Showing posts with label Travel. Show all posts
Showing posts with label Travel. Show all posts

Saturday, September 15, 2012

HK Trip Dilemma

Balik tanaw: A Spoiled Surprise

Good news: Kenkoy passed his audition. Makakasali sya sa choral competition in HK. 1st overseas competition/performance/field trip nya. Sobrang excited ako for him. And very proud as well sa achievement nya (kahit di pa nananalo, achievement na for me). Sabi ko nga sa kanya 10 yrs old ang 1st overseas trip nya alone. Ako, 22 na ata ako nung naka-travel ako mag-isa sa Japan.

Bad news: Di na tuloy ang HK family trip namin :( We gave up our trip to support Kenkoy. Ang laki ng damage eh. Walang subsidy kasi hindi kami S'pore citizens. Pero kung S'pore citizen, 40% lang ang babayaran. Oh well. Anyway, wineigh namin yung experience, knowledge & confidence na mage-gain ni Kenkoy kaya go na rin sya kahit ang mahal. Yun lang sayang yung HK air tickets namin. Non-refundable eh :(

Ang hirap pag desisyunan nito :(


Monday, July 16, 2012

A Spoiled Surprise

Hayyyy! Ang pinaka-iingatang surprise of the year ay nasira na.

May Winter Choral Festival kasi ang choir nina Kenkoy sa HK Disneyland sa Dec. Yung last day nila sa HK, yun naman ang arrival date namin sa HK. Plus November pa lang ay uuwi na kami sa Pilipinas for holiday. Conflict sa sked.

Tapos $1,650 ang cost. Pag S'porean, 60% subsidized ng school. Eh hindi naman kami S'poreans. Nadismaya tuloy si Kenkoy. Gusto nya sumama. Gusto nya makapunta sa HK.

Kaya ayun, para di malungkot sinabi ko na tuloy na pupunta kami sa HK sa Dec din at may tickets na kami dati pa. Kainis lang. Gusto ko sana makita reaction nya pagpunta namin sa HK kaso wala na... wala ng surprise.

Anyway, gusto ko rin sana syang makasama sa choral festival. Shempre kakaibang experience yun lalu na 10 yrs old pa lang si Kenkoy. Nakakatuwa kung makakasali sya sa international competition.

Sana kasama rin sa 60% subsidy ang Permanent Residents. Pag nagkataon na 40% lang ang babayaran namin ay papayagan namin syang sumama.

Sana... sana po, Lord, makasama si Kenkoy. Sana ma-experience nya ang makapag-ibang bansa kasama ang choirmates nya at sana manalo sila sa competition. Maraming salamat po :)


Monday, February 20, 2012

40th Birthday Celebration

Balik tanaw: Plans Approved blog entry.

Eto na naman ako sa pagpapantasya sa aming 40th birthday celebration ni Labs. Next year pa naman pero excited na ako. Pumayag na si Labs. May napagkasunduan na ring destination. May isang kundisyon lang si Labs -- hindi kasama ang mga bata. Gusto nya bonding time naming mag-asawa at para mas relaxing.

Nalungkot naman ako dun :( Gusto ko talaga makasama mga bata. Pero sige, pumayag na rin ako. Iniisip ko na lang na bihira lang naman kaming magkasama ni Labs na kaming dalawa lang. Enjoy enjoy na lang lalu na first time namin pareho sa aming pupuntahan.

Excited na talaga ako. Sana makakuha kami ng great deal. Sana maganda ang panahon. At sana walang magkakasakit.


Tuesday, February 07, 2012

Booked

Nakapagpa-book na ng plane tickets for our annual trip to Manila. Yipeeee! Thank you, Labs. And thank You, Lord!

Na-book na rin ang plane tickets for our holiday trip. 10th birthday gift/celebration dapat namin ito for Kenkoy pero naiba ang plans. Christmas gift na lang namin para sa dalawang Kenkoy.

Zoo party na lang for Kenkoy. Yun ang pinili nya over Wild Wild Wet party. Sana magustuhan nya ang celebration nya.

Sana rin mag-enjoy buong pamilya sa Dec. Wala sanang magkasakit. Wala sanang aberya. Maganda sana ang panahon. Please Lord. Bihira lang po kami mag-travel. Grant us a wonderful & memorable trip. Maraming salamat po.


Wednesday, December 28, 2011

Legoland Malaysia

Nag-post ng photos sa FB ang isang kaibigan namin. Legoland Florida. Naalala ko bigla na magkaka-Legoland Malaysia nga pala sa end of 2012. Saglit na lang yun. Yehey!

#exciting


Wednesday, November 02, 2011

New Budget Airline

Magkaka-budget airline na para sa medium-to-long-haul flights, yayyy! Sana ito na ang magdadala sa amin sa Europe, America, Africa, Japan, Australia at New Zealand. Sana nga hindi na masyadong magastos mag-travel. Pangarap kong makita ng aking pamilya ang mundo ;)

Mababasa ang news dito -- Scoot!


Friday, July 29, 2011

Philippine Airlines' Fly Asia Pass

Para sa mga mahilig mag-travel... Philippine Airlines' Fly Asia Pass

Sana annual thing na ito. Sana next year meron ulit o kaya sa 2013. Sana magka-travel-all-you-can din ang S'pore Airlines. At sana affordable. (Ang daming sana, haha!)

Thursday, December 23, 2010

Fundacion Pacita

Dito kami nag-stay sa Fundacion Pacita sa Basco, Batanes. Ang ganda-ganda. Sa loob at labas man ng suite, lahat maganda. Pati ang bathroom, ang ganda. Very relaxing. Parang gusto kong maligo na lang buong maghapon, haha!

Napakaganda ng Batanes tapos palangiti at malumanay pa magsalita ang mga Ivatans. Ang saya-saya ng getaway namin ni Labs. Masakit man sa bulsa ay masasabi kong sulit naman. Hindi ako nagsisising ito ang pinili kong puntahan kesa sa South Korea na isa sa pinagpilian namin para sa okasyong ito.


view from our suite



Premium Terrace Suite


toilet


bathroom

Wednesday, December 22, 2010

Tuesday, December 21, 2010

Monday, December 20, 2010

Friday, November 16, 2007

Ring Bearer

Wala kaming plano na mag-travel sa 2008 pero di pa man din natatapos ang 2007 ay di na pala mangyayari yun. Kanina ay kinuha si Kenkoy para maging ring bearer. Suki talaga si Kenkoy na maging abay. Pang-apat na nya ito. Nakakatuwa din naman dahil sa dinami-dami ng bata sa Pinas eh napipili pa rin si Kenkoy na syang wala sa Pinas :) Magastos nga lang. Halos taon-taon ba namang mag-abay sa kasal. Ang isa pa dun ay matataon sa 13th bf-gf anniv namin ni Labs ang flight namin. Magkalayo tuloy kami :( Di na kasi sasama si Labs. Kami na lang daw ni Kenkoy ang umuwi. Pero 3-4 days lang naman kami. A-attend lang talaga ng Kasal. May pasok din kasi si Kenkoy.

Monday, October 01, 2007

11 days to go

11 days na lang 34 years old na ako :) Sa HK dapat ang celebration namin. March ako nag-book ng plane tickets. Pero di na kami matutuloy dahil sa recent event. Bawal daw sa amin mag-attend ng parties within 100 days. And for the first time in 13 yrs ay hindi ako naka-red sa birthday ko :P

Oks lang naman sa akin na hindi kami matutuloy sa HK. Wala rin kasi ako sa vacation mood. Nanghihinayang lang ako sa airfare... galing kasi sa sweldo ko yun :P Sayang. Sana binili ko na lang ng eternity ring o kaya ng scrapbook materials.

Hindi bale, maganda naman ang birthday gift ni Labs. Binilhan nya ako ng pang-iron ng buhok :) At may ilang scrapbook materials/tool din na kasama. Nakabili na rin ako ng screws sa Pinas. Wala na kasing space sa anim na 12x12 albums namin. Ngayong may mahabang screws na ako ay kasya na ang lahat ng layouts sa albums :) Panahon na para gumawa ulit ng layouts, hwehehe!

Tuesday, September 18, 2007

Byahe

Bukas na ang flight namin. Sana nga safe ang aming byahe. Sana maganda ang panahon bukas. May isa pala akong na-realize, ang sarap mag byahe kapag pre-schooler na ang anak... kaunti na ng bagahe :)

At si Kenkoy marunong na mag-hila ng luggage nya, hehe! Hindi ko matandaan kung na-kwento ko na ito pero nung huling uwi namin sa Pinas noong February, hila hila ni Kenkoy ang luggage nya. Narinig namin yung comment ng isang ale -- "Tingnan mo yung bata. Ang liit liit dala dala ang bag nya. Ang gwapo... mana sa tatay." Si Labs ngiting-ngiti, nyahaha!

Tapos sa immigration sa Pinas, naaliw kay Kenkoy yung immigration officer kasi nga dala dala nya ang sariling luggage. Hinanap ang passport nya. Binigay naman ni Kenkoy. Ininterview sya... ano daw pangalan at edad... sagot naman. Kala mo mag-isang nag-travel. At feeling jetsetter, hwehehe!

Tuesday, July 03, 2007

Phuket Album

Isang buwan na ang nakalipas pero di ko pa rin nasisimulan ang album :( Ang target ko 1st week of July ay tapos ko na. Pero hanggang ngayon di ko pa rin nasisimulan, wahhhhh!

Kailangan ko na masimulan ang journaling. Di kasi ako nagsisimula ng isang layout/album ng wala pang journaling. At eto na naman ang pahirapang journaling. May gusto akong sabihin pero hindi ko masabi. Basta serenity ang gusto kong maging mood ng album. Sana magawa ko na ito.

Pahiram nga po muna ng galing sa pagsusulat. Paambon na rin po ng creativity para sa buong album, hehe!

Sunday, June 10, 2007

Turista

Habang namamasyal kami panay ang alok sa amin ng mga locals ng iba't-ibang serbisyo... tuk-tuk, taxi, hair braiding, nail art, thai massage at kung anu-ano pa.

Lit Coo: Paano ba nila nalalalaman na turista tayo eh pareho naman hitsura natin sa kanila?
Labs: Pag palinga-linga ka sa daan na parang ganito (sabay may demo pa) eh alam na nila na turista ka.

Hehe! Patawa talaga itong asawa ko... may demo pa talaga *LOL* Pero may punto sya. Hinahanap kasi namin kung saan kami next na pupunta nung mga oras na yun kaya panay ang palinga-linga namin.



At shempre pa napapa-hayyyyyyyyy na naman ako pag nakikita ko ang aking mag-ama... ginaganahan tuloy akong mag-scrap :)

Utang po muna ang kwento at ang ibang pictures. Share ko na lang pagtapos na ang scrapbook album. Saglit lang naman siguro itong album na ito kasi kaunti lang ang pictures.

Saturday, June 02, 2007

Time Out

Cut-off po muna from cyberworld. Mag di de-stress po muna kami. Much needed break ng buong pamilya ;) Paki-pray naman po na maging maganda ang panahon for the whole week at sana safe ang trip namin. Maraming salamat. Balik kami on 10 June. Hanggang sa muli :)

Tuesday, April 24, 2007

Trabaho at Bakasyon

Tama na muna ang pag-emote ko. Medyo masayang kwento naman.

Maganda ang takbo ng company nina Labs. Masaya ako para sa kanila. Excited na rin si Labs sa projects nila. Medyo ibig sabihin nga lang nito ay mas madalas na business trips. Ganunpaman, dalangin ko talaga na maging successful sila.

Nag-file na ako ng resignation. Hindi ko pa ino-open ang reply ng boss ko. Kung tinanggap nya, ok. Pero kung hindi na naman, isip-isip pa ulit ako. Ok din naman kasi ang kumpanya sa akin at ang boss ko kaya pag nag-request sa akin na wag muna umalis eh nahihirapan akong tumanggi. Kung hindi matutuloy ang pagre-resign ko ay kailangan ko munang kausapin ang ka-opisina ko. Kailangan ko ng suporta nya everytime na magkaka-business trip si Labs.

At shempre pa dahil sa business trip eh baka maapektuhan ang bakasyon namin sa June. Sabi ko kay Labs eh maki-usap sya na wag itapat sa bakasyon namin dahil naka-book na ang plane & resort. Ang reply ba naman eh di tumuloy pa rin daw kami ni Kenkoy. Kamusta naman yun?? As if mage-enjoy kami ni Kenkoy kung dalawa lang kami.

Hayyy, ang dami kong kwento 'no? Obvious na madami akong iniiisip ngayon. At shempre pa ibig sabihin lang din ay madami na naman akong idadalangin kay Lord.

Wednesday, March 14, 2007

Feb 12 Manila-Clark Flight

Di ko pa pala naiba-blog ito.

Nung flight namin pauwi sa Pinas, sa gitna ako ni Kenkoy at ng mommy ko. Si Labs naman ay mag-isa dun sa kabilang side.

Eto na, yung last passenger na dumating ay naisipang tumabi kay Labs (sa dami dami ba naman ng vacant seats... pero siguro di na sya nakapili ng ayos kasi nga late na sya). Aba at mega-chikahan ang dalawa. Akala mo magkakilala talaga (baka nga magkakilala pala, hwehehe... pero sabi ni Labs sa plane nya lang daw na-meet yung girl). Tawa ng tawa ang mommy ko kasi sabi pa naman daw ni Labs eh makakatulog sya sa byahe... kaso dumating nga si last passenger... kaya ayun chikahan na lang sila. Kilala ko si Labs... ma-PR kaya di na ko nagulat na nakipag-chikahan for 3 hrs. Kung ako yun at di ko naman kilala (lalu na opposite sex pa) eh baka lumipat na lang ako ng ibang upuan... mag-kwento sya mag-isa nya, hwehehe :P

Pero siguro friendly lang talaga yung girl kasi aware naman syang present ang wife at alam nya rin na anak ni Labs si Kenkoy.

Tapos from the plane papunta sa immigration eh napatid pa yung girl sa luggage ni Labs. Kalaki-laki naman ng dadaanan eh kung bakit nakasunod yun kay Labs. Sinalo naman ata ni Labs yung girl. Mahina ang aking peripheral vision (hehe) kaya di ko masyadong nakita. Ang masasabi ko lang... STYLE!!! Patawa talaga minsan ang mga gels :P

Tuesday, March 06, 2007

Weakness

Nag-book ako ng flight para sa birthday ko. Weakness ko talaga ang pagta-travel at ang scrap-shopping. Low EQ ako pagdating sa dalawang bagay na ito.

Nung sinabi ko kay Labs kagabi na may booked flights kami eh sumama ang timpla ng mukha nya. Kasi kaka-uwi lang namin sa Pinas last month. Sa June, may trip din kami. Tapos eto nga sa Oct... ah eh... bago pa ko ma-sermunan eh sabi ko sagot ko naman lahat sa Oct. Basta sumama lang sya... pa-birthday na nya sa akin na magkakasama kami. Ayun, ngumiti na. Di naman daw pala nya sagot ang gastos kaya ok, hehe! Masaya ako sa reaction nya. At least alam kong gusto nya rin at hindi napipilitan lang na samahan kami ni Kenkoy.