Sunday, November 12, 2006

Halloween 2006

NAW-SG Kiddos

Kanina ang Halloween Celebration ng NAW-SG. Sabi ng kaibigan ko na US-based eh masyado ng late ang celebration namin. Halos bumalik na raw sa lupa ang mga patay, hehe! Ang hirap kasi magtugma ang skeds ng SG-NAWies... laging may biz trips... at yung iba nagbabakasyon sa Pinas. Kaya eto dahil trip pa rin naming mag-celebrate eh kahit mapa-advance... mapa-late, pwede pa rin. May sarili kaming kalendaryo ;) Ayos naman at enjoy ang lahat.



Goodies from Kenkoy for his friends:
Goodies from Kenkoy for his friends
(Shempre pa feel na feel kong gumawa ng gift tags *wink*)


Umiyak nga lang si Kenkoy kasi wala akong na-prepare na goodies for him. Kala ko kasi di na sya pipila sa akin, hehe! Ayun at umiyak dahil bakit wala daw sa kanya. Pag tapos ng ilang minutong paliwanagan na may utang ako sa kanya at bibilhan ko din sya eh huminto din sa pag-iyak. Nag-ok na ulit at nakipaglaro sa ibang NAW-SG Kids.


Goodies Kenkoy received:
Goodies Kenkoy received

Masaya... masaya ang 1st Halloween celebration namin. At after two weeks, Christmas celebration naman namin. Oh di ba... may sarili talaga kaming kalendaryo, hehe!

Wednesday, November 01, 2006

Clean & Simple Scrapbooking

Nung nakaraang NAW-SG EB, ipinahiram sa akin ni Cata ang Clean & Simple Scrapbooking, The Sequel.

Madami akong realizations & affirmations na nalaman mula kay Cathy Zielske, ang author.

For two years now since I started scrapbooking kung titingnan ang layouts na nagawa ko parang walang pinagbago sa approach... walang pinagbago sa technique. Although masaya naman ako sa output ko kasi nami-meet ko naman ang objectives ko. Pero minsan naiisip ko hindi na ata ako nagi-improve sa hobby ko. Minsan parang nakaka-frustrate din na ganun at ganun na lang ang output ko. Bakit parang kahit anong isip ko sa design pero pag na-execute ko na eh ganun pa rin ang output. Ang hindi ko alam yun na pala ang scrapbooking style ko. Kung tutuusin anong klaseng layout nga ba ako naa-attract? Pagtapos kong makita lahat ng layouts sa isang scrapbook magazine/album/website, ano nga ba ang binabalikan ko para tingnan ulit? Simple layouts!

Simula palang alam ko na ang gusto ko --- layouts na naka-focus sa photos & journaling... dapat hindi matabunan ang photos/story. Pag hindi ako napa-emote ng isang picture, out na agad yun sa layout/album na gagawin ko. Pag walang kwento... parang hindi kumpleto. Sabi nga ng isang scrapbooker, ang photos & journaling daw ang heart & soul ng isang layout.

Salamat sa mga natuklasan ko. Proud & happy akong maging simple scrapbooker :)

At sabi nga ni Cathy Zielske, simple lang naman ang hobby na ito --- Take a photo. Tell a story. Save a memory.

*****
Scrapbooking makes me pay attention to the stuff in my life that matters. It never replaces living in the moment. It simply gives me the opportunity to reflect & record. And have fun in the process. And buy some scrapbooking stuff. Okay, buy a lot of scrapbooking stuff. It's all good. -Cathy Zielske

Amen!

Monday, October 30, 2006

Bday Party

Kagabi ang bday party ng flatmate namin. Pagod na pagod ako. Hanggang ngayon pagod pa rin ako. 1am na ako natapos sa paghugas at paglilinis. More than 30 hrs akong gising.

Si Labs ang nag-prepare ng food. Ako ang naglinis ng flat at nag-assist kay Labs sa food preparations. Ang flatmate namin ang bumili ng mga kailangan para sa party... at nag-grate ng cheese... at nag-heat ng food... at yun lang ata :P Sige ok lang. Parang yun na rin ang gift namin para sa kanya.

Eto na... mga after 2 hrs nagpaalam na friends nya. Saglit lang daw. Akala naman namin eh ihahatid lang sa bus stop ang mga kaibigan nya. Aba nakatulog na ko ng alas-dos ng umaga eh di pa bumabalik.

Grabe! Iniwan ang ibang guests. Kami nag-entertain ng mga guests nya. Common friends naman namin kaso lang ang punto ko... party nya yun eh. Tumulong na nga kami sa preparations... kami pa naging host. Buti kung kami nagsabi na magpa-party sya kaso hindi. Sya naman naka-isip magpa-party. Ako tuloy ang nahiya sa mga bisita.

At dahil OC, kahit ilang oras na kong gising... at pagod na... eh di naman ako makakatulog ng madumi ang flat. So linis pa muna ko ng flat bago matulog. Grabe talaga! Si Labs pagod na pagod din. Sabi nya sa akin "Akala ko magluluto lang ako eh." Muntik ko ng sagutin ng "Ako nga akala ko kakain lang ako eh." Nyahaha!

Sunday, October 29, 2006

N@W-SG EB

Kanina may biglaang EB kami. Nandito kasi sa SG ang dati naming kasama sa NAW-SG. Nag-migrate sila sa OZ last year. Nandito sila para magbakasyon. Biglaan itong EB. Saturday lang napag-usapan. Sunday, EB na kasi uuwi na rin agad sila sa OZ.

Ako nga lang ang nakapunta kasi si Labs naka-commit na sa choir. May practice sila for the carolling. Iniwan ko na rin si Kenkoy kay Labs dahil zombie ako pag Sunday since wala pa kong tulog. Ang sked ko every Sunday ay --- straight from work uwi lang para mag-prepare for the Mass, attend ng Mass, choir practice after the Mass, uwi at saka pa lang ako makakatulog. Pero dahil hindi naman ako choir member nagna-nap ako sa may sofa ng music room habang nagpa-practice sina Labs.

Kahapon di na ako nag-nap. Sumaglit ako sa EB. Kakatuwa makakakita ng old friends. Parang sana di na sila umalis. Pero ganun talaga ang buhay. Pero dahil kaibigan ganun pa din. Walang nagbago. Sa kwentuhan parang tinuloy lang ang usapan mula sa despedida EB, hehe!

Yun lang kailangan ko rin umalis agad kasi bday party ng flatmate namin. At kailangan ko pang maglinis ng flat bago pa dumating ang mga bisita.

Saturday, October 28, 2006

Scrapbooking

Ang ka-close ko sa office ay isang Indian-Singaporean at isang Filipino. Pero yung Filipino, sya ang ka-alternate ko sa night shift mula ng maging part-timer ako kaya di na kami nagkikita. Dati kasi nagkikita pa kami pag morning shift sya. May ka-close din akong Chinese-Singaporean dati kaso nag-resign na sya.

Yung Indian-Singaporean naman... nag-click na lang kami basta. Sa mga pagkukuwentuhan nagtataka sya bakit ako masyadong naa-addict sa scrapbooking. I told her my reasons pero hindi ata talaga ko convincing sa pananalita, hehe! Tapos binanggit ko mga albums na nagawa ko na. Sabi nya ba't ko daw ini-scrap ang wedding photos namin. Takang-taka sya at paano ko daw nakuhang i-crop ang mga photos. Siguro akala nya panay gupit na lang basta ang scrapbooking, hehe! Anyway, sabi ko sa kanya dadalhin ko na lang ang mga albums na gawa ko para makita nya.

The following night dinala ko nga ang albums. Ang resulta: gusto na rin daw nya mag-scrapbooking. Nyahaha! Sabi ko simulan na nya hanggat 6 months old pa lang ang baby nya. Sabi ko ako ang dami ng backlog kasi 2 yrs old na si Kenkoy ng magsimula akong mag-scrap.

Pinakita ko rin sa mga male colleagues ko ang albums. Sabi ng isa ang ganda daw ng design :) (Shempre magagandahan sila sa gawa ko kasi di pa naman ata sila nakakakita ng gawa ng mga magagaling na scrapbookers, hwehehe!) Sabi naman ng isa, matutuwa daw ang anak ko paglaki nya. Tapos tinanong ko kung matutuwa nga kaya. Sabi ko may apprehensions ako nung nagsisimula palang ako sa hobby na ito. Baka kako di ma-appreciate ni Kenkoy kasi lalaki. Kasi hindi naman kako ma-senti ang mga lalaki (di lahat pero karamihan). Sabi nya maa-appreciate daw ni Kenkoy. Ang mga lalaki di lang daw nila pinapakita emotions nila pero nata-touch din daw sila. Sino naman daw ang di mata-touch malaman kung gaano sila kamahal ng nanay nila. Awwwwww! Na-inspire naman tuloy lalu ako na mag-scrap. Tapos dagdag pa nya... nakakatuwa daw malaman yung mga "Firsts". Sya raw siguro pag tinanong nya ang nanay nya kung kelan ang first day nya sa school eh wala raw sigurong masasagot ang nanay nya. Ramdam ko sa pananalita nya na sana may scrapbooks din sya. Nakakatuwa din syang tumingin ng album kasi binabasa nya talaga ang journaling. Pansin ko lang kadalasan kasi ang mga tumitingin sa albums na gawa ko, tinitingnan lang ang layouts. Tapos sasabihin maganda daw. Pero tuwa ako dito sa officemate ko kasi binasa nya talaga. Lalaki sya pero na-touch sya sa mga kwento ko sa albums. Nakaka-inspire magpatuloy sa hobby na ito :)

*****
Sa ngayon alam kong naa-appreciate ni Kenkoy ang mga layouts/albums na nagawa ko. Pag may bisita kami dito sa bahay lagi nyang binibida ang mga layouts ko. Kahit di ko ipakita ang albums sa bisita... maririnig ko na lang sya na nagkukuwento... ginawa ko daw yun :) At yung 4th bday album nya, kaya rin ako na-inspire simulan na ay dahil sa panay tanong nya kung gagawin ko na raw ba ang Spiderman album nya. Pero 5 months nya rin palang inantay si Spidey album, hehe!

Tuesday, October 24, 2006

Pinagkakaabalahan

Busy ako ngayon sa BKK album.

Kagabi nakapili na ako ng pics. 70 pictures lahat. At bukas ko makukuha ang printed copy. Hopefully masimulan at matapos ko ang journaling ngayong gabi. Para bukas simula na ng pagla-layout. Sa draft ko, aabot ng ten 12"x12" pages. Nakabili na ako ng materials kanina --- card stock, fiber stickers, ribbons, rings, clamps, slides, clasps, studs. Kung magagamit ko nga ang lahat ng materials na nabanggit... yan ang di ko masasabi, hehe. Yung color na napili ko for the entire album ibinase ko sa color ng King of Thailand. Very prominent yung color na yun. Pagdating palang namin sa BKK eh pansin ko kaagad yung color. Akala ko nung una uniform sa airport, hehe! Aba at nakalabas na kami ng airport at nakapunta na kami sa hotel eh ganun pa rin ang color na suot ng mga tao. Color daw pala yun ng hari nila.

Tantya ko aabutin ako ng next week para sa album na ito. Mabilis na rin kasi 3 weeks lang after the event. Kadalasan kasi inaabot ako ng months o years bago masimulan/matapos ang album, hahaha!

Naway matapos ko nga ang album next week :)

Friday, October 20, 2006

Malambing??

Ang anak ko sobrang lambing. Sa gabi hindi sya makakatulog ng hindi ko sya yakap. Pagtapos naming magdasal... ng good night kiss... at ng pag-i love you... kasunod na ang pagsabi nya ng "hug me" :) At dapat right hand/arm... hindi pwede kaliwa :P

Isang umaga, pagkagising namin. Tinanong ko sya kung gusto nyang yakapin ko pa rin sya.

Ang sagot...
"No. It's daytime. No more monsters Mama."

Ngaks! Wild pala imagination. Kala ko pa naman nanlalambing, hwehehe!

Monday, October 16, 2006

We're Back

Pagtapos ng 6 days na bakasyon, balik na ulit sa normal na takbo ng buhay ;)

Sa kabuuan, enjoy naman ang trip namin. Mas nagustuhan ko ang Bangkok trip kesa sa Kuala Lumpur/Genting trip namin. Pati si Labs, sabi balik daw kami. Uy bago ata sa pandinig ko yun kasi sa aming dalawa ako ang mahilig magyaya at magplano-plano ng bakasyon, hehe! Si Kenkoy naman, patawa. Lahat ng makakwentuhan sa Church kahapon... laging nauuwi ang kwento nya sa BKK trip namin. Kahit ang layo-layo ng usapan biglang isisingit nya ang kwento tungkol sa trip namin. Tawang-tawa ko kasi yung hitsura ng mga kausap nya eh biglang nalito, hehe! Obvious na may hangover pa talaga, hehe!

Si Kenkoy ang pinaka-bata sa group tour. Pero alam kong nakikinig sya sa tour guide kasi nagri-react sya sa mga sinasabi ng tour guide. Tulad ng sinabi ng tour guide na one more bldg... react si Kenkoy ng "One more building?". O kaya nabanggit na 1 hour... react ulit ng "1 hour??". Nung nabanggit din na nandun ang ashes ng Buddha sa Grand Palace, sabi ni Kenkoy nung namatay daw ba si Buddha eh sinunog tapos nandun ang ashes sa loob. Nagulat tuloy ang tour guide kasi nakikinig/naiintindihan daw ni Kenkoy.

Nung Oct 12, iba't-ibang Buddhist temples ang pinuntahan namin. Sabi tuloy ni Kenkoy, "Buddha again?" o kaya "Another Buddha?" Pero di ako nakasagot nung bigla syang nagtanong kung si Jesus daw ba eh si Buddha. Di naman nababanggit si Jesus sa tour pero bigla nyang natanong. Siguro napansin nya yung ibang tao na nagdadasal sa loob ng temple. Madali lang naman yung tanong. Takot lang ako sa magiging follow-up Qs, hehe! Feeling ko sensitive masyado yung topic kaya di ko muna sinagot. Parang di ko alam kung paano ie-explain sa 4yo na bata. Dapat ingat ako sa sasabihin ko kasi tatanim sa isip nya yun. Uuwi pa naman kami sa Pinas in Feb eh sa bahay ng in-laws ko ang altar dun eh magkatabi images ng Buddha at ni Jesus. Si Labs lumaki sa Catholic-Buddhist na family. Ipasa ko na lang kaya kay Labs (hehe) ang page-explain kay Kenkoy para gaya nya eh lumaking hindi confused si Kenkoy.

Inspired akong gawin agad ang BKK Scrapbook Album. Sa journaling na lang po ang buong kwento ;)

At nga pala, sa lahat ng nakaalala, maraming maraming salamat sa birthday greetings/wishes :)

APO Songs

May pasalubong si Labs galing Pinas --- kami nAPO muna CD ng APO Hiking Society :) Paulit-ulit naming pinapakinggan mula nung Sabado pa. Ang ganda talaga ng APO music. Na-inspire tuloy ako :)

Batibot

Nag-check ako ng postings sa Yahoo Group ng College org namin ni Labs. Nabuwal daw yung puno sa Batibot na malapit sa MIT Chapel ng dahil sa bagyong Milenyo. Limang taon din naming naging tambayan yun. Nawala na pala ang tambayan namin. Kakalungkot.

*****
Batibot ang tawag ng mga Mapuans kasi gaya sa Batibot may puno din yun sa gitna tapos may pwedeng upuan sa ilalim ng puno.

Sunday, October 08, 2006

Kenkoy's 4th Bday Album / Vacation Mode

Nasimulan ko na 4th Bday Album ni Kenkoy :) Pinagpuyatan ko kasi inaantay na nya talaga ang album nya. Naka-3 layouts ako. 2 layouts pa pero hahanapin ko pa ang mga pics... malamang nasa notebook ni Labs.

Excited pa naman akong i-share ang latest layouts ko kaso dala pala ni Labs sa Pinas ang cable. Di ko tuloy ma-transfer ang files from cam to pc.

Aliw ako sa spidey embellishments na bigay ni Cata. Pati yung papers... cutie :) Patawa lang ako kasi ang tagal kong pinag-isipan kung anong papers ang gagamitin ko... kung anong color combination. Nung sa wakas nakapili na ko at nagawa ko na eh parang may mali. Ayun at naisip ko blue & red nga pala colors ni Spiderman. Kaasar! Wala na pala dapat akong pag-isipan, hwehehe! Pero mukhang ok din naman napili kong color combi (kailangan kong i-convince sarili ko, hahaha). Husgahan nyo na lang next week. O this week kung makakapag-online ako this week.

Inumpisahan ko talaga 4th bday album ni Kenkoy dahil madadagdagan na naman ang backlog ko sa Vacation Album namin. At least may panibago man eh nabawasan naman yung dati kong backlog.

At dahil wala namang ibang paraan para ma-share ko ang 4th bday layouts ni Kenkoy eh magsa-sign off na muna ko. Mage-empake na muna ko ng gamit naming tatlo. Magbabakasyon na rin kami, weeeeee! Pero di ko pa nagagawa ang itinerary :P Sana safe ang aming bakasyon... sana rin maganda ang panahon... sana rin mag-enjoy kami.

Pahabol:
Excited na si Kenkoy sumakay ulit sa eroplano. Last week pa tingin ng tingin sa orasan (marunong na syang magbasa ng analog clock :D ). Sabi ko wag sa orasan tumingin kundi sa kalendaryo dahil 7 days pa, hehe!

Ako medyo kinakabahan naman kasi dalawa lang kaming magta-travel ni Kenkoy bukas. First time ko pa sa pupuntahan namin. Pero buti may kaibigan kami dun na susundo sa amin ni Kenkoy. At sa gabi naman magkikita na rin kami ni Labs pagtapos ng 4 days, weeeeee!

Saturday, October 07, 2006

New Set of Printed Pictures

Received ko na bagong printed pictures. Excited na akong gawan ng layout. Kaso inaantok ako. Tulog muna ko habang tulog din si Kenkoy. Mamaya na lang ako hahataw sa pagii-scrap ;) Sana matapos ko 4th bday pics ni Kenkoy para mabawasan ang backlogs.

Friday, October 06, 2006

Hazy Days

Hazy Days na naman dito sa S'pore. Hanggang kelan kaya ito? Kala ko kailangan ko na namang magpa-eye check up... kala ko lumalabo na naman ang paningin ko nitong mga nakaraang araw... may haze pala :P

Grabe ang haze ngayon. And di ko maisip kung paano sa Indonesia. Paano kaya ang mga nakatira dun?

Sana nga mag-normalize na ulit ang lahat.

Thursday, October 05, 2006

Cramming

Kagagaling lang namin ni Kenkoy from the airport. Hinatid namin si Labs. 12:40am ang flight niya. Cebu Pacific. Star studded ang flight. Nakasabay nya sina Benjie Paras, Raymart Santiago, Wendell Ramos (tama ba?) at ang crew ng di-ko-alam-name ng GMA 7 show nilang tatlo (hehe, sorry outdated na ko).

Pero bago pa kami makapunta sa airport ay sobrang pagod talaga. Kasi naman ang hilig naming mag-asawa sa last minute. Kanina lang kinuha passports sa Phil embassy. Kanina lang din pina-transfer S'pore visa sa new passports. Buti na lang mabilis lang... 10 mins lang sa ICA... at libre, hehe! At shempre pa kanina lang din binili ang mga bilin. Pamatay na acid-free slip-in albums. Kahirap hanapin. Naubos oras at lakas namin. Nung may makita kami... $190+... ngeks! Wag na uy! Buti may nakita ulit kami sa Borders. Hindi slip-in. Hindi rin magnetic. Pero acid-free naman yung pages nung album tapos bumili na lang kami ng acid-free photo corners. Pwede na yun. Ang bilin naman eh basta acid-free, hehe!

Wednesday, October 04, 2006

Sleep Deprived

Dahil uuwi na si Labs sa Pinas on Fri kaya nakipag-swap ako ng sked. Ang kaso lang busy din si Labs sa client meeting kaya 5pm na wala pa sa bahay. Mainit na ulo ko kasi di ako nakakuha ng matinong pahinga eh 12 hrs ang duty ko. Napansin ni Kenkoy na mainit ulo ko.

Kenkoy: Mama, why are you mad? Do you want to sleep?
Lit Coo: Yes, I want to sleep. I need to sleep.
Kenkoy: But it's daytime. You sleep later.
Lit Coo: *na-guilty tuloy at tama naman si Kenkoy* But I'll go to the office tonight. I can't sleep there. I will work.

Buti na lang at habang nagpapaliwanagan kaming mag-ina ay dumating na din si Labs. Nakapag-30 minute nap ako (ngeks! pero pwede na rin kesa sa wala).