mga kwento sa buhay buhay na na nakapag-patawa, nakapag-pasaya, nakapag-paiyak at nakapag-paisip kay lit coo
Saturday, February 27, 2010
Viral Gastritis
Feb 02 nagsimula sa kaunting sipon at pagsusuka. Nawala ang sipon. Medyo tolerable ang pagsusuka for a week. 2nd week lumala na naman. Dinala ko sa emergency ng KK Hospital. Viral gastritis daw. Wala raw gamot kasi viral. Warning sign lang na binigay ng doctor ay pag tumamlay. Eh active na active si Kenkoy II nung check-up. Parang walang sakit. Pero kahapon grabe na. Sinusuka na nya lahat kahit tubig na lang ang binibigay ko. Tubig at homemade barley juice ang binigay namin. Halos tulog si Kenkoy II sa buong hapon. Nag-ok din sya. After mga 18 hrs gutom na gutom na. Nakita si Kenkoy na kumakain. Iyak ng iyak. Sinubuan ni Kenkoy ang kapatid nya. Ang laki ng pagkakasubo. Nagulat kami nakain ni Kenkoy II. Sa sobrang gutom. Nanghingi pa ulit. Naubos pagkain ng Kuya nya. Di sumuka. Ayun, ok na. Salamat sa Diyos. Wala ng pagsusuka at lumakas na ulit ang appetite.
Grabe pag may sakit ang bata. Nakakapagod. Maya't-maya ang palit ng damit, bed sheets at pillow cases. Iyak din ng iyak at ayaw magpapababa sa playpen. Talagang full attention ang kailangan. Buti nag ok na si Kenkoy II. First time magkasakit eh malala pa. Pero buti di umabot sa hospitalization.
Thank You Lord for healing Kenkoy II :)
Saturday, November 14, 2009
Sofa & Bookshelf
Kakapagod maglinis. Di na tuloy nai-tayo ang Christmas tree dahil sa kapaguran. Next weekend na lang ang Christmas decors. Bumili pala kami ng additional 100 Christmas balls. Silver & gold ang motif namin for this year. First Christmas nga pala ito ni Kenkoy II. Sana gaya ng mga nakaraang Pasko maging masaya ulit ang Kapaskuhan ngayong taon.
Wednesday, November 11, 2009
Bye PC!
Kami lang ni Kenkoy II ang nasa bahay ngayon. Nag-bonding ang mag-ama kong sina Labs at Kenkoy. Nanood sila ng Astroboy sa GV Vivo City.
At ngayon ko nalamang ayaw na mag-start ng pc ko, wahhhhh! Nagamit ko pa sya kaninang hapon. Shinutdown ko lang kasi matagal akong di makakapag-internet. Pag-on ko ngayong gabi... ayaw na, wahhhh! Malamang na virus-an. Pero 8 yrs old na rin naman yun kaya pinag-retire ko na rin. Matagal na pinapa-retire ni Labs yun. Ayoko lang for senti reasons. Yun kasi ang gamit ko mula ng dumating ako dito sa S'pore. 8 years din kaming nagkasama. Gamit ko ngayon ang pc ni Kenkoy. Ang laking difference. Mabilis itong kay Kenkoy. Yung pc ko mabagal siguro nga dahil may virus.
Nakaka-miss ang monitor ko... ang keyboard... ang mouse ko. Pagpalitin ko na lang ang CPUs para magamit ko dati kong monitor, keyboard & mouse.
Pero mami-miss ko pa rin ang pc ko. Bye my PC! Salamat sa lahat ng ating pinagsamahan.
Saturday, October 10, 2009
Kenkoy II's 9th Month
Si Kenkoy II ay:
- 9.7 kg pa rin
- nakaka-upo na mag-isa (02 Oct)
- nakakatayo na pag may kakapitan sya
- nakakapag-cruise na
- umiiling pag naririnig ang kantang "nobody" (natutunan nya sa 9-day stay na bakasyon namin sa Pinas)
- 3rd/4th time nyang makasakay ng airplane
- 1st time makaranas ng bagyo (bagyong Ondoy)
- sa buwan na 'to ay nagka-slight cough & colds
Thursday, September 10, 2009
Kenkoy II's 8th Month
9.7 kg na ang bigat ni Kenkoy II. Mabagal na ang pagdagdag nya ng timbang dahil ang likot-likot na. Maraming nangyari sa 8th month nya.
11 Aug, 4 days after ng kanyang unang pagka-hulog ay nahulog na naman sya :( Ito ang mataas ang kinahulugan at semento ang binagsakan.
1st lower tooth nya lumabas nung 31 Aug. 2nd lower tooth nya lumabas naman nung 09 Sept.
At sa wakas natuto na ring gumapang nung 31 Aug. Kala ko matatagalan pa bago sya makagapang kasi di nya maitaas ang katawan nya (siguro dahil sa bigat nya). Nakakatuwa nga dahil nung tinuturuan ko syang gumapang... para gumapang sya papapalapit sa akin ang gamit kong bait ay hindi laruan kundi pagkain, hahaha! Hilig nya talagang kumain. Torture nga lang sa kanya kasi kitang-kita ko na gusto nya yung pagkain pero di nya mai-usad ang katawan nya. At ang hirap pa iwan sa floor kasi kahit floor nili-lick. Grabe, sa mata ata nya lahat ng bagay ay pagkain, hahaha! Pero sa wakas paglipas ng mga dalawang linggong pagpa-practice ay nakagapang din sya at ngayon ay ang bilis-bilis na nya gumapang :)
Wednesday, September 09, 2009
Kulitan
Kagabi...
Lit coo: *nanlalambing* Anong klaseng asawa ba meron ako? Kailangan pang diktahan (na manlambing).
Labs: Anong klaseng asawa ba meron ako? Diktador!
Nyahaha! Natawa lang ako sa kulitan namin ni Labs. Hangkulet ng asawa ko.
Monday, August 10, 2009
Kenkoy II's 7th Month
Saturday, July 25, 2009
Dito na si Mommy
Shempre masaya ako at grateful dahil nandito ang Mommy ko at may tutulong sa akin. Naisip ko makakapahinga rin ako. Nakakapag-afternoon nap na nga ako ngayon pero feeling ko di pa rin ako nakakapahinga ng husto. Parang gumulo ang mundo ko. Sanay na kasi ako sa sistema ko sa bahay at sa pag-alaga sa dalawang bata. Ngayon naninibago ako sa mga pangyayari.
Si Kenkoy II dati ay naiiwan ko mag-isa... maglalaro muna sya mag-isa habang inaasikaso ko Kuya nya lalu na kung papasok na sa school si Kenkoy. Ngayon dahil nandito ang Mommy ko ay kadalasan binubuhat sya. Good luck na lang sa akin pag-uwi ni Mommy sa Pinas. Parang biglang sanay na sa buhat si Kenkoy II. Paktay na! At parang ang hirap-hirap alagaan ni Kenkoy II... iyak ng iyak... ang hirap padedehin. Dahil sa pag-asikaso ko kay Kenkoy at pag-asikaso ni Mommy kay Kenkoy II ay na-miss ko bigla ang bunso ko. Kaya pag may oras na ako ang nag-aalaga kay Kenkoy II ay talagang niyayakap at hinahalikan ko sya ng bonggang-bongga, hehe!
Nasira ko pa ang sterilizer kaya dagdag oras sa pagii-sterilize. Paktay na talaga ako :( Bahala na si Batman.
Pero masaya pa din naman dahil nakakapag-kwentuhan kami madalas ni Mommy. Mas close kami ngayong nandito na ako sa S'pore kesa nung nasa Pinas ako.
Thursday, July 23, 2009
Sterilizer
Ang nakakainis pa bukod sa balik ako sa old style of sterilizing ay dahil gift yung sterilizer na yun ng Ninong ni Kenkoy II. Nakakainis talaga. Kung pwede lang ulitin ang mga pangyayari.
Gawa pa naman ang steam sterilizer ni Kenkoy. Avent din. Kaso lang dalawang cycle ko ng nilinis with citric acid ay maamoy pa din. At parang naipon na ang dumi. Ayoko na gamitin kasi baka imbes na ma-sterilize ang mga bote ay lalu pang magka-bacteria.
Sa ngayon di ko alam kung bibili pa ng bagong sterilizer o kung magtityaga ako sa pagpapakulo. Ang alam ko lang naiinis talaga ako sa pagkalimot ko. Hayyyyyy!
Friday, July 10, 2009
Kenkoy II's 6th Month
Bilis ng panahon. 6 months na pala agad ang nakalipas. Halos 9 kg na si Kenkoy II. Sa nakalipas na buwan ay nagsimula na syang mag-solids. Ang takaw. Hindi mahirap pakainin dahil walang tinatanggihan. Dapat pag nilagay sya sa high chair ay nakahanda na ang lahat. Madali syang mainip pag wala pa ang pagkain. Hinahablot nya ang spoon at ang bowl nya dahil gusto nya tuloy-tuloy ang pagsubo sa kanya. Di ko lang sya pwedeng iwanan na mag-isa na may laruan dahil lahat sinusubo nya. Hindi na nga sya kuntento sa thumbsucking... pati toe sucking ay hilig na nya ngayon *LOL*
Thursday, July 09, 2009
MJ's Memorial
Ang ganda ng memorial service. Hanggang sa huling sandali hanep sa entertainment value si MJ. Maraming parts ng service ang naiyak ako. Sa sinabi ng pastor, ni Brooke Shields, ni Paris, marami pa. Pero pinaka-naiyak ako sa sinabi ni Marlon Jackson. Bigla kong naisip ang 2 boys ko. Sana maging ganun din ang brotherhood ni Kenkoy at Kenkoy II lalu na pangarap ni Labs na maging mahilig din sa pag-awit gaya nya ang aming mga anak.
Hayyyy, nakaka-iyak. Sana nga totoo na lang yung tsismis na buhay naman si MJ nang sa ganun ay nakita nya kung gaano naman pala sya kamahal ng mga tao. Sayang lang talaga kung kelan naman wala na sya ay saka naman may tribute. Naisip ko tuloy na mapalad ang Eraserheads nakapag-comeback concert pa sila. Nakita pa nila kung gaano sila kamahal ng mga fans nila di gaya ni MJ. Pero sana kahit wala na si MJ, sana naramdaman nya kung gaano nya napasaya/na-entertain ang maraming tao.
Tuesday, July 07, 2009
Paalam MJ
Hindi ko alam ang tunay na buhay nya. Kung ano nga ba ang tunay nyang nararamdaman at pinagdaanan. Tingin ko lang ay hindi sya ganun kasaya. Sa dami ng pagbabago sa mukha at katawan nya ay mukhang di sya nasiyahan sa kung ano ang binigay sa kanya. Tingin ko lang naman ito. Sayang lang. Ang cute cute pa naman nya nung bata sya. Di bale, sana masaya na sya ngayon.
Naiiyak pa rin ako sa tuwing naririnig ko mga awitin nya at pag napapanood ko sya.
Maraming maraming salamat sa musika MJ :) Be happy now & rest in peace.
Monday, July 06, 2009
Serious Talk
Nalulungkot ako sa tinatakbo ng relasyon ko kay Kenkoy. Malambing na bata sya pero makulit talaga. At di nakikinig. I mean pag may inutos sa kanya makakailang sabi pa muna bago susunod. Antayin pang sumigaw ako o masaktan ko sya bago sumunod. Naiyak na ako. Mali ba ko sa pagpapalaki? Di naman ako nagkulang sa pangaral. O baka naman nasobrahan ako. Narindi na siguro sya sa paulit-ulit na reminder ko (aka sermon, hehe) kaya di na lang nakikinig.
Isa sa features ng Noonan Syndrome ay ang pagiging stubborn. Pero ganun na lang ba yun. Tatanggapin na lang ba namin na ganun nga? Baka naman mai-tatama at madi-disiplina pa namin.
Kagabi kinausap ko si Kenkoy. Di ko namalayan 1 hour na pala akong nagsasalita. 9-10pm paulit-ulit ako sa mga gusto kong ipunto sa kanya. Tapos umiyak na. Panay ang hikbi. Na-realize nya mali daw sya. It's all his fault daw. Sabi ko ok na yun. Tapos na. Wag na lang kako nya ulitin pa. Pati ako naiyak na. Nag-iyakan na kaming mag-ina. Kinalma-kalma ko na kasi bawal sa puso nya ang sobrang iyak. Sabi ko pag di sya nakikinig ibig sabihin di nya kami mahal at di nya kami nire-respeto. Sabi ko mahal na mahal namin sya ng Papa nya kaya tinuturo namin ang tama sa mali. Sabi ko ayoko na ng sumisigaw ako sa bahay. Stressful kako. Ayoko mamatay ng dahil sa stress kako. Magpapakabait na daw sya.
Hay! Sana nga ito na ang solusyon sa problema. Sana nga may magandang changes mula ngayon. Ayokong maging pangit ang childhood memories ni Kenkoy. Ayoko maalala nya na lagi na lang sya napapagalitan at napapalo. Sabi ko makinig na at para titigil na rin ako sa pagsusuway at pagpalo... para happy na lahat. Ok daw. Sorry daw. Binigyan ko din sya ng time na magsalita. Gusto ko kako malaman nasa isip nya at nararamdaman nya. Pina-enumerate ko din yung mga natutunan nya sa pag-uusap namin. Ayos naman. Nagkaintidihan naman kami.
Thursday, July 02, 2009
Please Pray for Kenkoy
Sa July 30 ang scheduled heart treatment nya (balloon valvuloplasty). Humihingi po muli kami ng dalangin mula sa inyong lahat. Paki-dasal naman po kay Lord na pagalingin para maging normal na bata si Kenkoy.
Kwento ko lang. Tumawag ang teacher ni Kenkoy kay Labs bago magpasukan. Tinanong kung nagbakasyon kami sa ibang bansa. Tungkol sa swine flu. Wag daw munang papasok ang mga nagpunta sa affected countries. Di naman kami nag-overseas sabi ni Labs.
Nabanggit na rin ng teacher na panay pa rin daw ang takbo ni Kenkoy pag recess. Bilin kasi ng cardiologist ay bawal yun. Kinausap ko si Kenkoy. Sabi ko wag na syang maglaro sa school. Punta na lang kami sa playground after Sunday Mass. Biglang lumuha. Naluha na rin ako. Naiinggit sa ibang mga bata. Bakit daw sila pwedeng maglaro. Sabi ko may heart problem pa kasi sya. Hayyy! Ang hirap talaga pag may limitations ang anak mo. Doble ang sakit na nararamdaman ng magulang.
Kaya nanalangin ako sa Diyos. At nakikisuyo sa inyong lahat na kung pwede sana paki-request kay Lord na gawing normal ang puso ni Kenkoy.
Maraming maraming salamat :)
Thursday, June 25, 2009
Kenkoy II's Check-up
8.7 kg na sya. Bumigat din pala. Nagdagdag ng 0.4 kg in a month. Akala ko dati ay pumayat kasi parang gumaan. Nasanay na lang siguro ako sa bigat nya. Malapit na mag 9 kg. Saglit na lang ay magiging large size na ang diaper nya.
Nag-start na rin pala sya mag-solids. Ang takaw lang, hehe! Nakakatuwa dahil ang daling pakainin. Parang gutom na gutom lagi, hehe! Di maka-antay sa subo.