Nakagat na rin ako ng Friendster bug. Actually 2004 pa ako sumali sa Friendster pero ngayon lang ako naging active. Dahil na rin para may communication ako sa mga kaibigan. Pero dito pa rin sa Kakulitan, atbp ako magkukwento ng tungkol sa buhay buhay ko/namin.
Sa mga gustong i-add si Lit Coo sa friends list nila, Yahoo e-add ko po ang gamit ko. At ang URL ko sa Friendster ay http://www.friendster.com/*litcoo's yahoo id*
mga kwento sa buhay buhay na na nakapag-patawa, nakapag-pasaya, nakapag-paiyak at nakapag-paisip kay lit coo
Wednesday, February 28, 2007
Monday, February 26, 2007
Octagon
Kenkoy: This is an octagon. (tinutukoy ang pentagon-shaped nyang toy)
Lit Coo: That's a pentagon.
Kenkoy: Octagon. (At para ma-prove binilang nya ang # of sides) Look... one, two, three, four... (natigilan sya kasi isang side na lang ang natitira)... eight!
:P

Thursday, February 22, 2007
Best Dad
May isang scene kagabi sa Maging Sino Ka Man na kung saan binigyan ni Jackie ng coffee si Fidel.
After ng show sabi ni Kenkoy -- "Mom, can you make the best coffee?" Pagkatimpla ko ng kape ay inabot nya ang coffee sa Papa nya na gamit gamit ang linya ni Jackie -- "Best coffee for the best dad." Awwww! ;)
Sabay dagdag ng "And the best iced lemon tea for Kenkoy." Hehe, fave nya kasi ang iced tea.
Kakatuwa yung eksena kagabi. Pati flatmate namin ay tawa ng tawa sa gimik ni Kenkoy. Sarap daw picturan ang mag-ama ko. Scrapbook moment :)

Wednesday, February 21, 2007
Sabado Night
Nagkita sina Labs at ang HS barkada nya nung Chinese New Year's Eve.
Sabi ni Labs ayaw daw payagan ng misis yung isang ka-barkada nila na bagong kasal. Mag-iinuman daw kasi ang tropa. Eh di naman nainom si Labs at ang barkada nya. Di umiinom mga yun at di rin nagsi-sigarilyo. Sabi nila magii-Starbucks lang sila. Ganun din daw yun... iinom din daw (ng kape). Hahaha!
Tapos sabi sasama na lang daw sya. Sabi ng Kumpare namin eh wag na kasi di naman kasama ang mga misis.
Hwehehe! Minsan talaga natatawa ko sa mga kapwa ko babae.

We're Back
Ok naman bakasyon namin. Mostly sa in-laws ko lang kami. Si Kenkoy nag-stay sa QC for 3d/2n... nakipag-bonding muna sya sa 2 cousins nya samantalang nag-date kami ni Labs, hahaha!
Pero first night pala namin eh homesick na agad si Kenkoy. Iyak ng iyak. Namahay. Uwi na raw kami. Ang habang paliwanagan. Unti-unti rin syang nag-enjoy sa Pinas. Pero paminsan-minsan ay nagyayaya pa ring umuwi na.
Professional bearer na si Kenkoy :P Alam na alam na gagawin sa kasal, hehe! Pang-3rd time na nya kasi at sa lahat ng kasal naglakad naman sya ng maayos. Hindi nag-tantrum.
Ayun puro party ang pinuntahan namin. Chinese New Year party then wedding. Panay lauriat kaya siguradong nag-gain ako ng weight.
Si Kenkoy nadagdagan ang Tagalog words. Natutunan nya ang "nahulog, bayad po, para" at saka ang "wowoweee & lucky me jingles".
Hindi madami ang appointments namin kaya ok... hindi nakakapagod. Nakabili na rin kami ng pang-give away sa birthday party ni Kenkoy :) Nakabili rin ako ng ribbons, brush at cutie na sewing machine para sa scrapbooking. Bago ko pala binili yung sewing machine tinanong ko kung pwede sa papel. Nung bumili rin ako ng brush na pang make-up eh tinanong ko kung pwede sa papel. Takang-taka yung tindera, hahaha! Sa isip ko eh tawang-tawa ko sa facial expression ng tindera... parang sinasabi na "Ang weirdo nito!" Hahaha!

Tuesday, February 20, 2007
Kiss
Nagugulat ako sa mga tanong ni Kenkoy. Di ko alam kung may kinalaman ang pagkakaiba namin ng gender. Baka iba lang talaga mag-isip ang lalaki sa babae. May mga tanong sya na di man lang sumagi sa isip ko nung bata pa ako.
Pag may kissing scene automatic na natatakpan ni Kenkoy ang mata nya. For adults daw yun. Pero marahil curious (baka sumilip) kaya nang minsang may mapanood sa tv na kissing scene eto ang tinanong nya...
Why do they exchange saliva?
:P
*****
nga pala, ang tanda ko hindi ganun ka-torrid ang kiss at saglit lang yung eksena

Monday, February 12, 2007
Ang Passion ni Labs
Sabi ng iba pag tapos ng kasal nag-iiba na raw ang asawa. Mabuti na lang ang napangasawa ko ay hindi ganun. May pagbabago man pero kay Labs kung ano ang mga nagustuhan ko sa kanya... kung ano ang pagkakakilala ko sa kanya... ganun na ganun pa din sya hanggang ngayon.
Isa sa mga hindi nabago kay Labs ay ang pagse-serve sa Diyos gamit ang kanyang talent sa music. Nung college pa kami, kasali na sya sa choir. At may mga pagkakataong a-absent pa yan sa klase kung walang ibang tutugtog sa Mass.
Pagka-graduate namin sumali din si Labs sa isa sa Parish Choirs ng St. Paul the Apostle Parish sa may QC. Ang choir na yun ang umawit sa aming kasal :)
Pag dating dito sa S'pore, sumali ulit si Labs sa isang choir. Naalala ko pa sa St. Therese Chapel ang Mass noon. Mangilan-ngilan lang ang nagsisimba. Kadalasan ang choir (na wala pa atang 15 members noon), si Father at mga ilang parishioners (na sa tantya ko eh madami na ang 15-20) lang ang nasisimba. May mga pagkakataon pang tinatanong namin kung tuloy ba ang Misa... dahil nga wala naman halos nagsisimba. Pero tuloy pa rin. Tuloy pa rin sa pagse-serve.
Ngayon, pagkaraan ng anim na taon, nakakatuwang isipin na nagbunga rin ang pagtityaga ni Labs. Sa bawat pagpili ng kantang aawitin para sa Misa. Sa pagturo ng 4 voices. Sa pagli-lead. Sa pagmo-motivate ng choir members. Nagbunga rin :)
Mula sa chapel ay sa St. Therese Church na ngayon ang Misa. Ang dating mangilan ngilan na nagsisimba ngayon ay halos puno na ang malaking Simbahan. Kasama ako sa kagalakan ni Labs na makitang dumadami ang nagsisimba. Naway sa bawat awitin ay mas marami pang tao ang mapalapit sa Diyos.

Saksi ako kung gaano ka-dedicated si Labs sa pagkanta. Lunes pa lang pipiliin na nya ang kakantahin para sa Linggo. Pag-aaralan ang pyesa at ituturo sa iba. Naglalaan talaga sya ng oras para dito.
Ngayon, pagkaraan ng anim na taon, nakakatuwang isipin na nagbunga rin ang pagtityaga ni Labs. Sa bawat pagpili ng kantang aawitin para sa Misa. Sa pagturo ng 4 voices. Sa pagli-lead. Sa pagmo-motivate ng choir members. Nagbunga rin :)
Mula sa chapel ay sa St. Therese Church na ngayon ang Misa. Ang dating mangilan ngilan na nagsisimba ngayon ay halos puno na ang malaking Simbahan. Kasama ako sa kagalakan ni Labs na makitang dumadami ang nagsisimba. Naway sa bawat awitin ay mas marami pang tao ang mapalapit sa Diyos.
Sinetch Itey
Last week nanood kami ng Goin' Bulilit. At dun sa portion ng Sinetch Itey (tama ba? yun nga ba name nun?)... napailing-iling, naiirita at napakamot ng ulo si Kenkoy. Mukhang homophobic pa ata itong anak ko. Wag naman sana. Pero baka nakukuha nya ang culture dito. Di pa kasi ganun katanggap ang mga gays dito. Naalala ko yung officemate kong Pinoy na bading na naging usap-usapan talaga sya sa opisina. Eto namang si Bakla (yun ang tawagan namin... tawag namin sa kanya... tawag nya rin sa amin) eh self-confessed na bading. Tinanong kasi ako ng mga locals kung paano ko daw nalaman na bading. Sabi ko "Sabi nya sa akin (referring to Bakla)." Naku! Mas lalung nagulantang ang mga locals, hahaha! Takang-taka lang ako at big deal talaga sa mga locals yun. Ang sa akin naman eh tao pa rin naman ang mga yun.
Naalala ko rin tuloy mga ka-tropa ko sa college na mga homophobic. One time, natsansingan ng bading yung isa sa MRT. Muntikan ng magka-awayan. Dinuro-duro ng kaibigan ko ang bading sabay sabing "MAMIMILI KA HA!" Hayyyy, katakot!

Friday, February 09, 2007
Bakasyon sa Pinas
4 days na lang uwi na kami sa Pinas. Pero di ako excited :( Sa totoo lang, wala akong nai-set na reunion sa mga kaibigan at kamag-anak. Wala ring definite plans... except sa magde-date kami ni Labs (weeeee) at mamimili ako ng scrapbooking items sa Divi (weeeeeeee ulit). Bukod sa dalawang dahilan na yun, wala na.
Makita ang family ko at in-laws? Ok lang... pero di ganun ka-excited.
Nakakatakot. Wag naman sana magtuloy-tuloy ang ganitong pakiramdam.
Kayo ba may time din na di kayo excited umuwi sa Pinas?

Desktop Calendar
Natapos din ang dalawang calendars na gift namin para sa families namin sa Pinas. Laking pasasalamat ko sa Mommy ko na inalagaan muna si Kenkoy para matutukan ko ang 2 calendars.
May na-realize lang ako. Pareho pala kami ng mommy ko. Tiningnan nya kasi yung dalawang calendars. Sabi nya mas gusto nya raw yung 2nd. Sabi ko sige kung ano ang mas gusto nya.
Medyo na-ano lang ako (ano... ano na lang kasi di ko maisip ang tamang adjective, hehe) kasi yung 1st calendar ang ginawa ko for my family. Habang ginagawa ko yun sila ang iniisip ko. Tapos ang 2nd calendar para sa in-laws ko naman. In-laws ko ang iniisip ko habang ginagawa ko ang 2nd calendar.
Kaya lang sabi ni Mommy mas gusto nya raw yung 2nd set kaya pumayag na ako kasi siya naman ang recipient. Shempre mas ok kung matutuwa sila sa gift namin.
Sabi ni Mommy mas gusto nya raw yung 2nd kahit mas simple kasi may words of wisdom daw. Mas may art daw yung isang set pero mas may sense naman daw yung 2nd.
Na-realize ko tuloy na same pala kami ng Mommy ko. Mas mahalaga din sa kanya ang journaling... hindi ang techniques na ginamit sa layouts. Nakakatuwa na din dahil may affirmation akong nakuha sa pagiging simple scrapbooker :)
Nakakatuwa na din... na medyo ano (yun na nga kung ano mang adjective yun). Mixed emotions. Yung dapat kasi para sa Mommy ko sa iba mapupunta sa iba. Tapos yung para sa in-laws ko mapupunta sa mom ko.
Ayun... ganun. Siguro naiintindihan nyo naman kahit papaano ang sentimyento ko kahit magulo ang pagkaka-kwento ko, hehe!
Pahabol:
Buti na lang pala di ko pa naisusulat sa 2nd calendar ang special dates para sa in-laws ko. Balak ko kasi i-include ang birthdates & anniversaries.

Tuesday, February 06, 2007
Scrapbooking Contests
Magta-tatlong taon ko ng hobby ang scrapbooking. Pero bihira akong sumali sa mga scrapbooking contests. Hindi kasi ako nai-inspire gumawa ng layout para gawing entry sa isang contest. Hindi ako namo-motivate ng prizes. Weird ata talaga ako :P
Iba lang talaga siguro ang objectives ko sa pagii-scrap.
First time kong sumali sa contest nung 2005. Nanalo naman. 3rd prize :) Ironically, ako ang di natuwa sa output ko. Ang objective ko kasi nun ay manalo. Iba pala pag ganun ang objective. Kaya mula nun di na ko sumasali sa contests kung para lang manalo ang objective ko.
Second time ko sumali last year. Talo! (hehe) But this time kahit talo ay masaya ako sa output ko. This time sumali ako kasi yung challenge eksakto sa balak ko talagang gawin na layout. Yung motivation... yung inspiration... yung emotions nandun na talaga bago pa mag-contest. Kaya nung ginagawa ko ang layout... enjoy! Entry ko dito yung S'pore, our 2nd Home.
Third time ko sumali last month. Wala pa ang result. Ang entry ko nagawa ko na bago pa mag-contest. Kumbaga ginawa ko ang layout na malayo sa isip ko na isasali ko sya sa contest. Naghanap lang ako ng layout sa travel albums namin na pasok sa pa-challenge. Ang sabi... "The Challenge is to scrapbook a special moment during one of your travels or vacations. Capture that priceless moment in your layouts and be always reminded of the good times you’ve had". Dami ko sanang isasali na layouts kaso limited sa isang entry lang, hehe!
Di ako umaasang mananalo. Ewan ko.. feeling ko lang mahirap manalo pag simple scrapbooking ang style. Ang liit ng chance. Kaya bilib talaga ako sa mga simple scrapbookers na napabilang sa Scrapbook Hall of Fame ng CK. Galing nila! :)

Kwentong Kenkoy
Hayyy, walang oras makapag-blog. Ihabol ko na lang itong mga 'to. Di ko na matandaan ang exact dates pero lately lang ito nangyari. Plano kong ilagay ito sa future layouts. I-blog ko para lang di ko makalimutan (hehe).
Story #1
Pag nagii-scrap ako. Sasabihin ni Kenkoy "Mom, I love your toys because I love you." Awwwww! Ang sweet ng pagkakasabi pero tawang-tawa ko. Ang lakas! Bata pa lang bolero na. Manang-mana sa... pinagmanahan, hehe!
Story #2
Gusto magpabasa ni Kenkoy ng Bible nya sa flatmate namin. Pero busy pa yung flatmate namin... sabi ng flatmate namin ay saglit lang. Humirit tuloy si Kenkoy ng "Tita, pls read my book. I love you." Hahaha! Tawang-tawa kami pareho ng flatmate namin. Yung pagkakasabi nya pa talaga parang di ka talaga makaka-hindi... ang sweet kasi ;)
Story #3
Di ko na matandaan kung paano napunta ang usapan namin ni Kenkoy sa pagkakapako kay Jesus. Kinuwento ko sa kanya ang death & resurrection ni Jesus. Pero nung kinukwento ko ang crucifixion eh sabi ni Kenkoy i-heal daw ni Jesus ang sarili nya. Tataka siguro si Kenkoy kasi kay Jesus nga naman kami nagdadasal pag may sakit kami tapos ganun. Explain ko na lang na kahit powerful si Jesus eh kailangan mangyari ang mga nangyari dahil mahal Nya tayong lahat. Buti na lang may nag-regalo sa kanya ng Bible na pambata. Mas madaling ma-explain kasi may illustrations :)
Story #4
Kenkoy: Mom, I'll put this $1 in the coin bank.
Lit Coo: Good! Learn how to save. We'll use the money so you'll see Mickey Mouse. We'll go to Disneyland.
Kenkoy: Yayyy!

Kinabukasan, kinwento ko kay Labs. Sabi ni Labs: "Ah kaya pala laging chine-check ni Kenkoy ang wallet ko... kinukuha mga 1 dollars ko."
Ah hehehe! Dalawa na kami ni Kenkoy na taga-check ng $1 ni Labs :)
Monday, January 29, 2007
2 weeks na lang
Pambihira talaga. Kung kelan ako di nagpuyat at kumpleto sa pahinga eh saka naman ako nagkasakit. Sipon tapos ubo. Nasobrahan ata ako sa pahinga *LOL*
Friday pag gising ko umiikot ang paningin ko pero wala naman akong lagnat. Pag dating sa opisina ayun na sinipon na ako. Grabe, buong 12 hrs ng duty ko ay hirap na hirap ako sa sipon. Napuno ang trash bin ng tissue paper :P
Saturday. Pahirapan pa rin. Clogged nose naman ngayon. Di ako makapag-MC kasi kakahiya mag-leave. Kinaya ko na lang.
Sunday. Simba kami tapos kain sa labas... ikot-ikot sa Orchard saglit. Mga 5 pm kami umuwi. Laking gulat ko ng nasa sala na si Labs at nanonood sa AXN. Naka-isa na naman itong si Labs. Nag-surprise na naman. Sabi nya Tuesday pa ang balik nya dito.
Monday. 2 weeks na lang. Bakasyon na sa Pinas. Di pa ko nakakatapos ng isang calendar, wahhhh! Esep esep na rin ng theme for Kenkoy's bday. Dapat makabili ng goodies sa Pinas kasi laking mura sa Pinas.
2 weeks na lang... may kaunting sipon at ubo pa pero nandito na si Labs kaya masaya pa rin ang buhay :)

Thursday, January 25, 2007
Bagong Taon Bagong Buhay
For Year 2007, may bago kaming sked. Pag sapit ng 9 pm nasa room na kami. At tulog na kami bago pa mag-10 pm. Ang gising namin ay anytime between 8.30 am to 9 am. Ang sarap matulog :)
Except for Friday & Saturday nights yan shempre. Pero si Kenkoy ganyan lagi ang sked.
Iniiwasan ko na mag-puyat (pwera lang sa 2 nights na duty ko sa work). Nakaka-praning. Hanggat maaari ayoko na abusuhin ang katawan ko kaya eto maaga na ang aking oras nang pag sign-off, hahaha!
Nakahanap na rin ako ng araw para sa aking hobby --- every Wed & Thurs. Last week nasimulan ko ang Desktop Calendar na ire-regalo namin sa aking pamilya sa Pinas. Jan-May ang nagawa ko last week. June-Sept naman para sa linggong ito. Hopefully matapos ko ang Oct-Dec next week dahil may isa pang calendar akong gagawin for my in-laws naman. Sana matapos ang 2 calendars bago mag-Feb 12.
Sked ko bukas hanggang sa isang linggo...
Bukas work ako at sa Sabado kaya time-off muna sa emailing, blogging at scrapbooking. 12 hrs duty sa work kaya tulog ako pagdating sa bahay.
Sunday.. Simba... family day... time-off pa rin sa emailing, blogging at scrapbooking.
Monday... time-off pa rin... bumabawi pa rin ng tulog ;)
Tuesday... punta sa airport... dadating na si Labs, wooohooo!
Wednesday... bday ni Labs... weeeeeee!
Thursday... scrapbooking day.
Fri & Sat... work ulit
and the cycle goes on until Monday (Feb 05) *wink*

Monday, January 22, 2007
Kwentong Kenkoy ulit
Story #1
Isang gabi nung isang linggo bababa ang flatmate namin para bumili ng dinner nya (btw, sa 9/F kasi ang unit namin). Gusto sumama ni Kenkoy. Reaction ng flatmate namin eh parang ayaw nya isama si Kenkoy... nagkataon tinatamad akong bumaba kaya sabi ko kay Kenkoy di sya pwede bumaba. Ayun nakabalik na ang flatmate namin ay umiiyak pa rin si Kenkoy. Kahit anong paliwanag ko ay umiiyak pa rin. Sabi ko ang ibang tao sa mundo ay masama... hindi lahat ay mabuti... kaya di sya pwedeng bumaba at baka may mangyari sa kanya. Totoo naman yun di ba? *wink* Di ko kasi masabing tinatamad akong samahan sya, hehe!
Tapos sabi nya "I don't understand you. I don't understand you & Papa." Medyo na-shock ako. Pero tuwa din ako kasi vocal sya. Sana lagi syang ganun... nae-express nya sarili nya sa amin ni Labs.
Mega-explain na naman ako sa kanya kung bakit hindi pwede bumaba. Di pa rin daw nya maintindihan. Sabi ko na lang bata pa kasi sya... maiintindihan nya rin pag naging isang ama na sya.
Biglang kumumpas ang loko at sabi "Like this Mama?"
Ah hehehe. Natawa na ko. Si Labs kasi ang nagli-lead sa choir kaya nakikita ni Kenkoy si Labs na kumukumpas lagi. Yun pala image ni Labs kay Kenkoy bilang isang ama ;)
Story #2
May isang story pa pala akong hindi ko nai-blog kaya di ko na alam ang exact date nang nangyari. Pero malamang mga Dec 2006 lang ito nangyari.
Isang araw magkasama ang aking mag-ama. All of a sudden malambing na sinabi ni Kenkoy kay Labs ang "I want to be like you Papa." Awwwwwwww! Napangiti kami pareho ni Labs.

Subscribe to:
Posts (Atom)