mga kwento sa buhay buhay na na nakapag-patawa, nakapag-pasaya, nakapag-paiyak at nakapag-paisip kay lit coo
Monday, September 25, 2006
Resign?? (Update)
Sunday, September 24, 2006
Resign??
Saturday, September 23, 2006
My Entry

Journaling reads:
It all started when we chose Singapore as our honeymoon destination. Labs right after our wedding seriously assumed his new role as a family provider & having a good financial mindset, decided to look for a job during our honeymoon. We arrived in Feb 2001. We had our precious time together in the morning & evening while he had his interviews in the afternoon. And guess what? Alan got a job offer on our 4th day! What a fantastic wedding gift from God, isn’t it?
5 ½ years ago Singapore was simply another foreign place but it quickly became our home. It is a place where it made our family closer... a place where great memories were made... a place where we felt contented & secured. Our family life really began here in a lot of ways. It is no exaggeration to say that we’ve had a blissful married & family life. And the best times we’ve had happened here.
Singapore. Forever we will thank God for bringing us here. We will always love this place. For this is where we know we’re home.
** talk shop
Orchard Rd
Great S'pore Sale
Lucky Plaza
Ikea
COmex
Suntec City
Plaza Singapura
Takashimaya
Paragon
United Square
Great World
** so much to see & do
Sentosa
Night Safari
S'pore Zoo
Merlion Park
Esplanade
Libraries
Museums
East Coast Park
West Coast Park
Birdpark
** celebrations
New year
Hari Raya Haji
Chingay
Vesak Day
NDP
Deepavali
Hari Raya Puasa
Mid-Autum Festival
Chinese New Year
Christmas Day
** eat, drink & be merry
mee goreng
popiah
bakuteh
hookien mee
chili crab
oyster omelette
lau pa sat
fish & co
swensen's
Friday, September 22, 2006
Layout Challenge
Challenge 1 - SINGAPORE, MY 2nd HOME!
We always scrap about our kids, our husband,friends,parties or events and we tend to forget to scrap the place we call our home.
So now it's time to give Singapore the page that it deserves. Cause we never know, next year or the year after, we might receive a call from somewhere (or down under) and we might have to leave SG for good.
Don't you want to remember what it's like living here?
So now grab a picture, yes any picture (kopitiam, hawker,the merlion) Whatever picture that will give you fond memories of your stay here when you look at your page!
Criteria:
1. Any picture that is uniquely singapore.
2. 12x12 LO (1 or 2 pages, your choice)
**(You can prepare your journalling in advance!)**tips on your journalling.
1. when did you come to singapore.2. changes that happen to you while in singapore.
3. fondest memory of your stay in singapore.
4. why do you like living in singapore.
5. when you think of Singapore, what comes first in mind.
Bukas post ko ang entry ko ;)
Wednesday, September 20, 2006
A Journey to the World Wonders
Mid Autumn Lantern Carnival at Chinese Garden. Tradition na namin ang pumunta sa event na ito. Although last year hindi sumama si Labs kasi nag-inarte (hwehehe).
Kaunti lang ang lanterns this year pero nag-enjoy pa rin kami. Maganda kasi ang panahon... malamig. At dahil kaka-open pa lang eh kaunti pa lang ang tao. Hindi katulad ng mga nakaraang taon na para kaming nasa Divisoria sa dami ng tao, hehe!
Eto mga pics (na pandagdag sa Lantern Festival Scrapbook Album namin... na kung saan 3 yrs na ang backlog ko, wahhhh... 2003 pa lang ang nagagawa ko, hayyyy).
Leaning Tower of Pisa...
The Great World Of China...
Blue Mosque...
Eiffel Tower...
Pyramid...
Lotus Fairy...
Di ko alam kung ano 'to *LOL* ...
Thursday, September 14, 2006
Kenkoy's B-day Request
Una kong naisip, pabor sa akin yung sagot nya kasi pag beach may accomodation na kami so airfare & meals na lang. Kaso ang mahal pala ng airfare papunta sa Koh Samui. Namamahalan ako kasi sanay ako sa presyong Budget Airlines, hehe! Kaya esep-esep na naman ako. May 2nd choice na pero kailangangan mapa-book na. Last time kasi fully booked na agad eh nagpa-reserve kami 5 months before. Ngayon 8 months pa... aagahan ko na para di makapag-dahilan yung travel agency na fully booked na naman, hehe!
Actually nasilip ni Labs ang pc ko. Naka-open yung currency converter. Panay compute-compute ko na naman daw. Sabi ko request kasi ni Kenkoy eh mag-beach sa bday nya. Sagot naman nya "Ba't ka ba plano ng plano. Eh kadali-dali naman ng request ng anak mo. Andyan naman ang Sentosa." Hahaha! Patawa 'tong asawa ko. Alam ko may punto si Labs... ang kaso lang... ayoko sa Sentosa, hehe! And besides, bayad na kasi yung accomodations. Sayang naman kung di namin gagamitin. Kaya gusto ko isabay sa special occasion :)
Rediscovery
May na-rediscover pala ako last Tuesday. Pagtapos mag-book ng flight ni Labs...
Lit Coo: Kelan alis nyo?
Labs: Feb 12
Lit Coo: HA??? Eh di Valentine's Day magkalayo tayo.
Labs: *tahimik ng ilang saglit* Gusto mo sumunod ka sa amin. Feb 14. Sunduin kita sa airport.
Awwww! Na-in love na naman ako, hehe!
Ang rediscovery ko: May romantic bone pala talaga sa katawan itong si Labs. Ine-expect ko na sasagot sya ng "Sus! Para Valentine's Day lang eh". Pero iba ang reply nya. Nire-recognize nya rin pala na special day ang V-day kahit pa sinasabi ng iba na commercialized na masyado ang V-day. Buti na lang may pagka-romantic si Labs. Mapalad ako, hehe!
Shempre pa ayoko magkalayo kami sa V-day kaya bakit pa ko susunod... eh di sasama na ko sa kanila ni Kenkoy :)
Wednesday, September 13, 2006
Korek Ka Dyan Anak
Ito ang pagkakataon na kwentuhan muna kaming mag-ina bago matulog. Dito kami nagkukwentuhan ng mga nangyari sa kanya sa school. Usually sa oras na ito ko rin iniisa-isa ang mga pangaral ko sa kanya sa buhay-buhay (baka nga nakukulitan na sa kin, hehe!).
Kanina inulit ko sa kanya yung mga naituro ko for the day. Pang-remind lang. Naalala naman nya. Tapos sabi ko tandaan nya yun lagi para lumaki syang smart. Para paglaki nya maging smart sya gaya ng Papa nya.
Conversation ulit namin...
Lit Coo: Remember that ok? So you'll be smart. You'll be like Papa.
Kenkoy: *medyo mataas ang tono ng boses... nage-emphasize ng punto nya* I'm not Papa. I'm Kenkoy!
Lit Coo: *natauhan bigla* Ah yeah yeah.. you're Kenkoy. You & Papa are different. You'll be smarter than Papa (hehehe, buti tulog na si Labs kaya di naka-react).
Buti na lang kino-correct ako nitong anak ko. Hindi nga pala sila pareho ng tatay nya. May sariling identity nga naman sya :)
Tuesday, September 12, 2006
Si Kulit-Gwapo
Lit Coo: Tigas ulo.
Kenkoy: Kulit-gwapo?? *naughty smile*
Lit Coo: No, tigas ulo only.
Kenkoy: But gwapo? *naughty smile*
Lit Coo: Tigas ulo.
Kenkoy: Gwapo. Gulo mo Mama.
Hwehehe! Talagang dapat kasama ang pagiging gwapo kahit na makulit o matigas ang ulo. Natawa na lang ako. Nakalimutan ko na tuloy kung bakit nga ba ako naiinis sa kanya.
Tuloy Na
8 days kami sa Pinas, wooohooo! Kaninong concert kaya magandang panoorin sa V-day? Makapagpa-book na rin (as if meron na). Ang aga eh 'no, nyahaha!
Monday, September 11, 2006
Bad Trip
Pero maiba muna ko ngayon. Nega muna itong entry ko. Magve-vent muna ko sa blog ko, hwehehe!
Lunes na Lunes na-bad trip ako sa ka-opisina ko. Sabi pa naman ng S'pore Manager namin tulungan daw ang new staff. I-share daw ang knowledge & experiences. Eh di sige, share naman kami (dalawa na lang kami actually na pioneer... apat na yung nag-resign sa batch namin). Ngayon sa newbies, may nakita akong mali na nagawa sa SOP. Possibleng di nila alam o baka nagkamali talaga sila. Eh di nag-email ako sa kanila na sinabi ko ang SOP. Hindi naka-cc mga bossing. Kami kami na lang. Eto na, nag-reply at koni-korek ako. Naka-cc na mga bossing (ng di ka ba naman maasar :P). Nagtanong sya sa S'pore supervisor. Nagkataon iba advice ng S'pore supervisor. Yung SOP kasi na sabi ko sa mga newbies advice naman yun ng Phil supervisor. Kala naman nya uurungan ko sya (yung Pinoy na baguhan, hehe). Reply ako ngayon sa S'pore supervisor. May-I-defend ako sa SOP na sinusunod namin but I ended my email with a suggestion. Reply ulit yung S'pore supervisor... nag-agree sa suggestion ko... nyahaha! At least nag-agree sa akin :)
Akala nitong bago kong kasama eh uurungan ko sya. Nakaka-init ng dugo. Madami na kasing instances yan. Di ko na iisa-isahin at hindi magandang i-detalye ko pa. Feeling ko ang hilig pumapel. Gusto atang maging Manager agad, hehe! Pwes, kanyang-kanya na at wala akong kainte-interest maging Manager.
Na-miss ko tuloy bigla yung mga dati kong ka-team mates. Dati kasi tulungan kami. Walang feeling boss. Ngayon may mga bwiset na! :P
Very supportive nga kami sa mga newbies. Kung ano alam namin tinuturo namin sa kanila. Ngayon bahala sila sa buhay nila. Kaasar talaga!
Pero ayoko ng negative vibes. Positive vibes na lang ulit. Ahmmm, malapit na Mooncake Festival. Craving for mooncakes ako. Ano bang masarap na brand? ;)
Tuesday, September 05, 2006
Labs conversation with Kenkoy
Labs: Kenkoy, next year you'll sing in the Church. Do you like to sing for Jesus?
Kenkoy: YES! (sabay kanta ng "Sing hosanna. Sing hosanna to the King! Sing hosanna." *paulit-ulit*)
Cutie! Mai-video nga minsan ;) Buti pa itong anak ko nasa tono kumanta. Buti na lang nagmana sa ama, hehe!
Malapit na rin matupad ang pangarap ni Labs na maging choir member si Kenkoy ;)
Sunday, September 03, 2006
RSAF Open House
Aerial Display. Ito ang pinaka-gusto kong part. Parang ang sarap maging pilot. Bumalik na naman ang pangarap kong makapagpalipad ng eroplano ;)

Pwedeng sumakay sa aircrafts... ang kaso lang... ang haba ng pila :P Wala kaming tyagang pumila kaya di namin na-experience makasakay sa iba't-ibang aircrafts. At ang daming pumunta. Parang lahat ng S'poreans nandun, hwehehe! Kaya lahat ng kuhang pics may mga extra na kung sino ;)

Pero enjoy sya. Enjoy lalu na kasi free :)