Wednesday, February 25, 2009

Healed

Gumaling na nga pala kaming lahat (Kenkoy, Labs at si Mommy sa sore eyes, si Kenkoy II sa jaundice at ako naman sa wound infection, hemorrhoids & diarrhea). Salamat kay Bro (*May Bukas Pa mode*, hehe). Pinagaling kami ni Bro.

At may isa pang bonus si Bro. Kanina may natanggap akong cheke mula sa hospital. Binabalik nila yung binayad namin noong na-confine ako dahil sa infection. Di namin ito inaasahan. Malaking bagay yung cheke para sa amin. Actually, nung na-confine ako nasa isip ko na na di dapat kami magbayad. Feeling ko kasi pagkapanganak ko ay na-discharge ako na may infection na. Ang sakit kasi talaga. Di ako maka-upo sa sakit. Hirap na hirap din akong bumangon dahil sa sakit. Akala ko naman dahil sa hemorrhoids. Yung tahi ko pala ang sumasakit. Kaso feeling ko lang yun... hindi ako sigurado. At saka baka may mali din akong nagawa kaya nagka-infection ako.

Pero eto nga at may refund kaming nakuha kahit di kami nag-request ng refund sa hospital. Wala ring explanation kung bakit may refund. Baka dahil may infection na nga ako pagkapanganak. O baka ganun talaga pag within a week eh nagkasakit agad na related sa panganganak. Di ko talaga alam kung bakit may refund. Nakuha siguro sa dasal, hehe! Naalala ko nun umiiyak ako sa hospital dahil di ko maalagaan ang pamilya ko. Hinang hina ako sa panganganak. Na-miss ko bigla si Kenkoy. Pumapasok sya sa school pero hindi ako ang nag-aasikaso sa kanya. Na-miss ko syang alagaan. Si Kenkoy II di ko rin maalagaan ng ayos. Hindi sapat ang lakas ko. Tapos dagdag worries pa na ang daming gastusin dahil sabay sabay kaming nagkasakit. Muli, si Lord ang takbuhan. Ang resulta: wala kaming nilabas na cash sa pagkaka-confine namin ni Kenkoy II. Mula sa panganganak hanggang sa jaundice ni Kenkoy II at sa infection ko. Lahat nabawas sa Medisave ni Labs. Sobra sobra pa ang Medisave ni Labs. At ngayon nga ay may refund pa. Ang galing talaga ni Lord. Good Provider talaga :)

Thank You Lord :)

Tuesday, February 24, 2009

Busy

Bumalik na kahapon sa Pilipinas ang mommy ko. Tapos na ang 6 weeks na pag-stay nya dito sa Singapore para alagaan ako at ang pamilya ko. Laking pasasalamat ko talaga sa mommy ko. Salamat din sa Diyos at binigyan Niya ako ng mommy na gaya ng mommy ko.

First day ko ngayon na walang katuwang sa pag-aalaga sa dalawang bata at sa mga gawaing bahay. Toxic... grabe! 24/7 hands-on mommy duties... sleep-deprived... at gabi na di pa ako nakakapag-shower, wahhhh. Pag pupunta na kasi ako sa bathroom biglang magigising naman si Kenkoy II eh wala namang ibang mag-aalaga dahil OT si Labs. Bukas nga magsho-shower na ako bago pa pumasok si Labs sa work.

Nakakapagod. Lord, more strength & patience nga po *wink*

Monday, February 23, 2009

Baby Passport

Kahapon pumayag si Labs na bumili ako ng cabinet. Tuwang-tuwa ako kasi nasa wishlist ko yun. At dahil may bagong cabinet shempre pa masipag akong naglinis ng gamit namin. At dahil na rin sa paglilinis ay nakita ko bigla ang... tadan... ang 1st passport ni Kenkoy :) Tuwang-tuwa ulit ako. Matagal ko ding hinanap yun at sabi na nga ba kung kailan hindi hinahanap saka sya magpapakita ;) Ang saya-saya ko at sobrang pasasalamat sa Diyos. Kumpleto na rin ang Baby Book ni Kenkoy. Nailagay ko na ang passport sa First Plane Ride layout. May space naman akong iniwan sa layout para talaga sa passport. Umasa talaga ko na mahahanap ko din ang 1st passport ni Kenkoy.

Pagkagaling sa school ay pinakita ko ang passport kay Kenkoy. Masaya si Kenkoy tapos pinakita nya kay Kenkoy II. Sabi ni Labs "Look at the name." Pagkabasa eh saka lang na-realize ni Kenkoy na sa kanya pala ang passport. Ang akala nya kay Kenkoy II. Magkamukha daw sila. Pinakita ko rin ang passport sa flatmate namin. Sabi ko hulaan nya kung sino yung nasa picture. Sagot nya "Shempre si Kenkoy II." Nyahaha! Sabi ko naman "Si Kenkoy yan." Pagkakita nya sa name ay kay Kenkoy nga. Magkamukha daw. I therefore conclude (hwehehe)... at tama si Labs... na magkamukha nga si Kenkoy at Kenkoy II.

Wednesday, February 11, 2009

Kenkoy II's 1st Month


1 month old na si Kenkoy II. 5 kg na sya. 2 kg ang ibinigat nya mula ng ipinanganak. Biglang hindi na agad sya mukhang newborn baby. Ang lakas dumede. Pang 3-6 months na ang naco-consume nyang milk. Hirap akong maka-adjust sa sked nya dahil every hour gising para dumede. Sakit sa ulo dahil putol putol tuloy ang tulog ko. At malapit na bumalik sa Pinas ang mommy ko. Goodluck na lang sa akin kung paano ako makaka-adjust agad.

Ilang pictures uploaded po sa Friendster account ni Lit Coo. Salamat.

Sunday, February 08, 2009

Bungi ulit

Bungi na naman si Kenkoy. Kagabi ay pinakita nya sa akin na umuuga na ang ngipin nya sa baba. Kanina habang tinu-toothbrush-an sya ng Papa nya ay di nya namalayang natanggal na pala. Tawa pa rin ng tawa si Kenkoy dahil nakikipagharutan kay Labs. Samantalang patagong nai-abot na sa akin ni Labs ang ngipin. Tapos sabi ko kay Kenkoy ay mag-smile sya sa salamin. Ayun, saka nya lang nakitang wala na pala ang ngipin nya sa baba. Di naman sya umiyak.