mga kwento sa buhay buhay na na nakapag-patawa, nakapag-pasaya, nakapag-paiyak at nakapag-paisip kay lit coo
Friday, January 02, 2009
First Day of School
Wrong timing. Kung kelan pasukan na saka naman nagkasakit :(
Sana gumaling na si Kenkoy.
Tuesday, December 16, 2008
Extraordinary Smile

Journaling:
Kenkoy, on the 7th day of our 10-day holiday in the Phils., we visited your Amah in her toy store. Then we had snack at Jollibee with your Tita Cathy. Surprisingly we saw a spectacular formation in the sky on our way to your Amah's home. The sky smiled at us. But what's more surprising is that it wasn't two stars & the moon. We found out on the evening news that it was Jupiter, Venus & the moon.
01 Dec 2008
Wednesday, December 10, 2008
Preparation for Aaron's Arrival
Nakakadagdag excitement habang naglalaba ako at nagsasampay kanina. Ang cu-cute din ng mga damit. Ang liliit kasi ng damit ;)
Ay, pero, check-up ko nga pala kahapon. 2.5 kg ang ibinigat ko in 3 weeks. Shocks! 1.5 kg per month ang target ko sa last 2 months ko eh naka-2.5 kg na agad ako sa 3 wks pa lang. Yaiks! Sana kaya ko pa ring i-normal delivery si Aaron. Kailangan kong i-monitor ulit ng maigi ang kinakain ko. After 2 wks, check-up ko ulit. Sana tama lang ang ma-gain kong timbang.
Monday, December 08, 2008
We are Back
Nga pala, graduation layouts ni Kenkoy para sa kanyang mga lola ay naka-upload na po sa Friendster account ni Lit Coo.
Wednesday, November 19, 2008
May Grade Schooler na Kami
Last Saturday, 15 Nov, naman ang school orientation sa Primary School na papasukan ni Kenkoy. Na-meet ni Kenkoy ang new teacher & new classmates nya. Dinala sila sa classroom nila at inilibot sa campus. Dalawa sa dating classmates ni Kenkoy sa preschool ay classmates nya ulit ngayon. Masaya ako at kahit papaano ay may kakilala na sya sa klase.
Ang mga magulang naman ay naiwan sa gym. May presentation from the principal, Math, English & Chinese teachers. Nagbigay ng mga tips kung paano makaka-adjust ang mga bata sa big school. Pagkatapos ay nag fill-up na ng maraming forms. Habang nagsusulat ako sa mga forms ay di ko mapigilang maramdaman kung gaano kapalad si Kenkoy na makapag-aral dito. Oo nga at public school pero ang ganda naman ng facilities. Parang pang-private school na rin sa Pinas. Tapos libre na rin ang boosters sa mga bakuna. Salamat talaga sa Diyos at sa murang halaga ay makakapag-aral si Kenkoy.
Babalik na lang kami sa school sa 13 Dec para bumili ng books & uniforms. Mahaba kasi ang pila at isa pa ay hindi ko kasama si Labs.
At 02 Jan ay start na ng 2009 school year.
Ugly Duckling
Ugly duckling ako. Buti na lang nagustuhan pa rin ako ni Labs kahit ang chaka pa ng hitsura ko dati (hahaha). Mid-20s ko saka lang ako medyo nag-ayos ayos ng sarili. Magaling mag make-over si Labs, hehe! Kaya yung mga kakilala ko dati ay nagugulat pag nakikita ako ngayon.
Pero ewan ko din kung bakit wala namang negative impact sa akin ang incident na yun nung baby pa ko. Wala namang resentments sa part ko. Hindi rin ako lumaking insecure. Siguro kasi hindi talaga ko particular sa physical looks. Para sa akin skin deep lang yun. May mga iba pang bagay na mas mahalaga.
Monday, November 17, 2008
Aaron at 31 weeks
Salamat sa Diyos at normal daw kalagayan namin pareho ni Aaron :) Sa ultrasound ko 2 months ago ay transverse ang position ni baby. Ngayon cephalic na. Sana cephalic na hanggang sa manganak ako para normal delivery ulit.
May go signal na rin ako to travel by plane. Muntik pa akong di mabigyan ng letter kasi 32nd week ko sa flight namin next week at 33rd week ko na raw sa pagbalik namin dito. Sabi ko sabi sa airline pwede daw hanggang 35th week. Buti binigyan din ako ng medical certificate.
2 months na lang makakapiling na namin si Aaron. Excited na ako.
Token
$100 para sa dalawang kanta :)
Ayos! Kadalasan kasi eh kawang-gawa ang pagkanta ni Labs. Hindi naman talaga sya nagpapabayad except pag choir nila ang kakanta. Pandagdag din kasi sa choir funds.
Last Saturday sabi ni Labs kahit wala na raw token. Eh pinilit pa ring ibinigay sa kanya. Ok na rin. Nakabili sya ng book na gusto nya. At nanood na din kami ng Madagascar 2 :)
Ang Gospel pa kahapon ay tungkol sa gifts & talents. Marahil ay tuwang-tuwa si Lord kay Labs kasi ginagamit talaga ni Labs ang talents nya. Isa na rito ang pagturo ni Labs sa choir at ang pagkanta sa Simbahan for almost 17 years now.
Friday, November 14, 2008
Kakulitan with Labs at Kenkoy
Labs: token lang ibibigay
Lit Coo: ok na yun... sana cash... baka plaque ibibigay eh
Labs: marami na ko plaque sa ngipin. di ko na kailangan yun
Lit Coo: nyahaha
Labs: pero token daw e... baka 1 kanta isang token... parang jukebox
Lit Coo: nyahaha
Nao-obvious itong mister ko. At talagang jukebox pa eh. Di man lang videoke machine, hehe!
Kakulitan with Kenkoy. Dalawa lang kami kanina ni Kenkoy... tapos may nag-fart... eh hindi ako... eh di sya yun.
Lit Coo: Kenkoy, did you fart?
Kenkoy: No. Maybe it was you.
Lit Coo: It wasn't me.
Kenkoy: Maybe it was Aaron.
Hwehehe! Naku, di pa man din lumalabas si Aaron eh sinisimulan na ni Kenkoy na pasahan ng sisi.
Wednesday, November 12, 2008
Sexy?!
Girl stranger: Girl ah? (patungkol kay baby)
Lit Coo: Boy
Girl stranger: Oh, boy! 1st?
Lit Coo: 2nd
Girl stranger: *shocked*
Lit Coo: My 1st child is 6 years old now.
Girl stranger: *Mas lalung shocked (hehe)* You maintained your body well.
Sabi ni Labs sana daw sinabi ko na wala lang makain kaya ganun *LOL*
Madaming nagsasabi na ang sexy ko daw magbuntis. Buti pa pala pag buntis ako, nasasabihan akong sexy. Buntis na lang kaya ako lagi, nyahaha!
Monday, October 27, 2008
Masaya ako at magkikita kami. Sakto sa bakasyon. Bihira lang kaming magkita kasi ilang taon ang mission nya sa ibang bansa bago sya nagbabakasyon sa Pinas. At mula nung bata pa ako sinasakto nya lagi sa Christmas season ang pag-uwi nya. Kaya masaya ang reunion pag nasa Pinas sya. Sana umuwi din this year mga pinsan kong nasa ibang bansa.
Hindi ko pa alam kung aalis ulit sya o sa Pinas na lang nya ipagpapatuloy ang kanyang mission. Matanda na rin kasi sya. At dati pa nya sinasabi na last trip na pero umabot na ako ng 35 yrs old ay last trip pa rin ang naririnig ko.
Ganunpaman, sa Pinas man o sa ibang bansa ulit para sa akin ay mananatili syang inspirasyon ng isang tunay na nagsisilbi at nagmamahal sa Diyos :)
Monday, October 20, 2008
Tapos na ang Dilemma
Kung sa Pinas ako manganganak, wala pa rin kaming mahanap na mag-aalaga kay Kenkoy for 10 weeks. 1st day... at 1st term ng Primary 1 ni Kenkoy ay wala ako. Hindi ko sya maalalayan sa bagong yugto ng buhay nya, sa bagong eskwelahan at sa kanyang pag-aaral. First time din naming magkakalayo ni Labs sa Pasko, sa wedding anniv namin, sa New Year, sa bf-gf anniv namin, sa Chinese New Year, sa birthday nya. Wala rin si Labs at si Kenkoy pag nanganak ako. Mga 2 months old na si Aaron bago sila magkikitang mag-ama at magkapatid. Tama, ma-senti talaga ako kaya mahalaga sa akin ang mga bagay na ito.
Nagka-dilemma lang dahil may takot akong manganak dito. Maganda ang experience ko sa panganganak kay Kenkoy. Normal delivery pero walang hirap at walang sakit dahil sedated ako. Wala akong takot sa panganganak noon. Malaki ang tiwala ko sa OB ko. Sa ngayon may fear pa rin akong manganak dito. Ino-overcome ko na lang ang fear na yun dahil gusto kong magkakasama kami buong pamilya pag nanganak ako at sa mga mahahalagang okasyon sa buhay namin.
Patuloy akong nananalangin na kayanin ko ang panganganak at sana walang maging kumplikasyon. Bahala na si Lord. S'ya na ang bahala sa amin. Sana tama ang desisyon ko.
Monday, October 13, 2008
Ika-tatlumpu't limang Kaarawan
Maraming maraming salamat nga pala sa lahat ng nakaalala at bumati.
Salamat din sa Diyos sa nakalipas na 35 years. Salamat Panginoon...
sa buhay.
sa trials & blessings.
sa kalusugan.
sa masayang pamilya.
sa masayang childhood memories.
sa kinalakihan kong bahay.
sa mga pinasukan kong eskewalahan.
sa experiences at mga natutunan sa buhay.
sa mga kamag-anak, in-laws at kaibigan.
sa aming Kasal ni Labs.
sa buhay may asawa.
sa pagiging homemaker.
sa mabuti, mabait at gwapong asawa.
sa malambing, mabuti kahit makulit (hehe) na panganay.
sa aming bunso.
Masaya ang buhay. Salamat Panginoon sa lahat lahat :)
Thursday, October 09, 2008
Paglilinis atbp.
Tuwa naman ako kasi malaki-laki din ang naging improvement ng flat namin. Yun nga lang dalawang boys ang kasama ko sa bahay kaya ang hirap i-maintain na malinis ang bahay. Saglit lang ay magulo at makalat na naman. Kung saan maiwan ang kalat dun na lang. Parang hindi sila naaalibadbaran kahit madumi at makalat :( Siguro pagod na rin si Labs sa trabaho kaya di na nya magawa pa ang maglinis. Siguro sa ganun sya sanay. Siguro inasa na sa akin totally ang paglilinis dahil trabaho ko naman ito. O siguro OC nga lang kasi ako. Pero si Kenkoy medyo natututo naman na. Pagtapos maglaro eh nililinis na nya mga toys, books at gamit nya. Ang bagal nga lang kaya nakakailang ulit ako ng "Please clean up now." hanggang sa maging "PLEASE CLEAN UP!" Hehe :P Magiging three boys pa pagdating ni Aaron kaya goodluck na lang sa akin.
6 weeks na lang uwi na ako sa Pinas. Ewan ko na lang kung ano hitsura nitong flat namin pagbalik ko after 4-5 months. Goodluck na lang talaga.
Kung sabagay parte na talaga itong paglilinis ng pagiging isang homemaker. Nasa job description ko na ito, hehe! Naiisip ko naman pag-uwi ko sa Pinas. Ano naman kaya gagawin ko dun? Di naman kaya masobrahan ako sa pahinga habang inaantay ko ang due date, hehe! Sigurado di ako pagagawin ng household chores ni Mommy. Nakakapagod ang paulit-ulit na paglilinis pero di naman ako sanay na walang gagawin sa buong maghapon. Di ko naman maiuuwi ang scrapbooking materials ko dahil madami at mabigat. Siguro labhan ko na lang mga baby clothes ni Aaron. Linisin ko mga baby things. Tapos ire-ready ko ang hospital bag namin. Ano pa kaya? Ahmmmm, siguro mag-relax ng mag-relax para may lakas ako sa panganganak at para ready sa puyatan pagdating ni Aaron.
Hayyy. Hindi ako excited umuwi. Matagal-tagal akong mawawalay sa mag-ama ko. First time kong mahihiwalay kay Kenkoy. Naiisip ko pa lang ay naiiyak na ako. Mami-miss ko ang 1st baby ko :( Kung pwede lang papuntahin ko na lang OB ko dito para dito ako manganganak. Iniisip ko na lang magba-bonding kami ng husto ni Aaron. Ok na din para solo ni Aaron ang lakas at atensyon ko sa mga unang buwan nya. Sana lang maayos ko kaagad ang travel documents nya para makabalik agad kami dito.
Nobela na naman pala ito. Hanggang dito na lang. Salamat muli sa pagbabasa :)
Friday, October 03, 2008
Award
Kanina sinabi ng Chinese teacher ni Kenkoy na Best in Writing daw si Kenkoy sa buong preschool. Totoo pala ang balita ni Kenkoy :)
Binati ko ulit sya, nagpasalamat at sabi ko masaya ako sa tagumpay nya. Bibigyan kako namin sya ng prize. Pero pinagdiinan kong yung hindi mamahalin (haha). Ok daw. Pipili daw sya ng prize nya sa toy store :)