mga kwento sa buhay buhay na na nakapag-patawa, nakapag-pasaya, nakapag-paiyak at nakapag-paisip kay lit coo
Tuesday, July 29, 2008
Primary 1 Registration
May update na sa website ng Ministry of Education. Pati yung 2nd choice namin naging popular school na rin this year, wahhhhh! New school kasi yun eh. Ngayon popular na rin sya. First day pa lang ng Phase 2C both 1st & 2nd choice namin ang nagpa-register ay over na sa available slots. Siguradong balloting na.
Ngayon ko lang na-realize na ang dami rin palang bata dito sa S'pore. Hehe!
Sana mapili pa rin si Kenkoy sa school na gusto namin. Sana po Lord dinggin Nyo ang aming panalangin. Maraming salamat po.
Monday, July 28, 2008
Sweet Kuya
(photo is bigger than the actual size)
Maraming puso kasi love na love nya raw ang kapatid nya. Yung hanger eh naisip nya lang i-drawing (hehe) kasi nagtitiklop ako ng mga damit kagabi... kaya nakita nya rin yung hanger.
Sobrang love nga ni Kenkoy si Aaron/Andrea. Araw-araw patutugtugin nya ang Baby Mozart CD para daw kay baby. Pag may kinakain sya, laging magtitira sya ng food at isusubo sa akin... para daw kay baby. Pag naglalaro sya, maglalagay sya ng toy(s) sa tummy ko... para daw kay baby. Pag nasuka ako, nira-rub nya ang likod ko.
Ang thoughtful. Ang sweet. Sarap maging Kuya ni Kenkoy :)
Friday, July 25, 2008
Asia's 5th Most Expensive City
Sa Asia
#1 Tokyo
#2 Seoul
#3 Hong Kong
#4 Osaka
#5 Singapore
Thursday, July 24, 2008
Maternity Clothes
Saturday, July 19, 2008
Primary 1 Registration Exercise
Priority ang mga batang may kapatid sa nasabing eskwelahan.
Priority din ang mga batang nakapag-volunteer ang magulang sa nasabing eskwelahan.
Mas malapit sa school ay may advantage din dahil priority sila.
Sa unang school na napili namin para kay Kenkoy, sa isang website within 2 km radius daw kami. Sa isang website naman ay 2.7 km daw. Eh dun pa naman sa 1st choice namin, balloting talaga every year. Eh kung beyond 2 km pa kami eh di paktay na. Huli na kami sa priority.
Yung 2nd choice naman namin, within 2 km kami. Minsan may balloting ito. Minsan sakto lang sila. Magta-take chance pa kaya kami sa 1st choice namin? Ang kinakatakot ko kasi kung saka-sakaling hindi kami mabunot sa 1st choice tapos wala na ring slot sa 2nd choice eh sa 3rd school na kami. Pinakamalapit itong 3rd school kaso ang problema eh hindi maganda ang record. Pinaka-ok talaga yung 1st school kasi ok naman yung standing nya sa national level. Hindi ganun kataas pero may nagta-top pa rin sa PSLE at malaki ang precentage ng pumapasa sa PSLE. Yung 2nd school, medyo ok din ang record.
July 28-30 ang registration. Nananalangin ako na makapasok si Kenkoy sa 1st school na napili namin. May 113 slots pang natitira. Sana isa si Kenkoy sa mapipili.
*****
PSLE -- parang NCEE ata ito sa Pilipinas. Pero sa Primary ito (Grade School).
The Primary School Leaving Examination (PSLE) is a national examination, which a pupil sits at the end of primary education.
PURPOSE OF PSLE
The purpose of PSLE is to assess pupils' suitability for secondary education and place them in one of the appropriate secondary school courses, which match their learning pace, ability and inclination.
Based on their performance in PSLE, pupils are streamed into the Special course, Express course, Normal (Academic) course or Normal (Technical) course in secondary school.
Tuesday, July 15, 2008
Kenkoy's Own Bed
Monday, July 14, 2008
Sino Maganda?
Tuesday, July 08, 2008
Competition
Friday, July 04, 2008
Pampalakas ng loob
Hindi lang siguro maganda ang pagkakasabi ng OB ko kasi mas nag-focus yung explanation nya sa possibility na may diperensya ang bata. Ni hindi man lang nagsabi ng comforting words. Pero eto nahanap ko sa net. Post ko lang isa sa mga magandang balita na nabasa ko sa net...
However, it should be emphasized to the parents that increased nuchal translucency thickness per se does not constitute a fetal abnormality and, once chromosomal defects have been excluded, about 90% of pregnancies with fetal translucency below 4.5 mm would result in healthy live births; the rates for translucency of 4.5–6.4 mm and 6.5 mm or more are about 80% and 45%, respectively.
Pampalakas ng loob :) Sana tulungan nyo po kaming magdasal hanggang sa makapiling namin si Aaron o Andrea. Sa ganitong balita at sa tulong ng Diyos, umaasa talaga ko na healthy & normal si bunso.
Maraming salamat sa inyong lahat. Buong buhay kong aalalahanin at pasasalamatan ang pagdadasal nyo para sa amin :)
Tuesday, July 01, 2008
Aaron
Pinalitan na pala namin ang pangalan kung magiging boy ulit ang baby namin. Hindi na Adrian. Hindi kasi nagustuhan ni Labs ang meaning ng Adrian.
Aaron ang napili ni Labs. Ang ganda sobra ng meaning ng Aaron kaya kahit madaming klaseng pronunciation para sa pangalan na yun eh pumayag na din ako. Saka na lang namin pagde-desisyunan kung ano nga ang gusto naming pronunciation para kay Aaron pag naging boy nga ulit si baby.
Muli, salamat pala sa mga prayers nyo for Aaron or Andrea.
Please pray for Aaron or Andrea
Humihingi po ako ng tulong sa lahat na pakisama naman po sa inyong dalangin si bunso --- si Aaron o Andrea. Pakibanggit po sya kay Lord.
Galing kami sa check up kanina. Ultrasound ulit. Depressing ang result. Maaring special child daw si bunso. Maari ring may sakit sa puso. Sabi ng OB kailangan pa raw ng further tests para matukoy nga. Ayaw ni Labs kasi wala rin namang gamot habang ipinagbubuntis. At saka sabi namin sa OB na hindi naman namin option ang abortion. (Legal kasi ang abortion dito sa S'pore.)
Matatanggap ko naman kung special child. Kahit dati pa alam kong mamahalin ko pa rin ang anak ko kahit hindi sya normal. Kaya lang kung pwede lang sya ma-spare sa sakit at hirap, sana pwede kong magawa yun.
Pero baka daw sakit sa puso. Ito hindi na nakakabigla. Si Kenkoy kasi may congenital heart defect din. Ganun din ang Ate ni Labs. Nasa lahi. Kaya lang parang mas ok pa nung kay Kenkoy kasi nalaman namin nung naipanganak na. Hindi tulad ngayon na 7 months pa. Depressing.
Ayoko sanang i-blog ito kasi malamang makakarinig ako na kawawa naman si baby kaya lang kailangan ko ng dasal kaya nilagay ko na rin sa blog. Wala po sanang magsabi ng kawawa si baby. Hindi sya kawawa. Yun ang ayokong marinig sa ibang tao. At kahit anong mangyari, mahal na mahal pa rin namin si bunso.
Muli, humihingi ako ng tulong sa inyo na paki-dasal si Aaron o Andrea na maging normal baby sya.
Maraming maraming salamat :)