Simula kahapon balik na ulit ako sa dating buhay, wooohoooo! Tagal ko rin inantay 'to. Ilang linggong na-postpone kasi, hehe! Ang sarap pala ng schedule ng anak ko. Pag hatid ko sa school bus after 4 hours ang balik nya. Dumede lang pag dating tapos nag-afternoon nap na ng 3 hrs. Aba kung ganyan lagi marami akong magagawa sa 7 hours :) Ewan ko lang din. Baka pagod lang sya kahapon. Saka ko pa malalaman kung ano ang pattern sa sked nya. Pero kung 7 hours medyo pabor sa akin yun, hehe! Matatapos ko agad ang paglilinis sa bahay... at makakagawa ng layouts, hahaha! At saka malaking bagay para sa kanya yung 3 hrs nap.
At dahil balik na ko sa bahay. Balik na rin si Labs sa pag-focus sa work nya. May business trip sila ngayon (gusto ko sana sumama, hehe). Last sms nya kakadating lang nila sa airport. Dalangin ko ang tagumpay ng pagpunta nila dun :)
(off-topic)
At ang CX orders ko naman ay wala pa. Ang tagal din pala nun. Kala ko di aabot ng 7 days. Pero natanggap ko na ang FedEx tracking #. Baka bukas o sa 31st nandito na rin :)
8 comments:
aba at na order ka na sa CX ngayon mag isa ha! hehe
hinabol ko kasi yung isang album. na-out-of-stock tapos nag-email ang CX meron na raw ulit. ganda kasi sa web (sana sa reality maganda rin). yung color bagay para magign wedding album. kaya binili ko na baka magaya pa sa MC Hammer mo, hahaha!
di naman ako nagso-solo. tinanong ko naman si steph, hehe! wala raw syang order. tanong nga nya kung ikaw daw magbibitbit pauwi, hehe! sabi ko hindi kasi puro albums... mabigat.
US ka pa ba? kelan balik mo dito?
ang sarap mo naman po! hehehe congrats!
adjustment time ulit salme ;)
para kong lalagnatin. naninibago ako. never ending chores ulit :P
pero sarap na ulit ng tulog ko lalu na sa gabi (hindi na umaga, hehe).
uy opo, mahirap matulog ng umaga. work ko po kasi may isang sabago na overnight every month, hirap na hirap na ako e hehehe samahan pa ng makukulit na anak na nang-gigising hehehe
hehe! si kenkoy mabait naman. di ako ginigising. pag nakita akong tulog di na ko iistorbohin. minsan excited pa yun na pumasok sa bedroom. nagtulug-tulugan ako. nasilip ko sya nung nakita nya kong tulog biglang nalungkot kasi (kala nya) tulog ako tapos lumabas na lang ng room.
nagresign ka na ba TOTALLY??? nalilito ako - kakahingi mo lang ng raise diva? hehehehe!
ako rin ala pa CX order. Meron na rin FEDEX tracking number. Ano ba yan, nangangati na mga kamay kong mag-si-sizzix :))
maan, sorry ang gulo ko mag-kwento, hehe! para maliwanag... part-timer ako. fri & sat lang ang duty. 24 hrs total working hrs in a week.
ang bilis ata ng CX mo. naku, yung sa kin na-wrong add pa. buti may tracking kaya tinawagan ko. na-deliver din pero 8pm na. at least nakatulog ako ng mahimbing, hahaha!
tapos eto pa, yung pinaka-reason kaya ako nag-order, di ganun kaganda sa totoong buhay, hayayay! ok na rin siguro. di lang na-meet expectations ko. the rest, sulit naman.
nobela na itong reply ko, hahaha!
Post a Comment