Ito ang kanta na kagabi ko pa kinakanta (ako lang naman kasi ang makakarinig *LOL*). Kinikilig na naman ako... sabay nangingilid ang luha, hwehehe! Paborito ko kasi ito sa mga kinakanta ni Labs para sa akin *naks* At dahil sa anniversary namin ngayon kaya tamang-mushy ako :D
Ikaw Lamang
Sung by Zsa Zsa Padilla
Ikaw ang pangako
Taglay ng isang bituin
Tanging pangarap sa Diyos ay hiling
Makapiling sa bawat sandali
Ikaw ang pag-ibig
Sa araw at gabi
Ikaw ang pag-asang tanglaw sa dilim
Napapawing hirap at pighati
Langit ang buhay sa t'wing ika'y hahagkan
Anong ligaya sa t'wing ika'y mamasdan
Sa piling mo, ang gabi'y tila araw
Ikaw ang pangarap
Ikaw lamang
mga kwento sa buhay buhay na na nakapag-patawa, nakapag-pasaya, nakapag-paiyak at nakapag-paisip kay lit coo
Tuesday, January 17, 2006
17 January
17 January, isa sa mga napakahalagang araw para sa akin.
Bakit?
Dahil ang araw na ito... labing-isang taon na ang nakakaraan ng maging kami ni Labs.
Dahil ang araw na ito... sampung taon na ang nakakaraan ng maging engaged kami ni Labs.
Dahil ang araw na ito... apat na taon na ang nakakaraan ng malaman namin thru ultrasound na lalaki ang aming magiging panganay.
Dahil mula sa araw na ito... sa loob ng labing-isang taong pagsasama... lubos lubos na ligaya ang binibigay ni Labs sa akin.
Labs, happy 11th bf-gf anniv. I love you :*

Sunday, January 15, 2006
N@W-SG's Chinese New Year Party 2006

Kanina nag-celebrate ang NAW-SG ng Chinese New Year. Opo, based sa Lunar Calendar eh sa Jan 29-30 pa ang start ng Year of the Dog. Pero may sariling kalendaryo ata ang NAW-SG at lagi kaming advance mag-celebrate :P Ang last NAW-SG Christmas Party ay nataon sa Hari Raya Puasa. Ngayon naman ang Chinese New Year (CNY) celebration namin ay malapit sa Hari Raya Haji. Ahmmm, mukhang Muslim Calendar ata ang sinusunod namin *LOL*
Pero kahit na kalagitnaan na ng nakaraang linggo lang napag-kasunduang mag-CNY party ngayon eh successful pa rin ang party. Madaming food at enjoy ang lahat.

After mag-late lunch. Nag-start na ang celebration sa pamamagitan ng pag-toss up ng Lo Hei. Chinese tradition sya na ito-toss up ang mga ingredients while wishing aloud. Wishes daw yun for the upcoming new year. Masaya itong part na 'to. Malakas ang pagkakasabi ng mga nag-wish ng "money money" hehe! Ako ang tagal bago ako nakapagsabi. Medyo ingat ako sa hihilingin ko. Naisip ko lang "good health"... di ko na nasabi ang "prosperity & happiness"... yung tatlong yun nga pala ang laging magkasama sa Chinese statues/symbols... at yun din talaga ang wish ko. Anyway, ihabol ko na lang sa prayers namin ;)

May nag-wish ng "more babies for Lit Coo"... hahaha... di ako naka-react... pero sa isip-isip ko "teka, di pa ko ready dyan... wag nyo muna i-wish sa akin, hehe". Di ako maka-wish para sa iba kasi baka hindi yun ang wish nila. At saka busy ako sa kakaisip ng iwi-wish ko pa. Ang kaso, good health lang talaga ang naisip ko kanina ;)

Pagtapos pila naman mga kids/babies. Magbibigay sila ng orange sa bawat couple tapos magbibigay naman ang couple ng ang pao sa bawat bata/baby. Maayos na ngayon. Alam na namin ang sistema. Last year kagulo kami sa part na 'to. Kaya eto ngayon ang dami naming oranges. At si Kenkoy naman ay may 8 ang paos. Ang cu-cute ng mga ang paos. Labs, saan nga ulit dapat ilagay ang mga ang paos... sa ilalim ng pillow ni Kenkoy?

Kwela naman ang next part. Hubbies vs Wifeys. Padamihan ng pag-mark ng body parts that starts w/ letter "B". Katuwa. Di ko lang natandaan sino nanalo, hehe! Dito makikita ang kwelang game na ito.
(Updated 17 Jan 2006 0:19 Eto kwento ni Cata. Di ko kasi nasubaybayan ang buong game at nagpapalobo sa akin ng plastic balloon sina Kenkoy at CK. Sabi ni Cata... "Nakakatuwa ang mga nawies. mga demure pala. nakakatuwa kasi ng sinabi ni mama na "bulbol" sobra naghagikgikan ang mga babae na parang mga wala pang asawa. hahaha.. tapos yung mga guys naman, meron sila B_Y_G at B_TL_G. hindi pa talaga maisulat ung mga words. hehehe nanalo ang girls...ang nag panalo, ang word na meron ang mga girls na wala ang mga boys, BRAINS! hehehe")
After naman nito ang blowing of candles na ata ni Meg. Kanta ng Happy Birthday song... three versions, English muna tapos Mandarin at pinaka-huli ang Tagalog... kakapagod (biro lang, hehe).
Tapos ang "Give Me" game na. Meron din palang parang Game K N B game portion tungkol sa wedding/anniv nina Steph & Rey. 5th wedding anniv kasi nila. Kaaliw din ito. Ang nanalo ay si Tessa & Bon :) Wala akong ka-partner eh pero kahit naman nandito si Labs eh wala ring masasagot yun kasi di naman sya nakikibasa ng WAW messages noon, hehe!
Ano pa ba? Yan na ata lahat. Sana kahit sa kwento at pictures ay parang nakadalo na rin kayo sa celebration namin ;)

Gong Xi Fa Cai!!!
***********
Lo Hei pics kuha ni Rey (ni Steph).
Saturday, January 14, 2006
Samu't Sari
Kahapon pagkahatid ko kay Kenkoy sa school, may isang batang Indian sa Kinder class na tuwang-tuwa sa akin. Panay ang sulyap sa akin sabay ngingiti na parang nahihiya na kinikilig tapos kakaway. Paulit-ulit na ganun... susulyap, ngingiti, kikiligin tapos kakaway. Di naman siguro tombi yung bata (hehe). Tinuturo nya pa ako sa mga classmates nya at ayun lahat sila lalapit sa akin, ngingiti, kakaway at magpapapansin. Di ko tuloy alam kung
(a) may fans club na ba ko
(b) may nakakatawa ba sa hitsura ko or
(c) baka dahil sa liit ko eh akala nila ay bata rin ako na pwede nilang maging bagong kalaro
A, b, or c, ano sa tingin nyo? ;)
At pag ganyang hinahatid ko si Kenkoy at napapanood ko ang flag ceremony nila, napapa-isip ako na dapat ko na rin atang ituro ang Lupang Hinirang kasi mukhang mauuna pa nyang matutunan ang Majulah Singapura.
Kwentong Kenkoy
Isang gabi, habang tinitingnan namin ni Kenkoy ang wedding album namin ni Labs, napansin ni Kenkoy ang bigote ni Labs. Sabi nya "Mama, cut hair. Cut Papa's nose hair."
Ay grabe, sakit ng tyan ko kakatawa. Kala ni Kenkoy ay nose hair yung bigote ni Labs. Wala na kasing bigote si Labs ngayon eh kaya hindi pamilyar si Kenkoy sa bigote. At nakikita nya rin ako na taga-gupit ng nose hair ni Labs kaya ganun. Mga bata nga naman ;)
Kwentong Lit Coo naman
Date: either Jan 01 or Jan 02 (di ko tanda kasi sa parehong date sila nagpunta sa amin)
Setting: dito sa flat namin
Mga Tauhan: Lit Coo, Labs, College-org Pres/college friend namin na based na rin dito at yung wife nya
Lit Coo: Kuya, kelan susunod dito mga kids nyo? (Kuya/Ate tawagan sa org pag mas matanda eh... nasanay na ko kaya Kuya pa rin tawag ko, hehe)
College friend: Mga May. Hirap nga request ng panganay ko sa flat eh. Dapat daw yung may BATH TUB.
Lit Coo: Buti na lang pala kami malapit sa bus stop. Bababa ka lang ng lift, bus stop na.
(tapos nagkaroon ng saglit na katahimikan at parang nag-iisip ang mga kausap ko)
Labs: Lit Coo, BATH TUB... BATH TUB... hindi BUS STOP.
Lit Coo: Nyahaha! Sorry.. sorry... rinig ko talaga bus stop, hehe!
Hwehehe! Kaya pala parang natulala ang mga kausap ko. Sobrang walang koneksyon pala yung reply ko sa sinabi ni Kuya :P
Ela, may kasama ng kwento ang pina-blotter story ko *LOL*

Nga pala, kwento ko na rin, ang bago sa vocab ni Kenkoy ngayon at paborito nyang sabihin ay "Never mind." ;)

Friday, January 13, 2006
Everything. Do I have it? (conclusion)
I'm ok now. I've conquered my fears and I've come to my proper senses again. Thank God for friends like Ed, Rose & Enid :)
Pambihirang mga negative thoughts & emotions yan... pag mahina-hina ka eh sisirain talaga ang buhay mo. Ganda ganda ng takbo ng buhay ko eh ng dahil sa isang linya lang eh bigla akong totopakin *hmmmph* Kalimutan na nga lahat ng "nega" at i-enjoy na lang ang buhay :)
Weird kasi ng panahon ngayon dito... pati tuloy ako nagiging weird :P
But am payn, so payn na ulit, hehe! At eto ang mantra ko ngayon -- Huwag problemahin ang isang bagay kapag di pa problema.
(Edited 13 Jan 2006 17:04)
At eto pa pala isa -- Fear is the absence of faith. Sinabi sa akin ng priest-friend ko 16 yrs ago. Lagi kong naiisip pag may fear ako at nawawala nga agad ang mga takot ko. Ewan lang kung bakit di ko naisip kahapon :P Buti napaalala ni Salme ngayon :)

Thursday, January 12, 2006
Everything. Do I have it? (ang pagmumuni-muni)
Hmmm, sa aking pagmumuni-muni medyo naiintindihan ko na yung fear ko. Kung napansin nyo din, ang lubos na nakapagpapa-saya sa akin ay hindi materyal na bagay. At alam ko di nga ako masyadong maaapektuhan kung materyal na bagay ang mawawala... makakaya ko yun.
"However, I have all that matters to me (faith in God, loving & almost perfect hubby, affectionate son, family, relatives, friends & basic needs)."
Mostly relationships nga. Parang mahirap atang kayanin pag mahal ko sa buhay ang mawawala. Fear ko nga yan. Ayoko... ayokong isipin. Move on na lang ako sa ibang thoughts. Yoko ng negative thoughts/vibes.
Yan na nga kaya ang dahilan? O may deeper reasons pa? Kung may ibang pananaw naman kayo or kung may advice... paki-post naman. I need it. I have to eradicate this fear asap. Thanks.
***********
Pag hindi masaya, gustong sumaya. Pag sobrang masaya naman, nakakatakot. Parang di pwedeng masaya nga... ideal yun... parang di totoo... o baka sandali lang ang kasiyahang ito... o marahil may kapalit ito. Hayyy, ang weird ko nga ata talaga :P

Wednesday, January 11, 2006
Everything. Do I have it?
A friend emailed me earlier. She wrote "naisip ko kasi you have everything na."
Whoa! That's a false impression. I don't have everything (for one thing, kulang ako sa height :P). However, I have all that matters to me (faith in God, loving & almost perfect hubby, affectionate son, family, relatives, friends & basic needs). Also, I appreciate every li'l blessings from God. At mababaw lang kasi talaga ang kaligayahan ko. Yes I can say I'm happy with my life and with what I have. But to claim that I have everything, nah, I can't. I still have a very long wish/dream list. Then again, those wishes & dreams would just be icing on the cake... things that will make us look forward & make us more excited to whatever lies beyond this day.
I guess it's not about having everything. It's being happy... being sensitive to God's blessings... being grateful for life's simple pleasures. Just be happy with what you have & who you are... don't focus too much on your failures & what you don't have. Strive to be happy. And always smile :)
Pero sa totoo lang scary para sa akin yung mga ganyang message na galing sa kaibigan ko. Sa isang linya lang na 'yun ay biglang nabuhay muli ang isa sa mga kinatatakutan ko. May mga times kasi na naiisip ko na parang sobrang ok nga ng buhay ko (sa POV ko po... subjective naman kasi ang usaping ito)... tipong too-good-to-be-true. Ewan ko lang kung saan ko napulot itong ganitong paniniwala/pakiramdam --- nakakatakot kasi feeling ko parang hindi pwedeng walang problema ang isang tao... hindi pwedeng sobrang masaya ako... baka may kapalit ito... baka may kapalit na di ko makayanan. But that's the cynical side of me. Iniiwasan ko yun. I try to be positive as much as possible.
Kayo ba pag sobrang ok ang buhay nyo... pag walang problema... ano nararamdaman nyo? Wala ba kayong takot?
Weird ko ata *LOL*

Tuesday, January 10, 2006
PH? May PH ba?
Kagabi naisipan kong humabol sa usapan sa NAW-SG. Ang kaso online din pala halos lahat ng members kahit hatinggabi na. Kakatuwa rin naman at nagkasabay-sabay kami ulit sa pagpo-post. Pero tumigil din ako sa pag-reply... naisip ko ayaw ata nila akong pahabulin sa usapan (hahaha, joke)... hindi, kasi baka pare-pareho kaming umagahin sa pagre-reply, hehe!
Pero malamang kaya online halos lahat kagabi kasi Public Holiday (PH) naman ngayon dito sa S'pore. Hari Raya Haji. Pero panay pa rin ang ulan... kaya malamang lahat ay nakahiga pa at (bahala na kayong mag-isip ng kung ano man, hehe)... pero ako, wala akong kayakap, wahhhhhhhhhh (Labs, balik ka na dito *LOL*).
At kahit PH ngayon eh wala nga palang PH ang mga homemakers... tuloy pa rin ang gawaing bahay *LOL* O sya, tapusin ko muna mga dapat tapusin para masimulan ko na ang next scrapbook album ko (woohoooo, excited ako dito kahit masakit sa ulo mag-isip ng journaling & designs... hirap pag ganitong hindi likas na creative, hehe).

Monday, January 09, 2006
Pumapatak na naman ang Ulan...
...sa bubong ng bahay. Di maiwasang gumawa ng di inaasahang bagay" - The Apo Hiking Society
Kakaiba ang panahon ngayon dito. Sa 3 years ko dito ngayon lang umuulan ng maghapon (at magdamag) ng ilang araw na. Kadalasan kasi dito, bubuhos ang ulan... matagal na ang 2 hrs... pagtapos nun ok na... araw na ulit at parang di umulan. Pero lately (di ko na nabilang kung pang ilang araw na), panay ang ulan. Ang kagandahan nga lang dito ay walang baha.
Kahapon naisipan ko tuloy bilhan si Kenkoy ng rain coat. First rain coat nya, hehe! Aliw na aliw naman sya sa pag-suot kahit mukhang mainit ng kaunti :P
Pag ganitong umuulan, ayaw na ayaw ko pa namang lumabas ng bahay. Kung di rin lang importante ang lakad eh dito na lang ako/kami mamamalagi sa bahay. Pero malapit na ang dismissal time nina Kenkoy kaya kailangan ko ng umalis. Sunduin ko muna si Kenkoy. Hanggang sa muli.

Happiness is...
Kwentong Kenkoy
Conversation namin ni Kenkoy dati...
Lit Coo: Are you happy?
Kenkoy: Happy. Papa, Mama & Kenkoy :)
Lit Coo: *awwww* I love you.
I love you na lang daw ang nasabi ko, hehe! Di ko kasi inaasahan yung reply ni Kenkoy. Di pa gaanong nae-express ni Kenkoy ang sarili nya. Pero pakiwari ko happy daw sya kasi magkakasama kaming tatlo... si Labs, ako at siya.
Shempre pa tuwa ako sa sinabi nya. Mababaw rin talaga kaligayahan ng anak ko... manang-mana, hehe! May mga frustrations din ako sa pagpapalaki kay Kenkoy. Alam ko may mga mali(?) rin akong nagawa sa pag-aalaga sa kanya. Pero sa mga ganitong pagkakataon na evident yung values nya (certain values na gusto ko talagang makuha nya sa amin ni Labs), nakakawala ng pagod. Pero sana nga sa mga hindi materyal na bagay mai-base ni Kenkoy ang kanyang kaligayahan... hanggang sa paglaki at pagtanda nya.

Sunday, January 08, 2006
Year-end Qs from N@W
1. What do you consider is the best blessing you received in 2005?
--- Everyday w/ Labs & Kenkoy... just being together & creating memories as a family
--- Permanent Residency in S'pore
--- No major illness for the whole family
2. Lessons learned in 2005:
--- It's best to remain positive. Get rid of all negative vibes right away.
3. Most significant event in your life/family during the year:
--- Acquiring Permanent Residency
--- Reunions with family & friends in PI
--- More family & friends visited us
--- BIL's wedding
4. Persons you'll miss most:
--- Some special friends. I decided to unsubscribe from our Yahoo! Group... but I'll miss them :P
5. Places you've visited in 2005, which is the best one?
--- La Luz Resort in Batangas. The best because it was the only place that we visited for the first time *LOL*
6. Greatest surprise received/given in 2005:
--- Hubby's 5th wedding anniv gift :)
7. Best movie you've seen in 2005:
--- Batman Begins. I became an instant Batman fan. Nabawasan pagka-Superman loyalist ko, hahaha!
8. What's to look forward to in 2006?
--- Every new day with my loved ones
--- My mom joining us here in S'pore in April
--- Kenkoy's first year in school
--- More Smallville marathons
--- More scrapbook LOs & albums
--- More bonding moments
--- Scrap-shopping
--- Last big payment for some financial obligations
*dami pala... kaka-excite ang 2006, hehe*

Friday, January 06, 2006
Christmas Kwento
Dec 23 Bandang alas-kwatro dumating na si Labs galing Penang. Pagtapos ng saglit na kamustahan eh dumiretso na sya sa kwarto. Wag daw ako papasok at babalutin nya gift nya para sa kin. Pero di naman nagsara ng pinto (nakalimutan daw nya, hehe). Pagkapansin ko eh sinara na rin nya yung pinto. Di ako sumilip. Ako pa. Eh ang hilig ko sa pleasant surprises ;)
Pag tapos nya i-wrap yung gift. Picture picture na kami for our annual family picture na gagamitin for our Christmas e-card. (Makikita itong annual family pics namin sa webshots account ko o sa Yahoo! Photos ko. Sa mga nakakaalam ng real name ko, malamang alam nyo na ang URLs ng online albums namin.)
Bandang 8:30pm naman eh dumating na sis-in-law ko na si Ciel at mga pamangkin kong sina Francine at Tasha. Nagdadatingan na silang lahat. Magpa-Pasko na nga, wooohooo!
Sa airport nga pala eh nagtataka siguro si Francine at iba't-ibang lengwahe ang naririnig nya. Sabi nya sa akin "They're not talking in English, right? Me? I'm a Filipina." Sabay kanta ng Lupang Hinirang at ang kanang kamay eh nasa dibdib pa. Napangiti tuloy yung isang yaya ng S'porean na bata sabay sabing "Ay, Pilipina pala." Sabi ko "Oo, Pilipina yan. Ay, Pilipina pala kami." Tapos kwento-kwento na. Tinanong ko gaano na sya katagal dito. 8 months na daw. Medyo sini-simplehan ko lang kasi yung ibang amo ayaw ng nakikitang nakikipag-usap sa iba ang mga helpers nila. Pero bago kami umalis binati ko sya ng Merry Christmas para di naman sya masyadong malungkot na malayo sya sa pamilya nya! Sumagot din sya ng Merry Christmas din Ate! Ate daw... sister... kakatuwa... natuwa ako sa simpleng salita na yun, hehe!
Dec 24 Pasyal kami sa Merlion Park tapos Esplanade. Dun palang sa link from Esplanade to Suntec City eh suko na si Francine. Masakit daw paa nya. Ayun binuhat tuloy ni Labs eh ang bigat na nun... 20+ kg. Pumunta lang kami sa Koi Garden. Ako na lang ang tumuloy sa Carrefour para bumili ng milk ni Ayrand tapos binalikan ko sila. Tapos umuwi na rin kami.
Pagkapahinga ng ilang oras eh tumuloy na kami sa Harbourfront Seaport para sunduin Kuya ko na manggagaling sa Indonesia by ferry. 630pm ETA pero dumating sya mga 730pm na. Tagal namin sa seaport tuloy. At sina Francine at Kenkoy, nag-away na naman, hayyyyy! Pero dahil na-late ang dating ng Kuya ko di na namin napanood yung Christmas play sa Church. Sayang di ko nakita yung mga props na gawa namin (hehe). Pero tumuloy pa rin kami sa Church kasi nandun si Labs. Sinundo lang namin si Labs tapos diretso na kami sa Paris Seafood Restaurant. Medyo uminit pa ulo ni Labs kasi etong Mamang driver ng limousine cab eh gusto kami ibaba sa Marina Mandarin Hotel eh sa Marina Square ang pupuntahan namin. Di talaga pinapalampas ni Labs mga wala sa lugar na locals. Medyo asar kasi yung driver kasi overload kami... 3 adults & 3 kids... sa pagda-drive pa lang eh pansin ng asar sya tapos ibababa pa kami sa ibang lugar... paglalakarin pa kami eh kaya nga kami nag-taxi. Hiniritan nga sya ni Labs. Ayun tameme at hinatid din kami sa pupuntahan namin. Pagpasok namin sa restaurant.. whoa, puno! Pero dami pa ring food. Sulit pa rin ang bayad. Di naman harang. Buffet pa rin naman. Yun na bale ang Noche Buena namin :)
Tapos tumuloy kami saglit sa local friend namin. Nakapag-promise kasi kami na dadaan sa kanila. Pero talagang saglit lang kasi cranky na mga bata... pagod na at inaantok na marahil. Kinabahan pa kami kasi nawawala yung isang bag ng Kuya ko. Eh nandun yung passport nya at kabilin-bilinan ng SIL ko na ingatan ko yung bag na yun. Buti na lang nandun pala sa loob ng bahay ng kaibigan namin.
Pagka-uwi bahay... aba ang mga bata fully charged na naman. Buhay na buhay pa. Nag-opening of gifts kami. 1 or 2am na ata kami nakatulog lahat.
Dec 25 Attend kami ng 1230pm Mass. At dahil walang reader eh ako ang tinuro ni Labs. Di na rin ako tumanggi. Pero medyo kinabahan ako kasi tagal ko ng di nakapag-Mass reader/lector. 6 yrs ago na ata yung last time... nung mag-lector ako sa kasal ng Kuya ko. Dati kasi sa Mapua, yan ang papel ko... maging lector paminsan-minsan sa Wed, Fri at Sat Masses. Pero dahil matagal na nga kaya medyo kinabahan ako. Ayun, nag-march na kami nina Father at mga altar boys mula likod hanggang altar. Pag dating sa altar saka ko hinanap yung babasahin ko. Eh di ok na. Nakita ko na at na-practice ko na rin. Buti na lang naisipan kong buklatin yung libro... sy*t! dami palang readings for Christmas. Na-rattle ako bigla kasi malapit na ang First Reading. Iba pala yung para sa Midnight Mass... iba sa Dawn Mass... iba yung sa Day Mass. Eh ang unang nakita ko Midnight Mass pala eh Day Mass kami. Pambihira! Muntik pa kong magka-blooper. Eh obvious yun pag nagkataon kasi may LCD monitors sa buong simbahan. Imbes na projector screen eh LCD monitors na nagkalat sa buong simbahan. Kaya nasa screen ang readings... obvious pag nagkamali. Buti na lang di naman ako nagkamali at cool lang ako... 1st reading, Responsorial Psalm at 2nd reading... ako na lahat, hehe!
After the Mass tuloy kami sa Harbourfront. Lunch lang kami sa Pasta Mania tapos diretso na kami sa Cable car. Asus! Ang haba ng pila. Pag dating sa Sentosa... ang daming tao. Mahabang pila na naman sa bus stop. Pag dating sa Underwater World, panibagong mahabang pila na naman. Kakahiya tuloy sa mga bisita namin. Di ko naman alam na dami palang nagpupunta sa tourist spots pag ganitong Pasko. Tourist at locals, sama-sama na lahat.
Di na namin pinuntahan yung Musical Fountain kasi suko na mga kasama ko. Uwi na kami.
Dec 26 S'pore Zoo naman. Marami ring tao pero di gaya nung sa Sentosa. Ang nangyari naman dito ay di namin nadala yung camera namin. Camera naman ng Kuya ko ay low batt na. Ibang klase yung battery nila kaya di available yung battery sa stores sa Zoo. Ayun, ang ganda... wala kaming camera. Libot libot sa Zoo. Uwi na rin mga bandang alas-sais. Pahinga ng kaunti tapos tuloy na kami sa Queensway. Parang Greenhills yan... mga shoe stores. Mura daw dyan kaya dinadayo pa ng mga locals. Walking distance lang mula sa flat namin. Nakabili ng shoes ang Kuya at SIL ko. Bumili na rin kami ng white sneakers for Kenkoy. Yun kasi ang required shoes sa mga schools dito.
Dec 27 Punta na Kuya ko at pamilya nya sa Indonesia. Bumalik ulit dito SIL at mga pamangkin ko nung Jan 03. Overnight stay lang kasi Jan 04 ang flight nila to Manila.
Hayyyyyyyyy! Kwento pa lang napagod na ulit ako. Kakapagod talaga yung nangyari. Kagulo ang flat namin at ang dumi-dumi. Para sa isang OC na gaya ko eh naku naku talaga (hehe). Pero binawas-bawasan ko pagiging OC ko. Pikit mata na lang muna at baka maka-offend. Di ko na muna inintindi mga kalat. Hinayaan ko ng kagulo kami sa flat. Pasalamat na lang ako at dinalaw kami ng Kuya ko at ng pamilya nya. Masaya naman si Kenkoy at nakasama nya mga pinsan nya. Si Labs, wala namang angal sa kaguluhan ng bahay. Mabait naman yun eh.
Napagod talaga ko. Kaya eto bumigay katawan ko. Pagtapos kasi ng lahat ng yan eh linis linis naman ng flat at tinapos ang tambak na labada. Ilang gabi na tuloy akong di pinatulog ng ubo ko. Sinusuka ko pa mga kinakain ko :( Medyo ok ok na ko ngayon. Nakatulog na nga ako eh. Nagising lang ako ng 4am para i-off ang pc ko. Naka-on pa pala kasi. Kaso eto napa-blog na rin muna bago i-off ang pc, hwehehe! Salamat sa pagbabasa sa mahabang nobela, hehe! Tulog na ulit ako at kailangang magpahinga.
Kakapagod talaga mga nangyari... pero masaya naman. Natutuwa kami at dito naisipan ng Kuya ko na mag-celebrate ng Pasko :)

Wednesday, January 04, 2006
Kenkoy's First Day of School
Wala masyadong kwento. Post ko lang na masaya ko kasi hindi umiyak si Kenkoy. Walang separation anxiety. Big deal sa kin yun... crybaby kasi itong si Kenkoy. Isa pa eh para na nya kong anino dahil mula ng pinanganak sya eh kami halos ang magkasama. Kaya di na ko magugulat kung saka-sakaling umiyak sya pag iniwan ko sa classroom. Pero hindi naman umiyak *galing! tuwa ako hehe* Buti na lang at na-psyche na sya na start na ng schooling nya today. Matagal tagal na rin syang excited sa araw na ito. Bukas ulit. Sana excited sya lagi sa pagpasok.
Senti rin pala mga tatay. Bago kasi bumalik si Labs sa Penang sabi nya "Sayang, wala ako dito sa first day of school ni Kenkoy." Touched naman ako. Ewan ko, feeling ko mga tatay di naman ganun ka-senti sa mga first-first ek ek... pero mali pala ako. Kanina madami dami ding mga Tatay ang nasa school... pero mas marami pa rin talaga ang mga Nanay. May isang tatay pa nga vini-video yung anak nya *cutie* At ako naman bilang isang scrapbooker... pi-picturan ko naman ang aking anak. Actually, habang inaantay ko ang dismissal time nina Kenkoy, tumatakbo na sa utak ko ang hitsura ng layout, hehe! Kung anong angles ng school ang maganda. Kung focus ba o malayo... kaaliw, hehe! Pero sayang nga wala si Labs dito para makita si Kenkoy sa school. 3 weeks na naman sa Penang si Labs *tagal*
(Edited on 06 Jan 1:04AM)
At nabasa ko nga pala dati sa isang book...
"The children who do feel anxiety are normally those whose parents did not prepare them for the new experience. Often too, parents' own anxieties are felt by the child."
Hmmm, siguro kaya di umiyak si Kenkoy. Tama na-psyche na namin sya na magii-school na sya... at wala rin naman kaming anxieties ni Labs. Cool lang kami so siguro nga kaya cool lang din si Kenkoy :)

Sunday, January 01, 2006
New Year's Eve Kwento
Aliw ako sa pagsalubong ng Bagong Taon. After the 10pm Mass may kaunting salu-salo at party sa Church. Hataw ang Pinoy community. Una may sumayaw ng mga Filipino folk dance. Feeling ko tuloy Linggo ng Wika, hehe! Tapos kumanta local choir... ok lang. Tapos countdown na... kwitis lang, sigawan at talunan... enjoy na mga tao. Bawal kasi firecrackers dito. Ang meron lang sa Sentosa. Buti na lang malapit yung Church sa Sentosa kaya tanaw yung mga fireworks. Pero ok na rin yung ganitong klaseng celebration kasi iwas smog. After ng countdown, eto na, sayaw sa theme song ng Pinoy Big Brother. Nabuhay ang crowd. Mga locals kahit di naman naiintidihan yung kanta eh panay sayaw din. Tuwang-tuwa lahat. Tapos local choir ulit... ok lang ulit (hehe). Tapos Totoy Bibo naman... hanep, Vhong Navarro na Vhong Navarro kung sumayaw si Benjie. Hataw ulit mga Pinoy... buhay na naman ang crowd. Saya talaga. Para ring nasa Pinas. At kitang-kita ang natural na pagiging entertainer ng mga Pinoy. Kakatuwa rin kasi si Kenkoy panay din ang sayaw. At gusto sa stage pa talaga. Wala pa talagang hiya sa katawan. Showbiz. Saya talaga ng party. Pure enjoyment... walang pagod... punta ka lang dun... naka-prepare na ang food & entertainment... free pa... ayos di ba? Hehe! Mapalad talaga kami at masaya ang Parish kung saan kami napabilang.
Subscribe to:
Posts (Atom)