Kanina naglaba kami ni Kenkoy. Shempre para kay Kenkoy eh laro laro lang ang lahat dahil hilig talaga nya maglaro ng tubig. Pero habang nagbabasaan at nagkakatuwaan kami eh naalala ko mga experiences ko sa paglalaba.
Sa SG, automatic washing machine ang gamit namin pero ugali ko ng silip-silipin ang nilalabhan ko. Minsan, nagulat ako at nakita ko madaming bills ang lumulutang *LOL*... iba't-ibang currencies... may SGD, PHP, THB, USD, MYR... mga natirang bills ni Labs mula sa mga business trips nya. Ang alam ko na-check ko naman lahat ng pockets pero may nakaligtaan siguro ako ;)
(May 06 update: Ngayon ko lang naisip hindi kaya nasa secret pocket(s) nakalagay yung mga bills. Sobrang secret kaya di ko nakita :P )
Minsan naman nakita ko lumulutang na nappy. Nagpalit kasi ako ng bed sheet namin. Nalimutan ko pinalitan ko rin pala ng nappy si Kenkoy at di ko pa pala natapon sa trash bin... at nasama sa bed sheet & pillow cases. Patawa talaga ko :P
Etong huling kwento ay nakaka-inis. Bagong-bago yung polo ni Kenkoy. Pang-Pasko pa naman sana nya kaso nahawa. Yung brown parts naging pink, hayyyy, kainis talaga. Gift pa naman ng mom ko yun kay Kenkoy. Kaka-inis!!!
Ayan po mga unforgettable memories ko sa paglalaba, hehe! Buti na lang talaga at hindi ako helper kundi baka nasali na ko sa Yaya Diaries ;) At saka buti mabait si Labs at di pa ko kinukutusan. Pero sabi nga ni Cata eh ok lang yan at 4 yrs pa lang naman kaming married ni Labs. Pag golden anniv na raw namin at ganyan pa rin akong maglaba eh ako na raw ang dapat kumutus kay Labs. At bakit? Aba, eh kasi daw 80+ yrs old na ko eh pinaglalaba pa rin ako ni Labs :P
4 comments:
aha! nagma-moneylaundering ka pala! :-)
hehehe ;)
nagulat nga ako... nag-aabang ako na umulan ng pera... ang nangyari lumutang ang mga pera, hehe
sad part is... binalik ko lahat kay labs :(( hehehe
haha! naalala mo pa pala ung labada na sinabi ko sau. hehe....
rule sa paglalaba! FINDERS KEEPERS! hehehe... (kaya lang ke flo puro panyo ang nasa bulsa e. jeeesh!)
Oo naman, naalala ko pa. Pag celebrate namin ng 50th anniv, isa ka sa mga maaalala ko... wag lang ako magkaka-amnesia or Alzheimer's (sp?), hehe!
Alam siguro ni Flo na Finders Keepers kaya sinisiguro nyang panyo lang maiiwan nya *LOL*
Actually, pag below $10 eh hindi ko na sinosoli kay Labs, hehe!
Post a Comment