Thursday, July 27, 2006

Christmas Spirit

Ang alam ko Tsit Ge ngayon. Pero ang mister ko nagsimula na magpatugtog ng Christmas songs, hahaha! Usually Sept 01 kami nagsisimulang magpatugtog ng Christmas songs. Sobrang napa-aga ata ang Christmas spirit sa bahay this year ;) Na-excite tuloy ako sa Kapaskuhan :)

Wednesday, July 26, 2006

Kenkoy's Dictionary

air·port (âr'pôrt', -pōrt') n.
airplanes' house *wink*

Monday, July 24, 2006

LTSVP

Nakuha na ng mommy ko ang Long Term Social Visit Pass (LTSVP) nya kanina. Ironic lang kung kelan sya nagka-LTSVP eh wala namang plans na bumalik dito. Di bale, 5 yrs namang valid ang LTSVP nya. Marami pang pwedeng mangyari within 5 yrs.

Booked na yung flight nya to Manila. This Saturday uwi na sya. Sad pero ganun talaga... may kanya-kanyang buhay at pamilya. Salamat pa rin sa Diyos sa mga memories at sa mga realizations :)

Saturday, July 22, 2006

Inspiration

Pampa-inspire lang ;)

clubhouse & pool

Thursday, July 20, 2006

New Set-up

Nabanggit ko na ito sa mga close friends ko. Ang plano talaga ay sa Oct pa pero dahil sa mga pangyayari at sa mga bagay-bagay ay kailangangang mapa-aga ang plano.

Nung Monday nagpaalam na ako sa boss ko. Magre-resign na ako sa work pero baka pwedeng maging part-time employee. Kahapon kinausap ako ng boss ko bago ako umuwi. Approved daw yung requested skeds ko. Ang galing galing! May work pa rin ako plus more time with my family, wooohooo! Best set-up for our family (I think!). Spoiled talaga ko kay Lord :) (Thank you, thank you Lord!)

Excited na ko sa mga mangyayari. Na-miss ko rin kasi maging fulltime homemaker. Hindi ko kasi kayang pagsabayin ang work at ang pag-aasikaso sa bahay. Parang pag galing sa trabaho gusto ko na lang magpahinga. Sa loob ng 5 months mula ng mag-trabaho ako, feeling ko ang dami-dami kong dapat ayusin sa bahay... parang gusto kong mag-Spring cleaning, hehe! At saka pansin ko unti-unti ko ng di nakikilala si Kenkoy. Naiisip ko lang naman na 5 months pa lang yun eh paano na after a year. Siguro kasi nasanay ako na dati ako nag-aasikaso sa kanya. Ngayon mommy ko na. At ayoko talaga kumuha ng nanny. Parang di ako mapapakali. Kaya eto talaga ang gusto kong mangyari -- mas maraming oras para sa pamilya pero may sariling income pa rin. Magiging Fri & Sat nights lang ang work ko. 24 hrs a week lang pero may sarili pa rin akong income. Makaka-ipon pa ko, weeeeeee! Sobrang saya ko :) Thank you Lord! Thank you rin kay Labs sa suporta :)

Tuesday, July 18, 2006

Labs' Best Friend

Naka-receive ng message si Labs sa Friendster nya na kinukuha syang bestman ng best friend nya. Sobrang tuwa ng Labs ko kaya nag-oo agad. Eh Oct 08 yung kasal. Yung flight namin papuntang Bangkok ay Oct 09. Hindi man lang naisip ang vacation namin. Samantalang ako pagkarinig ko pa lang ng date eh mega-react na ako, hehe! Pero buti na lang at hindi tumapat ng Oct 12 ang Kasal kundi malamang di kami magkasama ni Labs sa birthday ko. Mas pipiliin nya daw ang Kasal ng best friend nya kasi minsan lang daw yun eh birthday ko naman daw eh every year *hmmmp* (pero may punto sya dun, hehe).

Masaya ako sa friendship ni Labs at ng best friend nya. Pre-schooler pa lang sila na ang magka-ibigan hanggang ngayon. Classmates sila from preschool hanggang HS. At ngayong 30+ na kami ay ganun pa rin ang samahan nila. Nung kinasal kami sya rin ang kinuha ni Labs na bestman. Sya rin ang isa sa mga Ninong ni Kenkoy.

Damang-dama ko ang tuwa ni Labs para sa bestfriend nya. Naway tuluyang maging masaya si bestfriend. At naway magpatuloy pa ang tunay na pagkakaibigan nilang dalawa ni Labs.

Thursday, July 13, 2006

Writer's Block

To all creative writers, help please. Any tips will be highly appreciated.

2 months na ata akong di nakakagawa ng layout. The pictures, materials & concepts are ready... but I just can't start off with the journaling. May story ako... may gusto akong sabihin... pero kung paano ko iku-kwento, yun ang problema ko. Wahhhhhh!

Ganda kasi ng journaling ni Labs sa last layout ko :) Tagos sa puso at kaluluwa. Nai-intimidate ako. Di ko tuloy masimulan ang journaling. I tried pero parang ang corny/baduy ng gawa ko. Hindi ko alam kung paano ko huhugutin yung emotions ko para maisulat. Nasa loob lahat, hayyyy!

Guess I have to look at the stunning layouts now & be inspired again ;)

Monday, July 10, 2006

Computer Class

For the first time nagkwento si Kenkoy ng ginawa nila sa school. Di kasi nagkukwento yun kundi pa namin tatanungin. Nag-computer daw sila. May computer mouse daw sya tapos may jacket daw sila kasi malamig sa computer room. Tuwang-tuwa sya sa experience nya. Buti tama ang hinala namin na mae-enjoy nya ang computer class.

Pero, for the first time din, eh nag-request magpabili ng mahal. Humihingi ng sariling computer :P Actually, dati pa gusto ni Labs bilhan din ng computer si Kenkoy. Ako lang ang may ayaw dahil pwede naman gamitin ni Kenkoy ang computer ko. Ngayon dalawa na silang may gustong bumili. Mukhang kaunting lambing na lang nitong si Kenkoy eh bibilhan na sya ng Papa nya. Di pa rin ako desidido unless siguro best buy... tipong ka-price ng iPAQ ni Labs... yung promo price ha at hindi yung actual retail price *LOL*

Thursday, July 06, 2006

Labs' New Toy

Sept last year naiwan ni Labs ang kayang Nokia handphone sa Starbucks. Hindi muna sya bumili ng bagong handphone kasi inaantay namin ang renewal ng contract namin sa M1. Sayang din kasi. Magre-renew lang ng contract tapos makaka-avail na ng mura na handphone... latest model pa.

10 months din nyang ginamit ang Jurassic handphone (hehe). Sa wakas may magandang promo ngayon. Pero hindi sa M1 kundi sa Starhub (ang aming ISP). Nag-renew kami ng contract at nakuha ni Labs ang HP iPAQ 6818 for $99 (u.p. $1,099) plus may $100 Tangs vouchers pa. Kakatuwa kasi talaga namang kasama sa budget namin ang internet... kumbaga talagang magre-renew kami kahit walang promo... pero salamat talaga at may promo. New blessing. Ang ganda ng bagong toy ni Labs :)

Wednesday, July 05, 2006

Superman Returns (revised)

*** Mula sa isang Smallville/Superman fanatic kaya pasensya na kung ilang beses mababanggit ang Smallville sa blog entry na ito.


May mga natuwa... may naaliw... pero meron ding hindi nag-enjoy sa movie. Ako? I loved it! Yes, may mga glitches sa ibang scenes/storyline pero mas pinili kong i-enjoy ang movie. Na-focus kasi ang Superman Returns sa love story. Siguro kasi si Bryan Singer binubuhay nya yung mga characters. Ginagawa nyang makatotohanan. Kaya siguro love story para full of emotions... para medyo maraming makaka-relate kasi lahat naman siguro ng tao na-in love *wink* Good thing I have no problem with that. That's one thing I love more about Smallville actually... the emotional moments... it moves me. Pero sa mga guys na naghahanap ng action, sci-fi, mala-comics na story at sa mga guys na sadyang hindi mahilig sa cheesy/mushy, medyo disappointing siguro itong movie.

Dati mas gusto ko sana si Tom Welling din ang gaganap na Clark/Superman. Pero tama ang producer/director na kunin si Brandon Routh. Mas bagay sya bilang mature Superman. At bagay naman kay Tom Welling ang pagiging teenage Superman.


Mas maganda sana ang SR kung
(1) mas sci-fi ang dating. I mean hindi lang sa effects... yung medyo mapapa-isip ka talaga. Tingin ko nga mas maganda pa yung storylines/dialogues sa ibang episodes ng Smallville.
(2) mas maraming reference sa World History, literary pieces, Greek & Roman mythology.
(3) mas may exposure si Lex Luthor. Sana mas clever sya. Parang hindi ganun ka-brilliant si Lex sa movie na ito. At parang kulang sa pagka-evil, hwehehe! Mas nanggagalaiti pa ko kay Lionel Luthor sa Smallvile. And sa Smallville, bawat choice of words ni Lex & Lionel... kahit one liner... may impact... parang ang tali-talino talaga nila.

Pero gaya ng Smallville
(1) na-enjoy ko yung mga scenes na pinakita ang capabilities ni Superman lalu na yung huge leaps, yung pag-defy sa gravity sa may barn nila, super breath, super strength, heat vision. Mas gusto ko nga lang ang presentation ng super hearing, x-ray vision, super speed sa Smallville. Although hanep ang flying scenes sa Superman Returns. Effortless. Parang ang sarap lumipad :) Pero si Lois ilang beses nabalibag sa loob ng eroplano pero parang wala lang sa kanya, hehe!
(2) tuwa rin ako sa emotional side ni Clark. He is strong yet he is weak. Superhero pero taong-tao :) Touched talaga ako sa mga relationships ni Clark with his mom, dad, Lois & his son. Hayyyy, ewan ko ba... basta father & son ang story... mega-iyak na ko. Kaya yung scene na sinasabi rin ni Clark kay Jason kung ano mga sinabi sa kanya ni Jor-El... hayyy, kaiyak! Iyak pa rin ako sa ibang scenes kahit na alam kong aasarin na naman ako ni Labs. Eh kasi naman sa Smallville pa lang emote na ko sa dilemma ni Clark sa pagiging Kryptonian nya na lumaki sa earth. Yung pinagdaanan nya na kakaiba sya dahil sa powers nya. Iba ang emotional struggles nya eh. Dinama ko talaga yun mula Smallville seasons 1-5 hanggang Superman Returns, hahaha!


At mas naging evident sa movie na ito yung pagkakatulad ng Superman mythology sa story ni Jesus. Sabi nga ni Jor-El "Even though you've been raised as a human being you're not one of them. They can be a great people, Kal-El. They wish to be. They only lack the light to show the way. For this reason above all—their capacity for good—I have sent them you, my only son." Pati yung cross pose, yung naririnig nya lahat ng tao, yung pagakawala ni Clark sa hospital bed nya... marami pa.

Na-enjoy ko sya. Hindi ko namalayan ang oras habang nanonood ako. At parang gusto ko pa ulitin. Nostalgic. Parang naging bata ulit ako. At na-miss ko tuloy bigla ang Smallville marathons namin ni Labs ;)

Tuesday, July 04, 2006

Kurips Mode

Nakuha ko na yung pina-print kong pictures. 4-5 layouts din siguro ang magagawa ko. Exciting! Pero wala pa rin ang 4th bday pics ni Kenkoy kasi hanggang ngayon di ko pa nafa-finalize ang mga bday pics nya *ngek* Di bale, next batch na lang yun. Pero wag naman sana umabot ng Oct kundi bukod sa 4th bday album eh dagdag pa ang vacation album sa aking backlog.

Bad trip nga pala kasi yung isang pic na 5R... 5 copies ang ginawa. Di ko naman chineck kasi sabi ko basta kung ano nasa CD. Nakalagay na ang photo size dun. Ginawa pala nilang 5 copies. Bayad naman agad ako kahapon. Para tuloy akong na-holdap ng $8, wahhhhhh! *kainis*

At opo, kurips talaga ko kaya yung $8... masama sa loob ko yun, hwehehe! Aba 20 pcs ng 4R yun. At kung sa Pinas, 40 pcs na 4R yun 'no!

Wednesday, June 28, 2006

Videoke EB

May biglaang EB mga SG NAWies mamya. Biglang nagyaya si Justice. Buti na lang rest day ko ngayon kaya makakapunta rin ako. Videoke EB... dadalhin daw ni Charmed ang magic mic nya. At dahil wala akong magic mic... at lalung wala akong captivating voice... kaya magdadala ko ng representative ng aming pamilya -- si Labs, hwehehe!

Tuesday, June 27, 2006

Sudoku addicts

Addicted to Sudoku na rin ako. Kaso di ko pa kaya ang speed ni Labs. Nasa hard na sya at ang bilis maka-solve ng isang puzzle. Same kami ng time yun nga lang medium pa lang ako *LOL* Pero nakaka-aliw pala talaga.

Thursday, June 22, 2006

Addict si Labs sa...

Sudoku. Ayan ang pinagkaka-abalahan ni Labs mula pa ng mga bandang Nov/Dec 2005. Mental exercise nya daw :)

Wednesday, June 21, 2006

Annual Family Vacation Part II

1st choice -- Bali
2nd choice -- Koh Samui
3rd choice -- Phuket

Nauwi kami sa 4th choice -- Bangkok. Na-set na ang utak ko na next vacation namin sa beach biglang nauwi sa city, hehe! Pero excited na rin akong malaman ang Thai culture.

Booked na ang hotel. May plane tickets na rin kami. Tapos may friend kami na Bangkok-based. Susunduin nya raw kami sa airport at sasamahan sa pamamasyal. Exciting! Sana maging maganda ang weather para mas lalung enjoy.

Bonding time 'to... nice :)