mga kwento sa buhay buhay na na nakapag-patawa, nakapag-pasaya, nakapag-paiyak at nakapag-paisip kay lit coo
Monday, December 31, 2007
Rental Fee
Pataas na ng pataas ang rental fees ng bahay dito sa S'pore. Yung iba mga 50% increase. Laking pasasalamat namin sa Diyos dahil 4+ yrs na kami dito sa inuupahan namin pero di pa rin nagi-increase ang landlady namin.
Kahapon bumisita ang aming landlady. Nabanggit nya kay Labs (sila lang ni Labs ang madalas mag-kwentuhan kasi sa Chinese language ang usapan nila) na nagtaasan na raw halos lahat ng paupahan dito sa S'pore. Pero di raw sya magtataas (sana nga po Lord).
Kumikita naman daw sya. Kumikita rin daw kami. Ayos na daw yun sa kanya. (Wow! Ayos talaga kung ganun, hehe). Kung magi-increase man daw sya ng $100/month... bale wala din daw. Buti sa kanya bale wala lang ang $100/month.
At mahirap daw makahanap ng tenant na marunong mag-alaga ng unit. Salamat naman at natutuwa sya sa pag-alaga namin sa unit nya.
Pasalamat talaga kami sa kanya :)
Salamat din sa Diyos :)

Feast of the Holy Family
Every year natutuwa talaga ako kapag Feast of the Holy Family. Malapit kasi ang wedding anniv namin sa Feast na ito. Saktong-sakto tuloy ang Readings, ang Homily, ang celebration sa pagce-celebrate namin ni Labs ng anniversary :)
Saturday, December 29, 2007
Celebrating our 7th Year of Blissful Marriage
Side by side...
Year after year...
That's how I want our lives to be...
Happy 7th Wedding Anniversary Labs :*
Year after year...
That's how I want our lives to be...
Happy 7th Wedding Anniversary Labs :*
Tuesday, December 25, 2007
HBD Jesus
Merry Christmas everyone :)
And Happy Birthday Jesus :)
Whew! Ngayon lang natapos sa paglilinis. Pero masaya... masaya ang aming Noche Buena. Kasama naming nag-celebrate ang family ni Rommel (ang aming college kabarkada) at ang aming flatmates. 3 am na natapos ang aming celebration.
Di na kami umattend ng midnight Mass kasi 1230 pm bukas kakanta ang Benedictus Choir. Bukas na lang kami aattend ng Mass. Ay di pala bukas, mamaya na pala yun, hehe!

Wednesday, December 19, 2007
Homesickness
Dec 16 habang nasa Simbahan ay na-homesick si Kenkoy. Bigla na lang naluha at gusto na raw nya bumalik sa S'pore. Nami-miss na raw nya ang S'pore. Buti na lang pauwi na kami kinabukasan. Ma-senti itong anak ko. Manang-mana sa akin, hahaha!
Kinabukasan sa airport habang naka-queue kami ay biglang kumanta si Kenkoy ng national anthem ng S'pore. Homesick na talaga sya, hehe!

Kenkoy's conversation with Mama
Pagkadating namin ay tinanong ni Mama (mom-in-law) si Kenkoy kung ano ang pinag-aawayan namin ni Labs. Sabi ko wala naman (yung major wala... meron puro mga maliliit na bagay lang). Gusto daw nya malaman mula kay Kenkoy. Sagot naman itong si Kenkoy...
Kenkoy: They're fighting. (Isip naman ako kung ano kaya ang sasabihin ni Kenkoy. Pero curious ako sa isasagot nya kasi baka nga meron pala.)
Mama: About what?
Kenkoy: They're fighting... about... nothing.
Ayos :)

Bakasyon sa Pinas
11 Dec -- SG-MNL flight. Pagkadating namin punta agad kami sa tindahan ni Mama, sis-in-law & bro-in-law. Tapos kain sa Jollibee :)
12 Dec -- Christmas party/reunion kasama ang mga dating kong ka-trabaho sa unang kumpanya ng pinasukan ko. Nakarating sina Delia, Mareng Enid, Jojo & Pareng Ric. Nagkasama-sama kami nung 1996. Nakakatuwa lang at nagtagal ang aming pagkakaibigan. Ngayon halos magkukumare at magkukumpare na kami :) Sinama ko nga pala si Kenkoy sa reunion. Sinama din nila ang mga anak nila. Ang layo nga lang ng reunion... sa Alabang pa. Wala pa naman akong alam sa South. Nag-commute lang kami. Ayos naman at di kami naligaw. 6pm ang meeting time mga 5pm kami nakarating sa Alabang.
13 Dec -- reunion kasama ang W@W/N@W batchmates. Eto masaya din. 6 lang kaming dumating pero ang saya pa rin. Nakarating sina Benz, Kay, Melai, Pepel & Velvet. Walang humpay ang kwentuhan. Parang nasa forum pa rin kami pero live, hehe! Ayos ang discussions dahil iba't-ibang POVs. Nakakatuwa din dahil 7 yrs ago kami yung sabay-sabay na nagpa-plano ng wedding namin... hanggang sa maging newlyweds kami... at magka-baby... hanggang sa pre-schooler na ang mga anak namin. Yung isa nga sa amin teenager na ang anak nya. Biro ng isa malapit na daw maging lola. Sabi ko naman malapit na mabuo ang grannies-at-work (G@W), hahaha! 11 pm na ako nagpaalam sa kanila. Magii-Starbucks pa raw sila. Nauna na ako dahil nakakahiya sa in-laws ko. Ang mag-ama ko nasa bahay samantalang ako nasa lakwatsa, hwehehe!
14 Dec -- Nag movie date kami ni Labs, yipeee! Luma na ang movie na napanood namin pero ok lang kasi wala namang spoilers akong natanggap/narinig. Beowulf. 3D yung pinanood namin. Aliw na aliw si Labs, hehe! Ang ganda kasi feeling ko kasama ako dun sa scenes. May isang scene dun na may rat na papalapit... feeling ko nasa harap ko na... ewwwwwww... may fear pa naman ako sa mga rats. Php300 pala ang isang ticket. Naalala ko mga 3 decades ago Php5 lang bayad sa sine. Ang tanda ko na *LOL*
15 Dec -- Nagpunta kami sa Fun Ranch (sp?) sa may Pasig. Nauna na si Kenkoy kasama ang mga pinsan nya, Kuya ko, sis-in-law, sister at mommy ko. Sumunod na lang kami ni Labs. Commute lang ulit kami. Pinapahiram sa amin ni Kuya (bro-in-law) ang kotse nya. Turuan lang daw namin ang driver ng directions. Eh di rin namin alam papunta dun kaya sabi namin magco-commute na lang kami. Tapos gustuhin man naming mag-taxi eh puro puno naman. Ayun, nag-jeep, LRT, MRT tapos jeep ulit kami. Enjoy na enjoy ulit si Kenkoy sa Fun Ranch. Ang laking playground kasi, hehe! At shempre pa pinaka-enjoy nya ang train ride.
16 Dec -- Sa umaga dumalaw kami kay Amah at kay Papa sa Chinese cemetery. Pagkatapos dumiretso kami sa temple. Tapos umuwi muna sa bahay bago pumunta sa restaurant para i-celebrate ang 73rd birthday ni Mama (mom-in-law). Ang daming pagkain. Lauriat eh 3 lang ang lalaki tapos kaunti lang naman ang nakakain ni Kenkoy. Di namin naubos ang pagkain. Inuwi na lang. Pero ang crabs ay di nilubayan ni Labs, hehe! Pagkatapos ng dinner ay tumuloy kami sa Binondo Church para mag-simba. Dito na na-homesick si Kenkoy.
17 Dec -- MNL-SG flight. Sa umaga pumunta ulit kami sa unit namin. Pero aabot pa daw ng 4 weeks bago maibigay sa amin ang susi. Sa hapon dinalaw ulit namin sina Mama, sis-in-law & bro-in-law sa Divi Mall. Tapos kain ulit sa Jollibee bago umuwi, hehe! Ang dami nga lang street children. Ako pa naman yung taong save the best for last. Ayun nahingi ang strawberry sundae na may nata de coco (di ko alam ang tawag sa food kaya dinescribe ko na lang, hehe). Takam na takam pa naman ako sa sundae na yun. Ang sarap eh. Kaya lang nakonsensya ako kaya binigay ko na din. Ayun tapos sa gabi, flight na namin pabalik sa SG.
Hayyy, napagod ako :P
Pero masaya naman :)

6 days na lang Pasko na
Salamat naman at tapos na...
ang Christmas shopping.
ang Christmas parties.
ang reunions.
ang 1 week na bakasyon sa Pinas.
Kailangang matapos na rin...
ang tambak na labada :P
ang annual Christmas photo e-card
ng makapag-relax relax na at mai-celebrate ang tunay na diwa ng Kapaskuhan :)
*****
Utang po muna ang kwento tungkol sa bakasyon namin sa Pinas. Kailangan ko lang po makabawi ng lakas. Matutulog na po muna si Lit Coo ;)

Monday, December 10, 2007
Saturday, December 08, 2007
Astronaut
Usapan naming mag-ina kahapon...
Kenkoy: I want to be an astronaut when I grow up.
Lit Coo: That would be nice. You must be good in numbers.
Kenkoy: I know my numbers. 10... 9... 8...
Hahaha! Kala ata backward counting lang ang ginagawa ng mga astronaut, hee hee! Pero mas mataas ang pangarap ni Kenkoy kesa sa akin. Ako maging piloto ang isa sa mga naging pangarap ko. Kung sabagay libre naman ang mangarap :)

Thursday, December 06, 2007
Sobrang Busy
Last week sleep-deprived ako kasi ang aga ihatid si Ate sa church tapos sobrang gabi na susunduin. Mahirap para sa akin yun kasi night person ako kaya di ako sanay magising ng 5am-6am. Kung mag-nap man ako sa umaga eh half awake naman ako pag gising si Kenkoy. Sakit lang sa ulo ang aabutin ko.
Pero kakaiba din talaga na experience yun. Kung pwede lang bang tuluyang ampunin. Alam ko natuwa naman si Ate sa naranasan nya dito. Pinakanagustuhan daw nila ay yung musical play sa Esplanade.
Grabe pa nung Sabado. Christmas party ng NAW-SG, Christmas party din ng Benedictus Choir tapos yung concert pa ni Ate. Kapagod. Pero masaya naman. Eto pala ang picture ng NAW-SG sa nakaraang party...

This week naman busy para sa caroling. Ahmmm, di po ako kakanta (hehe). Bale, ang choir ang kakanta. At ang practice from Wed-Fri ay gaganapin daw sa... tadan... sa unit namin. Oh di ba, para kaming may pa-party every night. Kapagod. Pero masaya din.
At di pa ko nakakapamili ng pampasalubong/pamasko eh sa 11th na ang flight namin. Di pa rin kami nakakapagpa-family pictorial. Hayayay!

Monday, December 03, 2007
Pics with Ate & NAW-SG Kids
Uploaded na po pictures namin with Ate. Makikita po sa Friendster account ni Lit Coo. Makikita nyo na rin po dun ang latest pics ng NAW-SG Kids.
Salamat sa mga sisilip :)
Salamat sa mga sisilip :)
Subscribe to:
Posts (Atom)