Showing posts with label Faith. Show all posts
Showing posts with label Faith. Show all posts

Wednesday, August 13, 2014

Inner Monsters

Kahapon may nabasa akong comment sa isa mga tributes para kay Mr. Robin Williams. Di ko masyadong matandaan yung buong message. Natandaan ko lang na ang depression ay sadness plus inner monster. Parang ganun. Tapos sa Didache para sa araw na ito ay...


Grabe ano? Literal palang may inner monsters. Sorry naman pero ngayon ko lang talaga nalaman. I mean yung literal na mag-stay siya sa body/mind/soul (kung ano man) tapos pwede siya i-cast out. Kala ko dati sa mga possessed lang yun. Shocks! Kailangan kong ma-cast out ang demons mula sa sarili ko. Masyado ng matagal niya akong sinira. Masyado ng matagal niyang kinukuha ang kaligayahan ko. Okay naman ako sa ngayon pero kasi recurring itong depression. Ayaw ko na bumalik sa ganung state. Kailangan totally ma-cast out ko ang demons at hindi na mapabalik sa katawan ko.

Dami kong natututunan dahil sa nangyari kay Mr. Robin Williams. Unti-unti naiintindihan ko na rin kung ano ba talaga ang pinagdadaanan ko at kung paano lalabanan.

Araw-araw dumadaan ako sa adoration chapel for my prayer time. Happy place ko 'yun. Araw-araw nagdadasal ako for healing. Unknowingly, siguro 'yun na rin ang way ko to cast out demons kaya medyo ok ok na ang pakiramdam ko ngayon. At siguro one way na rin to heal/help me at iba pang may depression ang death ni Mr. Robin Williams.

Thank You, Lord!
Thank you, Mr. Robin Williams. Dalangin kong masaya ka na ngayon. Sana tapos na rin ang paghihirap mo.


Sunday, August 03, 2014

Praying with Kenkoy II

Sinama ko si Kenkoy II sa adoration chapel. Pagtapos naming magdasal...

Kenkoy II: Do you know what I prayed for?
Lit Coo: Would you like to tell me?
Kenkoy II: I asked Jesus to give me back my phone... to tell my Mama & Papa to give it back to me.

Awwww!!! Pero bawal na talaga ang gadgets sa kanila. Ang hirap naman. Pag bata nag-pray kay Jesus, parang ang hirap tanggihan. Paano ko kaya ito sasagutin? *sigh*

Thursday, March 27, 2014

1st Family Dream Board

Natapos ko rin ang family dream board namin. Lagi naman kaming may pangarap at goals for the year pero ngayon lang kami gumawa ng may pictures talaga. Nilagay ko siya sa lugar na kung saan madalas naming makikita. May prayer na rin na naka-post.

Lakas maka-good vibes ng dream board. Ikaw... kayo... may dream board din? Sarap mangarap 'no? Sana matupad lahat ang mga pangarap natin.


Wednesday, October 23, 2013

My New Happy Place


Sobrang saya dahil may prayer time na ulit ako. For so many years kasi puro pausing to pray lang ako, during mealtimes at short prayer before sleeping. Kaya ang saya-saya ko dahil bumalik na ang prayer time ko at ang ganda pa ng dasalan ko. Ang tahimik. Ramdam na ramdam ang presence ni Lord :)

Sunday, March 31, 2013

Sunday, March 03, 2013

Kid's Calendar for Lent 2013

Para sa mga parents & kids,
Walk with Jesus this Lent...




for Week 3

Galing ito sa Catechism teacher ni Kenkoy. Nakakatuwa (na nakaka-guilty *bleh* dahil hindi ko naisip gawan ng calendar for Lent ang mga anak ko)... mabuti na lang may Sunday school. Salamat sa mga Catechists. God bless you!


Saturday, February 23, 2013

Fasting & Abstinence

Labs: Kain tayo ng ice cream.
Lit Coo: Ano ka ba? Friday ngayon. Mag-fasting & abstinence ka.

Pagpatak ng alas-dose may nangangalabit...


Labs: Uy, Sabado na.

LOLZ! Mababa talaga EQ nitong mister ko, hehe!

Saturday, June 30, 2012

Amazing God

Balik tanaw: Inaabangang Biyaya

Confirmed! Labs got his annual bonus. Yayyyy, thank You po, Lord!

Alam nyo nakakatuwa talaga si Lord. Tinanong ko si Labs kung magkano ang expected nyang bonus. Nagsabi sya ng amount. Malaki na yung amount na binanggit ni Labs pero sabi ko, "Sana plus $1K pa."

At kanina sabi ni Labs may bonus na raw. Tinanong ko kung magkano. Tama daw. Alin ang tama? Tama daw yung plus $1K. Wowoweeeeeeeeeee! Sobrang nagulat at natuwa ako dun. More than what we expected. Nag-request pa ako ng dagdag at binigay pa rin ni Lord. Galing! Galing! Thank You po ulit, Lord! *mwah*

Sabi nga nila "Be specific with your prayers." Ilang beses ko na itong napatunayan. Kung ano yung dasal ko. Kung ano ang hiling ko. Ganun na ganun ang binibigay ni Lord. Pero sa dinami-dami ng answered prayers ay nagugulat pa rin ako. Amazing talaga si Lord. Di ko talaga akalain na ang bonus ni Labs ay may bonus pa ulit na kasama. Biniro ko nga si Labs na sana pala plus $2K ang hiniling ko. Weh?! Abuso lang, haha! :P Joke lang po yun, Lord! Masayang-masaya na po ako sa bonus for this year. Sana next year po ulit at sa mga susunod pang mga taon. Maraming-maraming salamat po :)


Sunday, June 17, 2012

Happy Father's Day to all Daddies in the World!


photo credit: na-download ko lang sa Facebook.
Sorry di ko alam sino ang source.



Sunday, April 08, 2012

Happy Easter!

Balik tanaw: Depression

Happy Easter, everyone!

Nananatili pa ring favorite church celebration ko ang Easter. At sakto pa dahil kagagaling ko lang sa depression kaya talaga namang Viernes Santo :( Medyo ok na ako ngayong Easter. Sa pagkabuhay ni Lord, bagong Lit Coo na ulit. Woot! Sana lang walang relapse. Sana magtuloy-tuloy na ang saya ulit sa buhay :)


Sunday, January 22, 2012

Chinese Mama Mary & Baby Jesus

Kanina ito ang naka-display sa Parish namin...


First time ko makakita ng Chinese Mama Mary & Baby Jesus. Ang cute! *wink*


Saturday, October 29, 2011

Spring Cleaning & Morbid Thoughts

Oras na namang maglinis. Kakapagod lang at medyo nakaka-dismaya. Parang kahit anong linis ko eh ang dami pa ring kalat :( Kailan kaya magmu-mukhang bahay ang bahay namin at hindi mukhang bodega? Hehe!

Pero ok na rin at naayos ko na ang important documents. Nalagyan ko na rin ng labels kung nasaan ang birth certificate ng bawat isa sa amin, ang baptismal certificate, marriage certificate, diplomas, professional certificates, awards, etc. Naka-label na rin ang health records & school records ng bawat family member. Nakaayos na rin ang insurance policies.

Mga 1 or 2 months ago, ang morbid ng topic sa forum na kinabibilangan ko. Tapos ang dami pang mga biglang pumanaw. Daming na-byuda. Fear ko pa naman ito kasi ang Mommy ko maaga na-byuda. Si Mama (mom-in-law) ay byuda rin. Kaya ayun, bigla ko tuloy inasikaso ang filing system namin. Ang gulo-gulo talaga ng papers namin kasi kinakatamaran kong linisin yun. Pero ngayon ok na. Naayos ko na sa wakas.

Ngunit hindi lang naman sa usaping pinansyal ang dagok saka-sakaling pumanaw ang kabiyak. Higit pa dun ay ang hirap sa pagpapalaki sa mga anak. Ang hirap sa pagdi-disiplina at pagde-desisyon para sa mga bata.

Pero ayoko matakot. Bahala na. Bahala na si Lord sa amin. Sana wag Niya kaming pababayaan. Sana may magandang bukas para sa aming pamilya at sa mga mahal namin sa buhay.

Sana po, Lord, sana po.


Thursday, September 08, 2011

Happy Birthday Mama Mary

Balik tanaw: Tapos na ang Delubyo blog entry

Birthday nga pala ni Mama Mary ngayon. Kanina nag-message si Labs sa YM na 3rd anniv nya sa current company nya. Oo nga pala, birthday nga pala ni Mama Mary nung 1st day of work nya sa kasalukuyang kumpanya.

Naging sariwa bigla ang lahat nang pinagdaanan namin. At naalala ko rin bigla ang biyaya ni Lord sa amin :) Naiyak akong maalala ang hirap pero natuwa naman ako sa sobrang blessings na kapalit nitong nakaraang tatlong taon.

Mama Mary, happy birthday po! Maraming salamat sa pagdarasal para sa amin. Maraming-maraming salamat din po sa blessings ng inyong anak para sa aming lahat. Happy, happy birthday po!


Saturday, July 30, 2011

Catholic Mass

Galing si Labs sa meeting ng lahat ng choir sa buong S'pore. May pagbabago raw na mangyayari sa Catholic Mass. Sa next liturgical year pa sya sisimulan talaga... sa advent... mga bandang November. Pero sa September ay may soft launching na kumbaga para pagdating sa November ay sanay na halos ang lahat sa magiging pagbabago. Abangan na lang natin kung ano ang pagbabagong magaganap.

Friday, June 03, 2011

God... Faith... Paano ba i-explain sa bata?

Kagabi...

Kenkoy: How does God work? How does He heal us?
Lit Coo: He is powerful. He is the Greatest Healer. You have to have faith in Him.
Kenkoy: What is faith?
Lit Coo: Faith is believing even there's no proof. You don't question. You just believe.
Kenkoy: Faith is hard. I believe but... how does God heal us? How does God work? I'd like to know.

Paano ba sagutin ang mga ganitong tanong? Naghahanap ng logic & reasoning ang bata. Ayokong lumaki syang freethinker. Natatakot ako. Hindi ko dinaanan yan nung bata ako. Di ako nagtanong. Basta tinanggap ko ang itinuro sa akin at naniwala. Naisip ko baka may classmate na freethinker. Wala naman daw nagtatanong sa kanya nun. Naisip lang daw nya yung mga tanong.


Monday, May 23, 2011

Friday, April 22, 2011

Kahanga-hangang Bata

Nakakaiyak at maraming matututunan...

http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20110420-332334/Deliverance

Magandang guide para sa isang magulang na gaya ko. Sana mapalaki ko sina Kenkoy at Kenkoy II gaya nung Japanese boy. Naway gabayan ako ni Lord sa tamang pagpapalaki ng mga anak.


Monday, October 18, 2010

Life before social media

Kailangan ko na gumising kanina kasi gising na si Kenkoy II. May hinahanap ako. Biglang kinuha ni Kenkoy II ang handphone ko at inabot sa akin. Napangiti ako. Kilala ako ng anak ko. Alam nya kung ano ang hinahanap ko.

Naisip ko lang din bigla yung isang thread sa isang forum. Yung life before social media thread. Ito ang share ko sa thread,

noon: pag mulat ng mata, magdadasal at magpapasalamat sa Diyos sa panibagong araw
ngayon: kukunin ang handphone to check my Facebook account at yung forum na madalas kong bisitahin

Oh well! Ka-guilty naman. Sorry po Lord. Magbabago na po.

Sunday, April 04, 2010

Happy Easter

Maligayang Pasko ng Pagkabuhay!!!

mula sa amin,
Labs, Lit Coo, Kenkoy at Kenkoy II




Monday, September 15, 2008

Panalangin ng Isang Bata

Isang araw paghatid ko kay Kenkoy sa school ay niyaya nya akong dumaan sa simbahan (same compound lang ang preschool ni Kenkoy at ang simbahan). Sabi ko kahit saan naman pwede syang magdasal. Maririnig pa rin sya ni Lord. Eh pinilit pa rin nya ako. Pinagbigyan ko na din.

Pagpasok namin sa simbahan ay humanap sya ng pwesto. Nagsimula na syang magdasal. Ang lakas magdasal ni Kenkoy kaya nalaman ko ang mga dalangin nya.

Nung unang araw nagpasalamat sya kay Lord sa trabahong ibinigay para sa Papa nya. Tapos sabi nya sana daw ma-enjoy nya ang pagpasok sa school sa araw na yun.

Sumunod na araw akala ko ganun ulit ang dadasalin nya. Iba pala. Ipinalangin naman nya ang kapatid nya. Sana daw ok lagi si baby. Tapos saka nya ipinalangin ulit na mag-enjoy sya at matuto sa school sa araw na yun.

Iba talaga manalangin ang mga bata. Habang naririnig ko si Kenkoy sa pagdarasal ay pinipigilan ko ang luha ko sa pagtulo. Very sincere ang dalangin nya. Parang kung ako si Lord ay hindi talaga ko makakatanggi sa mga kahilingan. Kaya siguro sinasabi nilang malakas ang mga prayers ng mga bata.

Ang nakakatuwa pa dun ay hinuhuli ni Kenkoy ang sarili nya. Inuuna nyang ipagdasal ang mga mahal nya sa buhay bago ang sarili nya :)

Kinwento ko kay Labs. Sabi nya nakakatuwa daw magdasal si Kenkoy. Routine na pala nilang mag-ama ang dumaan muna sa simbahan bago pumasok sa school. Si Labs kasi ang halos nag-hatid-sundo kay Kenkoy noong hirap ako sa paglilihi. Bonding moment pala nilang mag-ama yun kaya pala pilit akong hinatak ni Kenkoy papasok ng simbahan. Na-inspire naman ako ni Kenkoy kaya kahit saglit lang dumadaan na kami sa simbahan araw-araw :)