Saturday, December 31, 2005

very hard to say good bye 2005, but very excited about coming 2006

Forwarded email...

Yes I'm going to die with in a day...don't know whether you were HAPPY or SAD when I was there with you for all these days...., dont know whether you feel sad to leave me or not, but I do. I am going to leave every thing in this world and going to carry only the sweet memories between YOU and ME. I am leaving... don't cry.

Yours lovingly,
2005

**********
Nakaka-senti talaga pag ganitong patapos ang taon. Ganunpaman, looking forward pa rin sa bagong taon.

Sa lahat ng blessings... thank you po Lord. Di po namin makakalimutan lahat ng biyayang galing sa Inyo... habang-buhay kaming magagalak at magpapasalamat sa Inyo Panginoon.

Sa mga kapamilya, kamag-anak at kaibigan, maraming maraming salamat din sa ligayang dulot nyo sa amin.

Manigong Bagong Taon sa lahat!!!

Friday, December 30, 2005

5th Anniv Kwento

Simple lang ulit celebration namin. Bili muna kami ng movie tickets tapos bayad ng bills. Then tumuloy kami sa Lucky Plaza para bumili ng phone cards at Pinoy products (Chippy, Clover, Boy Bawang, Goldilock's pulvoron, hair creme at tawas hehe). Pagtapos tuloy na kami sa Lido 1 theatre para manood ng Narnia. Ayos lang naman yung movie. Maganda naman... feeling ko parang LOTR na parang Harry Potter, hehe! Ang maganda lang talaga kasi 1st time manood sa movie house as a family. At 1st time ni Kenkoy manood sa movie house na hindi cartoons ang palabas. Tuwang-tuwa kami ni Labs kasi behaved si Kenkoy. Sa wakas pwede na talaga kami makanood sa sinehan. Limited pa mga movies na pwede naming mapanood dahil may kasamang bata pero kahit papano makakapanood na kami kaya woohooooo!

Pag tapos ng sine. Wala naman akong ganang kumain kasi masama pakiramdam ko... grabeng ubo at feeling ko tatrangkasuhin ako. Kain sana kami sa Paragon kaso closed na yung mga napili naming restaurants. Lakad lakad ng kaunti sa Orchard hanggang sa napadpad sa Marche. 11pm daw closing time eh di ayos. Matagal tagal pa. Ayoko kasi ng mamadaliin kaming kumain kasi pasara na. Ayun naka-$40+ din kami *ngeks* Di ko kasi ganun na-enjoy yung food... either di masarap yung mga na-order namin or di masarap food kasi nga may sakit ako. Sana nag-Paris na lang kami. Masarap na food, buffet pa... kaso wala nga pala kaming gana... at saka kaka-Paris lang naming nung Christmas eve.

Anyway, yun lang at umuwi na kami. Munting celebration lang talaga at pasasalamat na naka-limang taon na kami.

Kung iisipin ko mapalad talaga ko kay Labs -- mabait, matalino, maabilidad, marunong makisama, responsable, kalog, kwela, magaling kumanta, marunong mag-gitara at mag-flute, di nagyo-yosi, di marunong uminom ng alak at beer, di nagsusugal, di nambabae (di rin nanglalalaki *LOL*) at shempre pa gwapo (hee hee). Isa pa sobrang spoiled ako... sobrang love nya ko. Salamat na lang talaga sa Diyos at biniyayaan Nya ako ng matino at mapagmahal na asawa.

Masaya ako sa relasyon namin ni Labs. Magi-eleven years na kami in January mula ng maging kami. At ngayon nga kaka-celebrate lang namin ng 5th wedding anniv namin. Nakakatuwa kasi affectionate pa rin... panay kiss, hug, and i-love-you's... PDA pa rin kami hanggang ngayon, hehe! Masaya kasi walang conflicts. Nagco-complement kami. Hindi nagka-clash ang personalities namin. Sobrang bihira yung away. Tampuhan lang. At di uso sa amin yung sigawan, hampasan, batuhan ng kung anu-ano. Sobrang tahimik namin pag nagse-settle ng issues... bulungan kami (hehe). Tuwa talaga ko kasi parehong ready makipag-compromise. Although si Labs bihirang magsabi ng sorry. Papakita/paparamdam na lang nya na nagso-sorry sya pero di nya sasabihin. Pero sa kabuuan, masaya at mapalad talaga ako na si Labs ang napangasawa ko. Salamat talaga sa Diyos :)

Happy 5th wedding anniv Labs. I love you :*

Thursday, December 29, 2005

Limang taon na po kami

5th Wedding Anniv gift ni Labs...

Chinese couple

Ang ganda. Grabe, naaliw ako, hehe! Tama si Labs nung sinabi nyang matutuwa ako sa gift nya. Sa mga nakadalo sa aming kasal marahil alam nyo na kung bakit ako tuwang-tuwa sa anniv gift ni Labs. Yan kasi ang bigger version ng aming wedding souvenir.

Tuesday, December 27, 2005

Kakapagod sobra

We had a very tiring Christmas... pero masaya naman since my brother & his family visited us here in S'pore.

Christmas Kwento & pics, utang po muna. Feeling ko bibigay na katawan ko. Bawi lang muna ko ng lakas.

Hanggang sa muli. Sana masaya rin at makabuluhan ang inyong naging Pasko.

Friday, December 23, 2005

Maligayang Pasko

Maligayang Pasko sa lahat. Share ko lang magandang awit mula kay Ryan Cayabyab...

Heto Na Naman

Heto na naman yung masayang panahon
Ubas at mansanas na kahon kahon
Said na ang bulsa, pagod pa ang paa
Kakahanap ng regalong mura at maganda

Heto na naman yung ganitong panahon
Kundi kalendaryo ay maalat na hamon
Wala na bang iba fruitcake na luma
Exchange gift na diary, chocolate at sabon

Wala na ba kundi panandaliang saya
Wala na ba kundi ako, ikaw at siya
Nalilimutan natin kung bakit may Pasko
Isang nagmamahal na Diyos ang sinilang sa mundo
*ding dong ding dong*

Heto na naman mga awit ng panahon
Si Santa Claus at Rudolph nagtipon tipon
Wonderland ni Johnny, Puting Pasko ni Frosty
Ano na nga yung hit ni Michael Jackson?

Heto na naman yung ganitong panahon
Kundi kalendaryo ay maalat na hamon
Wala na bang iba fruitcake na luma
Exchange gift na diary, chocolate at sabon

Wala na ba kundi panandaliang saya
Wala na ba kundi ako, ikaw at siya
Nalilimutan natin kung bakit may Pasko
Isang nagmamahal na Diyos ang sinilang sa mundo
*ding dong ding dong*


Wala na ba kundi panandaliang saya
Wala na ba kundi ako, ikaw at siya
Nalilimutan natin kung bakit may Pasko
Isang nagmamahal na Diyos ang sinilang sa mundo
*ding dong ding dong*

Maligayang Pasko Maligayang Pasko
*padum padum dum dum*

Maligayang Pasko sa lahat :)
--- Lit Coo, Labs & Kenkoy

***********
Unang awit mula sa One Christmas CD ni Maestro Ryan Cayabyab.

Wednesday, December 21, 2005

Kwentong Labs naman

Unang Kwento
Last week may family friend kami na na-confine sa hospital because of depression. Kwento ng hubby nya naaburido daw kasi sa pagba-budget... at sa kung anu-ano pa sa buhay... personal at sa trabaho. Di raw marunong mag-handle ng stress.

Ngayon magka-usap kami ni Labs sa YM para sa bibilhing gifts (last minute shopping, hehe)...
Lit Coo: $20 each pwede sa 'yo?
Labs: ok
Lit Coo: 200 din yun... malaki din... pero sa totoo mahirap mamili sa ganung budget, hehe
Lit Coo: tapos mamamasyal pa tayo (dadating kasi family ng brother ko... dito magpa-Pasko)
Lit Coo: hayyyyyyyy gastos
Labs: O baka ma-ospital ka nyan... baka ma-confine ka din :P
Lit Coo: Hehehe... hindi... ano ka ba... ako pa... always smiling... always laughing

Patawa talaga 'tong Labs ko. Wala lang. Tawang-tawa ko sa hirit eh. Natatawa pa rin ako, hehe!


Pangalawang Kwento
Chat din namin ni Labs nung Dec 05 naman ito. Pinag-uusapan namin home decorating/interior design sa unit. Kabaligtaran ng expectation ko ang reaction nya. Siguro kasi di pa naman actual na maglalabas ng pera, hehe!

Labs: Naku! Kailangang mag-ipon ng milyones para sa ID ng unit
Lit Coo: (uyyy, milyones daw... tuwa naman ako kasi higit na mas maliit ang budget na naiisip ko... so hinirit ko yung budget ko)
Labs: Laki nun ah... Php10K lang
Lit Coo: Nyahaha! (patawa mister ko... lumabas na naman pagka-kurips, hehe!)

Lit Coo: Yung curtains pala nina Bea ka-presyo nang Bose nila.
Labs: Ah, tayo kurtina naman natin sa modista na lang.

Nyahaha! Tawa ko ng tawa... kwela 'tong mister ko, hehe! Sensya na, love your own, hehe! Basta sobrang nabibili ko mga hirit ni Labs. 11 yrs na kami in January... at ganun pa din sya... hayyyy, in-love na naman ako... love you Labs :*



***********
At opo, korek, kurips po talaga kaming mag-asawa :)
Also, no offense/sarcasm intended kina BEA. Sadyang di "pa" lang namin talaga kaya ang Roman Blinds, hehe! Siguro pag tumama kami sa Toto, hehehe!

Tuesday, December 20, 2005

Go down Mama

Kwentong Kenkoy
Ngayon lang habang nasa chair ako at nasa harap ng pc...

Kenkoy: Go down Mama (what he meant: move out of the chair)
Lit Coo: Don't say that. You say excuse me. (sabay tayo na mula sa pagkakaupo)
Kenkoy: Mama, sit down.
Lit Coo: (upo naman ulit)
Kenkoy: Okayyyy... Excuse me.

Nyahaha! Kulet din talaga nitong anak ko. Pero at least nakikinig naman pala sya sa sinasabi ko, hehe!

Monday, December 19, 2005

Gaya nga ng sabi ni LimpBwiZiT...

btw, i'm kinda feeling okay na. aym so payn, so payn.;)

Thursday, December 15, 2005

Depressed Mood

Back to Penang si Labs. 9 day-business trip ulit. Sa 23rd pa ang balik nya dito sa S'pore. Ano ngayon? Wala lang. I have nothing sensible to write. Lungkot lang ako. Naiiyak na ewan, hayyyyyyy :(( Sana makabalik na si Labs.

Wednesday, December 14, 2005

Christmas Pageant

Mula ng dumating si Labs everyday kaming busy para sa Christmas Pageant. Dati pag sinabing pageant, beauty contest ang naiisip namin ni Labs kaya nung sinabing may Christmas pageant sa Church... reaction namin "Ano daw yun?"... other word for show/play pala ang pageant... ngayon lang namin nalaman *LOL*

Si Labs member ng choir eh di naman ako makasali dun at di talaga ko confident sa ALTO voice ko (hehe). Kaya masaya ako ngayon at sa wakas nakakatulong din ako sa Church activity. Pagod pagod nga lang pero magandang experience. Kasali kami sa Props committee. Masaya kasi pareho kami ng activity ni Labs... magkasama kaming nage-enjoy sa paggawa ng props. Si Kenkoy naman ay masaya ring nakikipaglaro sa mga anak ng iba naming ka-member sa committee.

Ipapalabas yung pageant sa midnight Mass on Dec 24 sa St Therese Church. Sana mag-ok ang lahat. Sana mag-enjoy din ang mga bata sa kanilang play.

Tuesday, December 13, 2005

Kakulitan, Kasentihan, atbp's 1st Anniv

Naka-isang taon na pala ng pagba-blog ng mga kakulitan, kasentihan at ng kung anu-ano pa :)

Monday, December 12, 2005

Kenkoy's Wishlist for Christmas

Naisipan kong tanungin si Kenkoy kung ano gusto nya sa Pasko. Gusto ko lang malaman nasa isip nya. At para maibigay din sa kanya kung di naman kamahalan.

Lit Coo: Kenkoy, what do you want for Christmas? Do you want a train or something?
Kenkoy: Ahmmm, I want Jarus... Tabitha... CK... Francine... and Tasha.

Awwwww, what a sweet boy :) He prefers playmates over toys. Although I know he's a non-materialistic child I still got surprised by his answer. Kala ko naa-associate nya ang Christmas sa receiving of gifts/material things. Buti hindi. Sana forever na ganun.

Saturday, December 10, 2005

Bonding with Labs

Smallville Marathon kami kanina nina Labs at Kenkoy. Ang bilis... Season 5 na. Episodes 1-8 ang pinanood namin. Shempre emote emote na naman ako sa panonood lalu na si Clark at Lana na ulit (woohooo... kaka-in love, hehe), emote din ako sa friendship nina Clark & Chloe, at nung namatay si Clark (wahhhh). Na-miss out ko yung Aquaman episode. Maganda rin siguro gaya nung nag-guest si Flash last season. As always, enjoy kami ni Labs sa Smallville Marathon.

Kanina rin feel kong i-pamper si Labs. I cut the unwanted hairs on his face at sa nose. Ritual na namin yan... balbonic kasi si Labs, hehe! I also gave him a pedicure. Wala lang... walang material things na kapalit *promise*... feel ko lang i-baby si Labs. Mushy mode ako ngayon, hahaha :)

I love you Labs. I missed you :*

Friday, December 09, 2005

Dito na si Labs

After 9 days in Penang, Malaysia nandito na rin si Labs, weeeeeee!!!

Next week aalis na naman si Labs. May biz trip ulit sila pero yoko na muna isipin yun. Happy mood muna ko ngayon, hehe!

Welcome home Labs ((mwahhhh))

Sunday, December 04, 2005

Batman Begins Live at Raffles City

Kailan ko lang nalaman ang holiday programme skeds. Sayang karamihan last day na pala ngayon. Buti naabutan pa namin ang Sesame Street & Batman Begins Live. Enjoy na enjoy si Kenkoy sa both shows. Ako rin naging bata ulit. Aba, wala ito nung bata pa ako... hanggang comics, books & tv lang nakikita... walang live, hehe! Live na free pa, san ka pa? *LOL*



Batman


We missed Labs. Sayang may family pics sana kami with Sesame Street characters, kay Batman, Ra's Al-Ghul & Scarecrow. Di bale, next year aalamin ko na ng mas maaga ang skeds.


Ra's Al-Ghul & Batman

Kaaliw yung Batman show. At saka tuwa ako kasi may panakot na ko kay Kenkoy... si Scarecrow! Walang takot kasi sa akin si Kenkoy. Eh ngayon nakita nya ng personal si Scarecrow. Sabi ko dapat maging good boy sya kasi kinukuha ni Scarecrow ang mga bad boys. Ayun at nagbi-behave agad :)



Batman Logo

Kwentong Kenkoy

Lit Coo: Kenkoy what will you say to Batman?

Kenkoy: Nice to meet you Batman.

Aliw ako. I was expecting a simple "Hello Batman" or "Hi Batman". Ngayon may "nice to meet you" na sya. Hmmm, sino kaya nagturo sa kanya? O kaya saan kaya nya yun natutunan? Kasi alam ko hindi ako ang nagturo nun, hehe!

And, btw, special thanks to Jojo for the Batman pictures :)

Saturday, December 03, 2005

Sesame Street at Takashimaya

Punta kami ni Kenkoy sa Takashimaya kanina para sa 7pm show ng Sesame Street. Tuwang-tuwa si Kenkoy nang makita sina Elmo, Ernie, Bert at Cookie Monster. Ako din tuwang-tuwa, hee hee! Naalala ko yung Sesame Street Concert na napanood namin last year. Pero eto mas malapitan... halos 30 mins nga lang. Pero pwede na kasi free naman :)

Sayang at di kami naka-abot sa quota. Pwede sanang magpa-picture. $10 lang. 8R ang size.

Next naman ang Batman bukas sa Raffles City. Sayang lang at nasuot na ni Kenkoy yung Batman t-shirt nya kanina. Yun kasi ang pinili nyang suotin. Sayang sakto sana bukas.

Ano pa ba must-see? Out na yung Barbie, hehe! Bob the Builder sa United Square na lang siguro tapos yung Winter Wonderland pagdating na ng mga pinsan ni Kenkoy sa Dec 23. Yung iba sa listahan eh hindi na ko interesado, hehe!

Aliw lang din talaga ako dito sa S'pore sa annual free shows nila sa mga malls every Christmas season... mapalad si Kenkoy... mapalad din kami ni Labs :)

Kanina pala sa bus stop yung isang S'porean na bata naka-Superman t-shirt. Si Kenkoy naman naka-Batman t-shirt. Naging magkaibigan agad yung dalawa. Tawanan sila ng tawanan. Tawagan nila ay Superman at Batman. Inaantay ko ngang may dumating na mga bata na naka-Wonder Woman, Flash at Green Lantern :P

Thursday, December 01, 2005

Holiday Programme

Sa mga nandito sa S'pore, baka interesado kayo sa skeds :)

-----------------------------

Winter Wonderland@Tanglin Mall
now till 2 Jan 2006
Avalanche7-7.15pm,8-8.15pm
Snow-7.15-7.30pm,8.15-8.30pm

Batman@Raffles City
19 Nov-4 Dec(except mon)
live show-1,7pm
M&G-3,5pm

Cinderella/Aladdin
White Sand-18-23Nov
Tiong Bahru-25-30Nov
Century Square-2-7Dec
Hougang Mall-9-14Dec
wkdy-7pm
wkend-1,7pm

M&M
Centre pt-19-27Nov
Causeway pt-29Nov-4Dec
Compass pt-6-11Dec
North pt-13-18Dec
Anchor pt-20-23Dec
tue-fri 1,6pm
sat&sun 1,3,6pm

Pokemon@Parkway Parade
2-11Dec
mon-fri 1,7pm
sat&sun 1,4,6.30pm

Bob The Builder@United Square
26Nov-11Dec
tue-thur1,7pm
fri-sun 1,4,7pm

Barbie@Marina Square
3-18Dec
tue-thur 1,7pm
fri-sun 1,3,7pm

Care Bear@Suntec City(tropics atrium)
10-18Dec
1,4,7pm(Except mon)

Sesame street@Takashimaya
18Nov-4Dec
1,4,7pm(except mon)

Looney Tunes Plaza Singapura
26Nov-4Dec(except mon)
Imm 6-11Dec(level3)
tampines mall 13-18Dec
tue-fri 1,7pm
sat,sun 1,4,7pm

Snoppy@Jurong pt
2Dec 7pm
3Dec 5.30,8pm
4-18Dec
wkdy(except mon) 3,7pm
wkend 2,5,7pm

Garfield@Mellenia Walk
fri-sun 2-18Dec
walk along 1pm
dance workshop 4pm
M&G 7pm

Power Ranger
Liang Court 22-27Nov
Junction 8 6-11Dec
imm 13-18Dec
tue-fri 1,7pm(except liang court 7pm)
sat&sun 1,4,7pm

Strawberry Shortcake@Junction8
The Adventure begins 25Nov-4Dec
A Berry Merry Xmas 13-18Dec
tue-fri 1,7pm
sat&sun 1,4,7pm

Monday, November 28, 2005

It's Confirmed...

Dec 01 ang alis ni Labs. Either Dec 01 or 05 kasi. Pero kanina confirmed na na Dec 01.. napa-aga pa :(

Business trip for 3 weeks. Dec 23 na "raw" ang balik nya. Parang buong Dec/ka-Paskuhan yun ah, wahhhhhhhhhhh!!! Pero ok na rin basta magkasama kami sa Pasko, Wedding Anniv & New Year.

Friday, November 25, 2005

Flowers = pogi points

Pag-uwi ni Labs kanina mula sa trabaho, ito ang dala nya...

flowers

Flowers tapos wala namang okasyon ngayon... that's additional 100,000 pogi points for Labs, hee hee! Sa tuwa ko eh napayakap ako ng mahigpit kay Labs. Ano kaya meron sa flowers na nakaka-in love pag nakatanggap? Hmmm, pero shempre depende rin lang din talaga sa kung sino ang nagbigay. Pero kaka-in love, hayyyyyyy! First bouquet of flowers ata ito na bigay ni Labs mula ng kinasal kami. At yung last time na binigyan nya ko V-day pero di ko matandaan kung kelan. V-day 1997-2000... isa dyan, hehe! Ganda din nun. One dozen red carnations naman yun :)

Erratum: (updated 14 Dec 2005)
2nd bouquet of flowers na pala ito na bigay ni Labs na married na kami. He sent the first one when I gave birth to Kenkoy. May kasama pang balloons... 100K pogi points din yun for Labs, hee hee :)

Friday, November 18, 2005

Kenkoy's school

May school na si Kenkoy, yayyyy! Nakapagpalista kami kanina. Tuwa kami kasi Catholic school at malapit lang sa amin. Mga 5 mins lang by bus. 15 mins siguro kasama na pag-lakad.

Sa January 04 ang start ng pasok. Jan-Nov kasi ang school year dito. Pero may mga school breaks naman in between.

Excited na si Kenkoy... si Labs... at ako. 3 hrs everyday ang pasok ni Kenkoy. At may Chinese class na rin. Sana nga marami syang matutunan at ma-enjoy nya ang schooling.

Monday, November 14, 2005

N@W-SG's Christmas Party Picture

N@W-SG

N@W-SG

Thanks to Tessa & Cata for the pictures :)

Friday, November 11, 2005

Night Prayer

Isang gabi bago matulog nagdadasal kami ni Kenkoy. Sabi ko "Thank you Lord for this day. Thank you for all the blessings. Please bless Papa..." sabay humirit si Kenkoy ng "TASHA! TASHA! TASHA!" Ngaks! Para na ring Amen yun (hehe) kasi medyo last part ng prayer namin nababanggit ang cousin nya na si Tasha... after namin maipag-pray ang family ni Labs at family ko... si Tasha ang huli kasi sya ang pinakabata.

May times na ganyan magdasal si Kenkoy. Nagmamadali :P

Pero meron din namang pagkakataon na sa sobrang pagod ko eh di pa pala kami nakakapag-dasal. Nung nakita ako ni Kenkoy na nakapikit na eh ginising nya ko. Pray daw muna kami bago matulog, hee hee! :)

Tuesday, November 08, 2005

Buildings

Kwentong Kenkoy

Habang nanonood kami ng movie the other night, biglang may scene ng mga naggagandahang buildings sa Miami. Sabi ko "WOWWWWWWW! Is it Florida?" Sagot si Kenkoy "Mama, buildings... buildings." *LOL*

Sunday, November 06, 2005

Pasko na, woohooo

Christmas Tree

Up na Christmas Tree namin. May Christmas spirit na sa bahay, weeeee :)

Saturday, November 05, 2005

ALTO = ALa sa TOno

Kwentong Kenkoy

Kanina habang nagsasampay ako kumakanta ako ng Twinkle Twinkle Little Star. Biglang lumapit sa akin si Kenkoy. Sabi sa akin "Mama, what are you talking about?" Nyahaha! Natawa talaga ko ng malakas. Walastik! Eh kumakanta kaya ako... ano daw sinasabi ko... obvious bang walang tono, hehe!

Thursday, November 03, 2005

N@W-SG's Christmas Party

Masaya ang party. Sobra kaming nag-enjoy :) Sa susunod po ang mahaba-habang kwento ;)

Sunday, October 30, 2005

Self Appreciation

Kwentong Kenkoy

Naka-Superman t-shirt ang mag-ama ko kanina. Tinanong ni Fr Romeo si Kenkoy, "Are you Superman?" Sumagot si Kenkoy ng "No. I'm gwapo."

Minsan naman nakita ni Kenkoy ang reflection nya. Hindi mirror pero medyo kita ang reflection. Ayun at si Kenkoy eh pailing-iling na nagsabing "Gwapo *tsk tsk*"

Nyahaha! Bata pa lang eh conceited na. Feeling ah *LOL*

Saturday, October 29, 2005

Kenkoy's New Vocabs

Last weekend habang naglalambingan ang mag-ama ko, panay ang banggit ni Kenkoy ng muymuy sabay kiss at yakap sa Papa nya. Tinanong ko sya kung ano ibig sabihin ng muymuy. Sagot nya "Muymuy is Papa" :) Mula nun yun na ang lambingan nilang mag-ama. Bago matulog kasabay ng pag-goodnight ay pagsabi ng muymuy sabay goodnight kiss. Sobra kung maglambing si Kenkoy kay Labs. Nagseselos na nga ako minsan. Pag sinabi ko kasing "O, Mama's turn. What about Mama?" Minsan lalambing din sya sa akin. Pero may mga pagkakataon na sasabihin nya na "I don't like. Papa only." Tamang tampo tuloy ako. Mas malapit talaga sya kay Labs. Pero pag may kailangan naman sya, Mama pa rin ang mas una nyang binabanggit. Yaya yata ang tingin sa akin ng anak ko, hehe!

Kagabi naman tiningnan namin ni Kenkoy ang new boxer shorts ni Labs. Pagkakuha namin mula sa box humirit si Kenkoy ng "Wow! Awesome!" Minsan din habang naglalaro sya ng mga toy cars nya... pag-andar at pagkahulog... sasabihin nya rin na awesome daw yung stunts ng cars nya ;)

Minsan naman habang naglalaro/aral kami ni Kenkoy. Pag flash ko ng cards ay tama ang mga sagot nya. Inunahan na ko sa pagpuri sa kanya. Sabi ba naman nya ay "Perfect!" Pronounced nya as "purrfict"... Aussie accent, hehe... natutunan nya kasi yung word na yun kay Charlie ng Hi-5.

Yan po ang mga salitang madalas gamitin ni Kenkoy ngayon :)

Tastes like...

Kwentong Kenkoy

Minsan pagkatapos naming mag-toothbrush ni Kenkoy. Sabi nya... "Mmmmmmm, tastes like... blue!"

Nyahaha! Blue kasi yung toothpaste nya. And mostly by colors & shapes kung mag-describe sya ngayon ;)

Wednesday, October 26, 2005

Kikay Mood

Kikay mood ako ngayon *sheesh* Kita ko yung jeans & blouses ng Victoria's Secret. Ang ganda. Nag-drool ako. Weakness ko pa naman ang jeans & blouses. Pero hindi fit sa kin yun... lam nyo na... ang tangkad ko kasi, hahaha! Pang-Kamiseta lang ako, hwehehe!

Comfortable ako sa jeans & shirt/blouse. Cowboy kasi. Para kahit anong kilos pwede. Hindi yung iintindihin ko pa kung nasisilipan na ba ko o hindi hehehe ;) At minsan nag-try ako mag-halter top... susme hindi ko sya carry... ilang na ilang ako... feeling ko nakahubad ako sa kalsada, nyahaha! Actually dito sa S'pore mas comfortable akong mag-halter top. May law (daw) kasi dito na pag feeling mo nabastos ka ng guy, kahit sa tingin lang, eh pwede mong isumbong sa pulis. Kaya pala iba ang feeling ko dito. Parang walang bastos dito (o baka sumisimple na lang din ang mga guys hehehe). Walang susutsot sa 'yo dito. At wala ring tingin na parang hinuhubaran ka na. Kasi nga protected ang rights ng mga girls dito. Kaya naman ang mga porma dito... talaga naman... kita ang dalawang cleavage... sa taas at sa baba (butt area hehe). Eh sa Pinas, pag nag ganun ka eh mababastos ka talaga... sa tingin... sa salita... mas malala matsa-tsansingan ka pa.

Kikay Kit naman. Ano ba laman ng kikay kit ko? Comb, mirror, perfume, toothpick, Listerine pack and (eto hindi na kikay stuff pero nasa kikay kit ko talaga nakalagay) yung 9 yr old pen ko. Yun lang. Simple no? Hehe! I refrain from wearing lipstick kasi pansin ko nag-iba yung color ng upper lip ko... medyo brown na sya as compared to my lower lip. Eh di ba pag di ata maganda yung brand ng lipstick (o kung di ka hiyang sa brand) magdi-discolor talaga yung lips.

Pero naisip ko lang... ang mga guys kaya may Kikoy Kit din?

Hayyyyy, Kikay mood pa rin ako. Daming Kikay stuff sa market. Endless choices. Sabi nga ng Kamiseta ad --- It's fun being a girl! Fun nga pero dapat i-divert ko sa iba ang isip ko... magastos maging kikay, hehe! My new mantra: simple as possible ;)

Monday, October 24, 2005

Worst Diarrhea Experience

Di ako nakatulog kagabi. I had my worst diarrhea ever. Parusa grabe. Namimilipit ako sa sakit... pabalik balik pa sa toilet. Nakakapanghina :( Took chinese medicines kaya medyo nag-ok na ko.

Patawa pa ako... dami na agad tumakbo sa utak ko. Tipong "Mamamatay na ata ako. Sino kaya mag-aalaga kay Kenkoy?" hwehehe! Tapos yung 1st time ko sa toilet... paglabas ko, naka-abang na si Kenkoy. Sabay tanong niya sa akin "What happened Mama?" Sabi ko "I'm sick." Sagot naman nya "I love you Mama." Awwwww! Sana lagi syang sweet, hehe!

Di ko talaga malaman kung anong pwesto gagawin ko. Pag humiga ako, ayan na naman... kumikirot na naman tapos kailangan na namang pumunta sa toilet. Magdamag ganun. Sa sala nga ako pumwesto at giniginaw ako sa room namin. Tanong tuloy nung flatmate namin kung ba't nandun ako sa sala (kala siguro war kami ni Labs hehe). Giniginaw ako sa aircon sabi ko. Sa sala nga off na ang elec fan eh naka-blanket pa ko. At ang sakit nya talaga. Mas masakit pa sya kesa nung nanganak ako. Nangingiti nga si Labs nung sabi ko daig pa yung sakit nung nanganak ako. Nao-OA-yan ata sa akin, hehe! Pero totoo naman eh kaya nga feeling ko talaga kagabi mamamatay na ko *ngeks* :P

Saturday, October 22, 2005

Mission Sunday

May Church activity kanina kaya lang di ako nakasama kasi kailangan kong sunduin Kuya ko sa airport. Wala raw direct flight from Indonesia to Philippines. Kaya stop over muna Kuya ko dito for one night. Bukas flight na nya pauwi sa Pinas para magbakasyon ng 2 weeks. Damang-dama ko na excited na syang makasama ulit ang family nya.

Sayang lang at tumapat sa Church activity. Di ko tuloy napanood yung pagkanta nina Labs at ng buong choir. Although narinig ko naman sila during their practices pero gusto ko sanang mapanood yung mismong performance nila. Wala namang naka-isip na i-video pa yung event. Ganunpaman tuwang-tuwa naman ang buong choir. The Power of Love, Lead Me Lord, Shout to the Lord at Tanging Yaman ang kinanta nila. Nag-enjoy sila sobra at naaliw daw ang audience. Ibang-iba daw pag Pinoy ang kumakanta... ganda daw ng harmony *yeba* Pati si Fr. Aro ay lumapit sa choir at nagpasalamat :)

Friday, October 21, 2005

Business Trip

Sabi ni Labs may business trip na naman daw sila. 2 weeks daw syang maa-assign sa ibang bansa. Ewan ko ba... di na ko nasanay sa ganitong sitwasyon. Pag magkalayo kasi parang ang bagal bagal ng oras... at parang... ewan... hindi ako mapalagay.

Ang kagandahan nga lang kaya tuwa rin ako pag may business trips si Labs ay dahil good sign yun na ok ang takbo ng company nila.

Siguro tingnan ko na lang sa mas magandang anggulo. At siguro dapat ko lang ding makasanayan na ang ganitong sitwasyon. Pasalamat na lang ako na sandali lang naman kung tutuusin. Na mapalad pa nga kami at magkakasama kaming pamilya. Di tulad ng ibang OFWs na kailangang malayo sa mga pamilya nila para makipagsapalaran sa ibang bansa.

Kaya lang... mahirap talaga... hmmm, sanayan lang din siguro. Masasanay nga kaya ako? 2 weeks? Ang tagal naman. (Labs, sama na lang kami ni Kenkoy *wink*)

Thursday, October 20, 2005

GOD KNOWS

When you are tired & discouraged from fruitless efforts...
GOD knows how hard you have tried.

When you've cried so long & your heart is in anguish...
GOD has counted your tears.

If you feel that your life is on hold & time has passed you by...
GOD is waiting with you.

When you're lonely & your friends are too busy even for a phone call...
GOD is by your side.

When you think you've tried everything & don't know where to turn...
GOD has the solution.

When nothing makes sense & you are confused or frustrated...
GOD has the answer.

If suddenly your outlook is brighter & you find traces of hope...
GOD has whispered to you.

When things are going well & you have much to be thankful for...
GOD has cared for you.

When something joyful happens & you are filled with awe...
GOD has smiled upon you.

When you have a purpose to fulfill & a dream to follow...
GOD has opened your eyes & called you by name.

Remember that wherever you are or whatever you are facing...
GOD KNOWS!!!

unknown

Kenkoy's 2nd Birthday Album

Uploaded na po sa Webshots account namin yung 2nd Birthday Album ni Kenkoy. Sana masilip nyo. Maraming Salamat :)

Wednesday, October 12, 2005

32nd Birthday Kwento

To everyone who sent in their birthday greetings, wishes & prayers, thank you for remembering my special day. Spent the whole day with Labs & Kenkoy. We had a great buffet lunch at Pariss International Seafood Buffet Restaurant & enjoyed the rest of the day just being together :)

Sobrang memorable ulit nitong birthday ko... daming nag-greet, sarap ng food at kumpleto family :)

And I really thank God for His continuous blessings :) Salamat din kay Labs na 2 days pa nag-leave from work for me :D

Saturday, October 08, 2005

Sana masaya ulit ang Kapaskuhan

Wooohoooooo!!! 78 days na lang Pasko na (tama nga ba ang bilang ko?). Kaka-chat lang namin ng Kuya ko. Sana matuloy ang mga plano. Sana dito nga mag-Pasko ang mommy, mga kapatid at mga pamangkin ko. Masayang Kapaskuhan 'to. Excited na ko. Excited na rin si Kenkoy at makikita nya ulit mga pinsan nya. Sana nga Pasko na :)

Friday, October 07, 2005

Chinese Seventh Month (Ghost Month)

Napanood ko na pala yung The Maid nung Sept 01. Di ako nakasama nung sabay sabay na pinanood yun ng SG NAWies pero buti na lang at may business trip yung sister ko dito. Nakapag-bonding kaming magkapatid at nakapanood ng The Maid.

Tungkol sa movie... mas natakot pa ko sa Feng Shui movie ni Kris Aquino. Siguro kasi may kaunting spoilers na yung The Maid mula sa SG NAWies. Siguro rin kasi hindi na bago sa akin yung mga Chinese traditions/rituals pag Ghost Month. Tapos nainip talaga ko sa pacing. Parang ang tagal ng paikot-ikot at palakad-lakad ni Alessandra, hehe! Pero ok din naman yung twist sa bandang huli. Di lang siguro talaga ko matatakutin. Yung sister ko naman panay dikit sa kin, aiyoh! Tapos sabi ko sa kanya "Ba't di ka napasigaw?" Sagot nya, "Eh walang sumisigaw eh." Hahaha! Pero nakita ko minsan yung Tagalog ad ng movie... nakasulat... Magbubukas na ang pintuan ng impyerno Mapapanood na sa mga Sinehan. Parang sa Tagalog ad ako mas natakot, hehe!

Naalala ko yung The Maid kasi may nai-kwento si Labs pagkabalik nya dito. Nung umuwi sya sa Manila last month panay daw ang hanap ni Amah (paternal grandmother in Chinese) sa amin ni Kenkoy. Sa susunod daw na uuwi si Labs ay isama daw kami ni Kenkoy para makilala na rin daw namin si Angkong (paternal grandfather in Chinese). Eh matagal na kayang pumanaw si Angkong.

Eto naging usapan ng mag-Lola (originally in Chinese usapan nila pero ita-Tagalog ko na lang para maintindihan natin pare-pareho bukod sa di ko naman kasi alam ikwento sa Chinese hehe)...

Labs: Amah, matagal ng wala si Angkong.
Amah: Anong wala na? Eh nagkita pa lang kami.
Labs: Kelan kayo nagkita?
Amah: Kailan lang.
Labs: Si Papa nakita mo rin? (Matagal na rin pumanaw FIL ko)
Amah: Eh matagal ng pumanaw yun ah.

Ngeeeeeeeee! Eh kaka-Ghost Month lang. Katakot naman. Naisip ko tuloy totoo nga kaya yung Ghost Month. Bumabalik nga kaya dito ang mga pumanaw na? Nuninuninuni

Nga pala, 93 yo na si Amah pero malakas at nakakakilala pa.

Thursday, October 06, 2005

Finally...

nakapag-blog ulit :)

Di ko na masabi kung natandaan ko pa lahat ng kwento kwento sa buhay ko/namin pero eto ang mga naalala ko pa at naihabol sa pagba-blog...

05 Oct - Kwentong Kenkoy (ulit)
04 Oct - Dito na si Labs, yayyyy
03 Oct - Kenkoy cut his lower lip
01 Oct - Tour Guide
27 Sep - Barong ni Labs
25 Sep - Tampuhan <--- may pictures :)
20 Sep - Ang pagbabalik ng Panday (este ni Labs)
18 Sep - Jacob's Hotwheels Party <--- pics pa lang
17 Sep - Asian Civilisations Museum & Chop Chop Maid
10 Sep - Body parts case
04 Sep - Sammi's 4th Birthday <--- may pictures :)

Wednesday, October 05, 2005

Kwentong Kenkoy (ulit)

Ay na-miss ko ito. Tagal na rin nung huling Kwentong Kenkoy ah.

1st Kwento
Isang beses panay ang halik ko kay Kenkoy habang sya'y natutulog. Nagulat ako at biglang nagsalita si Kenkoy "Stop it Mama." Ngaks! Alam na alam kung sino ang humahalik sa kanya, hehe!

2nd Kwento
Hilig ni Kenkoy ang pretend play ngayon. Minsan habang naglalaro sya... biglang nag-sign of the cross tapos tinataas yung baso nya. Chalice pala yun at nagmi-Misa pala sya, hehe! Magkaka-anak pa ata kami na Pari ah, hee hee! Matutuwa ang Tito ko nyan... may susunod na sa kanya sa pagpa-Pari :)

Tuesday, October 04, 2005

Dito na si Labs, yayyyy

Nakabalik na ulit si Labs mula sa business trip. Panay kulit ko nga sa kanya na isama kami ni Kenkoy tutal birthday ko na rin naman na next week. Wala... walang effect ang paglalambing ko (read: wala raw akong charm *LOL*). Pero ok na rin kasi kasama pala boss nya. Kakahiya. Trabaho tapos sabit ang buong pamilya :P Di bale, promise ni Labs kasama na raw kami ni Kenkoy next time, weeeeeee!

Pero tuwa ako ha... at may pasalubong si Labs. Naalala rin ang wishlist ko, hehe! Two ethnic necklaces plus one ethnic bag, woohooo! Nice!!! Yun na rin malamang ang birthday gifts nya sa akin, hehe!

Picturan ko sa susunod tapos post ko dito.

Monday, October 03, 2005

Kenkoy cut his lower lip

Nakup! Kenkoy fell from his chair & cut his lower lip :( Hilig kasi ni Kenkoy makisilip sa labada ko. Pinapasilip ko naman kasi curious sya sa function ng washing machine. Minsan sya pinapa-press ko ng buttons para matuto na rin mag-program ng washing machine. Kaso nga lang kanina magsasampay na ko at pababa na rin sya from his chair. Biglang natumba yung chair ayun tumama yung mouth nya sa washing machine... nagka-cut tuloy sa lower lip. Ganda pa naman ng lips nya... sana di ma-deformed (yun ang naisip eh 'no, hehe). Inaaliw ko lang sarili ko. Ayoko mataranta pag ganitong nasa malayo si Labs.

Saturday, October 01, 2005

Tour Guide

Kakapagod! Pinasyal ko yung HS classmate ng flatmate namin. Oh di ba, nag-asikaso ako ng bisita ng may bisita. Kasi may pasok yung flatmate namin kaya di nya naasikaso... ayun at ako ang naging tour guide. Ibang klaseng tour guide nga lang ako... imbes na kumita ako eh ako pa napapagastos, hwehehe!

Kahapon pinasyal ko sya sa Ikea then Orchard. Kanina ang matindi... pasyal kami from Merlion Park to Esplanade to Suntec City (lakad lang) then shuttle to City Hall. Punta naman kami sa Funan tapos Sentosa na. Kahit ata nakapikit eh kabisado ko na itong city area, hehe! Di ko na sya dinala dun sa Asian Civilisations Museum at malapit na sumuko ang paa ko. Pero kaaliw lang ha... 2 months ago nasa Sentosa rin kami nina Labs pero pag balik ko kanina, dami ko na namang nakitang changes... nasulit naman ang $2 ko, hahaha! Nag cable car din pala kami... one way lang... para lang ma-experience nya.

From Esplanade to Suntec City napadaan pala kami sa Millenia Walk. Sakto may cast appearance yung Peter Pan na musical play. May kaunting preview. Ang gagaling nung mga kids. Parang na-engganyo kong manood ng play, hehe!


Sa totoo lang nakakasuya na mga tourist spots dito. Aba naman mula ng bumalik kami dito ni Kenkoy nung June eh anim na ata ang naging bisita namin. Ramdam na ramdam namin epekto ng may budget airlines... dumami mga bisita ;) Kaya naman in 2 months, twice na rin ako nakapunta sa Sentosa *susmio* Di na ko naaliw sa Musical Fountain ha, hehehe! Sana palitan na nila ang palabas at suya na ko kay "Kiki" *LOL* At si Merlion, kaunti na lang ay magiging biggest nightmare ko na sya, hehe!

Pero siguro depende lang din sa kung sino ang ipapasyal. Ito lang kasing huli eh di naman talaga namin bisita.

Tuesday, September 27, 2005

Barong ni Labs

Sa sobrang ka-busy-han (sige na nga, dahil makakalimutin kasi), hindi pala namin na-claim yung Barong ni Labs. Di pa maka-decide si Labs kung Barong o Amerikana ang isusuot nya sa kasal ni BIL nung June. Kaya pina-dry clean na rin namin at baka sa huli eh mapag-desisyunan nyang mag-Barong. At shempre pa... natapos na ang kasal... nakabalik na kami dito... eh kelan lang namin naalala na nandun pa pala ang Barong. Buti nahanap ko pa yung receipt. Tinawagan ko kanina at nandun pa naman daw (after 3 months *whew*). Buti na lang hindi na-dispose kasi yun yung Barong ni Labs nung kinasal kami. Hirap talaga ng makakalimutin.

Sunday, September 25, 2005

Tampuhan

Tampo ako kay Labs kagabi. Kasi naman sabi Saturday na lang kami pupunta sa Chinese Garden. Eto na at dumating ang Saturday biglang na-bad trip sya sa ewan kung ano. Alam ko inis sya sa kin pero ang alam ko di ko naman kasalanan yung mga nangyari. Ayun at di na raw sya sasama. Kainis talaga! Sabi ko tutuloy kami ni Kenkoy... aba at talagang pinanindigan na di nga sya sasama *hmmph* Ayun, kaming dalawa lang ni Kenkoy ang pumunta sa Lantern Safari. Ok din naman dahil nagandahan kami ni Kenkoy sa mga lanterns. Wala nga lang kaming picture at wala sa mood si Kenkoy magpa-picture. Pasyal pasyal, tingin tingin sa lanterns, nood ng acrobatic shows at kiddie rides ang nagustuhan ni Kenkoy. Pag-uwi ng bahay ako naman ang inis kay Labs... kakainis eh biglang mag-iinarte ng ganun. Ayun at 6am na ata ako nakatulog sa sobrang pagka-bad trip ko. Pag gising namin, ok na ulit. Wala na tampo ko. Back to good speaking terms na ulit kami :) Actually, malamang nga eh di naman alam ni Labs na nagtampo ako, hahaha! Ganun kasi yun. Minsan sobrang tampo na ko... tahimik lang ako at kaunting pag-iinarte, hehe. Tapos sasabihin ko sa kanya "Uy, mag-sorry ka naman." Sabi nya "Bakit?" Sabi ko "nagtatammpo ako" Re-reply ng "Ah, nagtatampo ka pala." Kainis talaga! :P

Eto pala mga ilan sa pics mula sa Lantern Safari...

Pre-historic Animals


Noah's Ark


World of Wings

Tuesday, September 20, 2005

Ang pagbabalik ng Panday (este ni Labs)

Nandito na ang Panday... este si Labs, hee hee! Nakabalik na mula sa business trip sa Manila. Sayang nga lang at may spoiler. Surprise arrival sana. Ang alam ko kasi sa Thurs pa ang dating ni Labs. Kaya lang biglang umuwi kanina yung flatmate namin at nabanggit na ngayon na raw ang balik ni Labs. Sayang. I like romantic surprises pa naman. Todo smile pa si Labs pag-open ng pinto. Tapos ako, masaya rin pero mas ok sana ang feeling kung walang spoiler. Kakainis!

Tapos wala pa lahat ng bilin ko. Ayoko na nga magbigay ng listahan... lagi namang di nagagawa/nabibili :( Tapos na-confiscate pa sa Clark airport yung mangga at longganisa, wahhhhh! Di raw kasi maayos ang packaging. Kainis ulit!


Sensya na at panay banggit ko ng "kainis", hehehe!

Sunday, September 18, 2005

Saturday, September 17, 2005

Asian Civilisations Museum and Chop Chop Maid Issue

Meet namin kanina ni Kenkoy si Jojo, dating kasamahan sa trabaho at nanatiling kaibigan at ngayo'y based na rin dito sa S'pore. Lunch muna kami sa Pastamania Funan branch. Pagkatapos ay punta kami sa Merlion Park then sa
Asian Civilisations Museum. Namangha ako sa Museum... ibang klase ang presentation... hindi boring dahil interactive sya. Kaya naman pati si Kenkoy ay naaliw. Natuwa ata masyado dun sa isang presenter... paulit ulit na pinanood yung video... di nilubayan... crush na ata nya yung girl, hehe! At kaya rin kami pumunta sa Museum para makita ang Vatican Collections. Ang ganda. Parang gusto ko tuloy mapuntahan at makita ang St. Peter's Basilica ;)


Habang naglalakad nga pala kaming papuntang Merlion Park ay may nakita kaming Mamang Sorbetero. Dahil na rin sa uhaw at pagod ay bumili muna kami ng tubig at ice cream. Siguro nahalata ni Manong na Pinoy ang accent namin kaya tinanong kung from the Philippines daw ba kami. Shempre yes ang sagot namin kahit alam na namin na kasunod na nun ang chop chop issue. At tama na nga ang aming hinala. So reply lang kami ng "No comment". Pero hindi ata napansin ni Manong na tinatapos na namin ang topic. Sige pa rin sya. Ba't daw ba ginawa yun? As if alam namin ang sagot. Sabi na lang namin at dinaan na lang namin sa biro na "Maybe she'll sell the body parts per kilo." Pambihira at tuloy pa rin si Manong sa mga comments nya. Nakakapikon na minsan pero shempre cool pa rin at hindi dapat patulan.

Monday, September 12, 2005

Turning 32 years old

30 days na lang birthday ko na, wooohooo! Yung gusto kong birthday gift, pass daw muna sabi ni Labs. Pero pagpi-pray ko pa rin at baka i-surprise ako ni Lord, hee hee! Kung pass din ang sagot ni Lord, oks lang din :) May next time pa naman :)

32yo na ko in Oct... pero napagkakamalan laging 16yo *ngeks* Just recently nga...
S'porean: (kausap si Kenkoy) You have a young mommy.
Lit Coo: Young? I'm thirty.
S'porean: Yeah lah. Twenty... so young.
Lit Coo: (sumenyas ng 30) Thirty not twenty.
S'porean: Wahhh? Thirthy ah. You look young.

Di ko na pala sinabi exact age ko. Mas lalu sigurong nagulat yun pag sinabi kong turning 32yo na ko, hahaha!

Minsan naman may nagtanong kung sister daw ba ko ni Labs. Magkamukha daw kasi kami. Sagot ni Labs "Yes, she's my younger sister and that is (pointing to Kenkoy) our youngest brother. " Aba, at naniwala *LOL* Hindi lang once... mga twice na 'to nangyari. Magkakamukha nga siguro kaming tatlo, hee hee!

Saturday, September 10, 2005

Body parts case

Kahapon habang nagre-remit si Labs sa Lucky Plaza (LP) ay nabalitang may isang Pinay na na-chop chop at iniwan ang body parts sa may Orchard... dun sa lugar na kung tawagin ng mga Pinoy ay Gulong Park (kung bakit ganun ang tawag... eh bahala na kayong mag-conclude, hehe... basta tipong Luneta sya pag Linggo at tambayan ng ibang mga Pinoy... ganun *wink*).

Sa 930pm news, hindi tinukoy ang race ng biktima. Pero sabi nga ni Labs, ang balita daw sa LP ay Pinay daw ang biktima. Sa totoo lang, pagkaring ko sa balita eh parang Pinoy na Pinoy nga ang dating ng crime. No offense po. Ibig ko lang sabihin ay madaming beses na kasing nangyayari sa Pinas yun. Ang naisip ko pa "Ayan, may trabaho na ang mga Pulis dito." At ang feeling ko talaga ay patambay-tambay lang sila (hehehe) dahil iilan lang naman ang crimes dito. Asus! Wala pang 12 hrs eh nahuli na ang suspect. Ang masaklap ay Pinay din ang suspect.

SOURCE:
Body parts case: Filipina maid charged with murder of compatriot

Sunday, September 04, 2005

Sammi's 4th Birthday

N@W-SG Kiddos

SG N@Wies

Sg N@Wies 02


After 6 months, nakapag-EB ulit with SG NAWies, woohooo! 4th Birthday Celebration ni Sammi sa McDo West Coast Park. First time namin nina Labs at Kenkoy sa West Coast Park. Di nga lang kami nakapaglibot-libot kasi umaambon kanina.

Enjoy yung party. Si Kenkoy sumasali na rin sa games. Nasa stage nga lang sya ngayon na di makatanggap ng pagkatalo. Na-out sya dun sa isang game eh mangiyak-ngiyak na. Kailangang maturuan kung paano tumanggap ng pagkatalo.

Pagkatapos ng kiddie party ay baby shower party naman for Tessa (mom ni Sammi). Kaya lang nabanggit na ni Bon kay Tessa na may shower party. Sabi na lang tuloy ni Bea kay Tessa "O sige, para may twist... since alam mo ng may shower party eh di na lang namin ibibigay ang mga gifts." Hwehehe!

Ang saya talaga. Na-miss ko ganitong klaseng EB.

Wednesday, August 24, 2005

Thank You So Much Lord

God blessed our family once again and we'd like to share with you the immense joy that we have right now. Filled with deep gratitude to God, we bring back all the glory to Him. Praise and glory be to You O Lord! We thank You so much :)

May God continue to bless your family too. And may we continue to be sensitive even to God's littlest blessings.

I'm so grateful to God for all His blessings... for His great love. I'm not good in words so I'll just post this song. It's everything that I'd like to say to God right now.



--------------------------------------

Shout to the Lord

My Jesus, my Savior
Lord there is none like You
All of my days, I want to praise
The wonders of Your mighty love

My Comfort, my Shelter
Tower of refuge and strength
Let every breath, all that I am
Never cease to worship You

Shout to the Lord,
All the earth let us sing
Power and majesty, praise to the king
Mountains bow down and the seas will roar
At the sound of Your name
I sing for joy at the work of Your hands
Forever I'll love You, forever I'll stand
Nothing compares to the promise I have in You

Tuesday, August 16, 2005

5th Wedding Anniv

5th Wedding Anniv namin ni Labs. Papunta sa reception site, napadaan kami sa isang grupo. Medyo nasanggi ni Labs yung isa. Maliit ang pasensya kaya ayun hinabol kami ng saksak. Takbo kami ng takbo. Ng malapit ng maabutan si Labs, naki-usap na ko sa mama na pagpasensyahan na lang kami. Ayaw pa rin paawat ni Manong. Buti na lang may isang mama na tinulungan kami. Natabig nya yung panaksak. Sabi ko kay Labs tumakbo na sya habang nakiki-usap ako kay Manong (at tumakbo nga at iniwan ako, hehe). Medyo nahimasmasan naman si Manong at kinalimutan na ang lahat.

Pag tuloy ko sa reception site... bandang 10pm na... galit na ang mga bisita. Wala silang kamalay-malay sa mga nangyari sa amin ni Labs. Anyway, tuloy ang ligaya. Sa garden ang reception... maganda ang setting. Pero di ko na napansin ang hitsura ko... ang hitsura ng gown ko. Basta magkayakap lang kami ni Labs. Ang sarap ng feeling. Tuwang-tuwa ako at tama ang pinakasalan ko. Hanggang nasa part na na kung saan ine-explain ng bawat guest kung bakit yun ang napili nilang regalo para sa amin. Ang ganda ng mga regalo... may bedsheets, may candles, may ano pa nga ba? Nalimutan ko na. Basta ang alam ko lang ang saya-saya ko... tapos... tapos... nagising na ko.

Ang ganda ng ending. Nagising ako na damang-dama pa rin ang pagka-in love sa mister ko :) Malapit na nga pala kaming mag-celebrate ng 5th wedding anniv... pero malabong magpa-party kami. Siguro sa 10th anniv meron na... sana... sana :) Di bale, kahit walang party basta't in-love pa rin kami sa isa't isa ok na ok na :)

Monday, August 08, 2005

Mga pagbabago sa S'pore

Pinasyal namin kanina sa Merlion Park si SIL sabay tuloy kami sa Esplanade. Fave ko talaga yung atmosphere sa Merlion Park... di ako nagsasawa. Tapos ang ganda na pala ng roofdeck ng Espalanade. 4 months lang ako nawala... nabago na pala yung roofdeck. Yung roofdeck nya dati plain lang... ngayon may landscape na... it's nice... I like it! Then one level lower lang yung library naman... sobrang tahimik... very relaxing :) Party mood ang Esplanade ngayon kasi part ng National Day celebration. Daming food carts tapos may mga free shows... parang perya na sosi, hahaha! Nag-enjoy ako kanina. Kahit walang cash, lakad lakad lang dun... oks na :)

Yung overpass sa may Harbourfront Centre, na-relocate din... gumanda rin.

Yung Funan IT Mall... na-renovate din ng kaunti.

At ang National Library... hanep ang architecture. Di ko pa napapasok pero sa labas pa lang... hanep talaga! Ibang klase ang bilis naitayo ang building. Made of glass. Maaliwalas tingnan. At ang taas. Puno nga kaya ng books yun? hehe!

Pag tinatanong ko sila ano nabago dito sa S'pore nung nawala ako... wala raw nabago. Ngeks! Eh ngayon ang dami kong napapansin... ang dami namang nabago... at gumanda lahat :)

Thursday, August 04, 2005

Playground

Sinamahan ko si Kenkoy sa playground kanina. Tuwang-tuwa siya at may nakalaro sya. Yung mga playmates nya niyaya rin ako sa paglaro. Sabi ba naman sa akin "Auntie, Auntie, catch us!" Aiyohhhhh! Eh ang Auntie dito sa S'pore tawag sa mga matatanda. Hmmm, siguro wala naman na ring ibang maitatawag sa akin yung bata... alangan lang namang "Amah" hehe... kaya ok na rin. Eh di sige, sumali ako sa kanila. Habulan kami. Pati si Kenkoy takbo ng takbo. Tuwang tuwa. Pati ako tuwang tuwa. Ang sarap maging bata, hehe!

Pagtapos naming maghabulan eto napag-usapan namin ng bata...
Lit Coo: How old are you?
Bata: 8... and you, how old are you?
Lit Coo: Make a guess.
Bata: 9
Lit Coo: *LOL* Wahhh, 9? I have a son you know ah (Singlish, hehe).
Bata: Ah yeah yeah... 30?
Lit Coo: Close to that *big grin*

Pambihira, madalas akong mapagkamalang 16yo pero 9yo... iba na 'to... baka sa susunod mukhang 3yo na ko, hahaha!

Tuesday, August 02, 2005

Traveling vs Reading

Kahapon biglang nag-send ng URL si Labs sa YM. Basahin ko daw yung article. Ang ganda daw pala talaga ng Pinas. Pagkakita ko sa article... ang haba... wala pang pics.

Lit Coo: Pwede bang puntahan na lang natin? :D
Labs: Basahin mo na lang... para di na natin pupuntahan *LOL*

Monday, August 01, 2005

Buhay Scrapbooker

Dati pa namin balak bilhan ng bike si Kenkoy. Dapat Christmas gift kaya lang dahil nga sa planong magbakasyon ng matagal sa Pinas eh na-postpone muna. Kahapon pinaalala ko ulit kay Labs. Sabi ko "Labs, bilhan na natin ng bike si Kenkoy. Naka-ready na yung sticker nya na MY FIRST BIKE, hehehe!"

Eh di pumunta na nga kami sa toy section. Nung may napili ng bike. React ako "Hwag yan. Makulay. Mahirap gawan ng layout." *wink wink* Ang ending, di kami nakabili ng bike. Pero hindi naman dahil sa akin (partly lang, hehe). Pinapili kasi namin si Kenkoy. Eh wala naman syang nagustuhan. Kaya ayun... next time na lang ulit.

Kanina naman habang naglalaro si Kenkoy ng new toy nya may bigla syang sinabi sa akin. Kaso hindi ko maintindihan. Nainis ata. Pumasok na lang sa bedroom namin at kinuha ang camera. Lumapit ulit sa akin. Ayun, naintindihan ko na. Picturan ko raw sya habang naglalaro ng new toy nya. Anak ng... scrapbooker talaga, hehe!

Sunday, July 31, 2005

PDA

Nag-meet kami kanina ni Labs sa Plaza Singapura. Pagkakita namin sa isa't-isa ay nag-hug kami. Maya maya ay lumapit si Kenkoy sabay sabing "Hey! What are you doing?"

Nyahaha! Nasita ng anak eh. Napatagal ata ang aming pag-hug ;)

Friday, July 22, 2005

Kwentong Kenkoy

Ngayon ngayon lang, pagkatapos maligo ni Kenkoy...

Sis-in-law (SIL): Hmmmm, smells nice.
Kenkoy: *deadma*
SIL: Hmmmm, smells great.
Kenkoy: *deadma*
SIL: Hmmmm, smells delicious.
Kenkoy: *serious* No, don't eat (me).

Nyahaha!

Thursday, July 21, 2005

Good News

Nope, nope, nope, we're not pregnant, hehe! Share ko lang na nakita na yung luggage ng Kuya ko *thank God* Nagliwaliw pa ata muna yung luggage, hwehehe!

Monday, July 18, 2005

Airline Lost Luggage!

5 days ago a co-N@Wie posted that on her trip to the US, the airline lost her luggage. Never did I imagine that it will happen again to a family member, this time in MNL. My brother lost his luggage yesterday. The luggage has a used printer, a huge elephant stuffed toy for his daughter & lots of DVDs in it. After sometime I realized that "maybe" my brother placed my broken eyeglasses (that was supposed to be repaired in MNL) in that luggage too. Wala na talaga yung eyeglasses ko, wahhhh! Sana makita pa yung luggage. Pls pray na makita pa.

Hayyy, first time umuwi ng Kuya ko to PI from his work abroad... tapos ganito... kakalungkot. Sana di na maulit.

Also, copy-paste ko yung sinabi ng co-N@Wie ko. Sana makatulong sa ating lahat na magta-travel.

QUOTE
Learn from my mistakes:
1. Anything you can't risk losing, bring along as a handcarry even if it means carrying a big one.
2. If you are going to purchase a luggage, don't buy black. Get an outrageous color like red or purple. I highly suspect someone else may have gotten our luggage since it was a so-common black Samsonite. I put a rainbow ribbon on it for easier identification but maybe it got through.
3. With the US summer high-peak travel seasons, it seems 1 1/2 hours is NOT enough to make your connecting flight. For your peace of mind, give yourself at least 2 hours between connecting flights.
UNQUOTE

Wednesday, July 13, 2005

College Days

Mga Kwento nung college na di ko makakalimutan

Unang Kwento
Setting ay sa Mapua. May isang guy na nakakalbo na. At may isang guy na babalino. Nagka-allign yung dalawa. Sabay sabi ng ka-barkada ko sa amin "Pare, nagka-eclipse. Nakita nyo yun?" ;)

Pangalawang Kwento
Setting: sa Mapua entrance gate. Yung ka-barkada ko sa Mapua biglang hinawakan yung isang nakatalikod na Mapuan girl sa waist... sabay pisil... tapos sinabi "Uyyyyyy, musta na?". Tapos tumingin yung girl. Ngeks! Hindi pala nya kakilala. "Ay, miss, sorry sorry!" sabi ng ka-barkada ko. Sigawan mga tao "WOOOOOO!!! STYLEEEEEEEEE!!!" Nyahaha! Asar talo yung ka-barkada ko. Chickboy image pa naman yun kaya mukhang "style" talaga, hehe! Pero sabi nya, akala daw talaga nya kakilala nya yung girl, hahaha!

Tuesday, July 12, 2005

Why do I scrap?

Because everytime I do a layout it brings back so much memories & emotions. It makes me appreciate even more all my blessings (my hubby, my son, my family, my friends, my life). And I love the feeling. I love everything about scrapbooking (except for the huge expenses, of course *wink*).

Also, I can see that Labs & Kenkoy love the layouts I made for them... that itself is enough reason for me to go on with this hobby.

I finally found the perfect hobby for me, yayyyy :)

Monday, July 11, 2005

Lupang Hinirang

Minsan ko na ring naisip na ang Plipinas ay tinagurian na natatanging Kristiyanong bansa sa buong Asya. Subalit sa mga nababalita... sa mga nangyayari ngayon... tama pa rin kayang tawagin tayong mga Kristiyano? Ang mga kilos nga kaya natin ay sumasalamin sa mga mabubuting pangaral ng ating pananampalataya. Ang problema, karamihan ay iba ang pamumuhay kaysa sa ating pinaniniwalaan. Halimbawa na lang: maliwanag na maliwanag na nakalahad sa 10 Utos ng Diyos na “Thou Shall Not Steal” pero talamak ang nakawan at corruption sa buong bansa. Pilipinas pa ang lumabas na pangalawa sa pinaka-corrupt na bansa sa Asya. Marahil kung bawat Pilipino ay mamumuhay lamang bilang isang tunay na Kristiyano ay malaki ang mababago sa ating lipunan at sa ating lupang hinirang.

Tunay na dapat baguhin ang ating gobyerno... ang mga Pulitiko. Pero isama na rin natin dyan ang bawat ordinaryong Pilipino. Walang kadisi-disiplina kasi. Hindi naman lahat pero karamihan.

Hindi ko pa rin maisip kung paano at kung kailan lumala ang lahat. Nung bata pa ako ay maayos ayos naman ang buhay namin sa Pilipinas. Ni hindi ko nga pinangarap na manirahan sa ibang bansa. Subalit isang araw na lang ay nag-iba ang ihip ng hangin. Ngayon ay nandito kami sa isa sa mga kapitbahay na bansa ng Pilipinas. At madalas nangangarap na sana ganito rin ang buhay sa Pilipinas. Hindi ko na iisa-isahin ang mga dahilan kung bakit namin mas ninanais manirahan dito. Basta malaki ang pagkaka-iba. Pero sa twina’y naiisip ko na sana maganda rin ang buhay sa Pilipinas... na sana di na kailangang iwan pa ng mga Pilipino ang mga mahal sa buhay upang makipagsapalaran sa mga dayuhang bansa.

Sandali palang kaming namumuhay dito. Pero sa bawat pag-uwi sa bayang sinilangan ay ramdam na ramdam ang mga pagbabago. Minsan parang hindi na rin yun ang bansang kinalakihan ko. Ang lipunan ay nagbago na. Minsan hindi ko na rin maintindihan ang takbo ng isip ng karamihan. Parang dayuhan na rin ako sa sarili kong bansa. O di kaya ako ang nagbago? Marahil nga siguro. Pero marami mang hinanakit, marami mang panghihinayang, marami mang katanungan... may mga bagay na mananatili pa rin magpakailanman --- ang pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan at mga kababayan. Anu't ano pa man ang mangyari mananatili pa rin kaming mga Pilipino sa puso, sa isip, at sa gawa (Panatang Makabayan na ata 'to, hehe).

Sunday, July 10, 2005

Kahapon habang nasa kiddie party kami...

Unang Kwento
Lit Coo: Labs, yung mga ka-batch natin na kinasal, 2-3 kids na sila.
Labs: Ang active siguro ng sex life nila. Mga 2-3 times a week siguro.
Lit Coo: Malamang nga.
Labs: Ako nga "??" lang eh.
Lit Coo: Ako nga rin eh.

Nyahaha! Sabay nagkatitigan kami. Dapat lang naman na pareho kami ng rate kundi... World War III!


Pangalawang Kwento
Sa magic show naman eh hindi ganun ka-interesting ang mga acts. Tahimik lang ang karamihan hanggang sa may isang batang lalaki na hindi naka-tiis at sumigaw (in Singlish accent) "NOT FUNNY! I WANT SOMETHING FUNNY!"

Tawanan ang lahat ;)


Pangatlong Kwento
Si Kenkoy natandaan nung assistant ng magician. Last year kasi naka-attend kami ng kiddie party na sila rin ang magician. Nagulat ako at lumapit sa akin yung assistant. Natatandaan daw nya si Kenkoy. Ilang beses na nangyari yung ganyang pagkakataon. Yung iba total strangers pa talaga pero natatandaan kami dahil kay Kenkoy. Ano ngayon ang implications ng lahat ng ito? Ah eh, iniisip ko pa, hehe!

Saturday, July 09, 2005

No New Entries?

Less random thoughts these days??? Nah, less time for blogging, perhaps

Hope to have more special stories & more time to blog

Wednesday, June 22, 2005

We're back

So happy to be back home after 4 1/2 months :D

Yun lang muna... kailangang mag-general house cleaning... ang gulo ng flat namin :P

Friday, June 17, 2005

Nandito na si Labs

815am kami umalis ng QC ni Kenkoy. 945am nasa Clark airport na kami. Ang bilis lang ng byahe... tuloy-tuloy... tagal tuloy namin nag-antay, hehe! 1030am ang ETA ni Labs. Bago mag-11am ay magkakasama na kami at buo na muli ang pamilya :)

Clark airport? Yes, sa Clark airport kasi dun ang terminal ng mga Nova (No Vadget daw sabi ni Ate V, hehe). Tiger Airways nga sumakay si Labs. Budget airline yun na sa pagkakaalam ko ay sister airline ng Singapore Airlines. Pagkadating na pagkadating pa lang namin sa Clark airport ay nagandahan na agad ako. Malinis (sa labas ha... di pa naman ako nakapasok sa loob) at kaunti ang tao. Parang exclusive airport *LOL* Kabaligtaran ng kaguluhan sa NAIA. At dahil kakaunti lang ang travellers ay mabilis lang din sa immigration at sa pag-claim ng luggages. Para sa amin ni Labs ay ok lang matawag na "NOVA". Ang laki na ng matitipid, madami pang plus points. Ang negative lang na narinig ko kay Labs ay yung kaunting leg space, no in-flight movies, no in-flight reading materials. Pero ok na yun... mapagtitiyagaan na dahil saglit lang naman ang byahe... less stress naman sa traffic... less hassle din sa airport procedures. Sabi nga ni Labs -- ang sarap daw ng byahe nya :)

Bakas na bakas din ang kasiyahan kay Kenkoy... yakap at halik agad sa Papa nya. At sa buong maghapon ay di umalis sa tabi ni Labs :)

Kakatuwa rin ang uwi ni Labs... sakto sa 125th bf-gf monthsarry namin... at magkakasama pa kami sa Father's Day. O sya, pagod na talaga ko... pahinga na muna ko. At pahuling mensahe ko lang --- ang gwapo pala talaga ng mister ko... ang gwapo nya ngayon (para akong teenager na nakita ang crush... biased na ulit 'to... love your own lang, hwehehe). Yun lang. Paalam at matutulog na kami (matutulog nga lang kaya??? *wink*)

Sunday, June 12, 2005

Dental Check Up & BayanTel Get Together

May dental check up ako kahapon. Cleaning, pasta, retainers... ang daming dapat ayusin sa teeth ko :P Ang tagal ko sa clinic. Kasama ko si Kenkoy. First time nya makapunta sa isang dental clinic. Pamasid masid lang sya. Behaved. Sana nga, like me, lumaki syang di takot sa dentist.

Sa gabi naman, get together namin ng mga friends ko from BayanTel. 4 lang kami pero sobrang kwela din. Yun talaga ang common sa mga friends ko --- lahat magaling humirit at may sense kausap. Mabo-bore siguro ako pag sobrang seryoso ng kausap ko. Gusto ko talaga yung paminsan-minsan may mga hirit na kwela :) 1030pm na kami natapos. Tagal ng kwentuhan namin pero buti na lang Tomas Morato area lang kaya 10minute-travel lang nasa bahay na ko. Ang saya talaga kagabi. Sobrang blessed ako na magkaroon ng mga tunay na kaibigan. Thank you talaga Lord :)

Saturday, June 11, 2005

Tropang Praning Get Together Kwento Part II

May nakalimutan pala akong i-blog... ang biggest revelation ng gabi para sa akin ;)

Shempre pa chika galore kami ng gabing yun ng mga college friends namin ni Labs. Hanggang sa napunta ang usapan na 10 yrs na pala kaming graduate. At lagpas 10 yrs na pala kaming mag-kakaibigan. Tapos kinonfirm nila kung 10 yrs na kami ni Labs. Sabi ko 10 yrs & 5 months. Sabi ng isa, nagulat daw sya at naging kami ni Labs. Akala daw nya ang magiging bf ko ay yung isa pa naming kabarkada. Shocked ako. Ang siste pa, yung 2 pa naming friends ay naki-agree. Akala daw talaga nila yung isa ang magiging bf ko at hindi si Labs. Yun daw kasi ang lagi kong kasama sa school. Ngeks! Grabe 10 yrs after bago ko nalaman 'to ah. Matanong nga si Labs at baka akala rin nya yung isa naming kabarkada ang magiging bf ko, hwehehe!

Hmmm, hindi kasi kami PDA ni Labs nun. Kaya pati tropa di nakahalata. At saka si Labs feeling heartrob sa school org... kaya dapat unattach ang image, hehe... kaya nga naging kami mga 2 months bago kami gumraduate.

Wednesday, June 08, 2005

One down

Naglakad si Kenkoy, woooohooooo!!! Thank you Lord :)

Ang babaw ko 'no? Sobrang tuwa ko dahil successful ang pagiging first time bearer ni Kenkoy sa kasal ng friend namin, hehe! Naglakad sya mag-isa... YESSSSSSSSSSS!!! Kala ko di uubra ang pagsa-psyche ko kay Kenkoy. Yung nauna kasing kasal may bubble machine pa. Nakapila na si Kenkoy... all set na... biglang umalis sa pila at naaliw sa mga bubbles, wahhhh! Kala ko totopakin pa si Kenkoy. Buti na lang last minute eh biglang umayos ulit, bumalik sa pila at naglakad ng diretso... sakto lang sa turn nya. Ang gwapo ng anak ko... bagay sa kanya yung barong (biased na 'to, hehe).

One down. Next sa San Sebastian naman on June 19. Mas mahaba ata ang San Sebastian kesa sa San Agustin. Pero sana maging behave ulit si Kenkoy... at lumakad sana ulit ng maayos.

Monday, June 06, 2005

Homemaker

Kakapagod. 16 days na lang sa Pinas pero ang dami pang dapat gawin. Mixed emotions pa ko. Although mas excited ako sa pagbalik namin sa SG kesa sa lungkot dahil malalayo sa pamilya pero hirap pa din... masayang malungkot pa rin. Masasanay din kaya ako sa ganitong sitwasyon? Hirap talaga ng ma-emosyon at senti... konting kibot lang, emote at iyak na, hayyyy :P

Pagbalik sa SG, dami ring dapat gawin --- backlog sa reading, backlog sa scrapbooking, hanap ng school for Kenkoy, general house cleaning, laba, plantsa, luto at shempre pa (ang pinakamahalaga) pag-alaga sa mister at anak. Kakatakot. Ang dami kong fears minsan lalu na sa child rearing. Siguro kailangan ko pang magdasal. Sabi nga ng isang kaibigan... madali lang daw magpalaki ng bata basta kasama si Lord sa pagpapalaki... hayaan lang daw si Lord sa pagli-lead ng lahat. Ang hirap magpalaki ng bata. Masaya at fulfilling shempre pero sobrang laki ng responsibility. Ang hirap ng career ko, hehe... akala lang ng iba pa-petiks petiks... puro pasarap lang sa buhay... pero sa totoo lang mahirap talagang maging homemaker. Malaking bagay nga lang na ito na ang ligaya ko sa buhay (ang alagaan ang pamilya ko) kaya nakakapagod at nakakatakot man ay enjoy pa rin :) Malapit na kong bumalik sa pagiging "fulltime" homemaker... kinakabahan na ulit ako... pero excited at magkakasama-sama na ulit kami. Pag-pray nyo ako ha? I have my own set of worries. Ayoko lang magpatalo sa mga fears ko... pero minsan... minsan... basta ganun, hehe!

Saturday, June 04, 2005

Chinese chuva

Lapit na wedding ni bro-in-law (BIL). Sobrang daming Chinese traditions mula nung Engagement Party hanggang sa wedding nila ang sinunod. Isa na sa mga achuchuchu (I love you Labs, hehe) ay ang pag roll-over ng isang batang lalaki sa matrimonial bed. Paniniwala yun to ensure good luck and a baby boy.

Tuwa naman ako at si Kenkoy ang napili nilang mag-roll over sa bed. Tulog na nga si Kenkoy kagabi kasi mga 10pm na yun. Ginising ko lang. Buti game na game pa rin si Kenkoy sa pagtalon talon at sa pag-roll over sa bed. Tuwang-tuwa rin naman BIL ko.

Sana nga ay maging masagana ang buhay nilang mag-asawa at baby boy din ang firstborn.

Wednesday, June 01, 2005

Tropang Praning Get Together

Kita-kits ulit college tropa namin ni Labs. 4 lang kami kasi yung 4 hindi pwede at yung 3 pa ay based na sa US & UK. Kailangan naming magkita-kita kasi bukas babalik na si Kiko sa UAE. At sa June 10 naman ay papasok na sa seminary si Ramil.

Sobrang saya namin... grabe! Walang humpay na chikahan at tawanan. Kung di pa tumawag si Pam (wife ni Kiko) eh di namin mamamalayan na 1130pm na pala, hehe! Basta, ang saya sobra. Si Labs tumawag... kaya lalung sumaya.

Kwento ni Edcel: At ang irony ng gabi ... sa bawat placemat ng pinagdinner-an namin may nakasulat na BAWAL ang TSISMISAN pero HAPIT naman kami sa kwentuhan . harharhar!

Honga, hahaha! Kwela sobra. Sarap kausap pag pare-pareho ng wavelength :)

Eto isa sa kwelang hirit... Sabi ng isang kabarkada, company daw nila ang the best fuse manufacturer. Bakit? Pag nag-fluctuate daw bigla ang power, sira ang tv (load)... pero ang fuse nila buo pa rin. Nyahaha!

Kakatuwa din i-recall college days namin. Naalala tuloy namin isang instructor namin sa Electrical subjects. Sa lab kasi di gumagamit yun ng tester. Hahawakan nya lang ang circuit... pag na-ground/nakuryente sya, sasabihin nya "May kuryente nga." Hehehe!

At shempre di mawawala sa usapan ang Mantecado ice cream... kung ano yun... gagawan ko na lang ng layout :)

Hayyyy, ang saya sobra. Sana maulit muli.

Tuesday, May 31, 2005

Madagascar

Sa wakas natuloy din kaming manood ng Madagascar kagabi. 1st time ni Kenkoy sa movie house. Kasama naming nanood Sis-in-law ko at ang cousin ni Kenkoy na si Francine. Nag-enjoy kaming lahat sa movie. Feel-good movie... kakatuwa.

Pero hanggang sa sinehan ay nag-away pa rin si Francine at si Kenkoy. Nakatayo kasi si Kenkoy. Gusto ni Francine na umupo si Kenkoy.

Francine: Kenkoy, you sit down (sabay hila sa shirt ni Kenkoy).
Kenkoy: ROAAARRRRRRRRRRRRRR!!!

Sa sobrang galit eh ginaya si Alex the Lion, hehe! Ang lakas... silang dalawa ang rinig sa sinehan. Buti nag-kabati rin agad at tuloy ulit sa panonood ng sine.

Binalita ko agad kay Labs. At pareho kaming tuwang-tuwa. Sa wakas, makakapanood na kami ng movies... pambata nga lang, hehe! Pero aba naman sino ang di matutuwa eh ang last movie pa ata namin sa sine ay The Passion of Christ.

Tuesday, May 24, 2005

29 days na lang

29 days na lang... ang bilis ng panahon. Biglang ang dami-daming dapat gawin (nakaka-torete, hehe). Biglang ang dami-daming dapat dalawin bago bumalik sa SG... ang dami-daming reunions at kainan (ayoko tumaba, wahhhh, LOL).

Pero ngayon ay hindi na mix ang emotions ko sa nalalapit na pag-uwi namin. Masaya na ko at magkasama-sama na kaming muli nina Labs at Kenkoy. Mami-miss ko rin ang family ko pero sabi nila ay dadalawin daw nila kami sa Pasko. Kaya excited na ko... sana Pasko na (OA, hahaha)... at higit sa lahat sana matuloy ang plans... sana nga masaya muli ang Pasko namin.

Thursday, May 19, 2005

34 days na lang

Kahapon, mga 630am pa lang ay gising na si Kenkoy. Excited na makitang muli ang pinsan nyang si Francine. Matagal kasi silang hindi nagkita dahil 3 days kami ni Kenkoy sa mga in-laws ko. Pero hindi dumating si Francine. Sabi ng SIL ko hindi raw sumama kasi akala wala na naman daw si Kenkoy sa bahay. Iyak ng iyak si Kenkoy. Sobrang na-miss nya ang pinsan nya. Pag dating ng lunch time ay tinawagan namin si Francine. Tuwang-tuwa ang mag pinsan.

Kaninang umaga, antay na naman si Kenkoy. Pero mabuti naman at this time ay dumating si Francine. Kakatuwa ang eksena --- yakapan agad silang mag-pinsan. Hayyyyyy, ngayong excited na excited na ko at malapit na kami umuwi sa SG ay parang nalulungkot din ako. Sigurado mami-miss namin ni Kenkoy ang mga mahal namin sa buhay na nandidito sa Pinas. Sana hindi na namin kailangang umalis ng Pinas. O kaya sana pwede namin silang isama sa SG.

Ganunpaman, nagpapasalamat ako sa Diyos sa mga masasayang ala-ala namin ni Kenkoy dito sa Pinas. 34 days na lang... dapat ba kong matuwa at magkakasama-sama na kami ni Labs... o malungkot dahil malalayo na naman kami sa aming mga kaibigan at kapamilya na nandidito sa Pinas? Masaya o malungkot? Hindi ko alam.

Saturday, May 14, 2005

Tito Noel's Despedida Party

Si Tito Noel, kapatid ng mom ko na pari, ay babalik na sa mission nya sa Africa. May Despedida party para sa kanya dito sa bahay. Imbitado lahat ng mga kapatid ng mommy ko, mga cousins ko at shempre mga pamangkin ko.

Nag-Mass muna si Tito Noel then we had our lunch. Tapos chikahan na, kantahan at tawanan.

May nagbago na rin. Di na gaya ng dating mga reunions namin. Iilan na lang kasi yung mga cousins na ka-batch ko na nandito. Nasa ibang bansa na halos lahat.

Pero kaka-aliw naman ang bago kong role. Ako ang nanny ng 3rd generation namin. 8 kids ata yun (10 yrs old & below). Yung mga laro nila. Mga tawanan *ang sarap* Pillow fights... riot talaga! At shempre pa kakatuwang makinig sa mga conversations nila. Isang conversation na natanim sa utak ko:

Habang naglalaro sa swing ang mga pinsan ni Kenkoy na sina Francine & Ashley. Pinu-push ni Ashley si Francine...
Francine: Don't push me. I know how to swing by myself.
Ashley: It's ok... you still need help.

Wala lang. Na-touch lang ako, hehe! Madalas kasi feeling ko kaya ko ang lahat ng ako lang pero tama nga si Ashley, I still need help. Masaya kasama ang mga bata. Marami akong natututunan sa kanila. At ang mga tawanan nila... ibang klase... sarap maging bata :)