Wednesday, October 31, 2007

Convo with Kenkoy/Labs

Madami kami napag-usapan ni Kenkoy kanina pagkagising namin mula sa afternoon nap --- mag-aral syang mabuti, makahanap ng work, magkabahay, etc etc... hanggang sa mapunta ang usapan sa pagkakaroon ng family...

Kenkoy: When I grow up I'll choose a wife.
Lit Coo: Choose a good girl.
Kenkoy: Yes.
Lit Coo: What is a good girl for you?
Kenkoy: Ganda. (ah hehe, lalaki talaga)

Tapos inisa isa ko qualities ng good girl/wife (sa pananaw ko, hehe). Tinanong ko ulit sya kung ano ang good girl. Sa dami dami ng sinabi ko may natandaan naman sya -- "Goes to Church... prays to Jesus" :)

Usapan naman namin ni Labs nung Linggo habang nasa bus stop...
Sabi ni Labs sya daw ay hindi tumitingin sa panlabas na anyo. Ang sabi ko naman sa kanya "Hindi naman kaya iniinsulto mo ako nyan." Hwehehe! Pero binibiro ko lang naman sya. Hindi naman ako insecure sa buhay, hehe! At ang sabi nya mas sa character daw sya tumitingin, secondary na lang ang physical beauty (naks... pang beauty contest ang sagot ng mister ko *LOL*). And few days bago namin mapag-usapan ito ay nabasa ko sa journal nya -- "I'm happy because I have a beautiful, sexy & loving wife." Sabi ko sa kanya eh nangangarap ata sya. Aba, at tumawa. Mukhang ina-acknowledge ang sinabi ko. Loko rin 'tong mister ko ;)

No comments: