mga kwento sa buhay buhay na na nakapag-patawa, nakapag-pasaya, nakapag-paiyak at nakapag-paisip kay lit coo
Sunday, March 27, 2005
Happy Easter everyone
Kami ni Labs nung bf-gf pa lang kami tradisyon na namin ang mag-Visita Iglesia. Lalakarin lang namin yun from one church to the next one. Enjoy kami ni Labs. Kahit madaming tao at parang fiesta ay nakakapag-reflect at nakakapagdasal pa rin naman kami... concentration lang ang kailangan.
Pag Good Friday di na kami magkasama. Sa Cavite si Labs para sa Pabasa. Ako naman ay dito sa QC kasama ang family ko. Sabay sabay naman kaming nanonood ng Siete Palabras sa tv.
Pag Saturday naman kasama ang HS friends ko ay dun kami sa Antipolo uma-attend ng Easter Vigil. Easter Vigil Mass then celebration/kainan tapos chikahan na kami hanggang umaga (sabi nga ni Kuya Germs -- walang tulugan). Ang saya ng lahat. Damang dama talaga ang Pagkabuhay ni Hesus :)
This year di ako nakapag-Visita Iglesia. Nanood lang ako ng Siete Palabras. Nagising ako kanina dahil sa fireworks. Ang saya talaga pag Easter...kakaibang saya.
Reflections ko:
- naalala ko ang mga promises ko kay God
- nakilala ko muli ang dating ako
- na-realize ko ang mga dreams/goals ko
- luminaw na rin ang mission ko sa buhay
Isa pang nakakatuwa ay pareho kami ni Labs ng ultimate dream. Sana matupad ang dreams namin hindi lang para sa aming pamilya kundi para na rin sa ibang tao, kamag-anak man o hindi. Pag-pray nyo kami ha? Salamat :)
Clear ko lang na hindi ako Santa. Marahil mas mabigat pa nga ang mga ksalanan ko kesa sa iba. Madalas ko ngang isipin kung tatanggapin pa kaya ako ni Lord sa langit. Ganunpaman sabi nga "Our God is a merciful God." Sana nga napatawad na Nya ako. Sana balang araw ay sa langit din ang aking huling hantungan.
Gusto ko talaga ang Holy Week. Sobra sobra ang pasasalamat ko sa Diyos sa pagmamahal Nya. Di Nya ako hinahayaang tuluyang makalayo sa Kanya. At gaya ng dati masaya talaga ko pag Easter... very meaningful ang Easter ko :) Dalangin ko na nadama nyo rin ang tunay na diwa ng Pasko ng Pagkabuhay.
Happy Easter!
Friday, March 11, 2005
Gimik... gimik... gimik
Feb 08-09 – Natuloy din kami sa La Luz Resort sa Batangas. Ang unang plano ay nth honeymoon namin ni Labs pero last minute eh sinama rin namin si Kenkoy. Pabulong pang sinabi ni Labs na “Isama na lang natin si Kenkoy.” ;) Tinanong ko sya kung ok lang ba sa kanya kasi sa akin eh wala namang kaso yun. Ok naman daw. At saka baka daw umiyak ng umiyak si Kenkoy kasi nga namamahay tapos iiwan pa namin sa mga di nya pa gaanong kilalang tao. Kaya ayun kaming tatlo pa rin ang magkakasama sa bandang huli, hehe!
Maganda naman yung resort. Di lang kasing ganda ng inaasahan ko pero sa rates nya eh pwede na… reasonable rates :) At saka di matao kaya ok. Friendly ang staff nila. Masarap din ang food. Sulit na ang Php800/pax para sa breakfast, lunch, merienda & dinner. Ayos na rin ang spa nila para sa halagang Php250.
Fave part ko yung star gazing. Maagang natulog si Kenkoy kaya nakapag-kwentuhan, nakapagkulitan at nangarap kami ni Labs habang nakatitig sa kalawakan. Nung gabing yun lang ako nakakita ng pagkadami-daming bituin. Ang ganda. Pati na rin ang mapayapang himig ng alon sa dagat ay bagay na bagay na music habang nakatitig sa naggagandahang mga bituin... ang ganda talaga :)
(Edited on March 13) PAHABOL: B-day & V-day gift ko kay Labs yung La Luz trip namin. Sobrang natuwa ako at nag-thank you si Labs. Wow! Na-appreciate nya. Bihira kasi yun. Siguro dahil na rin sa kadalasan naman ay si Labs ang nagbibigay. Sarap talaga ng feeling pag nagreregalo (at mas ok kung na-appreciate ng receiver).
Feb 10 – NAW-MNL Lunch EB. Sobrang saya. Ang daming umattend --- oldies & newbies :) At shempre pa Greenbelt 2 pala ang usapan eh nasa Glorietta 2 ako naghahanap. Hayyy, di talaga ko sanay sa Makati. Pero ang sarap ng chikahan… di na ko umorder kasi mas masarap chumika. At buti na lang at di na ko umorder kasi wala sa planong napabili ako ng scrapbook materials kay Bet. Kala ko lusot na ko sa scrap-shopping ngayong nasa Pinas ako… hindi pala :P
Tropang Praning EB. Sa Dinner get-together naman namin nina Labs kasama ang College Tropa namin. Tatlo na lang ang nakadating kasi yung iba naming mga kabarkada ay nasa US, sa UK at sa Dubai na. Ang hirap na naming makumpleto.
Masaya pa din kahit iilan lang kami. Nag-dinner kami sa The Red Crab sa Greenbelt 2 pagkatapos kwentuhan galore pa rin hanggang sa Starbucks.
Feb 11 – MITASCA EB. Eto mga ka-org naman namin ni Labs sa Mapua. Madami-dami kami. Ang saya. Ang kukulit pa rin lahat. Pareho pa rin ang mga hirit. Kakatuwa pa at lahat ay maayos ang buhay. Parang di rin masasabing naghihirap ang Pinas kasi may kanya-kanya na silang sasakyan… may kanya-kanyang bahay na rin. 10 yrs after naming maka-graduate sa college malayo-layo na rin ang narating. Dati-rati lang pag tapos ng klase eh sabay sabay kaming nag-aabang ng jeep sa Manila City Hall.
Pagtapos naming mag-dinner sa Greenbelt ay tumuloy pa kami sa The Fort. Kaunting inom ang mga boys. Inabot kami ng 2am. Kailangan na rin naming magpa-alam kasi Ting Hun pa ni BIL kinabukasan. Pero sila gumimik pa rin. Ibang klase pala… pa-umagahan pala ang mga trip. Dati sa design subjects kami napupuyat ngayon eh sa gimikan na, hehe.
At natural lang din na mabanggit sa usapan ang pinagtatalunang pagpapalit "daw" ng pangalan ng Mapua mula Mapua Institute of Technology sa Malayan University (o College?). Sa next blog na lang ang usaping ito at inaantok na ko *LOL*
Pero ang saya ng happenings namin 'no? Kaya nga marahil totoo yung latest survey na nagsasabing masasaya ang mga Pinoy. Mga simple joys na di kayang tapatan ng pera pero lubos na nakapagpapaligaya sa atin. Madami pang chika pero sa susunod lang ha at inaantok na talaga ko, hehe! Salamat sa pagbabasa kaibigan :)
Thursday, March 10, 2005
Food Poisoning
Buti na lang at slight food poisoning lang yung nangyari kay Labs. Sumama daw ang pakiramdam nya, nag-LBM at nag-suka. Kaya lang si Labs ayaw ng nag-aalala ako kaya pinaalam lang nya na na-food poison sya nung maayos na ulit ang pakiramdam nya. Tinanong ko nga sya kung paano sya gumaling. Uminom daw sya ng Chinese medicine at modern medicine. Natawa ako bigla kasi pati pala sa gamot eh 50-50 itong mister ko... akala ko sa dugo lang, hehehe!
Wednesday, March 09, 2005
BUWISit
Maingay ang usapin ng VAT dito sa Pilipinas ngayon. Naalala ko tuloy yung VAT episode ng The Correspondents.
Closing message ng show -- Dahil sa VAT... Ang mahihirap di na mapag-aaral ang mga anak. Ang middle class baka sa public school na mapag-aral ang mga anak sa susunod na pasukan. Pero ang mayayaman sa US pa rin mapag-aaral ang mga anak.
Pinakita ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mahirap, middle class at mayaman. Bigla akong napa-isip dun. Marami-rami talagang realizations ang dulot ng pag-stay namin dito ng matagal-tagal. Sabi ko nga para na rin akong nag-retreat. (1) Muli nakilala ko ang sarili ko... ang dating ako. (2) At sa mga panahong nais kong bumili ng mga branded items naiisip ko ang social responsibility ko. Kaka-guilty maging luxurious ang buhay samantalang ang iba ay di alam kung saan kukuha ng pambili ng basic needs ng pamilya nila. Kaya dalangin ko manatili sana ako at ang aking pamilya na simple at naway makatulong sana kami sa kapwa namin. (3) At shempre pa muli ang sobra-sobrang pasasalamat ko sa Diyos para sa mga biyaya Nya sa aming pamilya. Hayyy, tama na nga, naiiyak na naman ako :P
Saturday, March 05, 2005
May Blog na si Labs
Matagal-tagal ko na rin sya kinukulit na mag-blog. Oo daw basta ako lang ang makaka-alam ng URL. At ngayon nga ay may blog na sya :) Kakatuwang malaman mga nasa isip ni Labs. Ang galing ng pagkakasulat nya. At shempre pa ang galing ng takbo ng pag-iisip nya (love your own, hehe). Kakaiyak nga lang mga postings ni Labs pero nakaka-in love... mas lalu akong na-in love sa mister ko :D