mga kwento sa buhay buhay na na nakapag-patawa, nakapag-pasaya, nakapag-paiyak at nakapag-paisip kay lit coo
Thursday, December 28, 2006
Anim na taon na po kami
Friday, December 22, 2006
Photo Shoot
Salamat :)
Wednesday, December 20, 2006
Non-stop Raining
Sana tumila na ang ulan. Kakatamad kasing lumabas ng bahay pag umuulan.
Thursday, December 14, 2006
Next Scrapbook Albums
Christmas Album -- shempre pa dahil sa Kapaskuhan. Anim na Pasko ang backlog ko. Bukod sa pictures ay ang kwento ang isa sa pino-problema ko. Mahabang recollection ito. Mahirap kasi yung ibang detalye di ko na matandaan.
Kenkoy's Baby Book Album -- Ma-senti ito. Senti ang magiging mood ng album. Maraming kwento mula sa pagbubuntis, sa panganganak hanggang sa unang taon ni Kenkoy. Basta pag natapos ko ang journaling, sisimulan ko na talaga 'to.
Kenkoy's 1st Birthday Album -- ito parang madali kasi wala naman akong masyadong kwento pag birthday album. Kailangan ko nga lang pumili ng pictures. At malamang aabot ako ng 100 pictures. Ang tanda ko yun ang # of pics na napili ko dati at na-upload. Yun nga lang nawala ang pictures sa free online album na pinag-upload-an ko kaya pipili na naman ako.
Ano kayang uunahin ko? Baka yung pinaka-madali... 1st birthday album na muna para 1 down, hehe! Tapos baby book para maihabol ko as 5th bday gift para kay Kenkoy. Tapos ang Christmas Album... na dahil ang bagal ko gumawa eh baka abutin pa ng Christmas 2007, hehehe!
Exciting! Gusto ko na mag-scrap ulit :)
Photo Shoot
Kahapon...
Lit Coo: Take a bath now.
Kenkoy: Why? Where are we going?
Lit Coo: We are going to Sentosa.
Kenkoy: Huh? But I'm still 4 yrs old.
Natatandaan talaga mga sinasabi ko ;) Pero di kami natuloy sa Sentosa kasi hindi maganda ang panahon. Dun sana kami magpho-photo shoot.
Sa Vivo City at sa may bandang Parliament kami nag-kodakan. Masaya naman. Restricted nga lang ang options kasi weekdays lang kami pwede. Weekends kasi may pasok ako. Si Master naman may pasok pag weekdays kaya gabi lang ang match na sked. Tapos nagkataon di maganda ang panahon kagabi. Pero di bale enjoy pa rin naman kami sa shoot :)
At buti na lang pala natuloy ang photo shoot namin. Pag-uwi namin kagabi sabi ng boss ni Labs may business trip na naman daw si Labs next week. Wag lang sya aabutin ng Pasko dun kundi wahhhhhhhhhhh!!!
Monday, December 11, 2006
Sentosa IR
Genting-Star Cruises-Universal Studios ang nanalo, woohooo! Pang-manang ata talaga ang style ko pero at least nanalo ang proposal na gusto ko, hahaha!
Yung dalawa kasing designs parang futuristic na parang ewan... di ko feel :P
At tuwa ako sa proposal ng Genting... magkaka-Universal Studios Singapore na, weeeee! Yun nga lang sa 2010 pa, ah hehehe!
Ang pictures ng three bidders makikita sa link na 'to.
Sunday, December 10, 2006
Skin Color
Napag-usapan namin ni Kenkoy ang pagiging kayumanggi nya.
Lit Coo: Kenkoy, your skin color is brown.
Kenkoy: I'm not brown.
Lit Coo: You are brown.
Kenkoy: I'm not. I'm beige.
Hwehehe! Promise, natawa ko dun :P Ayaw talaga pumayag na kayumanggi sya. Feeling ni Kenkoy fair skin sya kasi karamihan ng classmates nya ay mas maitim sa kanya. Pag-uwi namin sa Feb at magre-reunion sa side nina Labs... mao-obvious ulit ang pagiging kayumanggi ni Kenkoy. Ang puputi kasi ng angkan ni Labs.
Story#2
Sa Lucky Plaza
May isang maputing Pinay ang balak bumili ng whitening soap. $10 ata yung napili nyang sabon. Nagdadalawang isip pero binili rin nya sabay sabi sa tindera ng "Pag ako di pumuti dyan ha."
Labs: May sasabihin ako sa 'yo.
Lit Coo: Ano?
Labs: Ang puti-puti na. Ano pa kayang gusto nun?
Lit Coo: Baka sakit na yun. Tingin nya sa sarili nya maitim sya.
May mga virginity soap (virgin soap?) din na tinda sa Lucky Plaza. Sabi ko kay Labs baka naman pag bumili sya ng virginity soap eh sabihin nya rin sa tindera na "Pag ako di naging virgin dyan ha."
Tamang kulit lang po, hehe!
*****
Linawin ko lang na wala pong kaso ang skin color sa aming pamilya. Wala po kaming preferred skin color. Napag-kwentuhan lang po ;)
Saturday, December 09, 2006
Stop Working
Pag-uwi ko. Tuwang-tuwa sya.
Kenkoy: Mama, stop working.
Lit Coo: Who will work?
Kenkoy: Only Papa.
Labs: *nakapikit pa... ayaw pa bumangon sa kama pero biglang napadilat ng marinig ang sinabi ni Kenkoy*
Ah hehehe! Tawang-tawa ko sa reaction ni Labs. Kitang-kita ko ang pagkakadilat nya kay Kenkoy, hehe!
Wednesday, December 06, 2006
Tuesday, December 05, 2006
Bo's Daily Reality TV Show in the Internet
http://www.preacherinbluejeans.com
inspirational=> reality tv show daily for all of us.
-----------------------------------------
Learn How To Receive God’s Daily Miracles For Your Life… You Can Already Watch Bo Sanchez’s Daily Reality TV Show, Preacher In Blue Jeans
Log onto
I’m going to shout this from the rooftops: God wants to work daily miracles in your life. Through my new and exciting daily TV show, Preacher In Blue Jeans, seen in http://www.preacherinbluejeans.com/, you’ll go with me around the world and see God’s miracles in my life and in the lives of people just like you. You’ll listen in on my conversations with successful people and how they started from the bottom like everyone else and how they rose to the top—and more important, how you can be blessed like them. And through this unique, one-of-a-kind TV show, Preacher In Blue Jeans, you’ll learn how to receive God’s daily miracles in your life as well. Our premier episode started November 1.
Monday, December 04, 2006
Fears
Di namin dini-discuss ni Labs kay Kenkoy ang condition nya. Ang advice ng pedia-cardio ni Kenkoy ay i-treat namin si Kenkoy na normal child. Sa ngayon daw ay wala pang treatment na kailangan. Maari daw ma-outgrow yun. Antayin daw namin hanggang mag-12 yrs old si Kenkoy. Kaya araw-araw kaming nananalangin at nagtitiwala na pagagalingin ni Lord si Kenkoy.
Pero mga 2 nights na na tumutulo ang luha ni Kenkoy pag hinihiling nya ang "Jesus, pls heal my heart." Tinanong ko sya kung bakit sya lumuluha. Ayaw pa raw nya mamatay. Marahil alam na nya na one of the major organs ang heart. Sabi ko pagpatuloy lang nya ang pagdadasal at magtiwala dahil pagagalingin sya ni Lord. Sa puntong ito ay naiiyak na rin ako. At kung may power lang ba ko na pagalingin sya ay 4 1/2 yrs ago ko nang ginawa yun.
Tapos iyak pa rin sya. Sabi ko bakit. Ayaw daw nyang iwan namin sya ni Labs. Wag daw kaming mamatay. Parehong-pareho ang fears namin ni Kenkoy.
Hayyyy, kung may kontrol nga lang ba kami kaso wala.
Sabi ko sa kanya "Stop crying. I don't want to see you crying. Whenever you're crying, I'm also crying inside."
Sagot nya "Let me see... let me see if you're crying *sabay sisilipin ang loob ng t-shirt ko* Ah hehehe! Nawala ang pagda-drama naming mag-ina.
Tagal naman kasing umuwi ni Labs. Nagiging mala-telenobela na tuloy ang buhay namin ni Kenkoy dito :P
Friday, December 01, 2006
Thailand Album

Whew! Natapos ko rin sa wakas ang ten 12"x12" layouts sa Thailand Album. May 5 layouts pa akong kulang. Yung 3 layouts puro pics lang yun. Baka simulan at tapusin ko mamaya. Pero yung dalawa pa, may journaling... pics naman ang wala, hahaha! Di ko pala naisama nung last time na nagpa-print ako ng pics kaya pending na lang muna.
Sobrang nag-enjoy kami nina Labs at Kenkoy sa trip na ito. Sa lahat ng aberya, ng mga natutunan at na-experience... kakaiba. Sabi nga ni Labs masarap bumalik. Masarap nga pero sa isip-isip ko wag na lang kasi marami pang ibang lugar na pwede naming puntahan at tuklasin, hehe! Tamang-tama ang 6 days... 2 days sa malls, 2 days sa tourist spots at 2 days sa hotel. Relax na relax kami. Bakasyon talaga. Sarap umulit *pero sa ibang lugar naman hehe* :)
Makikita po ang buong album sa http://community.webshots.com/user/*insert lit coo's yahoo id here* under Thailand Trip Album. Salamat :)