Sunday, August 26, 2012

1st Travel Fair

Balik tanaw: Legoland Themepark

Yahoooo! After a year, mago-open na sya. At eto na may tickets na kami...



Grabe, dinayo ko pa 'yan sa NATAS Travel Fair. Annual pass ang binili ko. $354 sa aming apat na. Sana sulit. Annual na ang binili ko kasi kaunti lang ang difference sa price ng 1 day pass ng Universal Studios Singapore eh eto annual pass na. Sana enjoy sya para babalik-balikan talaga namin. Sana masulit ang annual pass.

At isa pang grabe, 1st time ko makapunta sa travel fair. Nalula ako. Ang laki ng lugar. 3 halls ang occupied nila sa S'pore Expo. Paano kaya makahanap ng good deals sa ganitong travel fair? Newbie kasi kaya di ko alam. Kuha lang ba muna ng leaflets for comparisons ng offers tapos saka na lang balikan the following day? At aliw lang kasi free pala ang luggage pag medyo malaki yung package na inavail.

Tapos may offer na 50% off sa 2nd pax. Yung Club Med, 50% off din. At eto pa ang parang nainis tuloy ako... may 8D Korea tour tapos free 3D HK. May mga ganito palang travel offers. Ngayon ko lang nalaman. Sayang nag-book na ako ng HK trip namin. Sana pala Korea na lang pinili ko tapos dadaan din naman sa HK for 3D. Di bale, sa susunod mag-aabang na talaga ako ng travel fairs. Pero punong-puno ng tao. Parang palengke. Na-overwhelm ako.


Friday, August 24, 2012

7th Anniversary

7 years na pala. 7 years na pala kaming Singapore Permanent Residents. Maraming-maraming salamat po, Lord, sa biyayang makapamuhay sa maganda at maayos na bansang tulad ng Singapore. Dito na talaga ang aming naging tahanan for the past 11 1/2 years.

At ating balikan ang blog post pitong taon na ang nakakaraan...

Balik tanaw: Thank You So Much Lord

Tuesday, August 21, 2012

Potty Training Update

Balik tanaw: Update kay Kenkoy II

Pag natutulog na lang naka-cloth diaper si Kenkoy II. At mga 1 week ng dry ang cloth diaper niya. Hindi na rin ako naga-alarm sa madaling araw para pawi-wiin sya sa toilet. Kusa na nya akong ginigising pag kailangan nya mag-wiwi. Woohoooo! Pwera usog. Sana tuloy-tuloy na. Although hindi naman na gaanong magastos kasi hindi naman disposable diaper ang gamit namin kaya lang gusto ko na rin syang maging 100% diaper-free. At sobrang ok ma hindi ko na kailangang mag-alarm. Sana nga tuloy-tuloy na.


Monday, August 20, 2012

No Money

Galing kami sa birthday party ng isang kaibigan kagabi. Inabot na kami ng almost midnight. Tagal naming nag-aantay ng bus sa bus stop kaya nainip na ang dalawang Kenkoy.

Kenkoy II:
Why don't we take a taxi? No money?
Labs & Lit Coo: Yes, no money.
Kenkoy & Kenkoy II: Weh??!!

At talagang sabay sila nag-react. Mga mukha ba kaming sinungaling? LOLZ!


Sunday, August 19, 2012

The Legend of Korra

Balik tanaw: The Legend of Korra

Natapos na namin ang 12 episodes. Mas nagustuhan ko ang Avatar: The Last Airbender. Loyal pa rin ako kay Avatar Aang kesa kay Avatar Korra. Baka may season 2 pa kasi kung ito na ang finale ng The Legend of Korra, sobrang walang laban sa finale ng Avatar: The Last Airbender. Walang kamangha-mangha sa ginawa ni Korra. Hindi tulad ng ginawa ni Aang sa Fire Lord na sobrang WOW!

Dagdag ko lang na sobrang natawa ako sa apo ni Aang na nag-fart bending. Binibiro ko kasi si Kenkoy II na fart bender kako sya kasi kayang-kaya nya mag-fart pag ginusto nya. Kaya ang lakas ng tawa namin ni Kenkoy nang mapanood namin yung fart bending sa show. Alam din nila ang fart bending, hahaha!



Friday, August 17, 2012

"Too much perfection is bad."

Balik tanaw: Scratches

Habang tinititigan ni Kenkoy ang relo ko...

Kenkoy:
I can't see any scratch.
Lit Coo: There are scratches. I know. I'm a perfectionist.
Kenkoy: You know, too much perfection is bad.

Sinermunan ako ng anak ko. Ang lakas tuloy ng tawa ko, hahaha! Hindi na ako humirit kasi alam ko namang tama sya. Sinabi ko naman sa kanya na nag-agree ako sa sinabi nya. Hayyyy, ako nga lang ata namumrublema sa relo ko. Hindi rin naman kita ni Labs.


Thursday, August 16, 2012

Scratches

Balik tanaw: Impulse Buy

Nakita ko si Kenkoy II na masayang naglalaro. Bigla kong napansin na relo ko yung ginawang kotse. Yung face ng watch nasa floor, pinaandar. May fine scratches na tuloy :( Iniingatan ko pa naman ang relo ko. Naiwan ko lang saglit eh. Hayyy! Kakagigil ka talaga, Kenkoy II! Kabago-bago ng relo ko may scratches na. Di naman halatang-halata. Mapapansin lang sya pag sisipatin talaga pero naiinis pa rin ako kasi alam kong may gasgas na :(

Wednesday, August 15, 2012

The Legend of Korra

Balik tanaw: Avatar: The Last Airbender

Nandito na kami sa sequel...


Yipee! Kaso 12 episodes lang pala sya eh naka-4 episodes na agad kami ngayon. Kakabitin naman 'to.


Tuesday, August 14, 2012

5-day Long Weekend

Kung last weekend ay 4-day long this weekend naman ay 5-day long. Wooohoooo! PSLE Oral Exams ng Primary 6 students kaya walang pasok ang Primary 3-5 students this Thursday & Friday. At sa Monday naman ay Public Holiday dahil Hari Raya Puasa.


1st Theory Exam

Balik tanaw: 1st Theory Exam

Naku! Kung dati ay mabigat sa loob magbayad ng $99 for the exam. Ngayon ay mas mabigat pa lalu sa loob. Offered pala ito sa school ni Kenkoy. Subsidized. Free ang exam dahil sasagutin ng school. Ang kaso nakapag-register na si Kenkoy sa music school nya, wahhhhh! Sana pwede pang magpa-cancel sa music school. Kahit bawasan nila ng kaunti basta sana may mabawi sa fee. Sayang talaga yun. Kung bakit naman kasi ang aga nagpa-register sa music school at kung bakit naman late na nagsabi ang primary school ni Kenkoy. *sigh*

Side Kwento:
Nakakatuwa lang na mas swak pa pala ang primary school ni Kenkoy sa talents nya. 2nd choice namin ang school nya. Hindi sya nakapasok sa 1st school kasi balloting eh hindi nabunot ang name ni Kenkoy. Ang resulta mas napabuti pa pala. Thank You po, Lord! :)

Sabi sa letter mula sa primary school nya ay hindi raw lahat ng school ay subsidized ang music theory exam. Sana naman ma-avail ni Kenkoy. Sana pumayag ang music school na magpa-cancel sa kanila ng exams. Sana po Lord. Sana po mabawi ang exam fee. Thank You po :)


Sunday, August 12, 2012

Brave

Family Movie Date kami...


Biglaan. Nasa harap na tuloy kami, sa 3rd row. Pero maliit lang naman yung theatre. 10 rows lang lahat.

Maganda ang movie. Naka-relate ako sa queen. May pagka-ganung klaseng Mommy kasi ako. Naku, dapat na pala akong magbago at mag-ingat. Baka gawin din akong bear ng anak ko :P

At may isang scene pa sa movie na sabi ng queen ay parang "Listen to me." At sumagot ang anak nya ng "No, listen to me." Naku, ang bunso kong 3 1/2 years old, di pa man din teenager ay linya na nya sa akin yan. Napaka ng batang ito. Dine-dedicate ko sa kanya ang kanta ng Apo Hiking Society na "Batang Bata Ka Pa" :P


Saturday, August 11, 2012

Sabado

Sabado ang pinaka-toxic na araw ko. Alas-sais na saka pa lang ako nakapahinga. 630am gising na. Linis ng bote ni Kenkoy II, almusal ni Kenkoy, byahe kami papunta at pauwi mula sa swimming class ni Kenkoy, tiklop ng labada, sampay ng labada, linis ng electric fan, linis ng toilet & bathroom.

Kapagod.

Pahinga lang ng kaunti. Dinner. Tapos plantsa naman. Oh well, papel!


Friday, August 10, 2012

NDP 2012

Utang na muna ang kwento. Inaantok na ako at sobrang pagod na rin. Photos na lang po muna...



Tuesday, August 07, 2012

Avatar: The Last Airbender

Balik tanaw: Avatar: The Last Airbender

Natapos na namin ang 61 episodes. Ang ganda sobra. Nakaka-addict panoorin. Ang saya-saya ng series.

At dahil natapos na namin ang cartoon series ay pinanood namin ang movie. Susme! Nakatulog ako. Walang entertainment factor. Serious kung serious :( Mas naaliw ako sa cartoon series kasi light ang dating dahil may mga scenes na patawa. Ay naku, thumbs down ang Avatar movie. Buti na lang pala mas nauna namin pinanood ang cartoons.

Next series... The Legend of Korra! :) Sana maganda rin.


Thursday, August 02, 2012

Update on Kenkoy's Piano Skills

Nakakatuwa ang panganay ko. Ang laki na talaga ng improvement nya sa piano. Ang sarap pakinggan ng mga tinutugtog nya. At hindi ko na sya sinasamahan sa pag-practice nya. Kusa na syang nagpa-practice.

Pagkagaling sa school, di pa nakakapalit ng damit ay pupunta na agad sa piano nya para tumugtog. At dahil OC ako hindi pwede yun. Dapat ay maghugas muna ng kamay, hwehehe! Pero nakakatuwa talaga. Nakahiligan na talaga nya ang piano :)

Minsan habang nagpa-practice si Kenkoy ay sinabihan kong hinaan ang volume dahil natutulog ang kapatid. Gumamit na lang sya ng headphone. Tapos nakita ko na lang tumutugtog ng nakapikit. Pinanood ko sya hanggang sa matapos nya ang tinutugtog nya. Ang ganda nya pagmasdan. Dinadama nya talaga ang music. At nakakatugtog sya na nakapikit :) Pagmulat nya ay nagulat sya dahil katabi nya ako at pinagmamasdan sya. Ano kako ang ginagawa nya. Sabi nya ay mine-memorize nya raw ang pyesa. Nabilib lang ako sa anak ko. Naisip nya yun? Wow! Siguro balang-araw ay makakatugtog na sya na oido... di na kailangan ng pyesa... pandinig lang ay alam na paano tugtugin. Sana... sana nga po Lord.

Pero sa ngayon, sobrang natutuwa lang ako na nae-enjoy ni Kenkoy ang piano :)