Showing posts with label Parenting. Show all posts
Showing posts with label Parenting. Show all posts

Friday, April 03, 2015

Date with Kenkoy II

Anak, saan ba tayo dadalhin ng ating mga paa? Hahaha!


Ah, sa National Museum of Singapore.


at sa Sentosa.


Mamaya na lang po ang kwento. Gugunitain na po muna ni Lit Coo ang Biyernes Santo.

Monday, August 25, 2014

Tuesday, August 19, 2014

Reward Stamps


May bagong deal kami ng mga anak ko. Bawal na kasi silang gumamit ng iPad/iPhone sa kadahilanang naa-addict sa games (Minecraft, etc). Lagi rin silang nag-aaway magkapatid dahil sa games. At marami pang negative effects. Matagal-tagal na rin silang hindi gumagamit ng gadgets. Mga ilang buwan na. Pero itong si bunso ko talaga ang makulit. Nag-aaway talaga kami. Ang hirap disiplinahin. Sumasagot at nananakit pag hindi namin binibigay ang iPhone niya. Power struggle talaga. Hayyyyyy!

Sabi ng kaibigan ko let my child earn points na lang daw bago mapayagang makagamit ng gadget. Kaya eto ang new deal namin ng mga kiddos... zero bad deed + 30 good deeds = 1 hour of iPhone/iPad games.

Hirap magpalaki ng anak. :P


Sunday, August 03, 2014

Praying with Kenkoy II

Sinama ko si Kenkoy II sa adoration chapel. Pagtapos naming magdasal...

Kenkoy II: Do you know what I prayed for?
Lit Coo: Would you like to tell me?
Kenkoy II: I asked Jesus to give me back my phone... to tell my Mama & Papa to give it back to me.

Awwww!!! Pero bawal na talaga ang gadgets sa kanila. Ang hirap naman. Pag bata nag-pray kay Jesus, parang ang hirap tanggihan. Paano ko kaya ito sasagutin? *sigh*

Friday, September 13, 2013

Restroom

Bilang magulang ito talaga ang isa sa mga dapat mong alam pag namamasyal... kung nasaan ang pinaka-malapit at malinis na CR. Fridate namin ng 2 Kenkoys ko kanina. At ano pa nga ba... may moment na naman na kailangang mag-poop ni bunso.

Ito ang gusto ko sa S'pore. Sana hindi ito ma-phase out. Dahil bilang OC, ayoko madikit sa toilet bowl sa public restrooms.


At may water pa. Kakatuwa. Ayoko rin kasi ng tissue ang panglinis pag nag-poop.

Friday, March 01, 2013

Note to Self

Ito ang pinaka-natutunan ko mula sa article na Is it a terrible mistake to send your children for tuition classes?

"Here are some alternative things that students could do:
1. Learn a skill
2. Pick up a hobby
3. Take up a part-time job
4. Read for pleasure
5. Journal
6. Volunteer
7. Discover more about themselves"


May hobby na ako at journal. Sinusubukan ko na ring mas makilala pa ang sarili ko kaya nga less time na sa cyberworld. Items # 1, 3, 4 & 6 na lang.

Actually, sinimulan ko na rin ang #4. Ang kasalukuyang binabasa ko ngayon ay The Five Love Languages of Children. Hopefully, maging mas mapagmahal akong Ina.



Sana lagi kong matandaan ang 7 items na ito. At sana maipasa ko rin sa mga anak ko.


Thursday, October 04, 2012

Children's Day 2012

Bukas ang Children's Day dito sa Singapore. At kanina ang celebration sa school.

Nakakaaliw si Kenkoy II. Cool na cool lang sa relay game nila. Parang di nya ata alam na kailangang bilisan. Nabagalan ako kasi full of energy ang batang yun pero kanina ang cool lang nya. Pero nung napanood ni Kenkoy ang video sabi nya mabilis daw si Kenkoy II. Baka ako lang ang nababagalan. *LOL* Anyway, nanalo ang team nina Kenkoy II at malaki ang lamang nila :)

Nakaka-aliw panoorin ang mga bata. Simpleng laro lang pero ang saya-saya na nila. Nakakahawa ang kasiyayahan nila :)

May game din for parents. Na-pressure ako kasi alam kong nanonood ang anak ko. Sa isip ko dapat akong manalo para matuwa at maging proud din sa akin ang anak ko. Binilisan ko talaga. Buti na lang nanalo din ang team namin :)


Tuesday, August 21, 2012

Potty Training Update

Balik tanaw: Update kay Kenkoy II

Pag natutulog na lang naka-cloth diaper si Kenkoy II. At mga 1 week ng dry ang cloth diaper niya. Hindi na rin ako naga-alarm sa madaling araw para pawi-wiin sya sa toilet. Kusa na nya akong ginigising pag kailangan nya mag-wiwi. Woohoooo! Pwera usog. Sana tuloy-tuloy na. Although hindi naman na gaanong magastos kasi hindi naman disposable diaper ang gamit namin kaya lang gusto ko na rin syang maging 100% diaper-free. At sobrang ok ma hindi ko na kailangang mag-alarm. Sana nga tuloy-tuloy na.


Saturday, August 11, 2012

Sabado

Sabado ang pinaka-toxic na araw ko. Alas-sais na saka pa lang ako nakapahinga. 630am gising na. Linis ng bote ni Kenkoy II, almusal ni Kenkoy, byahe kami papunta at pauwi mula sa swimming class ni Kenkoy, tiklop ng labada, sampay ng labada, linis ng electric fan, linis ng toilet & bathroom.

Kapagod.

Pahinga lang ng kaunti. Dinner. Tapos plantsa naman. Oh well, papel!


Wednesday, July 04, 2012

Terrible Three

Lit Coo: Hay naku, Kenkoy II is in Terrible Three.
Kenkoy: What is Terrible Three?
Lit Coo: That's the stage of children when it's hard to take care of them. They are strong-willed and they defy orders. It's actually Terrible Two but Kenkoy II is already 3 years old now.
Kenkoy: Ah. Is there such thing as Terrible Ten?

Wahhhhh! Anak, wag ka na dumagdag pa. *LOLZ*

Side-Kwento:
Ay, in fairness, good boy si Kenkoy nitong mga nakaraang araw. May disiplina na sa pag-aaral at sumusunod sa daily schedule nya. Nae-enjoy na nya ang pag-piano at ang pagbabasa ng books. Novel na ang binabasa nya ngayon. Improving. Dati rati maraming pictures ang librong binabasa nya, hehe! May Math drills pa. At ang homework na kaunting-kaunti lang ang correction/s. Sana lang mag-translate into good grades ang efforts nya. Shempre hindi naman talaga basehan ang grades lang, pero kahit papaano nakakagana rin kung maganda ang figures. Nakaka-sulit ng pagod kahit papaano. Pero shempre ang tunay na basehan pa rin ay kung paano magagamit ng tama lahat ng natutunan. Yun lang, share ko lang na super happy ako sa developments ni Kenkoy. Di na ganun ka-stressful. Medyo kaunting push na lang at pag monitor kung nasusunod nya ang sked nya.

Thank You po, Lord. Sana magtuloy-tuloy po ang magandang developments kay Kenkoy.



Friday, April 13, 2012

Your Children Want YOU!

Magandang paalala para sa ating mga nanay na...
Your Children Want YOU!.

Friday, February 24, 2012

Nagging

Hindi ko kasi nai-blog agad. Di ko na tuloy matandaan yung exact date. Basta kundi ngayong linggo, nung isang linggo ito nangyari...

Panay ang bilin ko kay Kenkoy II. Di ko na rin matandaan kung anu-ano nga ba yung mga sinabi ko. Basta tuloy-tuloy ang salita ko. Sagot ba naman ng bata -- "Quieeeeeeeet!"

Lolz. Natahimik tuloy ako bigla. Na-realize ko tuloy na nagger talaga ako. Oras na para baguhin ko ang sarili ko. Goodluck sa akin. Sana mapigilan ko ang sobrang pagse-sermon :P


Wednesday, February 01, 2012

Kid's Drawing Turned to Stuffed Toys

Share ko lang itong blog entry...
How to Make Your Child Feel like A Toy Designer :)

Nabalitaan ko ito sa isang group na kinabibilangan ko.

Ang galing lang 'no? Siguradong matutuwa ang isang bata pag nakita nyang naisabuhay ang kanyang imahinasyon (well, hindi sa masyadong literal na kahulugan na magiging living thing pero gets nyo naman yung gusto kong ipahiwatig di ba?). Nakakaaliw 'no?

Parang gusto kong maghanap kung may naitatabi pa akong artwork ni Kenkoy. Si Kenkoy II naman ay nagsisimula pa lang sa pag guhit. Zombie ang kanyang unang iginuhit. At ngayon ko lang naalala na hindi ko pala nai-blog ang kwento sa Zombie na ito :( At nawawala ko rin ang original drawing. Hayyyyy! Pwede namang ulitin ni Kenkoy II kaso mas ok sana kung yung original.

Side Kwento na rin: Gumuhit si Kenkoy II. Tinawag nya ako at ipinakita ang iginuhit nya. Tinanong ko kung ano yun. Zombie daw. In fairness, mukha ngang zombie :) Magta-tatlong taon sya nung iginuhit nya yun. Di ko na tuloy matandaan kung Oct, Nov or Dec 2011. Hayyyy. Dapat talaga naiba-blog agad bago pa makalimutan.

Saturday, January 21, 2012

Bottle Weaning

Tapos na sa toilet training. Bottle weaning naman. Sinimulan ko i-bottle wean si Kenkoy II ngayon.

1st glass. Expected na may resistance at iyakan. Uminom din naman.

2nd glass (dapat). Pero balik bottle. Si Labs kasi ang bantay. At sabi na nga ba bote ang ibibigay. Mas mabilis kasi ang bote. Mga 5 mins lang tapos na ni Kenkoy II. Kainis lang. Nasira diskarte ko.

3rd glass. Kinausap ko na ulit si Kenkoy II na sa glass na uminom gaya ng Coco nya. Pumayag naman. Nakangiti na uminom sa glass at nagpa-picture pa :) Pero may 1/3 or 1/4 na natira. Kauntian ko na lang siguro sa next feeding habang naga-adjust pa sya para hindi masayang ang gatas.

Sana tuloy-tuloy na. At mag-reasearch pa ako kung paano nga ba ang bottle weaning. Parang di kasi bagay kay Kenkoy II yung mga na-research ko. 12-24 months daw eh 36 months old na si Kenkoy II. Tapos bottle to sippy cup. Eh di na dumaan sa sippy cup si Kenkoy II. At umiinom na talaga sya ng ibang liguids sa glass. Milk lang ang iniinom nya sa bote.

Gusto ko sana maging successful sa bottle weaning para sa next travel namin ay wala na kaming dalang bottles. At para hindi na ako maghuhugas ng bottles sa hotel.


Friday, September 16, 2011

Potty Training

Balik tanaw: Potty Training, Hexagon, Blue blog entry



Last Saturday nagsimula na mag-poop si Kenkoy II sa potty. Ngayon naman ang pag-wiwi. 3x sya nagsabi today at nawi-wiwi nga sya. Nag-wiwi sya sa potty 3x. Yahoo! Grabe, pwede palang stress-free ang potty training. Parang ayoko na kasing daanan yung potty training gaya nung kay Kenkoy dati. May mga accidents kasi bago na-perfect. Laba ng briefs, linis ng bata, linis ng floor... kapagod at nakaka-frustrate pag di agad na-gets. Kaya pino-postpone ko ang potty training kay Kenkoy II. Nagsimula na sya mag-briefs dati kaso bigla namang nag-LBM (kasi nagngi-ngipin ata) kaya binalik ko ulit sa diapers. Tapos di ko pa sinusubukang pasuutin ng brief ulit. Kusa na lang nagsasabi si Kenkoy II na mag-wiwi at mag-pupu sya. Ang sarap. Stress-free! Sana lang magtuloy-tuloy. Mga 10 weeks na lang pauwi na kami sa Pilipinas para magbakasyon. Sana diaper-free na si Kenkoy II bago ang flight namin.

Sunday, May 08, 2011

Happy Mother's Day

Happy Mother's Day to all Mommies!

Friday, April 22, 2011

Kahanga-hangang Bata

Nakakaiyak at maraming matututunan...

http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20110420-332334/Deliverance

Magandang guide para sa isang magulang na gaya ko. Sana mapalaki ko sina Kenkoy at Kenkoy II gaya nung Japanese boy. Naway gabayan ako ni Lord sa tamang pagpapalaki ng mga anak.