Bihira na ako makapag-blog. Busy sa paglilinis. Araw-araw, paunti-unti naglilinis ako. Parang feel na feel kong maglinis ng maglinis. Nesting instinct siguro. Pero sana wag muna lumabas si Aaron kasi hindi pa sya fullterm. After 13 weeks pwede na sya lumabas. Saglit na lang. Ang bilis ng panahon ano?Tuwa naman ako kasi malaki-laki din ang naging improvement ng flat namin. Yun nga lang dalawang boys ang kasama ko sa bahay kaya ang hirap i-maintain na malinis ang bahay. Saglit lang ay magulo at makalat na naman. Kung saan maiwan ang kalat dun na lang. Parang hindi sila naaalibadbaran kahit madumi at makalat :( Siguro pagod na rin si Labs sa trabaho kaya di na nya magawa pa ang maglinis. Siguro sa ganun sya sanay. Siguro inasa na sa akin totally ang paglilinis dahil trabaho ko naman ito. O siguro OC nga lang kasi ako. Pero si Kenkoy medyo natututo naman na. Pagtapos maglaro eh nililinis na nya mga toys, books at gamit nya. Ang bagal nga lang kaya nakakailang ulit ako ng "Please clean up now." hanggang sa maging "PLEASE CLEAN UP!" Hehe :P Magiging three boys pa pagdating ni Aaron kaya goodluck na lang sa akin.6 weeks na lang uwi na ako sa Pinas. Ewan ko na lang kung ano hitsura nitong flat namin pagbalik ko after 4-5 months. Goodluck na lang talaga.
Kung sabagay parte na talaga itong paglilinis ng pagiging isang homemaker. Nasa job description ko na ito, hehe! Naiisip ko naman pag-uwi ko sa Pinas. Ano naman kaya gagawin ko dun? Di naman kaya masobrahan ako sa pahinga habang inaantay ko ang due date, hehe! Sigurado di ako pagagawin ng household chores ni Mommy. Nakakapagod ang paulit-ulit na paglilinis pero di naman ako sanay na walang gagawin sa buong maghapon. Di ko naman maiuuwi ang scrapbooking materials ko dahil madami at mabigat. Siguro labhan ko na lang mga baby clothes ni Aaron. Linisin ko mga baby things. Tapos ire-ready ko ang hospital bag namin. Ano pa kaya? Ahmmmm, siguro mag-relax ng mag-relax para may lakas ako sa panganganak at para ready sa puyatan pagdating ni Aaron.
Hayyy. Hindi ako excited umuwi. Matagal-tagal akong mawawalay sa mag-ama ko. First time kong mahihiwalay kay Kenkoy. Naiisip ko pa lang ay naiiyak na ako. Mami-miss ko ang 1st baby ko :( Kung pwede lang papuntahin ko na lang OB ko dito para dito ako manganganak. Iniisip ko na lang magba-bonding kami ng husto ni Aaron. Ok na din para solo ni Aaron ang lakas at atensyon ko sa mga unang buwan nya. Sana lang maayos ko kaagad ang travel documents nya para makabalik agad kami dito.
Nobela na naman pala ito. Hanggang dito na lang. Salamat muli sa pagbabasa :)