Monday, June 22, 2009

Father's Day

Late afternoon na kami nakapag-celebrate kahapon. 3rd Sunday kasi kaya bukod sa Mass sa St. Therese Church ay kumanta pa sina Labs sa Filipino Mass sa Holy Cross Church.

Nood kami ng sine. 2nd movie na ni Kenkoy II. Di naman sya umiyak pero ititigil ko na muna ang pagsama sa kanya sa sinehan. Malakas ang sound. Ang higpit tuloy ng kapit nya sa akin.

Pagtapos ng sine, dinner kami sa Pizza Hut. Simple celebration lang. Masaya naman.

Happy Father's Day Labs :*

Wednesday, June 17, 2009

Kenkoy's Check-up

Good news! Good news! Thank you Lord :)

Galing kami sa KKH kanina. Ayon sa blood test & ultrasound results ay normal daw si Kenkoy. Ok ang kidney at bladder nya. Ok din ang blood nya.

Mild case Noonan Syndrome nga sabi ng geneticist ni Kenkoy. Annual check-up na lang daw kaya next year na ulit ang balik namin sa kanya.

Friday, June 12, 2009

Kenkoy II's 5th Month


Maraming salamat sa Diyos dahil sa ika-limang buwan ni Kenkoy II, bukod sa jaundice (nung newborn) ay hindi na sya nagkasakit muli. Sipon, ubo, lagnat... kahit ano, wala. Nagkasakit man si Kenkoy ay hindi nahahawa si Kenkoy II. Kahit papaano ay may saysay ang ilang araw kong pagpa-purely breastfeed kay Kenkoy II. Frustrating man na di ko sya napa-breastfeed ng matagal ay salamat pa rin sa Diyos at ok ang immune system ni Kenkoy II. Maraming maraming salamat talaga sa Diyos. Naway lagi Nyang mailayo sa sakit si Kenkoy II ganun na din ang buong pamilya. Pwera usog sana.

Gumaan nga lang si Kenkoy II ngayon :( Tantya ko ay mga nasa 7 kg na lang o baka mas magaan pa. Humina kasi ang milk intake nya tapos malikot na. Kapag inupo ay nakaka-upo na sya. Pag hawak ay kaya na rin nyang tumayo. Mahirap na syang palitan ng diaper ngayon dahil panay ang galaw. Sa buwan na 'to ay hirap akong alagaan sya. Maraming beses na umiiyak na di ko maintindihan kung bakit. Ang hirap ispellengin, hayyyyyyyy! Buti na lang at sem break nina Kenkoy dahil kung hindi ay super-duper stress ang abot ko.


At nga pala, lalo pang humaba ang buhok ni Kenkoy II. Naiirita na sya sa may bandang tenga. Baka gupitan na bago pa mag-1 year old.

Saturday, June 06, 2009

Father's Day 2009

Overnight si Labs kagabi sa office. Cut-over daw (kung ano man ibig sabihin nun, hehe) kaya tutok sa system. Ayos ang timing! Nagawa ko ang Father's Day gift namin para sa kanya :)

Sa wakas nakapag-scrapbook din ako after ko manganak. Yahoooo! Sarap ng feeling. 5th anniv ko sa hobby na ito. Father's Day 2004 ang first layout ko. At mula noon sinisiguro kong may Father's Day layout para kay Labs taun-taon. Kaya sa ngayon may 6 Father's Day layouts na. Nakakatuwa tingnan ang layouts. Parang kailan lang yung mga yun. Toddler pa si Kenkoy. Ngayon grade schooler na si Kenkoy plus may bago pang baby, si Kenkoy II. Ang bilis talaga ng panahon.

Kwento ko na rin. Habang dine-design ko ang layout panay ang suggest ni Kenkoy. Sabi pa nya yung word na "love" (father's love kasi ang title ng layout) eh dun ko daw ilagay sa pictures nya. Wag daw kay Kenkoy II. Marami pa syang ibang suggestions na binanggit. Nadi-distract nga lang ako kaya sabi ko sa kanya next time gumawa sya ng sarili nyang layout para masunod yung design na gusto nya. Pero sinunod ko na rin yung gusto nyang mangyari na ilagay ko sa pictures nya yung word na "love". Baka magtampo eh. Ayun, tuwa sya sa output. Ang ganda daw, weeeeeeeeeeee!

Sabi din ni Labs, ang ganda :) Ayun, naka-display yung layout sa workstation ni Labs sa office nya. Weeeeeeee!

Labs, advance happy Father's Day sa iyo *mwahhhhh*

Thursday, June 04, 2009

Conversation with Kenkoy

Dati sabi ni Kenkoy buti daw si Bruce Wayne mayaman ang parents, hehe!

Tapos kanina...

Kenkoy: We are poor. Why is it that we are not rich?
Lit Coo: It's ok. We're happy anyway. Not all rich people are happy. Why do you want to be rich? You have everything you need. You have food. You have clothes. You have toys. You go to school. What else do you want?
Kenkoy: Ikea bed.

Matagal na kasi nya gusto yun. Double deck bed. Maganda nga naman yun. At saka gusto nya para sa kanilang magkapatid.

Lit Coo: Do you want, I'll give you to rich parents?

Tapos hinug ako ni Kenkoy sabay sabing...

"Mama, I don't want. I'm ok now. I'm happy."


Weeeeeeeee! Sarap ng yakap. At shempre mas masarap malaman na di kami pagpapalit ni Kenkoy sa karangyaan.


***
Sabi naman ni Labs. Dapat daw sinagot ko:
"We are not poor. But we are not rich either."

Wednesday, June 03, 2009

The *toot* Brothers

Last month sabi ko kay Kenkoy na ang naka-imbento ng eroplano ay ang Wright Brothers. Ano naman kaya kako ang mai-imbento o magagawa ng *toot* Brothers (sila ni Kenkoy II). Nag-enumerate sya ng mga bagay-bagay... ref, washing machine, etc. Sabi ko meron na nun. Eh ang daya naman daw at meron naman na daw halos lahat ngayon. Sabi ko mag-isip pa sya.

Sabi nya "Ah! I'll make the Philippines nice & clean again." (Parang pulitiko lang, hahaha!)

"I'll put trash bins everywhere." (At balak pang maging MMDA Chairman. BF, may papalit na po ata sa posisyon nyo, hahaha!)

Sabi ko mahirap yung plano nya. Sagot naman nya...

"That's why you must teach me Tagalog so Filipinos will understand me." (Ayan, at pine-pressure na talaga ko ng anak ko, hahaha! Sabi ko naman eh nakaka-intindi naman ang mga Pinoy ng English... lulusot pa eh, hwehehe!)

Yun po ang pangarap ng aking pitong-taong gulang na anak para sa ating Lupang Hinirang :)

Sunday, May 31, 2009

First Movie House Experience

Kanina ang first movie house experience ni Kenkoy II. Night at the Museum II ang pinanood namin. Di naman sya natakot sa dilim. Di rin natakot sa malaking screen. Di rin natakot sa sound. Nainip lang kaya umiyak. Nilalabas ko na lang pag umiyak tapos balik ulit pag ok na sya. Nakakatuwa lang at pwede pa rin pala kaming makapanood ng sine ni Labs, hehe! Dati kasi kay Kenkoy parang 2 or 3 years kaming di nakapanood sa sine dahil wala namang yaya si Kenkoy. Asus! Pwede naman palang isama ang baby sa loob ng sinehan (shempre sabay dalangin na wag magloko at magii-iyak sa sinehan, hehe).

Saturday, May 30, 2009

Monthly Update

Grabe! Sa sobrang ka-busy-han ay monthly ko na lang ma-update itong blog ko :( Wala na tuloy ka-emo-emosyon ang entries ko. Parang basta mai-record ko na lang kung ano mga nangyari para kahit papaano ay mababalikan ko ang mga alaala paglipas ng panahon. Hayness!

Friday, May 29, 2009

First Sem Results

Natanggap na namin report card ni Kenkoy.

English -- 92.6%
Math -- 88.2%
Chinese -- never mind (nyahaha!)
Attendance -- 88/96 (sakitin this year... sore eyes, HFMD... sana lumakas na ulit resistensya ni Kenkoy)
Conduct -- excellent :)

Overall results: Passed :)

Sayang lang nahatak yung average ni Kenkoy pababa dahil sa Chinese subject. Pero masaya ako sa 1st sem results. Sabi nga ni Kenkoy -- "Mama, I did my best!" Kung ganun ba naman ang hirit sa akin ng anak ko eh makukuha ko pa bang hindi maging masaya? Hehe!

Pero sa totoo, masaya talaga ako lalu na sa Math. Before the Semestral Assessment (SA) ay weakness ni Kenkoy ang worded problems. Mataas pa naman ang points ng worded problems kaya kada mali hatak talaga ang total score pababa. Tuwa lang ako dahil sa SA nya ay perfect nya ang worded problems.

Sa English:
Spelling -- perfect score (at Star Speller nga pala si Kenkoy sa school, hee hee!)
Reading Competency -- perfect score
Grammar -- 90%
Oral Exam -- 80%

Ayun, papa-tutor na lang namin si Kenkoy sa Chinese. Di na maturuan ni Labs dahil sobrang busy sa work. Sana makahabol at matuto si Kenkoy sa Chinese.

Ngayon, 1 month school holiday na nila Kenkoy. Pahinga muna kami ni Kenkoy sa stress na dulot ng pag-aaral, hahaha!

At pahabol. Kenkoy, sagot ko pala sa tanong mo... "Yes, I'm proud of you! So proud. Love you son *mwah*"

Wednesday, May 27, 2009

Upo

Pag inupo si Kenkoy II ay kaya na nya :)

Friday, May 22, 2009

Sis

Nandito sister ko for 1 week. Grabe 3 days ko ng sinasamahan sa malls. Nakakapagod. Di pa naman ako sanay mag-shopping. At isa pa, ang hirap ng may kargang kabigat-bigat na baby, hehe!

Kakapagod lang talaga dahil pag-uwi sa bahay ay tambak ang trabaho. Ayun, tambak ang labada. Tambak ang plantsahin. Ang dumi ng bahay. And the list goes on and on, hahaha!

Pero shempre ok din naman at kahit papaano nakapag-bonding kaming magkapatid. Bihira lang naman ito since nandito na nga ako nakatira sa S'pore at nasa Phils sila.

At birthday ni Mommy ngayon kaya bumili kami ng gift para kay Mommy. Birthday gift at Mother's Day gift, isa na lang... magkasama na dalawang okasyon, hehe!

Thursday, May 21, 2009

PR

Pumunta kami kanina sa Immigration para sa formalities ng pagka-Permanent Resident (PR) ni Kenkoy II. 3 weeks lang pagka-file ng application ay may result na. Akala ko matatagalan eh.

Salamat sa Diyos at PR na rin si Kenkoy II.

Wednesday, May 13, 2009

Happy 7th Birthday Kenkoy

Pitong taon na ang panganay ko. Sa Sabado ang celebration nya. Play-Doh party sa McDonald's. Simpleng party lang ito... recession eh. Para lang play date with his close friends. Binigyan lang namin ng party dahil 7th birthday. Hindi naman sya taun-taon nagpapa-party.

Kanina pumunta kami mag-iina sa Ikea. Wala si Labs kasi OT. Kain muna kami ng hotdog tapos tuloy na si Kenkoy sa playground. Binalikan ko na lang sya after an hour. Tapos dinner kami sa Ikea restaurant. Habang nagdi-dinner kami ay tumawag ang in-laws ko para i-greet si Kenkoy. Mahal na mahal talaga nila si Kenkoy. Unang apo sa tuhod kasi. Unang apo. Unang pamangkin. Una sa lahat, hehe!

UPDATE (30.05.2009): Uploaded na sa Friendster ni Lit Coo ang pictures ng Play-Doh party ni Kenkoy. Pasilip na lang po duon. Salamat. Maraming maraming salamat pala sa lahat ng nakapunta sa party. Pinasaya nyong lahat si Kenkoy... pinasaya nyo na rin kami ni Labs :) Maraming maraming salamat din sa gifts na hanggang ngayon ay di pa namin nabubuksan sa sobrang ka-busy-han. Mataas ang EQ ni Kenkoy at di pa rin nabubuksan ang mga regalo, hehe!

Monday, May 11, 2009

Semestral Assessment / Party Preps

Torete ako (na lagi naman, hahaha). Exam week nina Kenkoy. Ang dami-daming pag-aaralan dahil lahat ng tinuro sa kanila mula January hanggang ngayon ang coverage ng exams.

Di ko pa rin napapadala ang invitations para sa party ni Kenkoy. Sana bukas mai-post ko na. Tapos ang cake, io-order pa lang. Giveways, meron naman na.

Ayun, cramming lagi, hahaha! Di ko na-foresee na sabay ang birthday ni Kenkoy sa exam week nya. Akala ko mga 3rd o sa 4th week of May pa ang exams nila. Sabay-sabay tuloy lahat.

Sunday, May 10, 2009

Kenkoy II's 4th Month

8.3 kg na si Kenkoy II. Para na syang 4 month old baby trapped in a 1 year old body. Ang laki at ang bigat na talaga nya. This month natuto syang mag-roll over from back to tummy and from tummy to his back. Na-discover na rin nya ang art of thumbsucking *hayyyy* Ang hirap na tuloy padedehin dahil mas prefer na nya ang thumb (fingers?? minsan ang dami daming fingers ang sinusubo eh) nya. Straight na rin sya matulog sa gabi. Kaya na nya 8 hrs straight.