sa project na 'to :)

Wednesday, October 31, 2012

Precious Moments Belen

Dagdag sa wishlist. Sa mga nais kaming regaluhan (hehe) pero nahihirapang mag-isip kung ano ire-regalo, ito po siguradong magugustuhan namin kahit lumipas pa ang ilang taon at dekada ;)



Photo from chuvaness.com


Tuesday, October 30, 2012

ITIL

Congratulations, Labs! So proud of you *mwah*