Anak, saan ba tayo dadalhin ng ating mga paa?
Ah, sa Istana. Kung sa Pilipinas ay Malacanang, sa Singapore naman ay Istana. Dito ang office ng Prime Minister at dito rin naninirahan at nagtatrabaho ang Presidente ng Singapore. Open siya sa public ngayong Labor Day.
Pagtapos naming pumila ng halos isang oras at kalahati ay nakapasok din kami. Kakabilib ang security. Parang nasa airport. Dadaan sa x-ray machine. *wink*
Ayan, nakapasok na kami. Ito ang Kallang Wave ng Ministry of Design. Gawa siya sa seating planks ng dating National Stadium.
Ito naman ang The Coil ng LOOK Architects (sana tama ang pagkakatanda ko). Gawa rin siya sa wooden planks ng benches sa dating National Stadium.
Ang ganda ng hardin sa loob ng Istana grounds. Ilang hectares na ganito ang tanawin. Lakas maka-good vibes.
At eto ang paborito ko. Ang isa sa highlights ng araw namin. Ang libreng concert ng Singapore Symphony Orchestra. Nabuhay ang pangarap kong isa o pareho sa mga anak ko ay maging member ng orchestra. Actually, member na ng Chinese orchestra si Kenkoy ngayon. Pero gusto ko rin yung orchestra na piano ang instrument niya o kung anuman ang magiging 2nd instrument niya.
Playground. Kaya lang di namin kasama si Kenkoy II kaya tinanaw lang namin.
At biglang dumaan ang President ng Singapore. At dahil di naka-ready ang handphone ko ay likod na lang ang nakunan ko, hahaha!
Pumasok din kami sa loob ng Istana building. $2 ang entry fee. Kaya lang bawal ang pagkuha ng larawan.
Ito ang malayong lakarin papalabas ng Istana. Pero di pa kami umuwi agad. Nag-dinner kami sa Plaza Singapura. At nakita pa namin dun ang isa sa member ng Singapore Symphony Orchestra. Sabi namin na-enjoy namin ang performance nila. Ngumiti at nagpasalamat. Pagtapos namin mag-dinner ay pumunta kami sa Marina Bay Sands. Ang paborito namin ni Kenkoy na mall.
Sana na-enjoy niyo ang kwento at mga larawan. Sana parang nadalaw niyo na rin ang Istana. *wink*

















































