mga kwento sa buhay buhay na na nakapag-patawa, nakapag-pasaya, nakapag-paiyak at nakapag-paisip kay lit coo
Monday, December 31, 2007
Rental Fee
Kahapon bumisita ang aming landlady. Nabanggit nya kay Labs (sila lang ni Labs ang madalas mag-kwentuhan kasi sa Chinese language ang usapan nila) na nagtaasan na raw halos lahat ng paupahan dito sa S'pore. Pero di raw sya magtataas (sana nga po Lord).
Kumikita naman daw sya. Kumikita rin daw kami. Ayos na daw yun sa kanya. (Wow! Ayos talaga kung ganun, hehe). Kung magi-increase man daw sya ng $100/month... bale wala din daw. Buti sa kanya bale wala lang ang $100/month.
At mahirap daw makahanap ng tenant na marunong mag-alaga ng unit. Salamat naman at natutuwa sya sa pag-alaga namin sa unit nya.
Pasalamat talaga kami sa kanya :)
Salamat din sa Diyos :)
Feast of the Holy Family
Saturday, December 29, 2007
Celebrating our 7th Year of Blissful Marriage
Year after year...
That's how I want our lives to be...
Happy 7th Wedding Anniversary Labs :*
Tuesday, December 25, 2007
HBD Jesus
And Happy Birthday Jesus :)
Whew! Ngayon lang natapos sa paglilinis. Pero masaya... masaya ang aming Noche Buena. Kasama naming nag-celebrate ang family ni Rommel (ang aming college kabarkada) at ang aming flatmates. 3 am na natapos ang aming celebration.
Di na kami umattend ng midnight Mass kasi 1230 pm bukas kakanta ang Benedictus Choir. Bukas na lang kami aattend ng Mass. Ay di pala bukas, mamaya na pala yun, hehe!
Wednesday, December 19, 2007
Homesickness
Kinabukasan sa airport habang naka-queue kami ay biglang kumanta si Kenkoy ng national anthem ng S'pore. Homesick na talaga sya, hehe!
Kenkoy's conversation with Mama
Kenkoy: They're fighting. (Isip naman ako kung ano kaya ang sasabihin ni Kenkoy. Pero curious ako sa isasagot nya kasi baka nga meron pala.)
Mama: About what?
Kenkoy: They're fighting... about... nothing.
Ayos :)
Bakasyon sa Pinas
12 Dec -- Christmas party/reunion kasama ang mga dating kong ka-trabaho sa unang kumpanya ng pinasukan ko. Nakarating sina Delia, Mareng Enid, Jojo & Pareng Ric. Nagkasama-sama kami nung 1996. Nakakatuwa lang at nagtagal ang aming pagkakaibigan. Ngayon halos magkukumare at magkukumpare na kami :) Sinama ko nga pala si Kenkoy sa reunion. Sinama din nila ang mga anak nila. Ang layo nga lang ng reunion... sa Alabang pa. Wala pa naman akong alam sa South. Nag-commute lang kami. Ayos naman at di kami naligaw. 6pm ang meeting time mga 5pm kami nakarating sa Alabang.
13 Dec -- reunion kasama ang W@W/N@W batchmates. Eto masaya din. 6 lang kaming dumating pero ang saya pa rin. Nakarating sina Benz, Kay, Melai, Pepel & Velvet. Walang humpay ang kwentuhan. Parang nasa forum pa rin kami pero live, hehe! Ayos ang discussions dahil iba't-ibang POVs. Nakakatuwa din dahil 7 yrs ago kami yung sabay-sabay na nagpa-plano ng wedding namin... hanggang sa maging newlyweds kami... at magka-baby... hanggang sa pre-schooler na ang mga anak namin. Yung isa nga sa amin teenager na ang anak nya. Biro ng isa malapit na daw maging lola. Sabi ko naman malapit na mabuo ang grannies-at-work (G@W), hahaha! 11 pm na ako nagpaalam sa kanila. Magii-Starbucks pa raw sila. Nauna na ako dahil nakakahiya sa in-laws ko. Ang mag-ama ko nasa bahay samantalang ako nasa lakwatsa, hwehehe!
14 Dec -- Nag movie date kami ni Labs, yipeee! Luma na ang movie na napanood namin pero ok lang kasi wala namang spoilers akong natanggap/narinig. Beowulf. 3D yung pinanood namin. Aliw na aliw si Labs, hehe! Ang ganda kasi feeling ko kasama ako dun sa scenes. May isang scene dun na may rat na papalapit... feeling ko nasa harap ko na... ewwwwwww... may fear pa naman ako sa mga rats. Php300 pala ang isang ticket. Naalala ko mga 3 decades ago Php5 lang bayad sa sine. Ang tanda ko na *LOL*
15 Dec -- Nagpunta kami sa Fun Ranch (sp?) sa may Pasig. Nauna na si Kenkoy kasama ang mga pinsan nya, Kuya ko, sis-in-law, sister at mommy ko. Sumunod na lang kami ni Labs. Commute lang ulit kami. Pinapahiram sa amin ni Kuya (bro-in-law) ang kotse nya. Turuan lang daw namin ang driver ng directions. Eh di rin namin alam papunta dun kaya sabi namin magco-commute na lang kami. Tapos gustuhin man naming mag-taxi eh puro puno naman. Ayun, nag-jeep, LRT, MRT tapos jeep ulit kami. Enjoy na enjoy ulit si Kenkoy sa Fun Ranch. Ang laking playground kasi, hehe! At shempre pa pinaka-enjoy nya ang train ride.
16 Dec -- Sa umaga dumalaw kami kay Amah at kay Papa sa Chinese cemetery. Pagkatapos dumiretso kami sa temple. Tapos umuwi muna sa bahay bago pumunta sa restaurant para i-celebrate ang 73rd birthday ni Mama (mom-in-law). Ang daming pagkain. Lauriat eh 3 lang ang lalaki tapos kaunti lang naman ang nakakain ni Kenkoy. Di namin naubos ang pagkain. Inuwi na lang. Pero ang crabs ay di nilubayan ni Labs, hehe! Pagkatapos ng dinner ay tumuloy kami sa Binondo Church para mag-simba. Dito na na-homesick si Kenkoy.
17 Dec -- MNL-SG flight. Sa umaga pumunta ulit kami sa unit namin. Pero aabot pa daw ng 4 weeks bago maibigay sa amin ang susi. Sa hapon dinalaw ulit namin sina Mama, sis-in-law & bro-in-law sa Divi Mall. Tapos kain ulit sa Jollibee bago umuwi, hehe! Ang dami nga lang street children. Ako pa naman yung taong save the best for last. Ayun nahingi ang strawberry sundae na may nata de coco (di ko alam ang tawag sa food kaya dinescribe ko na lang, hehe). Takam na takam pa naman ako sa sundae na yun. Ang sarap eh. Kaya lang nakonsensya ako kaya binigay ko na din. Ayun tapos sa gabi, flight na namin pabalik sa SG.
Hayyy, napagod ako :P
Pero masaya naman :)
6 days na lang Pasko na
ang Christmas shopping.
ang Christmas parties.
ang reunions.
ang 1 week na bakasyon sa Pinas.
Kailangang matapos na rin...
ang tambak na labada :P
ang annual Christmas photo e-card
ng makapag-relax relax na at mai-celebrate ang tunay na diwa ng Kapaskuhan :)
*****
Utang po muna ang kwento tungkol sa bakasyon namin sa Pinas. Kailangan ko lang po makabawi ng lakas. Matutulog na po muna si Lit Coo ;)
Monday, December 10, 2007
Saturday, December 08, 2007
Astronaut
Kenkoy: I want to be an astronaut when I grow up.
Lit Coo: That would be nice. You must be good in numbers.
Kenkoy: I know my numbers. 10... 9... 8...
Hahaha! Kala ata backward counting lang ang ginagawa ng mga astronaut, hee hee! Pero mas mataas ang pangarap ni Kenkoy kesa sa akin. Ako maging piloto ang isa sa mga naging pangarap ko. Kung sabagay libre naman ang mangarap :)
Thursday, December 06, 2007
Sobrang Busy
Pero kakaiba din talaga na experience yun. Kung pwede lang bang tuluyang ampunin. Alam ko natuwa naman si Ate sa naranasan nya dito. Pinakanagustuhan daw nila ay yung musical play sa Esplanade.
Grabe pa nung Sabado. Christmas party ng NAW-SG, Christmas party din ng Benedictus Choir tapos yung concert pa ni Ate. Kapagod. Pero masaya naman. Eto pala ang picture ng NAW-SG sa nakaraang party...

This week naman busy para sa caroling. Ahmmm, di po ako kakanta (hehe). Bale, ang choir ang kakanta. At ang practice from Wed-Fri ay gaganapin daw sa... tadan... sa unit namin. Oh di ba, para kaming may pa-party every night. Kapagod. Pero masaya din.
At di pa ko nakakapamili ng pampasalubong/pamasko eh sa 11th na ang flight namin. Di pa rin kami nakakapagpa-family pictorial. Hayayay!
Monday, December 03, 2007
Pics with Ate & NAW-SG Kids
Salamat sa mga sisilip :)
Friday, November 30, 2007
Awaken to Love (an Advent Concert)
Nakakatuwa din kasi kalaro na ni Kenkoy yung ibang mga bata sa choir. At tuwang-tuwa naman si Kenkoy na mapanood ang Ate nya.
May inawit sila tungkol sa pagiging Pinoy. Ang mensahe ng awitin ay nagbibigay ng pag-asa para sa mga Pinoy. Kinilabutan ako. Muntik na ko mapa-iyak. Ang irony nga lang... habang kumakanta sila eh may coup na naman sa Pinas :(
Kung may time po kayo... nood po kayo ng concert.
01 Dec 2007, Sat. 8pm at St. Teresa's Church.
Bus #s: 61, 124, 143, 166
Enjoy & be blessed :) Kita-kits!
Tuesday, November 27, 2007
Nesting Instinct
Natatandaan ko parang a week before ko ipinanganak si Kenkoy nung ma-experience ko ito. 1 cm na ata ako nun. Pero talagang nilinis ko ang room ko... as in linis ng bintana (eh ang taas nun) at todo bunot pa ako ng floor. Di ko pinalinis sa iba.
Tapos kamakailan nga eh bigla na lang akong naglinis ng unit namin. May urge talaga na mag-linis, mag-organize at mag-decorate. Medyo kinabahan nga ako. Naisip ko ang nesting instinct. Alam kong hindi ako buntis pero naisip ko baka malapit na ulit akong mag-buntis.
Ayun pala darating si Ate ni Kenkoy. Ang galing talaga. Nesting instinct pala talaga yung naramdaman ko. Parang di pa rin ako makapaniwala sa mga kaganapan. Biniro ko nga si Labs na nakatakda ang itinakda, hwehehe!
Excited na ako. Parating na si Ate. Woohooo! Kakaibang Kapaskuhan ito para sa amin :)
Monday, November 26, 2007
A sister for Kenkoy
Tanong ko lang po...
-- Ano po ang hilig ng 10 yr old girl (limot ko na hilig ko nung ganung age)?
-- At paano po takbo ng usapan pag ganun ang age ng bata?
-- Ano kaya magandang pabaon namin for her? (hayyy, wala pa man din ay naiiyak na ko pag aalis na sya)
-- Any suggestions para maging memorable ang stay nya sa S'pore o sa family namin? (Taga-depressed area sya sa QC, btw. Sagot ng Parish ang punta nila dito. Isa sya sa kakanta sa Advent Concert on 01 Dec sa St. Therese Church).
Maraming salamat :)
Sunday, November 25, 2007
A dream come true - GK Tatalon ( TapA) Choir in Singapore!
Join us if you are free.
Dec. 1st, Sat. 8pm at St. Teresa's Church.
Bus #s: 61, 124, 143, 166
PM me for more infos. Thanks :)
-------------------------------------------
Dear Friends and family both in Singapore and in the Philippines!
Let me share with you this wonderful event..once a dream..but today made possible through the kindness and love of those in Singapore willing to share of their blessings with these children, who have bare scraps, compared to what most of us in Singapore enjoy...and often take for granted.
2 months ago whilst on mission in GK-Tatalon ,Quezon City, a depressed and congested are in Manila , also known as 'little Tondo', searching for a suitable location to bring the feeding -program for malnourished kids aged 2-7, I chanced upon a children's choir in the village community hall rehearsing for a special mass in the Cathedral, for which they had been invited to sing, being 'West B' champions, just 2months-old !
Their talent and passion so impressed me ( as a choral trainer myself) that it inspired me to create the possibility for them to visit Singapore and share their wonderful talent and music with us. This idea was adopted by the Liturgy Committee of the Church of St. Teresa's and together we gathered the 'dream-makers'... everyone pitching in a little making the dream a reality !
On Oct. 28th and Nov.3rd, I spent time with the GK-Tatalon Performing Arts ( TaPA- as they are now called) Choir as they reahearsed, under their dedicated trainer Peter Macrohon and supervision of the Youth Co-ordinator, Malou Salazar...and the transformation not only from a 2-month-old choral group to a full-fledged SATB Choir, but the beauty and quality of their performance was too amazing for words!!!...I simply cried and cried for Joy and felt so proud ..like these were my own children..and I thanked God for putting them in my life and granting us the privilege to share in the awesome wonder of 'Creation' !
We have scheduled only one performance, an Advent concert - 'Awaken to Love' - on Dec. 1st,Sat. 8pm at St. Teresa's Church. It would be truly wonderful if the choir had more opportunities to sing in other churches, private gatherings, or even Commercial offices, as they are well-rehearsed with a Chrismas Program and another for a Competition upon their return to Philippines.
The GK-TaPA Choir, aged 9-19 ( 27 members) and their 4 Chaperons will be here from the 27thNov - 3rd. Dec.,.and will be hosted in St. Teresa's Church and with families from the community.
I invite you..to "awaken to love".. to help us generate new possibilities for these children, who are on mission to share their culture and heritage thru' songs, to create awareness and support for the sakes of their younger siblings who do not yet have a 'pre-primary school' in their village...we can be a blessing to them. This is an opportunity for our children to welcome 'Jesus' and to extend the hand of friendship !
I look forward to hearing from you..and feel free to share this email and invite all your friends and families to St. Teresa's on Dec.1st.for an amazing experience!
God's blessings and love,
Aileen Ong /Yeo
Saturday, November 24, 2007
Eroplano
Friday, November 23, 2007
Trains
Para rin palang sa bulak sa mga bote ng gamot/vitamins... filling material ulit!
Ang reaction ni Labs nung sinabi ko sa kanya ang sagot ay...
"Fillings... nothing more than fillings."
Nyahaha! Hangkulet! Mas maganda sana kung hindi sa YM ang usapan namin para talagang kakanta pa yun, hehe!
Thursday, November 22, 2007
New Layout
3 pa lang ang 1st cousins ni Kenkoy. Sa side ko yun. Sa side ni Labs, wala pa. Sa layout kasama ni Kenkoy ang dalawa sa tatlong pinsan nya. 4 months old pa lang kasi ang bunso... di pa makasama sa gimmick, hehe! Pero lalaki na si bunso kaya 2 boys, 2 girls na silang magpi-pinsan.
Di ko lang ganun ka-gusto ang output ko ngayon kasi wala akong journal. Hindi talaga kumpleto ang layout para sa akin pag walang journaling. Di bale, pag naka-compose ako idagdag ko na lang at gawin kong hidden journaling.
Trains
Lit Coo: Wow! Very nice. Do you want to be an Engr?
Kenkoy: Yes!
Lit Coo: Do you know what is an Engr?
Kenkoy: No.
Hwehehe! Hanglabo din kausap nitong anak ko.
Tapos binanggit ko kami ng Papa nya ay engineers. Pero ECEs kami. Pang CE ang nagde-design sa mga train tracks.
May tanong nga pala si Kenkoy sa akin ng minsang nasa MRT kami. Bakit daw ba may mga bato sa train tracks? Eh di ko masagot kaya magri-research muna ko, hehe! Ang una kong naisip ay para sa friction. Pero di kasi ako sumasagot ng hindi ako ganun kasigurado dahil natatandaan nya ang mga sagot ko. Eh baka mali pala ang nasa isip ko. At saka pag sinabi kong friction tatanong naman kung ano ang friction. Baka masagot ko ng friction is equal to the coefficient of friction times the weight of the object. Nyahaha! Tapos shempre may follow up question pa ang batang yun. Physics 101 na 'to *LOL*
Monday, November 19, 2007
Iwan Ulit
9 am ang flight ni Labs papuntang Brunei. 30 Nov ang balik nya. Dapat mas matagal ang business trip nya pero sabi nya sa boss nya hindi pwede. Hindi pwede kasi may Christmas Parties *LOL* Parehong 01 Dec pa naman ang party ng NAW-SG at Benedictus Choir.
Christmas Shows
Dora Live Musical Show
It's Happy Best Friends Day, explore the value of friendship this Christmas with Dora & Boots.
Date: 23 Nov - 09 Dec
Showtimes: Tue-Fri, 1pm & 7pm; Sat-Sun , 1pm, 4pm & 7pm (no shows on Mondays)
Where: United Square
Spongebob & Squarepants Meet & Greet
Date: 23 Nov - 09 Dec
Showtimes: 2pm & 5pm (daily except Mondays)
Where: United Square
Noddy Saves Christmas
Date: 24 Nov - 09 Dec
Showtimes: 1pm & 5pm (daily except Mondays)
Where: Forum Basement 1 Atrium
Paki-correct na lang po kung may errors. At kung meron pang ibang shows sa ibang malls, pa-inform din po. Salamat :)
Ang isang maganda dito sa S'pore pag ganitong Christmas season ay ang mga ganitong shows sa mga malls. Excited na si Kenkoy makita si Dora. Sabi nya malaki daw ang plane ni Dora kasi malaki si Dora, hehe! At sasabihin nya daw "Hi Dora! I'm Kenkoy!" :P
Saturday, November 17, 2007
Telecommuting
At dahil wala akong mai-kwento tungkol sa akin... magkukwento na lang ako tungkol sa buhay ng ibang tao :P
Work at home ang set-up ng trabaho ni Labs. Mga 3 yrs na rin na telecommuting si Labs. Nung isang araw may tele-conference sila ng boss nya at ibang kasamahan sa trabaho. Biro nya sa akin "Teka, magsu-suit muna ako. May business meeting kami." Nyahaha! Gaya ng dati, benta ulit ang joke ni Labs. Eh kasi naman naka-pambahay sya nun (T-shirt & shorts lang) *LOL* Di bale, hindi naman naka-webcam. Hehe!
Friday, November 16, 2007
Ring Bearer
Tuesday, November 13, 2007
42 days before Christmas
Nadiligan ko na yung dating Christmas tree namin. Lumaki na sya. 6 ft na sya ngayon *wink* Pero kulang pa ng tree decors at ng star, hehe!
Bonding Moment
Pero ayun pagkatapos mag-bonding kagabi eh kanina sabi ng boss ni Labs ay may business trip ulit si Labs. Sa Brunei naman sa Monday na... two weeks ulit... wahhhhh!
Sunday, November 11, 2007
Take and Receive
Based on the Prayer of St. Ignatius of Loyola
Music: Felipe Fruto Ll. Ramirez, SJ
Take and receive, O Lord, my liberty.
Take all my will, my mind, my memory.
All that I have, You have given all to me.
Now I return it to be governed by Your will.
Just say Your word to me, at once I will obey.
Your love is wealth enough for me, all else will I forego.
Thursday, November 08, 2007
May Pera sa Basura
At totoo pala na may pera sa basura (o kalat). Nakakita ako ng Php1,000 sa ang pao, yahooooo! May nakasingit pa palang pera, hehe!
Thank you Lord :) Parang may sweldo ako sa araw na 'to, hehe! Sabi ni Labs ang pao nya daw yun. Ang sagot ko naman ay "Finders Keepers", hehe! Pero ang sa totoo ay wala sa aming dalawa ang may-ari nun. Kay Kenkoy yun. Bigay ni Mama (MIL) kay Kenkoy yung ang pao.
Monday, November 05, 2007
awkward situation turned into a funny moment
Tapos ayun nung pumunta sya dito, kita-kits. Sabi nya hindi raw ata sya nakapunta sa kasal namin ni Labs. Ako alam kong hindi namin sya naimbitahan. Inaabangan ko kung paano sasagutin ni Labs yun. Sabi ni Labs "Oo nga, wala ka. Teka, imbitado ka ba?" Sabay tawanan na kaming lahat.
Wala lang. Bigla ko lang naalala yung incident na yun. Parang ako kasi di ko alam kung paano ko kaya iha-handle yung ganun na hindi nga pala namin na-imbita sa kasal.
Take and Receive
Based on the Prayer of St. Ignatius of Loyola
Music: Felipe Fruto Ll. Ramirez, SJ
Take and receive, O Lord, my liberty.
Take all my will, my mind, my memory.
All that I have, You have given all to me.
Now I return it to be governed by Your will.
Just say Your word to me, at once I will obey.
Your love is wealth enough for me,
all else will I forego.
Saturday, November 03, 2007
Homemaker??
lit coo: what do you mean? country? singapore
friend: work o bahay?
lit coo: ah... i work at home... am a homemaker
friend: ano ba work mo?
lit coo: homemaker nga... taga linis ng bahay...
friend: ano yun?
lit coo: taga alaga ng bata at asawa... taga laba... taga plantsa :D
friend: hindi ko alam yun eh
friend: siguro laki sweldo
lit coo: walang sweldo... walang holiday... 24/7 :D
friend: eh di magresign ka na
lit coo: LOL... hindi pwede
friend: ganun
lit coo: i made a vow
friend: hahahahha
lit coo: sa kasal namin
Hwehehe! Grabe, natawa ko sa takbo ng usapan namin ;)
Btw, girl yung friend ko. Married na rin with 2 kids. Ngayon lang siguro nya nalaman yung tawag na homemaker... sanay siguro sya sa tawag na housewife. Ako mas gusto kong tawagin akong homemaker kesa sa housewife. May difference yung dalawa. Para sa akin, malaki ang kaibahan ng "home" sa "house". Parang pag homemaker, may dignidad. At kadalasan kasi pag ginamit ang salitang housewife laging karugtong ang "lang". Ano ba yun... bakit "housewife lang"? Hello! Hindi "lang" yun. Kaya ako pag tinanong... "Homemaker ako", ang taas noong sagot ko. :)
Friday, November 02, 2007
Very Rewarding
Congrats Labs! Congrats sa Benedictus Choir! Happy ako para sa inyo :)
Josephine
Ang galing nila. Napahanga ako. Naalala ko tuloy bigla ang pangarap ko na magka-orphanage. Yung ilang bata lang tapos hands-on ako sa pag-aalaga sa kanila. O kung parang impossible yun, kahit isang bata lang. Sana bago ako pumanaw matupad din yung pangarap ko na yun.
Natutuwa lang din ako sa school namin (St. Joseph's College, QC... yung katabi ng St. Luke's Hospital... yung maroon ang uniform, hehe). Exclusive school for girls yun pero hindi kakikayan ang naituro sa amin ng eskwelahan na yun. Naipasa sa amin ng St. Jo ang values/prinsipyo (at kung ano man ang tawag dun) ng aming patron saint na si St. Francis of Assisi. Proud akong maging isang Josephine :)
*****
Wala pong error dyan. St. Joseph po talaga name ng school namin pero ang patron saint ay si St. Francis (hehe).
Wednesday, October 31, 2007
Happiness in Life
Naalala ko tuloy ang Desiderata (na pina-memorize sa amin nung HS). Nabanggit sa poem "If you compare yourself with others, you may become vain or bitter; for always there will be greater and lesser persons than yourself." Sabi ko na lang huwag nya i-compare ang buhay nya sa iba kasi hindi talaga sya magiging masaya pag laging may comparisons.
Medyo nagulat lang ako. May ganun palang epekto ang pagsilip-silip sa Friendster profiles ng iba.
Convo with Kenkoy/Labs
Kenkoy: When I grow up I'll choose a wife.
Lit Coo: Choose a good girl.
Kenkoy: Yes.
Lit Coo: What is a good girl for you?
Kenkoy: Ganda. (ah hehe, lalaki talaga)
Tapos inisa isa ko qualities ng good girl/wife (sa pananaw ko, hehe). Tinanong ko ulit sya kung ano ang good girl. Sa dami dami ng sinabi ko may natandaan naman sya -- "Goes to Church... prays to Jesus" :)
Usapan naman namin ni Labs nung Linggo habang nasa bus stop...
Sabi ni Labs sya daw ay hindi tumitingin sa panlabas na anyo. Ang sabi ko naman sa kanya "Hindi naman kaya iniinsulto mo ako nyan." Hwehehe! Pero binibiro ko lang naman sya. Hindi naman ako insecure sa buhay, hehe! At ang sabi nya mas sa character daw sya tumitingin, secondary na lang ang physical beauty (naks... pang beauty contest ang sagot ng mister ko *LOL*). And few days bago namin mapag-usapan ito ay nabasa ko sa journal nya -- "I'm happy because I have a beautiful, sexy & loving wife." Sabi ko sa kanya eh nangangarap ata sya. Aba, at tumawa. Mukhang ina-acknowledge ang sinabi ko. Loko rin 'tong mister ko ;)
Extended pa
Sunday, October 28, 2007
Ang Bilis ng Panahon
Next week dapat matapos ko ang paglilinis.
Pagtapos nun ay ?? (basta ?? na muna... sinulat ko lang to remind myself, hehe).
At pagtapos ang mga scrap/craft projects naman. Dumami na ng dumami ang backlog ko (6 LOs & 3 albums). Dami kong gustong gawin. Hayyy, sana magka-time na ako. Miss ko na mag-scrap.
Iwan ulit
5S pa din at kung bakit hindi ako shopaholic
Nabanggit na rin ang pamimili. Maraming naaaliw sa pagsha-shopping pero ako wala talagang hilig sa shopping (except scrap-shopping, hee hee). Tingin ko kaya ganun dahil pinalaki akong basics lang ang gamit. At lagi kong naaalala ang kapatid ng mommy ko na pari. Minsan binigyan ni Mommy ang Tito ko ng shoes. Thank you na lang daw dahil may (1 or 2 pairs of) shoes pa naman daw sya. Di ko makalimutan ang incident na yun. Humanga talaga ako sa Tito ko. Kaya ngayon ganun din ako. Basics lang. Yung kailangan lang. Si Kenkoy ganun din. Sabi namin sa kanya ang bibilhin lang namin ay yung kailangan nya kaya hindi mahilig magpabili si Kenkoy. At kung meron man syang gustong-gusto, bibilhin namin yun pero prize nya yun kung maganda grades nya o/at kung good boy sya. Kahit kailan ay hindi ko naman naramdaman na deprived ako kahit na basics lang ang ibinigay ni Mommy, Daddy at ng step-dad ko. Feeling ko super-blessed pa nga ako sa buhay :) Sana ganun din ang nararamdaman ni Kenkoy.
O di ba... ang layo ng narating ng kwento ko, hahaha!
Thursday, October 25, 2007
Liquid Handwash vs Bar Soap
Para pala sa mga tulad kong abnormal ang frequency ng paghugas ng kamay (hehe) ay hindi advisable gumamit ng liquid handwash. Ang nails, nagiging soft masyado. At masakit sa kamay. Kaya eto balik ako sa bar soap :P
Wednesday, October 24, 2007
Big Art Attack
Sabi nya yung sky blue fleece blanket ay sky. Yung lampin ay clouds. Yung Nemo pillow ang sun. Yung isa pang fleece blanket ay waves daw yun tapos may fish. Then yung Mickey Mouse pillows ay sea shell & star fish. (Ang lahat ng materials na ginamit nya ay mga bagay bagay na available at nakita nya sa bed namin.)
Naaliw ako sa imagination nya kaya shempre picture picture para mai-scrap ;) Kakatuwa din kasi parang yung Big Art Attack ni Mr. Neil Buchanan eh di naman nya napapanood yun kasi wala naman kaming cable channels na pambata.
Tuesday, October 23, 2007
San Nga Ba?
Parish -- napamahal na sa amin ang Parish namin. Nakakadalo kami sa mga Church activities. Kakilala namin ang mga Pari at ganundin ang mga parishioners. At si Labs ay masayang nakakapagsilbi bilang choir master. Dito din ang Catechism class ni Kenkoy tuwing Sabado.
Neighbourhood -- sa HDB man kami nakatira ay pinalad kaming magkaroon ng mababait na kapitbahay. 4 yrs na rin ata kami dito sa tinutuluyan namin. Nakakatuwa at naging ka-close na namin ang mga kapitbahay. Kabatian na ni Kenkoy ang mga Uncles at Aunties. Lagi pa syang may prutas at cookies mula sa kapitbahay :)
Mga Kaibigan -- na mula sa simula ay nakasama namin dito. Na naging ka-Pamilya na rin :)
Security -- nung time na nagdi-discern kami, yung kaibigan ng choirmate ni Labs ay sumakabilang buhay sa Pinas. Umuwi yung kaibigan para sorpresahin ang tatay nya pero hindi na sya nakabalik sa S'pore. Bakit? Nabaril dahil sa away trapiko. Ang buhay parang ganun ganun na lang *tsk tsk* At kamakailan, ang Glorietta bombing. Oo nga, wala namang kasiguraduhan sa buhay pero iba pa rin yung nabubuhay na napa-praning at sa nabubuhay na "medyo" panatag ang loob.
Gov't -- maaasahan ang gobyerno dito. Parang kasabay mo sila sa pagpaplano ng kinabukasan mo at ng pamilya mo.
Mahirap pumili. Dilemma talaga. Pero ngayong may pasya na kami, naway pagpalain ni Lord ang aming desisyon :)
Saturday, October 20, 2007
5S
Sabi sa link sa itaas ito daw ang 5S:
Seiri - Put things in order
(remove what is not needed and keep what is needed)
Seiton - Proper Arrangement
(Place things in such a way that they can be easily reached whenever they are needed)
Seiso - Clean
(Keep things clean and polished; no trash or dirt in the workplace)
Seiketsu - Purity
(Maintain cleanliness after cleaning - perpetual cleaning)
Shitsuke - Commitment
(Actually this is not a part of '4S', but a typical teaching and attitude towards any undertaking to inspire pride and adherence to standards established for the four components)
Natutunan ko ito sa first company na pinagtrabahuhan ko. Japanese company kasi yun. Pag lipat ko sa BayanTel pina-practice din ang 5S.
Buti naman at na-5S na ni Labs ang workplace nya. Hindi ko mapakialaman ang gamit nya kasi hindi ko alam kung anong documents ang kailangan nya at kung ano ang pwede na itapon. Buti sinipag-sipag si Labs at maayos ayos na ang workplace nya ngayon :) At sa wakas nakabili na rin ng paper shredder kaya mas napadali ang lahat.
Naayos ko na din ang pagkaka-file ng mga important documents. Napa-isip ako dahil nung pumanaw si Amah ay may mga documents na kailangan. Tinulungan ko sis-in-law ko sa paghahanap. Grabe, circa 70's pa yung document na kailangan namin. Iba na ang kulay ng mga papel (kasi hindi acid-free, hahaha at malambot na). Hindi namin alam kung saan naitabi ni Amah. Buti na lang nakita ko yung kapirasong papel na hinahanap namin.
Habang naghahanap tuloy kami ni Ate ay tumatakbo sa isip ko na dapat ayusin ko na ulit ang mga documents namin ni Labs. Para kung ano man ang mangyari ay hindi mahihirapan ang maghahanap.
Dapat na talaga magtapon ng mga hindi kinakailangan. Medyo marami pa akong dapat i-5S dito sa bahay pero at least nakapag-umpisa. Sana magtuloy-tuloy.
Friday, October 19, 2007
Graduation Ceremony
Nakakatuwa ang mga bata. At saka hindi kailangang perfect ang performance. Parang allowed silang magkamali dahil bata pa naman... at yung pagiging candid ang mas nagpapa-cute sa palabas ;)
Akala ko hindi na makakasama si Kenkoy sa palabas. Ang tagal kasi nyang nag-absent dahil 9 days kami sa Pinas. Nakakatuwa din si Kenkoy kasi kahit hindi sya ang bida... todo perform pa rin... at hindi nahihiya :) Sa part ng section nila, si Kenkoy ang huling aalis ng stage. Aba ang loko, feel na feel ang big crowd. Nagkakakaway. Feeling sikat, hahaha! Tawa tuloy ng tawa mga tao. Showbiz talaga ;)
Nakakatuwa din ang mga magulang. Lahat stage parents, hehe! At ang mga bata kitang-kita sa mukha nila ang kasiyahan sa pagpe-perform pag nakita nila ang parents nila.
Hindi ko naranasan ito nung nag-aaral pa ako. Hindi ko na naabutan ang daddy ko. Ang mommy ko naman hindi mahilig pumunta sa school pag kailangang pumunta ang magulang. Ewan ko kung bakit. Pero nakasanayan ko na ang ganun. Kaya sa tuwing may honor ako... pag-akyat sa stage, ako lang mag-isa. Sayang hindi ko nakita ang saya at pagka-proud ng mommy ko. Di bale, ngayon nasilayan ko naman ang ligaya ni Kenkoy sa pagpe-perform sa school :)
Retirement / Time Management
Pag tanda ko kaya pwede pa rin akong mag-scrap? Sana. O malamang ang gagawin ko sa buhay ay titigan ng paulit-ulit ang mga scrapbooks namin at mag-emote, hahaha!
Sabi ni Labs, sya daw hindi mauubusan ng pwedeng gawin kung saka-sakaling magre-retire na sya sa trabaho. Naniniwala ako dun. Sa pag kanta at pagturo sa choir. DVD marathons. Magbasa. Ang dami nga nyang gusto at pwedeng gawin.
Ako parang hindi mauubusan ng mga dapat gawin at ng mga gustong gawin... ngayon. Pagkagising sa umaga, prepare ng almusal. Asikaso kay Kenkoy para sa school. Pag tapos linis ng bahay. Tanghalian na. Hugas ng kinainan at pinaglutuan. Laba, sampay. Maya maya lang dadating na si Kenkoy from school. Pakakainin. Iinom ng gatas. Tapos magpoo-poo yun. Laro laro. Aral aral. Tiklop ng sinampay. Maya maya lang dinner time naman. Hugas na naman ng kinainan at pinaglutuan. Patutulugin si Kenkoy. Once a week plantsa. Linis din ng toilet & bathroom. Nakakapagod. Bago pa makapag-blog at email ay hatinggabi na. Dami ko pang backlog sa scrapbooking. Gusto ko ring pag-aralan ang photography. Miss ko na rin ang Smallville marathon. Ang Heroes, ang House di ko pa nasisimulan kahit isang episode. Hayyyyyy, kulang talaga ang 24 hrs a day sa akin. Kailangan ko na talaga matuto ng time management. Paturo nga po ;)
Wednesday, October 17, 2007
Phuket Album
Next project: Kenkoy's 5th Birthday Album or 2008 Calendar. Grabe, parang kakagawa ko lang ng 2007 Calendar ngayon year 2008 naman. Ang bilis ng panahon.
Birthday Wishes
Sana umabot ka ng 100 years old... higit pa kay Amah. At sana magka-baby girl kayo. Mula sa aking mom-in-law nung maka-usap ko sya sa phone. Sa ngayon hindi ko alam kung gusto kong umabot sa ganung edad pero yung 2nd wish... sana nga baby girl kasi girl din ang gusto ni Labs pero kung boy ok din kasi baby brother naman ang gusto ni Kenkoy. Pero hindi pa po ako buntis, hehehe. Nangungulit lang ulit si Mama ng isa pang apo dahil nag-iisang apo pa rin nya si Kenkoy.
At isa sa mga paborito kong wishes kahit na cliché ay ang happiness, good health & prosperity. Parang kumpleto na kasi ito :)
Muli sa lahat ng mga nakaalala, maraming maraming salamat sa bday greetings at bday wishes.
Saturday, October 13, 2007
34th Birthday Celebration
Sa Tony Roma's kami nag-dinner. Nakakatuwa at maaasahan na talaga si Kenkoy sa kodakan. Ayun, may picture ulit kami ni Labs na magkasama :) Nai-post ko na rin sa Friendster ang bday pics.
At may pahabol na gift si Labs... Nokia 6288 :) Bago kami pumunta sa restaurant ay naisipan nyang bumili ng hp. Sira na kasi keypad nung old hp ko. Parusa na mag-sms, hehe! Umabot din naman ng 4 & 1/2 yrs yun. Actually, Nokia 2630 ang pinili ko... yung pinakamura sa mga options. Kasi pantawag, pang-sms, calendar & alarm clock lang naman ang concern ko. Hindi naman ako particular sa ibang features. Si Labs naman ang pinili ay Nokia 6288. Sa pictures & features lang namin tiningnan. Nakalimutan naming i-check ang dimensions. Nung naka-order na kami... kinalabasan mas gusto ni Labs ang Nokia 2630 kasi ang nipis. Ayun palit na lang kami. Sayang nga eh kasi triple ang price ng 6288 compared sa 2630. Sana pala dalawang 2630 na lang ang binili namin... nakatipid pa.
Sa kabuuan ay masaya ang aking kaarawan. At maraming maraming salamat ulit sa lahat ng mga bumati. Naging mas masaya ang aking kaarawan dahil sa lahat ng mga nakaalala :)
Friday, October 12, 2007
Maraming Maraming Salamat
Maraming salamat sa mga bumati (bukod kina Labs at Kenkoy, hehe)...
sa YM: Benz, Kiko, Maan, Joy, Simply Me, Ary, Mabel, Kathy, Ate Yeyeh, Melai
sa EMAIL: WengC, Ellen, Marilyn, Cel, JJ, Nora, Bea, Tessa, Jenros, Myla, Airees, Jen Ng
sa FRIENDSTER: Xands, Orange, Anna, Allan, Lito, Ramil, Sharon, Fiel, Joy (ulit, hehe)
sa SMS: Rose, Ramil, Mylin, Lyza, Lanie, Jojo, Kuya Jun, Nini
sa TAGBOARD: Salme, April
at higit sa lahat sa mga tumawag.
At para sa mga hindi pa nakaka-alala may kasama ng gift bukas, hahaha! Bigay ko na rin kaya ang wish list ko, hehehe! Joke lang po :)
Hayyy, tamang kulet na naman ako. Ang kukulet din kasi ng mommy at mga kapatid ko... naging kulit mood na naman tuloy ako :)
Thursday, October 11, 2007
Natapos din

Paki-check na lang po ang URL ng aming online album sa aking Friendster blog or if ever online ako, paki-click ang aking YM status message para ma-view ang album.
Salamat :)
Nakakatuwa pala yung kwento tungkol sa journaling na "TIMELESS MOMENTS". Gagamitin ko talaga yung title na yun pero di ko pa alam kung saang part ng layout ko sya ilalagay. Pagkagupit ko ng rub-on dun sya nalaglag sa picture. Nagandahan ako kaya dun ko na nga final na inilagay ang title :)
Wednesday, October 10, 2007
Phuket Album
12" x 12" ang album. At ang sea shells na ginamit ko as embellishment ay kinolekta namin ni Kenkoy sa isang beach sa Phuket.
Maraming salamat kay Simply Me dahil malaking tulong ang sketches na binigay nya sa akin. Salamat din kay Charmed sa pagre-resize ng pictures para mas makatipid sa printing cost.
Eto po pala ang cover page...
Ang link para ma-view ang album ipo-post ko po sa aking Friendster blog pag kumpleto na ang album.
Salamat :)
Thursday, October 04, 2007
Saan Nga Ba?
Tinatanong namin si Kenkoy at baka sakaling matulungan nya kami sa pagde-decide. Naku, mas lalung humirap. Kung dati rati ay hands down na S'pore ang vote nya, ngayon ay gusto na nya pareho ang Pilipinas at ang S'pore. Naiinis sya pag tinatanong namin... mahirap daw pumili.
Sa Pinas kasi nandun ang mga mahal namin sa buhay. Parang gusto ko sanang makasama namin sila. Hindi natin masasabi kung hanggang kelan lang ba kami o sila dito sa mundo. Ngunit sa Pinas, lagi ka namang mapa-praning dahil sa taas ng crime rate. Mataas din ang corruption, mabagal ang daloy ng traffic at kaunting ulan lang ay baha na.
Dito naman sa S'pore ay panatag ang loob kahit sa hating gabi. Hindi zero crime rate pero mababa lang ang rate. May sistema sa halos lahat ng bagay. Yun nga lang sobrang taas na ng gastusin dito at malamang ay tumaas pa.
Nawi-weirduhan siguro ang iba sa amin. Karamihan nga naman ay gustong umalis ng Pinas samantalang kami nag-iisp na bumalik sa Pinas.
May nabasa ako mga bandang 1993-1994... natutunan ko na sa mga panahong mahirap mag-desisyon ay kinakailangang pag-isipan ng maigi; ipagdasal ang discernment process; makipag-usap, makinig at alamin ang gusto ni Lord. Ang tao daw ay binigyan ng utak para mag-isip. Binigyan din tayo ng free will ni Lord. Ngayon pag tapos ng discernment at may final decision na tayo, ipagdarasal ulit at ipapaubaya kay Lord ang final decision. Gusto daw ni Lord marinig mula sa atin ang ating mga kahilingan. Ika nga "Ask, and it shall be given you; seek, and ye shall find; knock, and it shall be opened unto you." At may tatlong pwedeng sagot si Lord -- yes, no or wait.
Naaalala ko tuloy ang karamihan sa mga answered prayers ni Lord sa buhay ko. Yun ang mga bagay bagay na pinag-isipan ko talaga, pinag-desisyunan, inasam at pinagdasal kay Lord. Eto ang mga bagay bagay na dumaan sa discernment process. Kaya naman sobra ang saya pag dumating na ang sagot ni Lord.
Ngayon nasa discernment process ulit ako/kami. Kailangangang mag-isip, timbangin ang mga bagay-bagay, tumahimik at makinig sa sinasabi ni Lord sa amin.
At dagdag kaalaman para sa mga gustong malaman kung ano nga ba ang Spiritual Discernment... copy-paste ko lang mula sa http://www.spirithome.com/discrnmt.html
"Spiritual discernment : calling on the Holy Spirit to lead or give direction on a matter. It is how the Spirit shows the church or its people what God wants them to do and be.
There is discernment of :
gifts,
spirits,
actions,
intents,
the spirit of the times we live in.
Discernment is more than just a skill. Discernment is a gift from God before it is anything else. Yet there are clearly skills you put to use in using your gift, and you can become better at it through training and experience.
Discernment is more than just a process. Even for the most 'material' or 'nitty-gritty' matters, there is a Spirit at work nudging us, leading us, even pulling us by the nose ring. Even for the most 'spiritual' matters, there are disciplines, methods, processes, means, and tools which the Spirit can work through to help us discern rightly. Discernment isn't usually a sudden zap from beyond, but something which emerges from hard work.
Learn to discern. Yearn to discern."
Ngayon ko lang na-realize matagal na pala akong hindi nakakapag-discern para sa isang major decision. Na-miss na ata ako ni Lord kaya binigyan Nya ako ng isang bagay na dapat i-discern ulit, hehe!
Monday, October 01, 2007
11 days to go
Oks lang naman sa akin na hindi kami matutuloy sa HK. Wala rin kasi ako sa vacation mood. Nanghihinayang lang ako sa airfare... galing kasi sa sweldo ko yun :P Sayang. Sana binili ko na lang ng eternity ring o kaya ng scrapbook materials.
Hindi bale, maganda naman ang birthday gift ni Labs. Binilhan nya ako ng pang-iron ng buhok :) At may ilang scrapbook materials/tool din na kasama. Nakabili na rin ako ng screws sa Pinas. Wala na kasing space sa anim na 12x12 albums namin. Ngayong may mahabang screws na ako ay kasya na ang lahat ng layouts sa albums :) Panahon na para gumawa ulit ng layouts, hwehehe!
Sunday, September 30, 2007
Pamilya Kulit
Anyway, pagtapos ng inspection ay tumuloy kami sa Megamall. Malapit lang kasi yung condo sa Megamall.
Kinulit ni Labs ang mga sales ladies sa SM. At dahil pareho kami ng frequency ni Labs ay saluhan kami sa mga punch lines. Tawa tuloy ng tawa yung mga sales ladies. Ang saya daw ng pamilya namin. Panay tawanan daw siguro kami :)
Pagsamahin ba naman ang parehong makulit eh di ayos ;) Pati tuloy si Kenkoy may comic timing na rin... manang mana, hehe!
Culture Shock pa din
Bihira akong manood ng Chinese movies na may ganitong eksena sa kwento. Hindi ko rin napanood ang Mano Po series at di ko masyadong inintindi ang Crying Ladies. Kaya naman paglipas ng halos labing tatlong taon (anim na taon bilang bf-gf at pitong taon bilang mag-asawa) ay na-culture shock pa din ako.
Medyo mahirap para sa akin yung mga seremonyas. Bukod sa hindi ako nakakaintindi ng Chinese language ay iba ang aking paniniwala. Naiilang ako sa tuwing magsisindi ng insenso, lumuhod at mag-bow. Pero ginawa ko na rin dahil alam kong may masasabing hindi maganda kung saka-sakaling hindi ko gagawin yun. Ayoko ring maipit ang asawa ko sa akin at sa mga kamag-anak nya. At naalala ko rin na bago kami maging mag bf-gf ni Labs ay tinanong nya ako kung ok lang sa akin na Fil-Chi sya (hindi ko masyadong matandaan ang eksaktong tanong nya pero parang ganyan). Ang alam ko lang ay preferred ng pamilya ni Labs na Fil-Chi din ang makaka-relasyon nya. Ang akala ko ganun lang yun. Pero hindi lang pala basta ganun lang yun. Isang parte ito ng relasyon namin na medyo mahirap para sa akin at marahil para rin kay Labs. Mahirap dahil hindi ito ang kinalakihan ko... hindi ito ang paniniwala ko. Ganunpaman, alam ko nung mga panahong yun na mahal ko si Labs... at mahal ko ang lahat lahat sa kanya... hanggang ngayon hindi nagbabago yun. At sa aming dalawa ni Labs ay maayos naman ang samahan namin. Nagkakaintindihan naman kaming dalawa.
Eto pala kami... ang immediate family ni Amah... naka-all white. Pero si Kenkoy naka-red. Nire-represent daw ni Kenkoy ang joy ni Amah... kasi naabutan ni Amah ang apo nya sa tuhod.
Ang bahay, appliances at sasakyan sa susunod na buhay ata. Pasensya na at hindi talaga ako familiar sa Buddhism.
Eto naman ang mga papel na nagsi-simbolo ng pera. May shape din na gold. Natutunan ko pareho kung paano ang paggawa ng pera at ng gold. Ang daming ginawang ganito... ilang plastic bags na malalaki. Ang mga dumadalaw ay nakikitulong din sa paggawa. Magiging busy ang lahat sa pagtitiklop at paggawa nito.
Nabanggit ni Kenkoy na gusto nya raw ang Church ni Labs. Akala ata nya simbahan yung funeraria. At aliw na aliw sya sa mga pagba-bow. Tuwang-tuwa naman mga kamag-anak ni Labs at nasunod nga daw si Kenkoy. Ewan ko lang din sa paglaki ni Kenkoy kung paano na nga ba. Pero sabi ni Labs ay malamang na maging Katoliko dahil sa Catholic Church naman kami nagsi-simba tuwing Linggo at sa Catholic school naman nag-aaral si Kenkoy.
Eto na lang po muna. Sa susunod na araw naman ang iba pang kwento.
Saturday, September 29, 2007
Choir Practice
*****
Sa wakas na-upload din. Ang tagal ko inantay ang uploading ng unang video... inumaga na ako tapos failed. Hindi ko napansin ang note na 100MB pala ang limit, wahhhhh! Kaya pumili na lang ako ng maikling video. Buti nag ok na.
Friday, September 28, 2007
Utang muna ang mga Kwento
Tambak ang labada... tambak ang mga dapat gawin. Madami ding iniisip... at madaming dapat pagdesisyunan. Pero gaya ng nabanggit ko, kuha muna ako ng lakas para magawa ko ang lahat ng dapat gawin.
Matutulog na muna ako ng maaga ngayon at sana bukas maisingit ang pagba-blog.
Ngunit bago ko tapusin ang blog entry na ito... gusto ko lang i-share na masaya ako ngayon :) Kung dati rati para akong baliw na sasaya tapos malulungkot (dahil sa madalas ako tamaan ng depression)... ngayon masasabi kong ok na ako... masaya na ulit :)
HBD Daddy
Happy birthday po ulit. Sana masaya ka :) We love you.
Wednesday, September 19, 2007
We seek prayers for Amah
It is a very difficult time for our family as we have just lost a loved one. Kindly pray for the repose of the soul of Amah (paternal grandma). She died around 9:50 pm of Sept 18.
Labs was able to see his grandma before she died. Kenkoy & I will travel to PI tomorrow morning. I was hoping we can still see Amah alive but God has His own plans.
Your thoughts & prayers are greatly appreciated.
Thanks,
Lit Coo, Labs & Kenkoy
*****
Ngayon ko lang nalaman ang news. Kaka-sms lang ni Labs.
Tuesday, September 18, 2007
Byahe
At si Kenkoy marunong na mag-hila ng luggage nya, hehe! Hindi ko matandaan kung na-kwento ko na ito pero nung huling uwi namin sa Pinas noong February, hila hila ni Kenkoy ang luggage nya. Narinig namin yung comment ng isang ale -- "Tingnan mo yung bata. Ang liit liit dala dala ang bag nya. Ang gwapo... mana sa tatay." Si Labs ngiting-ngiti, nyahaha!
Tapos sa immigration sa Pinas, naaliw kay Kenkoy yung immigration officer kasi nga dala dala nya ang sariling luggage. Hinanap ang passport nya. Binigay naman ni Kenkoy. Ininterview sya... ano daw pangalan at edad... sagot naman. Kala mo mag-isang nag-travel. At feeling jetsetter, hwehehe!
Monday, September 17, 2007
Difficult Time
Nasa critical condition si Amah (ang paternal grandma ni Labs). Pakisama naman po sa inyong dalangin si Amah. Si Lord na po ang nakakaalam kung ano ang makakabuti.
Maraming salamat.
Friday, September 14, 2007
EB with Cathee
Umattend kami kanina ni Labs ng eyeball (EB). Na-miss ko ang ganung klaseng EB... yung first time na magmi-meet talaga. At nakakatuwa pag W@Wies/N@Wies ang nag-EB kahit first time magkita-kita ay parang ang tagal ng magkakakilala... chika galore, hehe!
Pati mga anak namin kala mo tagal ng magkakilala. Sa Food Republic kami kanina. Made of glass yung sa side ng Orchard. Yung isang N@Wie natakot at baka mahulog daw ang mga bata. Sabi ko wag sya mag-alala at na-compute na sa design ng building ang strength of material nun. Tawa sya, hehe! Eng'r din daw ba ako. Comp Eng pala sya. ECE naman ako ;)
At naalala ko tuloy ang mommy ko. Noong unang beses na umattend si mommy ng N@W EB, tanong nya kung paano ko nakilala ang mga N@Wies. Sabi ko nakilala ko sa internet... kasabayan ko sa wedding preps. Gulat na gulat ang mommy ko kasi close na close ang mga N@Wies eh sa internet lang daw pala kami nagkakilala, hehe! Palibhasa wala pang internet nung kapanahunan ni mommy ;)
Thursday, September 13, 2007
Future
Monday, September 10, 2007
Videos
Yung isa kumakanta daw sya ng Chinese song. Di ko alam kung totoong Chinese song kasi di ko naman naiintindihan at saka parang paulit-ulit lang, hahaha! Pero kung totoo nga, eh natutunan nya yun sa Chinese class nya.
Ang pangalawang video naman ay gawa gawa nya lang yung kanta. Mahilig kasi itong ikanta kung ano ang nararamdaman at kung ano ang kwento nya. Sana nga lumaking singer at song writer ;)
Kung meron mang interesadong makita ang videos, paki-search na lang po. Ang name ng nag-upload same po sa Yahoo ID ko. O kaya paki-PM na lang ako para ma-share ko ang links.
Salamat :)
New Layout about Me
Ang hirap pala mag-share ng layout ng tungkol sa sarili. Parang sa mangilan-ngilang tao lang ako comfortable na i-share yun. At feeling ko sumasagot ako ng slumbook, hehe! Pag lipas kaya ng ilang taon at nabasa ko ang mga pinagsusulat ko ngayon sa scrapbook ko ay matatawa o mahihiya (at mababaduyan) din kaya ako gaya ng reaksyon ko pagkabasa ko sa mga slumbooks na sinagutan ko nung grade school ako? Yan ang aking aalamin ;)
Pero ok din talaga ang scrapbooking. Naa-assess ko ang buhay ko.. ang mga pangarap ko... ang mga paniniwala ko. Mas nagiging meaningful ang buhay. Mas sumasaya ang buhay :)
At yung set of Qs na sinagutan ko ay tinanong ko din kay Labs. Nakakatuwang malaman kung ano ang mga nasa isip ni Labs. At sa aming Q&A ay akala tuloy ni Kenkoy ay nire-review ko ang Papa nya (hawak ko kasi yung paper na kung saan nakasulat ang mga tanong. May hawak din kasi akong papel pag nire-review ko si Kenkoy). May exam din daw ba ang Papa nya, hehe!
Si Kenkoy naman ay nakagawa ng kanyang 1st scrapbook layout para sa kanyang kaibigan. Tinatapos ko kasi ang aking layout para sa kaibigan nya eh sya din daw gagawa. Iniyakan nya pa yung picture na gusto nya. Ayoko kasing ibigay dahil nagupit ko na... napili ko na para sa layout ko. Yun din daw ang gusto nyang picture. Pero binigay ko na rin sa kanya. Pumili na lang ako ng ibang pictures. Nakakatuwa... pinapili ko sya ng papel tapos pumili sya ng embellishment. At dinikit nya ang photo at embellishment sa papel. Sayang lang di ko na-picturan ang kanyang 1st layout.
Ayun, naging bonding moment na ng aming pamilya ang scrapbooking, hee hee :)
Thursday, September 06, 2007
Langgam
Ginawa ko din dito. Nilagyan ko rin ng tubig. Buhay ang langgam. Nakakatawid sila.
Sabi ng flatmate namin "Ibang klase... pati langgam dito sa S'pore ay competitive."
Ako naman ang naisip ko "Siguro malinis talaga ang tubig dito. Sa Pinas madumi ang tubig kaya namamatay ang langgam."
Hwehehe! Kayo ano ang theory nyo?
Gaya Gaya Puto Maya
Naranasan nyo na ba na may kakilala o kaibigan kayong feeling nyo eh ginagaya kayo? Sabi nila "Imitation is the highest form of flattery." May pagkakataong nakaka-flatter. Pero may mga pagkakataon din naman na nakaka-inis na.
Naasar talaga ako sa mga gaya-gaya. Nagtataka lang ako kung bakit kaya gusto nila ng may kagaya. Eh ako nga ayoko ng may kagaya. Mas gusto ko yung naiiba.
Sensya na. Vent lang ako sa blog ko. Nakakainis lang.
Tuesday, September 04, 2007
I Feel Good
Kanina nakatanggap ako ng Friendster message mula sa isang kaibigan/HS classmate. Kung ano ang nilalaman ng email, mababasa po sa blog ni Xands(paki-click na lang ang name ni Xands).
Sobrang natuwa ako. Hindi po ito mutual admiration club pero noon pa man ay talagang mataas na ang paghanga ko sa husay ni Xands sa pagsusulat. Spontaneous sya kung mag-compose ng poem (mapa-Tagalog man o English)... para bang sumusulat lang ng mag-isa ang ballpen, hahaha! Idagdag pa na sya ang Salutatorian namin nung HS. Kaya naman sobrang natuwa akong malaman na naaaliw sya sa mga sinusulat ko. Napakanta ako bigla kanina ng "I feel good... so good..." :)
Sa totoo lang, medyo insecure ako sa mga magagaling mag-English. Pero wala na akong oras para mag-maintain ng blog na English... i-check ko pa ang grammar ko at kung anu-ano pa. Susulat ko na lang kung ano ang gusto kong isulat sa maikling panahon na meron ako kaya eto ang resulta -- Tagalog ang gamit ko.
Nakakatuwa lang talaga. Sa lahat ng mga naaaliw kay Lit Coo, maraming maraming salamat. Sana nga marami pang kakulitan ang mangyari sa buhay ko/namin para lahat tayo ay masaya lagi :)
Kulitan na! :)
Monday, September 03, 2007
Paper Flowers
Kagabi may kailangan akong gawin kaya lumabas muna ako ng bedroom. Pagbalik ko sa room nakita ko si Kenkoy ginalaw na naman ang mga scrapbook materials ko. Mainit na nga ulo ko... muntik ko na masigawan... medyo kinalma ko na lang ang sarili ko at tinanong ko kung ano ang ginagawa nya sa mga "toys" ko.
Ang sagot nya...
"Flowers for you Mama."
Awwwwwwwwwwwwww! Nawala ang init ng ulo ko, hehe! At eto po ang flowers na gawa nya...
*****
Tag ko na rin na backlog ko ito sa scrapbook para di ko makalimutan *wink*
All About Me Album
Excited ako sa first layout dahil sa wakas girly layout ang gagawin ko. Asus! Kahirap pala. Parang sa sobrang excited ko na magamit ang flowers at malagyan ng ribbon ang layout eh nagkandaloko-loko. Hindi ko nagustuhan ang unang output ko. Ayun, kailangan kong ulitin yung isang portion. Ulit na naman sa pag-cut ng papers, sa pag-stitch at sa paglagay ng flowers. Mainit na ulo ko kasi ilang oras na ako sa isang layout lang. Pero mabuti naman at nagustuhan ko na ang output pagkatapos maremedyuhan.
Aliw ako sa layout na ito dahil sa stitching at dahil nagamit ko din ang isang font based sa art lettering na bigay ni Labs. Pangarap ko na mag-improve pa ako sa art lettering.
This week may isang layout pa ulit ako na gagawin para sa All About Me album. Ito naman ang pa-challenge ni Simply Me para sa kanyang scrap party. Di ko pa nasisimulan ito. Kahit journaling wala pa. Bahala na ulit si Batman.
At ang isa ko pa palang na-realize sa paggawa ng album na ito ay halos wala pala akong solo picture. Wala man lang magka-interest kuhanan ako ng picture. Magpapa-pictorial pa ata ako nito, hehe, joke!
Saturday, September 01, 2007
Teachers' Day 2007
Sayang lang at late na ng maisip kong mas maganda pala kung si Kenkoy ang nag-sign ng name nya. Tulog na kasi sya nung ginawa ko itong choco wrappers. Sana nagustuhan ng teachers ni Kenkoy ang munting pasasalamat :)
Wednesday, August 29, 2007
Napagod ako dun...
Pagkauwi ko tiningnan na ni Labs yung kitchen namin. Clogged kasi yung sink. Nung nasa Seychelles pa sya sabi ko papa-check na sa tubero. Wag daw. Antayin daw sya at titingnan nya.
Naayos naman ni Labs *clap clap clap... plus 1,000 pogi points, hehe* Mga 3 inches ang diameter ng pipe. At naubos ang 750 grams ng drainage cleaner. Ang hirap pala maging tubero. Napagod ako dun. Ako kasi naglinis lahat pagkatapos matanggal ni Labs yung bara. At kung mahina hina lang ang sikmura mo eh babaligtad talaga at maduduwal ka. Buti na lang cowboy kami ni Labs, hehe!
Akala ko pa naman magagawa ko na ang gift para sa teachers ni Kenkoy. Hayyyyyyy... nawala ang lakas ko. Napagod talaga ako. Eh bakit nagba-blog pa ako kung pagod na ako? Nag-blog muna ako habang inaantay ko na matapos ang labada ko.
Sana naman bukas ay makapag-scrap na ako.

