Friday, March 23, 2007

PBB Season 2

Kinwento ko kay Labs na kagabi Dionne made Zeke get the chocolate from her mouth using his mouth.

Usapan namin ni Labs...
Lit Coo: Naku baka ma-automatic eviction si Dionne. Kasi di ba napagsabihan na sya ni Big Brother. 2nd offense na nya 'to. Ano na naman kaya sasabihin nya pag tinanong sya ni Big Brother ng "Dionne, ano ibig sabihin ng pagkuha ni Zeke ng tsokolate sa bibig mo?"
Labs (na sumagot as Dionne): Wala po Big Brother. Flirting lang po. Flirt lang po talaga ako.

Nyahaha! Serious & innocent voice pa si Labs sa pagkakasabi, hehe! Dionne na Dionne ang dating. Galing manggaya. Patawa talaga.

Hayyy pero medyo sad ako kasi gusto ko si Dionne. Although ang top choice ay si Mickey (go Mickey!). Gusto ko si Dionne kasi ma-diskarte at sabi na rin ng mga male housemates eh smart. Competitive sya. Ang kaso lang di mapigilan ang carnal desires (o maari ring baka na-in love nga lang talaga kay Zeke). Nawala tuloy ang pagka-smart. Sayang talaga. Ewan ko, pero para sa akin wala namang ka-appeal appeal itong si Zeke.

No comments: