Sunday, September 30, 2007

Pamilya Kulit

Noong Tuesday, 25 Sept, finally na-inspect na rin namin ang unit namin sa Pinas. Tuwang-tuwa si Kenkoy. Panay ang akyat panaog sa hagdan. Palibhasa walang 2nd floor sa unit namin dito sa S'pore.

Anyway, pagtapos ng inspection ay tumuloy kami sa Megamall. Malapit lang kasi yung condo sa Megamall.

Kinulit ni Labs ang mga sales ladies sa SM. At dahil pareho kami ng frequency ni Labs ay saluhan kami sa mga punch lines. Tawa tuloy ng tawa yung mga sales ladies. Ang saya daw ng pamilya namin. Panay tawanan daw siguro kami :)

Pagsamahin ba naman ang parehong makulit eh di ayos ;) Pati tuloy si Kenkoy may comic timing na rin... manang mana, hehe!

No comments: