Friday, August 24, 2007

I Offer My Life

Ang ganda ng kantang ito... natutunaw na naman ang puso ko (hehe)

-----------------------------------------------------------------------

All that I am, all that I have
I lay them down before You O Lord
All my regrets, all my acclaim
The joy and the pain, I'm making them Yours

Chorus:
Lord I offer my life to You
Everything I've been through
Use it for Your glory
Lord I offer my days to You
Lifting my praise to You
As a pleasing sacrifice
Lord I offer You my life

Things in the past, things yet unseen
Wishes and dreams that are yet to come true
All of my hopes, all of my plans
My heart and my hands are lifted to You.



2nd Anniv...

ng pagiging S'pore Permanent Residents namin ngayon.

Muli, maraming maraming salamat Lord :)


Thursday, August 23, 2007

Aksidente

Kanina nagpunta ako sa grocery store kasi request ni Kenkoy ang Yakult. Habang nasa school si Kenkoy ay sumaglit muna ako sa Fairprice. Mas mabilis kasi pag ganun dahil wala akong kasamang bata. Namili na rin ako ng ilang items na nakalimutan naming bilhin ni Labs nung Tuesday.

Medyo mabigat din ang dala ko... umabot din siguro ng mga 7-8 kg. Kaya nung nag-green ang stop light para sa pedestrians eh tumawid na rin ako kahit wala ako sa tamang tawiran. Malapit na rin ako sa pedestrian lane pero di ako aabot dahil 40 secs lang at magre-red na ulit. Kaya ayun, dahil mabigat ang pinamili ko... at maaraw... nag-decide ako na tumawid na din tutal hihinto naman ang mga sasakyan. Pero may halo pa ring kaba kasi nga mali pa rin yung ginawa ko.

Pagkalipas ng 30 mins ay bumaba na ulit ako para sunduin si Kenkoy. Ang daming tao... mga uzi... nakiki-usyoso. Tapos may ambulance din. Ano kaya nangyari dun? Naki-uzi na rin ako. Shocks! Nakita ko yung motorsiklo nasa gulong ng truck. Dun sa pinagtawiran ko 30 mins ago. Wala na yung nagda-drive ng motorsiklo... naitakbo na sa hospital.

Grabe! Maaring ako yun ah. Hindi talaga natin masasabi kung hanggang kailan tayo sa mundo.

Pero next time... pag di ko kasama si Kenkoy ay gagamit na talaga ako ng pedestrian lane. Pag kasama kasi namin si Kenkoy ay nasunod ako sa batas (hehe).

Eyeglasses

Choir practice nina Labs last Saturday. Usually, nagpapaiwan ako sa bahay kasi ako ay isang ALTO (ALa sa TOno, hehe). Pero dahil minsan lang nasa S'pore si Labs sa mga panahong ito kaya naisipan kong sumama sa practice. Limited time na nga lang kaming magkasama eh maghihiwalay pa... kaya ayun sumama ako. Nakatulong din naman ako kahit papaano sa practice. Pinabasa/pinatugtog ni Labs sa akin yung ibang notes sa music sheets nila. Nagulat pa tuloy ang choirmates ni Labs na marunong pala ako sa music *LOL* Umabot naman ako sa grade 1 sa piano lessons ko kaya alam ko ang basics. Hidden talent ko yun... kaya hayaan na lang nating maging hidden, hahaha!

Pero mga after 3 hrs eh gusto ko ng may gawing iba, hehe! Humiram ako ng fashion magazines. Bihira akong tumingin sa fashion magazines kasi hindi naman ako fashionista... at saka pag tumitingin kasi ako dun eh parang puro kaluhuan at gastos, hahaha!

Dahil sa ako ay nagsasalamin ay nakuha ang atensyon ko dun sa page about eyeglasses. May naging crush akong eyeglass... ang presyo $400+ *whoah* Pero yun na ata ang pinakamura. Yung iba umaabot pa ng $1K.

Naalala ko tuloy bigla ang unang salamin ko. 1st year HS ako nun (20 yrs ago na po). Php100 lang, hahaha! Tapos ang naging next budget ko ata ay Php500. Nung medyo nagiging Php2,500 na ang salamin ko eh namamahalan na ako. Kasabay ng pagtaas ng grado ng mata ko ay ang pagtaas din ng presyo ng salamin. Pero ang favorite ko sa lahat ng naging salamin ko ay itong kasalukuyang ginagamit ko. 2 yrs na ito sa akin. GAP eyewear. Mga Php7,500 ito. Pinakamahal na salamin ko so far pero pinakasulit din. Ito lang ang salamin ko na hindi kumupas. Yung iba maganda sa simula. After few months, yung gold magiging gray na, nyahaha! Sa totoo lang nalula ako sa presyo nitong GAP na salamin ko kasi may pagka-kurips ako. Tapos sa fashion magazine makakakita ako na ang pinakamababa ay $400+. Grabe.

Wednesday, August 22, 2007

So Clever

Kagabi hinatid namin ni Kenkoy si Labs sa airport. Nung pauwi ay nag-taxi na kami ni Kenkoy kasi almost midnight na... wala ng MRT.

Habang nasa taxi panay ang pakikipag-argue ni Kenkoy sa akin dahil as usual gusto nya ang blue taxi. Eh di naman makakapili kasi may queue... so kung anong taxi ang matapat eh di yun na ang sasakyan namin. Hindi naman yung argument na sigawan... nangungulit lang sya.

Maya-maya nakisali na si Uncle (driver) sa usapan. Tinanong si Kenkoy kung ano ang name nya at kung ilang taon na. Sagot naman si Kenkoy. At dahil hindi common ang name ni Kenkoy ay pina-spell. Spell naman si Kenkoy. Eh si Uncle ay nakikinig pala sa usapan namin ni Kenkoy. "So clever" daw si Kenkoy. Yung apo daw nya ka-edad ni Kenkoy ay di pa raw masyadong nagsasalita. Nalilito daw ata kung English o Mandarin ang gagamitin. Sabi ni Kenkoy sa akin "You see. I told you my teacher also told me I'm clever. Can I watch now?"

Hwehehe! Humihirit na naman itong anak ko sa akin. Palibhasa eh di na namin sya pinapayagang manood ng VCDs/DVDs nya para ma-disiplina sa pag-aaral.

Tuesday, August 21, 2007

Luxury Watch

Sabi ni Labs nung dumating sya last Friday from HK na ang mahal daw nung Richard Mille watches.

Kanina nakita ko ang relo nya na sira na ang bracelet. Sabi ko "Sira na relo mo. Bili ka na. Bili ka na ng Richard Mmmm... Richard Merck". Hehe, hangcorny ko! Sobrang mahal kaya nung Richard Mille. In our dreams na lang muna, hahaha!

Malaking tipid ang pagiging Scrapbooker

May bago akong natuklasan. Hindi pala puro gastos ang scrapbooking. Nagulat kayo 'no? Hehe! Na-realize ko lang ito habang pina-plano ko ang design ng bagong album na ginagawa ko.

Pag feeling down kasi ako ay nagii-scrapbook ako. Therapy ko na ito. Kagabi sa pagpili ko ng pictures para sa di ko matapos-tapos (hehe) na Phuket album ay nag-ok na ulit ang lahat para sa akin.

Maayos na ulit ang takbo ng pag-iisip ko. Masaya na ulit ang buhay. Nung makita ko ang ngiti ng pamilya ko, nung makita ko ang sunset, nung makita ko ang ganda ng kalikasan... hayyyyyyyyy, kaka-in love. Masarap talaga mabuhay :)

Ngayon, bakit matipid ang maging scrapbooker? Aba, eh mas laking tipid naman ang tumingin sa scrapbook album kesa sa mag-travel ulit di ba? hehe!

Pero gusto ko pa ring makapag-travel kahit paminsan-minsan, hehe!

Monday, August 20, 2007

BBQ Chicken

May bago kaming na-discover na fastfood. Ang BBQ Chicken sa may Cathay Cineleisure Orchard #B1-04/05.

Pagkatapos ng Misa ay napagkasunduan ng Benedictus Choir na kumain ng sabay-sabay. Sabi ng isang member may bagong bukas sa may Cathay Cineleisure. Ayun pinuntahan namin... 17 kami lahat.

Nag-grupo grupo kami sa pag-order. Kami nina Labs, Kenkoy plus isang choir member ang magkasama sa isang order. Good for 4 persons kasi ang isang set na oorderin namin. Sa $22.50 plus GST ay 8 pcs of chicken, 2 salads, 2 cups of fried rice, 4 drinks, and wedges. Nung una ang dami naming reklamo kasi sa hawker centre yung ganung price ay marami na kami mao-order. Sabi namin sana nag-hawker na lang kami. Nang dumating na yung pagkain... masarap naman. Nagustuhan ko naman lahat pati yung wedges.

Tapos yung isang kasama namin ay natapunan ata ng softdrinks ng isang staff. Biniro nila na dapat may kapalit. Maya-maya may dumating na dalawang ice kachang (parang halo-halo sa Pinas) sa table nila. Akala namin sa kanila lang. Maya-maya meron na ring dalawang ice kachang sa table namin. Tapos nagbigay pa ng isang big plate na fried rice at chicken na may chili sauce (di ko alam ang exact na tawag dun sa chicken... basta maanghang pero masarap). Pyesta!

Eto pa... dahil ang dami namin nagkabiruan na merong may bday sa amin. Kumanta na ng birthday song sabay palakpakan... typical Pinoy! Game naman yung biniro. Nag-thank you pa *LOL* Aba, maya maya binigyan na naman kami ng 2 pang ice kachang, hahaha. Grabe, pinipilit na nga naming ubusin yung unang binigay biglang may inihain na naman. Parang ayaw na kami pauwiin. Parang too good to be true kasi sobrang bihira yung ganung freebies dito... ang dami.

Ayun natuwa kami. Sulit na sulit ang binayad namin :)

Sunday, August 19, 2007

Notebook

May bagong notebook na si Labs... galing sa company nila. Kahit papaano masaya naman sya kasi 3 or 4 yrs old na ata yung dati nyang notebook. Matagal na nyang gustong palitan yun. Kaso doodads. Buti na lang may notebook na galing sa company.

Naalala ko lang ang tungkol sa notebook kasi kanina natulog na naman si Labs na naka-on pa ang notebook nya. Ayoko naman makialam at baka kung ano mangyari sa mga programs nya. Nagulat na lang ako dahil nag-auto off yung notebook. Naaliw ako, hehe! Palibhasa luma na ang pc ko at walang ganung feature, hehe!

Yung dating notebook ni Labs ay ipinamana na nya sa akin. Pero mas gusto ko pa rin itong desktop ko. 6 yrs ko rin itong kasama (senti na naman, hehe). Pero ginagamit ko rin ang dating notebook ni Labs pag gusto kong naka-aircon... pwede kasing dalhin sa bedroom... ang desktop ko kasi ay nasa sala eh walang aircon dito sa sala. O kaya pag nagmamadali akong mag-online, ang notebook ang ginagamit ko... 2 mins lang ata pwede na. Ito kasing desktop ko eh 50 golden years bago mag-start... umaabot ng 7-8 mins.

Wednesday, August 15, 2007

Blooper

Kahapon kita-kits kami ng dati kong ka-opisina. Excited pa naman ako mag-kodakan biglang ayaw mag-on ng camera. Sh*t! Naiwan ko pala yung battery sa charger. Kaasar. Ibang klase pa naman ang battery nun... buti sana kung AA battery na pwedeng makabili kahit saan.

Hayyyyy, nagiging makakalimutin na rin ako.

Monday, August 13, 2007

Lambingan

Shempre dahil na rin matagal umalis si Labs eh lambingan kami nung dumating sya noong Friday... panay yakap bago matulog. Eto si Kenkoy na biglang kumanta at humirit ng "Can you feel the love tonight?"

Nyahaha!

Friday, August 10, 2007

Dito na si Labs

Kababalik lang ngayon ni Labs galing sa Brunei. At ngayon ko lang din nalaman na sa Monday na pala agad ay papunta naman sya sa Hong Kong. Tapos sa 17 Aug ang balik nya dito then sa 22 Aug alis ulit papuntang Seychelles for 2 weeks. Wahhhhhhhhhhhhh! Kamusta naman yun?

Pero buti na rin at nandito si Labs ngayong weekend. Favorite day ko kasi ang Sunday dahil pag tapos namin mag-Simba ay nagliliwaliw muna kaming tatlo nina Labs at Kenkoy bago umuwi sa bahay. At kaya naman pag out of the country si Labs ay Sunday naman ang pinaka-malungkot na araw para sa akin.

Para sa scrapbooking... blog ko lang para di ko makalimutan...
Balak ko gawan ng layout ang 2007 business trips ni Labs. Ang kaso lang hindi na ata kumpleto ang boarding passes nya. Parang naitapon ko na yung iba. Pero idadagdag ko pa rin ito sa backlog ko.

Thursday, August 09, 2007

National Day

Kahapon ang National Day celebration nina Kenkoy sa school. Pwede raw mag-suot ng national costume o kaya red & white clothes. Eh nagkataon maraming nagsuot ng red & white clothes. Tanong tuloy ni Kenkoy bakit sya naka-white & black... naka-Barong kasi. Sabi ko pag may nagtanong sabihin nya national costume yun sa Philippines.

Anyway, 42nd birthday ngayon ng S'pore. Ang kinatutuwa ko pag National Day celebration ng mga S'poreans ay pag nakikita ko ang mga leaders nila. Parang kagalang-galang talaga. Hindi tulad ng mga leaders sa Pinas na mga... hmmm... never mind... baka uminit pa ulo ko :P At pag nagsalita ang Prime Minister nila ay masarap makinig. Nagkakatotoo kasi. Hindi tulad sa Pinas na parang lagi na lang pambobola.

Sana dumating din ang panahon na magkaroon ng matinong leaders ang Pinas. At sana mag-ok na ang lahat.

Wednesday, August 08, 2007

Editor naman ako ngayon

Nag-buzz kanina sa YM ang sister ko. Kung pwede ko raw i-edit ang emails nya na pinapagawa ng boss nya. Hahaha, patawa... parang ang galing kong mag-Ingles. Pero ginawa ko din. At nakakatuwa lang kasi takbuhan nya ako sa mga ganitong pagkakataon. At gaya nga ng sabi nya sa akin... "Sana lagi kang online." Hehehe!

Monday, August 06, 2007

Favorite Toy

Na-invite ulit kami sa isang kiddie party na gaganapin bukas. Birthday ng schoolmate ni Kenkoy.

Kanina bumili kami ng ipangre-regalo sa Toys R Us. Bigla kong nakita yung Rubik's Cube. Nung college kami ang bilis ni Labs buuin yun. Wala pa atang 3 mins tapos na. Tinuro nya sa akin ang technique. Kaso tagal ko ng hindi nakakalaro. Ewan ko lang kung maaalala ko pa ang technique.

30% off kaya $9+ na lang. Bumili ako ng isa para kay Labs. Sabi ko kay Kenkoy "This is Papa's favorite." Aba at ang bata, tinuro ang katabing toy ng Rubik's Cube at sabay sabing "And this is my favorite." Natawa ako sa hirit ni Kenkoy. Pambata naman yung toy at maganda nga. Kaso pagtingin ko sa price, $60 ata. Ayos sa hirit. Marunong na talagang bumitaw ng punchline si Kenkoy, hehe! Pero di ko binili yung toy... mahal eh :P