Monday, April 27, 2009

Dapa

Nakita ko kanina... nakakadapa na si Kenkoy II :)

Sunday, April 26, 2009

8 years after

Dami na nagbago dito sa S'pore. Kung dati-rati ay masasabi kong safe na safe dito ngayon ay hindi na. Tumataas na talaga ang crime rate :(

Kanina lang ay nawala ang pram ni Kenkoy II (na minana nya pa sa Kuya nya). May choir practice sina Labs sa 2/F. Iniwan ko na lang ang pram sa 1/F dahil walang lift. 10:30 am kami umakyat. Aba pagbaba namin ng 12 nn ay wala na ang pram. Pambihira! Sino ba naman mag-aakalang may magkaka-interes dun? Bukod sa 7 yrs old na yung pram... luma na... eh nasa compound pa kami ng simbahan. Tsk tsk! Recession daw kasi kaya tumataas din ang crime rate dito. Dala daw ng pangangailangan.

Nanghihinayang lang ako sa pram na yun. Tagal tagal naming tinago tapos 3 months lang nagamit ni Kenkoy II. At ang pinaka-matindi eh gift yun ng in-laws ko kay Kenkoy. Hayyyy! Pero ganun talaga. Napabili tuloy kami ng bagong pram ng di oras.

Thursday, April 23, 2009

Bagyo

Kagabi... tinawag ako ni Kenkoy para ipasara ang mga bintana dahil ang lakas ng hangin. Ilang saglit lang ay bumuhos na rin ang ulan. Ulan at malakas na hangin. Bagyo 'to sa isip ko.

Si Kenkoy ay napaiyak. Natakot. Ayaw daw nya ng bagyo. Actually, ayoko rin ng bagyo. Natatakot din ako sa bagyo. Minsan na akong lumutang sa Pinas dahil sa lakas ng hangin nung kasagsagan ng bagyo.

Pero teka... nasa S'pore kami ah... walang bagyo dito. Sa halos 7 years namin ni Kenkoy dito (at 8 years naman si Labs) ngayon pa lang namin na-experience ito. Pero saglit lang din naman. Wala pa atang isang oras ay tumigil na ang ulan at malakas na hangin.

Laking gulat ko ng ibalita dito na nagka-bagyo nga. Sa lagay ay bagyo na nga pala yun, hehe! Sa 9 years, ngayon lang daw ulit dinaanan ng bagyo ang S'pore.

Thursday, April 16, 2009

Confirmed

Galing kami sa check up ni Kenkoy kanina. It's confirmed. Sabi ng geneticist ay may mild Noonan syndrome si Kenkoy. Wala na akong reaction, hehe! Sabi ko nga sa dating blog entry ko, kilala ko ang anak ko kaya alam ko na ang resulta.

Ang magandang balita ay mild case daw yung kay Kenkoy.

Salamat pa rin sa Diyos :)

Wednesday, April 15, 2009

Kenkoy II's 3rd Month


7.3 kg na si Kenkoy II. First time kong marinig na may sound ang tawa nya. Ang kyut! Nakukuha na rin nya ang tono ng pagkakasabi namin sa kanya ng "I love you". Kaya pag sabi namin ng I love you sasagot din sya ng I love you. Hindi pa ganun ka-clear pero ang tono at pagkakasabi same kaya alam naming I love you din ang sinasagot nya. Kakatuwa. I love you malamang ang first sentence nya, hee hee!

Ay, late nga pala ang celebration namin kasi natapat sa Good Friday ang kanyang ika-3rd month.