Thursday, December 06, 2007

Sobrang Busy

Last week sleep-deprived ako kasi ang aga ihatid si Ate sa church tapos sobrang gabi na susunduin. Mahirap para sa akin yun kasi night person ako kaya di ako sanay magising ng 5am-6am. Kung mag-nap man ako sa umaga eh half awake naman ako pag gising si Kenkoy. Sakit lang sa ulo ang aabutin ko.

Pero kakaiba din talaga na experience yun. Kung pwede lang bang tuluyang ampunin. Alam ko natuwa naman si Ate sa naranasan nya dito. Pinakanagustuhan daw nila ay yung musical play sa Esplanade.

Grabe pa nung Sabado. Christmas party ng NAW-SG, Christmas party din ng Benedictus Choir tapos yung concert pa ni Ate. Kapagod. Pero masaya naman. Eto pala ang picture ng NAW-SG sa nakaraang party...


This week naman busy para sa caroling. Ahmmm, di po ako kakanta (hehe). Bale, ang choir ang kakanta. At ang practice from Wed-Fri ay gaganapin daw sa... tadan... sa unit namin. Oh di ba, para kaming may pa-party every night. Kapagod. Pero masaya din.

At di pa ko nakakapamili ng pampasalubong/pamasko eh sa 11th na ang flight namin. Di pa rin kami nakakapagpa-family pictorial. Hayayay!

2 comments:

elapot said...

o hinga hinga muna :)
lapit na ng pasko, buti pa kayo makakauwi, inggit ako

Lit Coo said...

1 wk lang kami sa pinas. dito din kami magpa-Pasko. excited na rin ako kahit papaano. makakapag-reunion din ang W@W/N@W batchmates 7-8 yrs after our wedding preps. kakatuwa rin talaga ang friendships na nabuo from W@W/N@W :)