Shempre pa one of my fave parts of the day --- ang magpatulog ng bata, hehe!
Ito ang pagkakataon na kwentuhan muna kaming mag-ina bago matulog. Dito kami nagkukwentuhan ng mga nangyari sa kanya sa school. Usually sa oras na ito ko rin iniisa-isa ang mga pangaral ko sa kanya sa buhay-buhay (baka nga nakukulitan na sa kin, hehe!).
Kanina inulit ko sa kanya yung mga naituro ko for the day. Pang-remind lang. Naalala naman nya. Tapos sabi ko tandaan nya yun lagi para lumaki syang smart. Para paglaki nya maging smart sya gaya ng Papa nya.
Conversation ulit namin...
Lit Coo: Remember that ok? So you'll be smart. You'll be like Papa.
Kenkoy: *medyo mataas ang tono ng boses... nage-emphasize ng punto nya* I'm not Papa. I'm Kenkoy!
Lit Coo: *natauhan bigla* Ah yeah yeah.. you're Kenkoy. You & Papa are different. You'll be smarter than Papa (hehehe, buti tulog na si Labs kaya di naka-react).
Buti na lang kino-correct ako nitong anak ko. Hindi nga pala sila pareho ng tatay nya. May sariling identity nga naman sya :)
No comments:
Post a Comment