Wala akong maisip na title... update ko na lang next time :D
Nakahanap na ko ng matino-tinong internet cafe --- yung tahimik :) Nagulat ako dun sa una kong napuntahan. Ang lakas ng volume habang naglalaro sila. Sigawan pa yung mga players ng "Hwag ka dyan. May bomba dyan! achuchuchu" Wahhhh! Alam nyo yung ganung eksena tapos lights off... more on internet gaming pala yung napuntahan ko :( Dito ngayon tahimik...parang nasa bahay ulit ako :)
Bihira na akong makapag-online kasi wala kaming internet access sa bahay. Mula nung Feb 05 pangalawang beses pa lang ako nakapag-online. Medyo ma-emosyonal ang mga emails na nabasa ko ngayon. One of our close Pinoy friends in SG will move from SG to OZ. Nabanggit na nila sa last EB namin pero ngayon totohanan na. Kakaiyak... naiiyak pa rin ako hanggang ngayon. I'm happy for them pero nakakalungkot lang... mami-miss talaga namin sila. Para na rin kasi kaming pamilya sa NAW-SG.
mga kwento sa buhay buhay na na nakapag-patawa, nakapag-pasaya, nakapag-paiyak at nakapag-paisip kay lit coo
Monday, February 21, 2005
Thursday, February 17, 2005
Madami pang chika
Online ulit ako next week. Dami pa kong chika pero wala ng time. Next time kwento ko mga gimiks namin ni Labs -- La Luz Resort (Feb 8-9), NAW-MNL EB & Tropang Praning get-together (Feb 10), MITASCA get-together (Feb 11) and Ting Hun ni BIL (Feb 12).
Tuesday, February 15, 2005
Pagmumuni-muni
830am ang flight ni Labs kanina. Kakalungkot. Gusto ko na rin bumalik sa Singapore.
Miss ko na si Labs, ang buhay namin dun, ang flat, ang pc, ang scrapbooking, at marami pang iba. Gusto ko na umuwi. Sana June na.
Ganunpaman madaming realizations ang naidulot ng pag-uwi namin dito sa Pilipinas. Para na rin akong nag-retreat. Iba talaga ang Sunday Mass dito. Ibang-iba rin ang pamumuhay dito. At kahit papano ang dami kong napag-isip isip sa buhay-buhay. Ang dami pala talaga naming dapat ipagpasalamat sa Diyos. Sa ganitong pagkakataon mas na-obvious ang mga blessings ni Lord :) Thank you po ulit Lord.

Monday, February 14, 2005
V-day Kwento
Sa wakas nakapanood ulit kami ng movie ni Labs. LOTR3 pa yung last movie na napanood namin. Flight of the Phoenix ang pinanood namin... yun lang kasi ang match sa time sked. Feeling bf-gf ulit kami :)
After the movie tuloy kami sa Marina sa may Roxas Blvd cor Buendia. Dinner with Labs' family. Di ganun kasarap ang food. Mas masarap pa sa Congo Grille & Gerry's Grill. Pero ok naman yung band at ang ambience.
Sad part: May bombings sa Makati, GenSan & Davao. Pati civilians nadamay na naman sa awayan ng mga militar at rebelde :( Dahil low ang crime rate sa S'pore eh napa-praning talaga ko kada uwi sa Pilipinas. Praning sa mga holdapers, snatchers, mandurukot at mga manyakis. At dahil sa bombings na ito mas lalu pang nakaka-praning. Nakakatakot. Gusto ko ng umuwi *hayyyyy* Marahil naiisip nyo wala naman ng safe place ngayon. At oo nga't may kanya-kanya tayong oras. Ang sa akin lang, kung maaari sanang maging mapayapa rin dito ay mas ok sana. Ang sarap mamuhay ng walang worries sa crimes & terrorist attacks. Yun lang po. At gusto ko na talaga umuwi (hangkulet ko, hehe).

Saturday, February 05, 2005
Balik Pinas
Sa apat na beses na nag-travel kami by plane kasama si Kenkoy ngayon ang pinaka-matinding hassle. Grabeng byahe! Sabi nila wag daw sabihing "Terrible Two" pero talagang terrible eh. Mahaba ang pasensya ko sa bata pero parang unti-unting nauubos ang pasensya ko ngayon.
Mabuti na lang kasabay namin sa flight yung college schoolmate namin at yung wife nya. Natulungan nila kami sa mga baggages namin.
Ang tindi rin ng ear pressure. Pinaka-masakit ngayon.
Mom ko, sis, SIL & nieces ko ang sumundo sa amin sa airport. Sumaglit kami sa Duty Free tapos uwi na rin agad sa QC.

Monday, January 31, 2005
Labs' Bday Kwento
Jan 30 - Wala ng tulugan after NAW-SG's CNY Party. Nag-prepare kami ni Labs ng spaghetti & fried chicken para sa choir. Sinimulan ko rin yung gift ko for Labs. Ang kaso lang di na surprise kasi naiwan kong naka-open sa pc yung journaling ko. Buko tuloy *kainis*
Jan 31 - Nag-treat boss ni Labs sa Pariss Int'l Seafood Buffet Restaurant sa may Marina Square. Ang sarap ng food. Naaliw ako sa fruit juices... free flowing kasi kaya enjoy.
Kaso nabusog agad ako. Feeling busog ata agad ako kasi kaharap ko kumain boss ni Labs, hehe! $29/pax daw sabi ni Labs. Kaya ata masarap kasi treat ng boss ni Labs, hehe! Pero walang biro masarap nga. Ok sya for special occasions (yung price nya pang special occasion lang talaga kasi, hehe). Gusto ko bumalik. Ang sarap talaga ng food eh :)
Usapan nga pala namin ni Labs last week...
Labs: Lunch tayo kasama sina Chong & Kam
Lit Coo: Treat nila?
Labs: Yes
Lit Coo: Ha? Bakit? Anong okasyon?
Labs: ANO NGA KAYA ANG OKASYON??!!!
Lit Coo: LOL (Bday nga pala ni Labs, hehe)

Saturday, January 29, 2005
N@W-SG's Chinese New Year Party 2005

Tradisyon na naming SG NAWies ang mag-celebrate ng Chinese New Year (CNY) na magkakasama. Pangatlong taon na namin itong ginagawa. Feb 09-10 pa ang CNY '05 pero kailangan naming i-celebrate ng maaga dahil uuwi kami nina Labs at Kenkoy sa Pinas ganun din sina Cata.
Masaya ang party. Nagbigay ng angpao ang mga adults sa mga kids. Ang mga kids naman nagbigay ng oranges sa mga adults. Medyo kagulo lang kami sa parte na 'to since Chinese tradition ito at ang karamihan naman sa amin ay Filipinos. Pero ok naman at nakadagdag sa kasiyahan ang kaguluhan, hehe!
Ok din yung game na pe-pwesto kami based sa given criteria at pag tapos na ang grupo ay dapat umupo. Paunahan shempre. Hubbies vs Wifeys 'to. Katuwa yung part na "arrange yourselves according to your spouse's bdate". Nauna ang hubbies. Vinerify ang sagot... ok naman maliban sa isa. July 17 ang sagot nya eh Sept 17 naman yung tamang sagot. Di sana obvious kaso nag-react si Misis, hehe! Isa pang criteria "arrange yourselves according to wedding anniv". Nauna na naman ang mga hubbies. Pag verify sablay na naman. Same guy, hehe! Kasama pa man din namin sa party yung mom-in-law (MIL) nung guy. Sabay sigaw si MIL "Oy, parang may magkakahiwalay na dahil sa game nyo!" hehehe! At ang mga kids tuwang tuwa rin sa panonood sa aming matatanda ;) Isa pang magandang criteria - "arrange yourselves from shortest to longest hair." Ang mga guys hirap na hirap kasi halos same length naman ang buhok nila. Pero may isang hubby na walang kaproble-problemang nauna agad sa pila nila. Bakit? Paki-tingnan na lang ulit ang pic namin sa taas ;)
May part din na nag-swimming ang mga kids. Natuwa lahat ng kids. Si Kenkoy dalawang beses lumubog pero "go" pa rin sa pool. Sobrang enjoy ng mga kids kaya paiyakan na nung kailangan ng umalis sa pool.
Tapos tumuloy naman kami sa magandang flat nina Tessa. Nag-videoke. Tumingin-tingin ng scrapbook magazines. At naglaro ng pinaka-bagong boardgame nina Tessa... ang Scene It. Kakaibang boardgame. Kailangan ng tv & dvd player... hi-tech ;) Enjoy yung game. Kaya lang ang laki ng lamang ng mga hubbies... lahat kasi sila movie buffs.
Mga 9pm na at nagkakasiyahan pa ang lahat. Pero kailangan na naming mauna dahil nagyaya na si Kenkoy.
Ang saya. Enjoy talaga ang CNY celeb namin.
Pero di pa pala tapos. Mga bandang 10:30pm siguro yun. Tumawag si Bon. May bday gift daw sila kay Labs... digicam! Pambihira saka lang namin naalalang naiwan pala namin ang "my preciousssss" ni Labs kina Tessa. Buti na lang kina Tessa namin naiwan ang my precioussss digicam ni Labs at hindi sa cab.
Dati naiwan namin sa cab ang pram ni Kenkoy (pero nakuha namin ulit). Tapos naiwan din magdamag ang key sa front door (pero di naman kami nanakawan). Tapos etong my preciousssss ni Labs naman. Ang tindi talaga namin (tumatanda na talaga kami, hehe). Pero buti na lang low crime rate dito sa S'pore... thank God talaga :) Sana lang matuto na kami ;)
Friday, January 28, 2005
Kulit o Serious?
Kagabi bandang 7:30 pm nakatanggap ako ng sms mula sa isang kaibigan...
Nasa bus ako bigla kita naisip. Naalala ko mga hirit mo. Naisip ko bigla, heto si Lit Coo kala ko mabait. Kala ko babait na ko, maldita rin pala! hehe
Natawa ko sa message nya pero napa-isip rin ako bigla. Parang sobra na nga ata pagka-naughty ko lately. Natural na sa akin ang kakulitan... ang kababawan... pero parang sumobra nga ata pagka-pilya, pagka-kulit at pagka-maldita ko nitong mga nakalipas na buwan. Kaya naisip ko tigil na muna ko sa kakulitan at baka may napipikon na (naaasar, nabubuwisit o kung ano pa man) sa akin.
Eto na eh di simula kanina serious na ko sa mga emails ko. Na-misinterpret naman "ATA" ako ng isang kaibigan. Malamang nanibago kasi ilang beses na lang ako nag-"hehehe" sa emails ko. Wala ring :) o kaya ;) at :P ...walang emoticons na parte na ng pagkukuwento ko.
Hayyyyy, kelan kaya ako matututong mag-sulat? Lagi na lang ako nami-misinterpret sa emails/sms.

Thursday, January 27, 2005
Insomnia Attack
Wahhhhh! Umatake na naman. Mga 3 hrs pa lang ata ang tulog ko. Kainis gusto ko pa matulog pero di ako ulit maka-tulog. Naiisip ko kasi yung themed albums na gagawin ko. Nasa mood akong mag-scrap ngayon at balak kong makatapos ulit ng isa pang album bago umuwi ng Pinas next week. Ang kaso nga lang pati tuloy sa pagtulog nag-iisip ako, hayyy!
Yun lang... napa-kwento lang po. Sya, research na muna ko for my new themed albums ng makatulog na ulit. Bye!

Wednesday, January 26, 2005
Phil Embassy
Di ko pa pala naba-blog ito.
Jan 04 - Medical Exam. Requirement kasi dito para sa dependant pass (DP) ko. Ok naman ang resulta... wala naman akong TB... wala ring HIV ;)
Jan 05 - Passport Pics. Nagpakuha ako sa may Orchard para sa renewal ng passport ko. Di ko nagustuhan yung una. Sayang ang $10. Pakuha ulit ako. Di ko ulit nagustuhan pero mas ok ok naman na kesa sa una. Papakuha sana ulit ako eh kaso nakaka-$20 na ko. Inaantay ko na nga lang sabihin ni Labs sa akin na "Wala na tayong magagawa dyan. Yan talaga ang hitsura mo." Hehehe! Eh kasi naman 5 yrs kong gagamitin yung passport kaya gusto ko sana eh maayos ayos naman ang hitsura ko.
Jan 06 - Passport Renewal. Excited ako kasi 1st time kong makakapunta sa Phil Embassy. Pag nag-cab kami mula dito sa flat papuntang Orchard eh madadaanan namin ang iba't ibang embassies. Ang gaganda lahat. Excited tuloy ako makita kung ano hitsura ng embassy ng Pinas dito. Pagbaba namin ng cab nakita ko na agad ang Phil flag. Nagulat ako sa nakita ko. Kaya pala nasa tago ang embassy natin at hindi nakahilera sa mga nag-gagandahang embassies na nakikita ko lagi. Pambihira, bahay lang na mas maganda pa mga bahay sa mga exclusive subdivisions sa Pinas eh. Tapos pagkuha/pag-file ng mga legal documents at pagkuha/renewal ng passport eh dun lang sa parang garahe. Maayos ayos naman yung garahe... may bubong naman at meron ding vending machine *LOL*
Naalala ko bigla di pa nga pala ganun kaunlad ang bansa natin. Ok na rin yung ganung embassy. Sa mahal ng rental fee sa mga bahay dito eh sayang nga naman ang pera. Tingin ko mahina ang S$3k/month (Php102K) na upa sa ganung bahay. Sayang din kung uupa ng mas mahal pa di ba? Sa bandang huli ok na rin para sa akin yung embassy natin. Sanay naman ang mga Pinoy na mag-tyaga eh :)

Tuesday, January 25, 2005
Ang Verdict
Bakit nagka-dilemma?
(1) Di lang talaga siguro kami kumbinsido na expensive school = best education. Nag-aantay akong may mag-confirm sa akin na hindi kailangang gumastos ng malaki para maibigay ang "the best" sa mga anak natin. Parang ayokong isipin na commercialize na masyado ang lahat ngayon pati na ang edukasyon.
(2) Marahil hindi lang din kami lumaki ni Labs na mahilig sa mga branded (o sa kung ano ang mahal eh yun ang ok).
(3) Maaari ring malaking factor ang estado namin sa buhay. Siguro pag sobra sobra na ang income/savings namin di na kami manghihinayang o magdadalawang isip pa.
Pero sa ngayon, napagdesisyunan namin na dito na mag-aaral si Kenkoy (dahil na rin sa mga PROS na nabanggit ko) NGUNIT hahanap kami ng school na medyo mura mura naman compared sa $S600-1K (kahit kaunti lang... pero kung malaki ang maititipid mas ok, hehe).
Tamang tama naman pagpunta namin sa bookstore last Sunday eh nakita ko ang Young Parents Preschool Guide . Nandun lahat ang sagot sa aming mga katanungan.
Ito yung isang punto na medyo nakatugma sa pananaw namin ni Labs.
I quote...
WHETHER IT FITS INTO YOUR BUDGET? Kindergarten fees range from S$100-1K a month, so make sure the school you choose fits your budget. Mrs. Tan, a mother of three, decided to put her son in an expensive pre-school to give him a head start but ended up resenting the high monthly fees. "My daughter who is in primary 2 studied in a neighbourhood school but she was much smarter than my son who is in this fancy Kindergarten. Now we are planning to take him out but still we regret wasting so much money," she says.
At sa mga pareho naming may dilemma sa ganitong usapin, ito ang mga nabasa ko na nakatulong sa amin para mas madaling maka-decide.
(1) For parents who are wondering what school is good for their kids, I would say, the one that is nearest to you. Proximity is 100% important.
(2) The main questions you need to ask yourself are these: what is important to your child? Will this school make you look good or will it really make your child happy? It really depends on what you want & your child's strengths, weaknesses, & interests.
Ngayon alam ko na ang gusto ko –- yung same sa playgroup ni Kenkoy... learning through playing... dun kasi sya enjoy. Gusto ko kung saan enjoy si Kenkoy. At isasama namin si Kenkoy pag nag-ocular visits kami sa aming shortlisted schools. Kung saan sya mas happy yun na... pag happy sya sa teachers, sa playmates, sa facilities, at sa activities, ayos na :) Sana nga ganun lang ka-simple ang lahat ;)

Friday, January 21, 2005
Schooling Dilemma
Last Sunday habang nasa kiddie party eh napag-usapan namin ng mga kaibigan ko dito ang schooling ng mga kids namin (magkaka-age kasi ang aming mga chikitings). Yung isa S$1000+ per month ang tuition fee ng anak nya. Yung isa naman S$700+ per month at yung isa S$600 per month. Kung ang forex ay mananatili sa S$1=Php34 lalabas na Php204K-340K per schoolyear. Whoa! Eh yun na yata ang nagastos ng magulang ko sa pag-aaral ko mula nursery hanggang college. Although 29 yrs ang age gap namin ni Kenkoy pero ganun na ba talaga kamahal magpaaral ngayon?
3 yrs na naming dilemma ito ni Labs. Pero mukhang kailangan na naming mag-decide ngayon.
Pagdito sa S'pore:
PROS
- Magkakasama kaming pamilya
- #1 ang S'pore sa Math & Science Study
- Mas matututo/magagamit ang Mandarin
- Very low crime rate
- Hindi polluted
- Maayos ang systema ng lahat (like gov't offices, public transpo)
CONS
- Pricey
- Pressured "daw" ang mga bata
Pag sa Pinas:
PROS
- Mas mura... yung Php100K/schoolyear sa magandang school na yun
CONS
- Kabaligtaran ng lahat ng PROS pagdito sa S'pore.
Dilemma... dilemma. Nakapanghihinayang lang din kasi yung at least Php200K per schoolyear. Dapat nga ba kaming manghinayang eh education naman yun? Good investment ba yun? Ganun na nga ba kalaking investment ang magpa-aral ngayon? Ano sa tingin nyo? Tulong naman. Kailangan naming makita ang POV ng iba at baka may mga puntos na di namin nakikita.
Obviously, mas gusto namin na dito makapag-aral si Kenkoy. Nakapanghihinayang lang talaga pag nag-convert na kami from S$ to Php. Siguro hanap na lang kami ng cheaper schools kahit walang 1st hand testimonial(s) about the school. Tapos i-supplement ko na lang tutal SAHM naman ako. Ok na kaya yun? Di naman siguro shortchange si Kenkoy pag ganun no? Nagtitipid nga ba kami? O tama lang maging practical?
Kayo anong factors ang kinonsider nyo sa pagpili ng school para sa inyong chikiting?

Thursday, January 20, 2005
10th BF-GF Anniv Kwento (??)
Di po kami nag-date... tapos ang kwento, hehe!
Napagkasunduan namin ni Labs na sa Pinas na lang kami magce-celebrate. Eto usapan namin...
Lit Coo: Sige sa Pinas na lang tayo mag-celebrate... sa Via Mare ha ;)
Labs: Di pwedeng sirain ang tradisyon (read: Jollibee dapat)
Lit Coo: Tradisyon ka dyan. At kelan pa natin naging tradisyon ang Jollibee?
Labs: Basta
Ayan po ang lakas ng pang-aasar sa akin ng aking mister dahil alam na alam nyang di ako mahilig sa Jollibee, hehehe!
Side Kwento ulit...
Dati kausap ni Labs yung kaibigan nya.
Kaibigan ni Labs: Kain lang kami lagi sa Jollibee (o McDo ata) ... ok na!
Labs: Buti pa yung gf mo ok na sa Jollibee... si Lit Coo, ayaw.
Nyahaha! Alam ko po yung usapan at kasama nila ko habang nagkukuwentuhan, hehe! Pero di po ako high maintenance. Di ko lang talaga trip ang Jollibee o McDo... ewan kung bakit.
PAHABOL:
Naabutan ko nga palang nagbabasa si Labs ng blog ko. Tinanong ko sya kung natatandaan nya pa yung tinuruan nya ko. Hindi na raw. So dinrawing ko yung figure nung problem tapos sabi ko yung problem "ata" eh compute for the force needed para mag-start mag-roll yung stone (or ball). Naalala nya bigla at mali daw ako... ang pinapa-compute daw eh yung force na kailangan para hindi mag-roll yung stone (or ball)... sabay explain ulit na eto eto ang mga forces dyan... tapos makaka-form ka ng triangle... at mako-compute mo na ang kailangang force. Bigla tuloy kaming nag-Mechanics ng gabing yun, hehe!

Sunday, January 16, 2005
Two Unforgettable Moments
Ilang minuto na lang 10th bf-gf anniv na namin ni Labs. Di ko na babanggitin mga unforgettable moments namin sa loob ng sampung taon (at sasabihin na naman ni Labs eh kinwento ko na ang lahat lahat, hehehe). Pero pa-kwento lang ng dalawa ;) Na-post ko na ito sa NAW... kwento ko lang ulit.
Nung college pa kami si Labs papasok yan sa klase na iilan lang ang dala -- ballpen, ID at walkman ;) Minsan isa sa mga computer subjects namin eh napikon yung instructor kasi panay ang daldal at di nakikinig si Labs. Ginawa ng instructor eh pinapunta si Labs sa harap at pina-explain yung circuits na nasa blackboard. Explain naman si Labs... parehong-pareho sa pagkaka-explain ni Sir. Di nakuntento si Sir at nagtanong pa. Eh nasagot lahat ni Labs ang mga tanong. Sabi ni Sir "Class, eto future instructor (referring to Labs)." Hee hee!
At dahil passion talaga ni Labs ang magturo eh feel na feel nya magturo sa mga ka-org namin. Minsan nagpaturo rin ako kay Labs sa Mechanics. Hindi pa kami pero crush ko na sya. Walastik di na pumasok sa utak ko yung explanations nya sa sobrang kilig. Pag dating sa exam... parehong-pareho yung problem sa example ni Labs. Sh*t di ko matandaan yung formula... tapos sine ba? cosine? which angle?... kainis talaga blanko utak ko! After the exam sabi ni Labs "O nakuha mo yung exam?" Sagot ko naman "Oo gets ko. Parehong-pareho sa tinuro mo eh. Panis!" Pero sa totoo lang eh ako ang napanis, haha! Shempre di ko inaming nahirapan ako sa exam. Pero ngayong mag-asawa na kami eh alam na nya ang tunay na pangyayari, hahaha!

Saturday, January 15, 2005
Sayang... matalino pa naman
Usapan namin ni Labs kanina habang kumakain sa BK...
Labs: Sayang naman si Kulas (tawagin na lang natin syang Kulas). Matalino pa naman yun. Sayang. Magaling sa Math yun. Laging nananalo. Laging nananalo... sa ending!
Lit Coo: *LOL* Ending pala... kala ko naman sa mga Math contests.
Labs: Magaling pa rin sa Math yun. Ginagamitan ng Statistics & Probabilities yun no.
Lit Coo: Nyahaha! Ok fine, whatever ;)

Subscribe to:
Posts (Atom)